CHAPTER 16

2546 Words
Napayakap sa sariling katawan si Querencia nang nakaramdam siya ng lamig ngunit kapagkuwan ay mayrong bagay na pumatong sa kanyang noo na ikinagulat niya. Ang laki ng bagay na nakapatong sa noo niya at nagbibigay iyon ng init sa kanyang katawan. At dahil sa nilalamig siya ay hinawakan niya iyon at inilipat sa pisngi niya saka siya tumagilid upang ipatong ang kanyang pisngi rito. Dahil sa lamig ay ipinagsawalang bahala na niya kung ano nga ba ito. Ikinuskos niya ang kanyang pisngi rito at para siyang mantikilya na natunaw dahil sa init nito. Komportableng-komportable siya at ayaw na niya itong bitawan. Sa ilang sandali'y napamulat siya nang gumalaw ang bagay na nagbibigay init sa kanya. Dahil sa antok ay lutang na lutang siya at wala sa tamang huwisyo. Tinignan niya ito at may nakita naman siyang braso. Itinaas niya ang kanyang tingin at tinignan kung ano o sino ito. Nakita niya ang isang lalaking nakayuko at nakatingin sa kanya. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang puso nang mapagtanto kung sino ito. “My Lord?” paos niyang sabi at saka tumihaya. Panaginip ba 'to? Bakit ito nandito sa panaginip niya? Wala sa sariling napangiti siya saka inabot ang pisngi nito na ikinagulat ng lalaki. “You're so handsome, My Lord.” puri niya saka unti-unti itong hinila palapit sa kanya. “What are you doing?” pabulong nitong tanong at halatang nagtataka sa inaakto niya. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. Kahit sa panaginip ay ang ganda parin ng boses nito. At dahil sa maliwanag na sinag ng buwan ay kumikislap ang pula nitong mga mata. Kitang kita niya ang magaganda nitong mga mata at gwapo nitong mukha. His smooth skin, thick eyebrows, ruby color and sharp eyes, aristocratic nose, natural red lips and his perfect squared jaw. She really can't believe that she can touch a treasure like this with her barehands. Napatingin siya sa mapula nitong labi. Parang ang lambot nito. Dumausdos ang kanyang daliri at hinaplos ang labi nito. As what she expected, it's really smooth like a cotton. Napakagat labi siya. Ang sarap siguro nitong halikan. Wala siyang karanasan sa isang halik kaya hindi niya alam kung anong pakiramdam nito. Pero sabi ng ibang mga tao ay masarap daw ito. Lalo niya itong hinila palapit sa kanya at maliit nalang na distansya ang namamagitan sa kanilang dalawa. “I ask you again, woman. What are you doing?” madiing tanong nito kaya napatingin siya sa mga mata ng Archduke. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I'm the one who should ask you, My Lord. What are you doing here?” in my dream... Nakita niyang natigilan ang Archduke sa naging tanong niya. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. At sa ilang sandali'y bumaba na naman ang kanyang mga mata sa labi nito. She wants to experience what does kissing feels like. “Castriel...” mapang-akit niyang sambit sa pangalan nito at walang pasabing hinila niya ang mukha saka walang pag-aalinlangang hinalikan ang labi nito. Nakadikit lamang ang kanyang labi dahil hindi naman siya marunong humalik. Pero tama nga ang naisip niya. Ang lambot nito. It's just a peck yet it felt so good. She felt something tingling in her stomach and her heart was beating so fast. She felt so weird but she like it. Ramdam niyang natigilan ang Archduke ngunit wala lang iyon sa kanya. Mas diniinan pa niya ang paghalik at wala siyang pakealam kung tumugon man ito o hindi, basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay nawala na ang kuryusidad niya sa pakiramdam na noon pa niya iniisip. It's just a dream but, it felt so real. