Ilang oras nang hindi pa nakakabalik ang Archduke. Kasalukuyan silang kumakain ni Syriel ngayon sa hapagkainan.
Napalunok siya nang maalala ang nangyari sa kanila ng Archduke dito noon. Isa yun sa nakakahiyang nangyari sa kanya sa tanang buhay niya. Gusto niya itong burahin sa utak niya!
“Nasaan po si Papa?” mahinang tanong ni Syriel sa kanya at pareho naman silang napatingin ni Johan na nakatayo sa kabilang banda ng mesa.
Sekreto siyang napangiwi dahil sa pagtawag parin nito ng Papa sa Archduke.
Tumikhim siya saka binalingan si Syriel. “Abala ang Archduke kaya wala siya ngayon dito.” nakangiting aniya.
Nagulat siya dahil sa pagkadismayang ipinapakita ni Syriel. “Gano'n po ba.” malumanay nitong sabi saka tinapos na ang pagkain, habang siya naman ay saglit na natigilan dahil sa inasta nito.
Napalapit na ba ang loob nito sa Archduke sa maikling oras lang na pagsasama ng mga ito?
Ibinalik na niya ang kanyang atensyon sa pagkain habang nakakunot ang noo. Hindi niya naintindihan ang inaasal ni Syriel.
... Hindi naiintindihan o hindi lang talaga niya iniintindi?
Napabuga siya ng malalim na hininga nang pumasok ang isiping iyon sa utak niya. Medyo naguguluhan siya.
.
.
.
Pagkatapos nilang kumain ni Syriel ay hinatid na niya ito sa kwarto. Nakatulog ito habang karga niya pabalik, at nang naihiga na niya ito'y umupo siya sa gilid ng kama at tinignan ang kawalan.
Inalala niya ang takbo ng kwento. Kaunti lang ang naalala niya dahil sa isip niya noon ay hindi mahalaga ang parteng ito.
Hinalukay niya ang kanyang utak upang makaalala lang ngunit wala talaga.
Napabuntong-hininga siya at saka nahiga sa kama. Kahit ngayon lang ay nais muna niyang lumuwag ang nararamdaman niya.
Plano niyang magpahinga kahit isang araw lang ngunit umabot ito ng apat na araw. Dahil nagtataka na siya'y hindi na niya nakayanan pang magtanong kay Johan na ngayon ay kasama nila habang nasa hardin sila.
“Johan. Bakit wala parin ang Archduke?” kunot noong tanong niya. Ang tagal na kasi nitong wala.
Tumingin sa kanya si Johan. “Kasalukuyan ngayong nakikipaglaban ang Archduke sa hilaga ng teritoryo ng Viscount, Miss. Mas lalo kasing dumami ang mga halimaw dahil sa pagtanggi ng Viscount sa tulong ng Archduke.” saad nito.
Napatango-tango siya. Kung gano'n, lumala pala ang sitwasyon.
Dahil nasagot nito ang katanungan niya'y tatahimik na sana siya ngunit bigla niyang naalala ang isang katanungang bumabagabag sa kanya. “May isa pa akong tanong, Johan. Bakit dito ako pinapunta ng Archduke?” tanong ulit niya. Pwede naman kasing sa sulat nalang nito idaan ang gusto nitong pag-usapan.
Hindi niya alam kung bakit pero bigla nalang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Johan. Mukha itong walang maisagot sa tanong niya. “Patawad, miss, ngunit kahit ako ay hindi ko alam ang dahilan.” napakamot ito sa pisngi. “Mas maganda po kung ang Archduke ang tatanungin n'yo tungkol sa bagay na 'yan.” naiilang na dugtong nito.
Napangiwi siya. Kung ang Archduke ang tatanungin niya, sasagutin ba kaya nito?
Tumingala siya sa kalangitan. Makulimlim parin ito. Bigla niyang naalala ang palagi niyang ginagawa kapag ganito ang panahon; ang uminom ng kape. Pero wala ngayon si Marina upang pagsilbihan siya.
Malalim siyang napabuntong-hininga. “I miss, Marina.” bagsak ang mga balikat na aniya.
Kung idagdag ang araw ng pagdating nila rito, limang araw na silang namalagi sa lugar na 'to. Mabuti nalang talaga at palaging handa si Marina kaya mayron silang suot na damit ngayon ni Syriel. Hindi niya ito napansing may inilagay na malaking bag sa likuran ng karwahe, at kung hindi sila sinabihan ng mangangabayo ay siguro'y wala silang damit ngayon. Tag-li-lima ng pares ng damit nila ni Syriel ang naroon at mayron pa talagang sapatos na paborito niya.
Maaasahan talaga si Marina, at mukhang inaasahan narin nitong mayron na namang mangyayaring masama sa kanya. Tuwing mayron kasi siyang dadaluhang pagtitipon, palaging nadudumihan ang suot niya dahil sa pakikipag-away sa ibang mga aristocrat.
Napabuntong-hininga na naman siya saka bumaling kay Johan. “Johan. Hindi mo ba nami-miss si Marina?” seryosong tanong niya ngunit may halong panunudyo.
Napangiti si Johan at bahagyang namula ang tainga nito. “Paano ko po mami-miss ang isang tao kung sanay na akong hindi ko siya palaging nakikita, Miss?” makahulogang saad nito.
Hindi niya napigilan ang ipakita rito ang awaang naramdam niya. Simple lang ang pagsasalita nito ngunit ang sinasabi naman nito'y ang sakit sa dibdib.
“I pity you, Johan.” naiiling na aniya.
Bahagyang natawa si Johan. “Please don't, Miss.” anito.
Napangiwi nalang siya naka napailing-iling. One-sided nga naman. Ang hirap siguro nito. Mabuti nalang talaga at wala siyang nararamdaman tungo sa Archduke kaya hindi iyon matatawag na one-sided. She just approached him to break the upcoming engagement of her and the crown prince.
“Ate! Ate!” biglang tawag ni Syriel sa kanya at ipinatong nito ang baba sa hita niya nang makalapit ito. Galing ito sa paglalaro. “Bakit po ba may dalawang lingguwaheng ginagamit ang mga tao? Hindi ko po kasi maintindihan ang ibang mga sinasabi n'yo.” saad nito habang ang labi ay nakanguso. Nakapatong na kasi ang pisngi nito sa hita niya kaya bahagyang napanguso ito.
Hinaplos niya ang buhok ni Syriel. “May kasaysayan yan Syriel. Gusto mo kwentohan kita?” tanong niya at tumango naman si Syriel.
“May paparating pong ulan, Miss.” biglang saad ni Johan habang nakatingala at tinitignan ang langit.
Tumingala rin siya at tinignan ang sobrang madilim na kalangitan. Sa itim ng ulap ay siguradong uulan na ito pagkatapos ng ilang minuto. Bigla siyang na dismaya.
“Parang sa loob na tayo magke-kwentohan, Syriel.” aniya kay Syriel saka tumayo at binuhat ito. “Ang itim kasi ng mga ulap.” dugtong niya.
Tumango naman si Syriel at sabay silang dalawa ni Johan na bumalik sa loob ng kabahayan, ngunit ang plano nilang kwentohan ay naudlot dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Akala niya'y mamaya pa ito babagsak.
“Ahhh!!!” biglang sigaw ng isang katulong kaya agad silang napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw.
“May nakapasok na halimaw!” sigaw ng isa pang katulong.
Bigla siyang hinarangan ni Johan na labis niyang ikinapagtataka. “Miss, kami na pong bahala rito.” ani Johan at tinawag ang isang katulong. “Samahan n'yo ang Miss pabalik sa kwarto niya.” utos nito sa mga ito.
Akmang tututol siya ngunit bigla niyang naalala si Syriel na buhat niya. Ayaw niyang madamay ang bata.
“Sige. Mag-ingat kayo Johan.” tanging nasabi nalang niya saka umalis na at bumalik sa kanyang kwarto.