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata kasabay ng paglayo niya rito. “It's so good, My Lord!” nakangiti niyang sabi rito at saka ito niyakap. Hindi siya nito tinulak at hinayaan lang siya na mas lalong nagpasaya sa kanya. “If you act like this, My Lord. I might fall for you...” because my heart was so fragile when it comes to men like you. Unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata at napahikab siya. Sa ilang sandali'y bumalik na siya sa pagtulog habang may ngiti sa mga labi. “ATE! ATE!” niyugyog ni Syriel ang katawan niya na pumukaw sa natutulog niyang diwa. Pinahiran niya ang gilid ng kanyang mga mata saka tinignan ito. “Ano yun?” agad niyang tanong. Naiiyak na tumingin sa kanya si Syriel. “Magaling na po ba kayo? Nag-alala po ako ng sobra sa inyo dahil ang init n'yo noong nakaraang araw. Kaagad ko pong pinuntahan si Papa pero wala pa siya kaya sila Ate Chiya nalang ang sinabihan ko. Tapos sinabihan din nila si Kuya Johan at may tinawag silang lalaki. Ginamot ka po niya pero hindi parin po kayo gumagaling. Akala ko po patay na kayo dahil hindi kayo gumigising.” mahaba nitong sabi at bigla nalang pumalahaw ng iyak. “Ayaw ko po kayong mamatay, Ate. Ayos lang sakin kung hindi kayo pumayag na tawagin ko kayong mama, basta lang po ay wag n'yo akong iwan.” mas lalo itong umiyak kaya niyakap niya ito. “Hindi ka iiwan ni Ate, Syriel. Kaya tumahan ka na.” alu niya rito habang hinahagod ang likuran. Ang ganda ng bungad ng umaga niya. Kahit na anong alu niya kay Syriel ay hindi parin ito tumatahan kaya hinayaan nalang muna niya itong ilabas ang lahat ng luha nito. Kung umiyak ito'y parang mayron itong isang bagay na ayaw mawala. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan nito. Ramdam niya rin ang labis nitong pag-aalala kaya wala siyang magawa kundi ang aluin ito ng aluin. Sa ilang minutong lumipas ay laking pasasalamat niya nang tumigil na ito sa kakaiyak. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi saka pinahiran ang luha nito. “Magaan na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya na agad naman nitong tinanguan. Napabuntong-hininga siya. “Namumugto na ang mga mata mo.” nag-aalala niyang sabi kaya napanguso si Syriel. “Sabi ni Papa sa ibang kwarto raw ako matutulog.” saad nito at hindi niya alam kung sumbong ba ito o balita. Pinisil niya ang pisngi nito. “Natatakot ka ba?” tanong niya. Agad na umiling si Syriel. “Hindi po, Ate! Sa kabila lang po ang kwarto ko kaya hindi po ako natakot...at...” napanguso na naman ito habang nilalaro ang mga daliri. “sabi po ni Papa, big boy na daw ako kaya gusto ko pong do'n na matulog.” tumingala ito sa kanya habang may nagmamakaawang tingin. “Pwede po ba doon na ako matulog?” nagpapa-cute itong tumingin sa kanya at dahil wala naman siyang rason upang hindian ito ay pumayag siya. “Oo naman. Pero kapag gusto mo ng kasama, pwede kang pumunta rito.” bilin niya at mabilis itong tumango. “Opo! Salamat ate!” masigla nitong sabi at bigla nalang tumayo saka hinila siya. “Kain na po tayo!” excited na saad nito na ikinangiti niya. “Sige. Pero magbibihis muna ako.” saad niya at tumingin naman sa kanya si Syriel na parang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. “Pero nakapagbihis na po kayo.” inosente nitong sabi kaya ginulo niya ang buhok nito. “Pantulog itong suot ko Syriel, kaya kailangan kong magbihis ng damit panlabas katulad nang sa suot mo.” aniya. Napatango-tango si Syriel. “Gano'n po ba...” Napailing-iling siya habang may ngiti sa labi at saka umalis na ng kama. “Miss, gising na po ba kayo?” rinig niyang saad ng isang babae sa labas ng pinto. Para itong si Chiya. Ito ang babaeng tinutukoy ni Syriel kanina. “Oo. Maari ka nang pumasok.” tugon niya at pumasok naman