Nagkagulo sa buong kastilyo dahil sa isang halimaw na nakapasok. Hindi siya pwedeng lumabas dahil dilekado, at isa pa, kasama niya si Syriel.
GABI NA at kakatapos lang nilang kumain. Dinalhan nalang sila ng mga katulong ng makakain para hindi na sila lumabas.
Malalim siyang napabuntong-hininga saka tumabi na kay Syriel sa pagtulog.
“Ate..” napabaling siya kay Syriel nang bahagyan nitong hinila ang manggas ng damit pantulog niya. “Di po ako makatulog.” mahina nitong sabi.
Tumagilid siya ng higa saka ipinaunan kay Syriel ang braso niya. “Gusto mo ituloy natin yung kwentohan natin kanina?” tanong niya.
Tumango si Syriel saka isiniksik ang sarili sa kanya. Ngayon pa ito nagpakwento kaya sigurado siyang nagulat ito sa nangyari kanina. Hayst. Maski nga siya ay hindi parin nilulubayan ng gulat dahil sa nasaksihan niya.
“Noong unang panahon, mayroong magkaaway na dalawang emperyo. Ang Emperyo ng Warlradge at Emperyo ng Failaeir. Ang Emperador ng Failaeir ay isang napakamasamang Emperador kaya nagkaroon ng kahulugan at nag-alsa ang mga mamamayan at nakipagpanig sa Emperyo ng Warlradge.” pag-uumpisa niya sa kwento habang masuyong sinusuklay ang buhok ni Syriel. “Noong una ay hindi pa nais ng Emperador ng Warlradge na magkaroon ng digmaan kaya ipinadala niya ang kanyang unang anak na lalaki upang ayusin ang kanilang relasyon, pero sa kasamaang palad ay gumawa ng masama ang Failaeir. Nawalan ng buhay ang unang anak ng Emperador at doon na sumiklab ang digmaan.”
“Natalo ng Warlradge ang Failaeir at nasakop nito ang buong Emperyo. Dahil nagsama na ang dalawang Emperyo, naging mas malaki na ito.” nakangiting aniya at matiim namang nakikinig si Syriel habang may buong paghangang nakaukit sa mukha nito. “Pagkatapos, napalitan na ang Emperador ng pangalawang prinsipe. Umibig ang prinsipe sa prinsesa ng Failaeir kaya ito ang naging Empress niya. Mahal na mahal nila ang isa't isa at handang gawin ng bagong Emperador ang lahat upang mapasaya lang ang Empress. Gustong-gusto ng empress ang kultura ng Warlradge at ang lingguwahe kaya pinabayaan lang ng Emperador ang Emperatris sa gusto niyang gawin. Pero lingid sa kaalaman ng Emperador, may iba pa palang plano ang Emperatris. Ginawa niyang lingguwahe ng mga maharlika ang lingguwahe ng Warlradge at lingguwahe naman ng mga mahihirap ang Failaeir. At dito na nagsimula ang dalawang lingguwahe.” kwento niya.
Kumikislap naman ang mga mata ni Syriel habang nakatingin sa kanya. “Pero, pwede po ba akong mag-aral ng lingguwahe ng Warlradge?” tanong nito.
Ngumiti siya saka tumango. “Oo naman. Noon ay ipinagbabawal na gumamit ng dalawang wika ang isang tao, ngunit nang napalitan na naman ang Emperador at Emperatris ay pinayagan na ang dalawang antas na gamitin ang kahit anong lingguwaheng nais nila. Kaya kung gusto mong matuto, tuturuan kita.” pinisil niya ang ilong ni Syriel na ikinatawa nito. Mukhang nakalimutan na nito ang nangyari kanina.
“Pangako n'yo po yan ah?” nakangiting anito habang nakataas ang pinky finger nito.
Napangiti siya. “Oo naman.” tugon niya at nakipag pinky promise.
Malawak na ngumiti si Syriel saka niyakap ang kumot. “Salamat, Ate.” inaantok nitong sabi.
“Walang anuman.” aniya saka hinagkan ang pisngi nito. “Matulog ka na.” saad niya na tinanguan nito.
Nang ipinikit na ni Syriel ang mga mata ay kumanta siya ng lullaby hanggang sa makatulog ito.
Plano niyang kwentohan pa si Syriel ngunit baka ma trauma pa ito. Ang Emperatris kasi ay nagtaksil sa Emperador at nagkagulo na naman ang Emperyo, at nang nawalan ng buhay ang dalawa ay pumalit sa pwesto ang pang-anim na prinsipe dahil walang naging anak ang dalawa. Hindi niya masasabing payapa na dahil mayron paring alitan ang dalawang panig, at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang galit ng bawat bahagi ng Imperial family. Sa pagkakaalam niya'y ang Wolreign family lang ang hindi nahaluan ng dugo ng mga Failaeir kaya magkaaway ang Crown Prince at Archduke. Magpinsan nga ang dalawa ngunit sa side lang naman yun ng Warlradge. Ang pamilyang Wolreign ay galing sa mga Warlradge. Sa pagkakaalam niya'y higit na ipinagbabawal na maikasal ang pamilya ng Archduke sa mga Failaeir.
Mabuti nalang talaga at wala siyang dugong galing sa imperial family. Ang mga ninuno niya ay galing sa pamilya ng mga witches— sa pagkakaalam niya, at galing din sa pamilya ng baron na kahit kailan ay walang naging relasyon sa mga taga imperial.
Tinignan niya si Syriel at tulog mantika ito. Parang hindi ito magigising hanggang mamayang madaling araw.
Hinalikan niya ulit ito sa noo at saka umalis na ng kama. Inayos niya muna ang pagkakakumot sa katawan nito bago niya ito tinalikuran.
She took her cloak and open the door at the terrace and closed it without making a sound.
Lumapit siya sa railing at tumuntong roon. Tumingin siya sa ibaba at napalunok siya dahil sa sobrang taas. Fifth floor kasi itong kwartong tinutuloyan niya.
Aish! Wala siyang makukuha kung matatakot siya!
Huminga siya ng malalim saka tumalon na at kinuntrol ang hangin para hindi masama ang kanyang pag-bagsak.
Nang tumapak na ang mga paa niya sa lupa ay agad na siyang tumakbo paalis. Wala siyang nakikitang mga tao kaya diretso ang takbo niya hanggang sa makarating siya sa mataas na gate ng Archduchy.
Mayrong puno rito at wala siyang nakikitang tao kaya ginamit niya ang puno upang maka-akyat siya at hangin naman sa pagtalon niya.
The perks of being an elemental witch.
Nagtataka siya dahil wala siyang nakikitang taong nagbabantay. Parang nasa pakikipag-away sa mga halimaw ang mga nagbabantay dito.
She tsked. She shouldn't think about that right now. Ang kailangan niyang isipin ngayon ay ang magmadali hanggat hindi pa nalalaman ni Syriel na wala siya.
Mas magiging madali ang lahat ng 'to kung marunong lang siya ng teleportation magic. Pero walang magtuturo sa kanya ng gano'n.
Nang makarating na siya sa kagubatan ay sinimulan na niya ang sadya niya.
She draw a magic circle and hunt a monster to sacrifice for it.
Maybe, after this, she'll gain a black magic.
Nang makakuha siya ng isang maliit na halimaw ay inilagay niya ito sa gitna ng magic circle habang umaagos ang dugo nito at saka binigkas ang mga engkantasyon.
As the magic circle glow bright. She raised her hands and feel the cold wind.
“Wind, I beg for your help, get the monster's breath, and end this horror!” sigaw niya kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin.
As an elemental witch, she can manipulate the elements; water, earth, air, fire, and spirit. But everything has a compensation.
Sana'y makauwi pa siya ng ligtas.
Itinaas pa niya ang kanyang mga kamay at mas dinama pa ang malakas na bugso ng hangin. There it is. The dark breath of the monsters... She can feel it!