ito. “Ate Chiya! Magandang umaga po!” masiglang bati ni Syriel na ikinangiti ni Chiya. “Magandang umaga rin sayo, Syriel.” nakangiting anito saka bumaling sa kanya. “Magandang umaga rin po. miss.” bati nito. Napangiti rin siya. “Magandang umaga rin.” bati niya pabalik. Ang ganda talaga ng umaga niya. Ang ganda kasi ng napanaginipan niya kagabi. “Ate!” hinila ni Syriel ang damit niya upang kunin ang atensyon niya. “Aalis na po ako.” paalam nito. Kinuskos niya ang ulo nito. “Sige. Wag masyadong makulit, ha.” bilin niya ulit at tumango naman ito saka mabilis na tumakbo palabas. Napailing-iling siya. Kakabilin pa lang niya pero hindi parin sinunod. Bata nga naman. “Natutuwa po ako't magaling na kayo, Miss. Labis pong nag-alala si Syriel at nakikita ko po sa mata nito ay umiyak ito.” ani Chiya na ikinalingon niya rito. “Humahanga po ako sa tapang ni Syriel, Miss. Hindi po kasi siya umiyak simula no'ng dumating ang Archduke. Parang pinipigilan po niyang hindi maiyak.” nakangiting wika nito. Napangiti rin siya. “Tama ka, matapang nga siya.” sang-ayon niya saka naglakad na patungo sa paliguan. Naligo na siya at nag-ayos narin. Tinulongan siya ni Chiya sa lahat ng ginawa niya maliban sa pagligo, at kasalukuyan na nitong inaayos ang buhok niya ngayon. Ipinatuyo na niya ito kanina pagkalabas niya ng paliguan kaya hindi na ito mahihirapan sa pag-ayos sa kanya. “Maari po ba akong magtanong, Miss?” tanong ni Chiya habang sinusuklay ang buhok niya. “Oo, naman. Ano ba yun?” tanong niya pabalik. Mukha kasing nag-aalangan ito. “Uhm... Kailan po kayo magpapakasal ng Archduke?” tanong nito at bigla nalang siyang natigilan. Magpakasal?! Wala pa yan sa plano niya! Peke siyang tumawa bago nagsalita. “Wala pa yan sa plano ko.” aniya. Nangunot ang noo ni Chiya. “Pero paano po si Syriel? Patawad po kung pinangunahan na namin kayo ngunit alam ng lahat na anak n'yo po at ng Archduke si Syriel.” mahinhing saad ni Chiya. Wala siyang masabi rito. She's literally speechless. Sa ilang sandali'y naibuka na niya ang bibig at nagsalita. “Uhm...paano n'yo nasabing anak nga namin si Syriel?” tanong niya. Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ni Chiya at sumigla ito. “Simpleng-simple, Miss! Kamukha po kayong dalawa ng Archduke ni Syriel! At tsaka, ang pamilya lang po ng Archduke ang mayrong itim na buhok! Noong dumating nga po kayo rito ay halata talagang isa kayong pamilya! Suportado po kami sa inyo at wala lang sa amin yung kumakalat na balita tungkol sa inyo ng Crown Prince. Alam po naming peke iyon!” saad nito at halos masira na ang eardrum niya. Ang hyper ni Chiya. Ayaw niyang sirain ang pag-asa nito ngunit kailangan. May sadya siya sa Archduke ngunit ayaw naman niyang idamay ang ibang tao. “Salamat sa suporta ninyo ngunit hindi ko talaga anak si Syriel.” saad niya na ikinatigil ni Chiya. “Base sa naririnig n'yo, Ate ang tawag sa akin ni Syriel. Hindi ko nga alam kung bakit nagmumukha ko siyang anak.” dugtong niya at napasinghap naman si Chiya. “Naku po, Miss. Hindi kaya may—” “Naisip ko rin yan kaya gusto ko ring tanungin ang Archduke.” pagputol niya sa iba pang sasabihin ni Chiya. Ngayon pa niya na naisip na itatabi muna niya ang plano para sa sarili niya. She need to find out something. Kailangan niyang malaman kung sa Archduke nga ba talaga ang bata o hindi. Paulit-ulit na sinasabi ni Johan na walang naging babae ang Archduke ngunit mas mabuti nang nakakasigurado siya. Lalaki ang Archduke at malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad nito. Imposible namang wala pa itong nagalaw kahit ni isa. Ito lang din ang nakakaalam sa kung ano ang totoo. Napalapit narin kasi ng tuluyan si Syriel dito. “Wag n'yo pong pahirapan ang sarili n'yo, Miss. Naniniwala po akong nakatadhana ang lahat. At may tiwala rin naman po ako sa panginoon namin na mabuti siyang lalaki kahit na nakakatakot ang awra at tingin niya.” saad ni Chiya na bahagyang nagpatawa sa kanya. “Tama ka.” sang-ayon niya. Nakakatakot din kasi ang lalaking yun ngunit minsan ay wala itong epekto sa kanya. Nang natapos na si Chiya sa pag-aayos ng buhok niya'y lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa hapagkainan kasabay si Syriel ngunit wala roon ang Archduke. Hindi ito sumipot. She felt a little disappointed because she can't talk to him. His only free time is in dining time yet he's not present. Wala silang ibang magawa ni Syriel at pagod na itong maglaro kaya niyaya nalang niya itong mag-aral. Mabilis na nakukuha ni Syriel ang lahat ng itinuturo niya kaya ang ganda nitong turuan, at bilang isa ring bata, kailangan nito ng papuri sa mga magandang nagawa nito. Palagi niya itong pinupuri ngunit parang hindi ito sapat. Bukang bibig nito ang salitang "Papa". Napapagod na siya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng isang single parent?! Kung ganito man, ayaw na niya. Sa loob ng tatlong araw ay hindi nagpakita ang Archduke sa kanya! Ganito ba ito ka busy?! Kung gano'n, sana sinamantala na niya ito sa panaginip niya! Argh!!! “Uhm...Miss..” pagtawag ng isang katulong sa kanya kaya napalingon siya rito. “Ano yun?” tanong niya. Nag-aalangan naman itong nagsalita. “Uhm... Hindi parin daw po makakasabay sa pananghalian ang Archduke...s-sabi po ng butler.” saad nito na nagpainit sa ulo niya. Ang sarap sunugin ng opisina nito. Nangangati na ang kamay niya. “Miss. Gusto n'yo po bang magpahangin muna?” biglang suhestiyon ni Chiya na kumuha sa atensyon niya. Napabuntong-hininga siya. “Tama ka.” saad niya saka tumayo at binalingan si Syriel na nagbabasa ng libro. “Syriel, lalabas muna ako ha.” paalam niya at lumingon naman ito sa kanya. Saglit siya nitong tinitigan at tinanguan lang saka nito ibinalik ang atensyon sa libro. Napangiti siya ng peke. Bakit pamilyar ito? Kung umakto ito ay katulad noong una niyang nakausap ang Archduke. Mag-ama ba talaga ang dalawang 'to? Napahilot siya sa kanyang noo saka tumalikod na at naglakad paalis. Sinundan siya ni Chiya ngunit pinigilan niya ito. “Samahan mo nalang si Syriel, Chiya. Sa labas lang ako.” saad niya. Nasa loob kasi sila ng library ngayon. Yumukod si Chiya. “Masusunod po.” anito kaya naglakad na siya paalis. Dahil sa lawak ng kastilyo ng Archduke ay napunta siya sa malawak nitong hardin. Ang dami ng bulaklak na narito. Habang naglilibot ay may napansin siyang isang squirrel. Mayron itong dalang mga mani na pagkain nito. Tumalungko siya saka pinanood ito. Ang cute nito habang pinapasok ang lahat ng mga mani sa bibig nito. Habang tinitignan ito'y bumabalik siya sa pagkabata. Lumingon sa kanya ang Squirrel at lumapit. Gumagalaw ang ilong nito na para bang inoobserbahan siya. Kapagkuwan ay nagtaka siya nang mayrong bulto ng isang tao na humarang sa sikat ng araw. Tumalikod ang squirrel na tila ba natakot at mabilis itong umalis. “What are you doing here, Miss?” biglang saad ng isang baritonong boses kaya nagulat siya at napaigtad. Dahil sa sinabi nito'y biglang bumalik ang memorya ng panaginip niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya at ang hirap nitong pakalmahin. “Should I ask you again?” maawturidad ang boses nito kaya lumingon siya rito at tinignan ito. “Uhm...Hi!...My Lord?” kinakabahan na bati niya habang nanginginig na itinaas ang kamay. Bakit kinakabahan siya na para bang mayron siyang nagawang masama tungo rito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD