Matiim na nakatitig ang Archduke kay Querencia kaya mabilis siyang tumayo saka tumungo.
“I greet the Archduke, Lord of Wolreign.” magalang na aniya saka tumayo na ng tuwid at nginitian ito. “Good afternoon, My Lord!” nakangiting bati niya.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba sinusuri siya.
Bigla siyang nailang dahil sa inaakto ng Archduke. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
“What are you doing here?” matigas nitong sabi na agad niyang ikinakaba.
Bawal ba siya rito? Pero wala namang sinabi sila Chiya na may lugar siyang dapat hindi puntahan. Pinag-aralan niya saglit ang mukha ng Archduke at mukhang galit nga ito.
May nagawa ba siyang mali na hindi niya alam? But, she behaved. Maliban nalang doon sa panaginip niya.
Magkahawak ang kanyang mga kamay at walang tigil itong gumalaw. Sinyales ito na kinakabahan na talaga siya. Alam niyang wala siyang ginawang masama pero naaapektohan siya sa nakakatakot na awra ng Archduke.
Sa kabila ng kanyang kaba ay nakayanan na niyang ibuka ang kanyang bibig at magsalita. “Am...Am I not allowed—?” no, she shouldn't ask a question. Mabilis siyang yumuko at humingi ng tawad rito. “Pardon me, My Lord. Nagpahangin lang ako at napadpad ako rito kaya nandito ako.” lakas loob niyang saad.
Hinintay niya ang tugon nito nang ilang segundo ngunit hindi ito nagsalita, bagkos ay bigla nitong hinawakan ang kanyang noo dahilan upang gulat na mapatingala siya rito.
“Are you still sick?” seryosong tanong nito saka dumungaw upang magpantay ang kanilang mga mukha. Agad siyang napaatras ng kaunti dahil sa paglapit nito.
“U-uhm... I-I've recovered, My Lord.” utal niyang saad dahil hindi parin kumakalma ang puso niya.
“Kung gano'n, bakit namumutla ka? Wala ka naman sigurong ginawa na hindi ko magugustohan, Miss?” tanong nito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Ang paraan ng pagtitig nito'y parang binabasa ang emosyon niya.
Napalunok siya nang maalala ang ginawa niya sa panaginip niya. “W-wala akong ginawang masama, My Lord. I'm innocent.” aniya sabay iwas ng tingin.
Binitawan ng Archduke ang kanyang noo at tumayo na ito ng tuwid. “Bakit ka nauutal, Miss Lynn? Nagdududa tuloy ako kung mayron ka nga bang ginawang hindi maganda...” bumalik na naman ang matalim nitong tingin kaya mabilis siyang umiling.
“I behaved well, My Lord!”
Bakit parang ini-interrogate siya nito?! Ang tanging nagawa lang naman niya na hindi maganda ay yung sa panaginip niya— but wait, is it really a dream? Kung panaginip iyon, bakit nasa kwarto niya ang Archduke? Alam niyang ilag ito sa babae at himala lang na narito siya. Imposibleng totoo yun. Dahil kung totoo, wàla na siyang ūlo ngayon.
“You look like a scared kitten, Miss Lynn. Why is that?” biglang tanong nito at para bang natatawa.
Is he making fun of her?! Hah! Unbelievable!
Wala sa sariling napanguso siya. “You're so unpredictable, My Lord.” aniya saka pinag-krus ang mga braso. Kahit papaano ay nabawasan na ang tensyon na nararamdaman niya.
“So you are, Miss Lynn.” saad nito saka tinalikuran siya.
Nakahinga siya nang maluwag nang tumalikod na ito. Mukhang wala ng magbibigay sa kanya ng nerbiyos.
Bahagyan siyang napaigtad nang bigla itong tumigil saka nilingon siya. “Follow me, Miss Lynn. Mayron tayong dapat pag-usapan.” saad nito at awtomatikong bumalik na naman ang nerbiyos niya.
Shyt! Bakit pakiramdam niya'y pinapatawag siya ng magulang niya at kinakabahan dahil sa gusto nitong pag-uusapan!
“Hurry, Miss Lynn.” dugtong nito kaya mabilis siyang kumilos.
Akmang susunod na siya rito ngunit naalala niya ang walnut na naiwan ng squirrel. Mabilis niya itong binalikan saka kinuha at humabol na sa Archduke. Halos tumakbo na siya dahil sa haba ng mga biyas nito. Ang isang hakbang ng Archduke ay parang kalahati lang ng sa kanya.
“W-wait...My Lord!” tawag niya rito at agad naman itong tumigil kaya naabutan niya ito.
“Oh my gosh. My legs...” bulong niya habang hinihingal. “P-please slow down, My Lord.” wala sa sariling tinapik niya ang likuran nito at napakapit sa damit nito.
Napagod siya ng sobra! Bw*sit!
Ilang minuto silang tumigil at nakatayo lang ang Archduke sa tabi niya. Hindi ito umimik o gumalaw man lang. Pakiramdam niya'y isang poste lang itong katabi niya.
“Oh my gosh. Di ko na kaya.” pagod na saad niya saka naglakad habang umiika patungo sa bench sa gilid ng mga bulaklak. Wala siyang pake kung naiwan niya ang Archduke. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay ang makaupo siya. Kanina pa kasi siya palakad-lakad at sumasakit na ang paa niya. Mukhang na pílayan ata siya dahil sa suot niyang sandal.
Hinubad niya ang sandal na suot nang nakaupo na siya at inilagay iyon sa paanan ng upuan. Sumandal siya at hinayaan ang katawan na makapagpahinga. Parang mantika siyang natunaw mula sa pagkakaupo sa upuan. Wala na siyang lakas na tumayo pa.
“Are you alright?” biglang tanong ng Archduke kaya napalingon siya rito. Nakatayo ito sa gilid kaya nakatingala na naman siya.
Tinapik niya ang upuan. “Maupo muna kayo, My Lord.” aniya. “Sumasakit kasi ang leeg ko sa inyo.” pabulong niyang reklamo.
Bahagyan siyang nagulat nang umupo nga ang Archduke sa tabi niya. Hindi ito umimik at naka-krus lang ang mga braso. Pakiramdam niya'y hinahayaan siya nitong makapagpahinga.
Well, how so sweet of him...
Nang nakabawi na siya'y nag-umpisa na siyang magsalita. “Maari ko bang malaman kung anong pag-uusapan natin, My Lord?” pag-uumpisa niya sa usapan.
Tumingin sa kanya ang Archduke. “It's about Syriel.” saad nito saka pinakatitigan na naman siya. “Is he really not your son?” dugtong nito na muntikan nang ikalaglag nang kanyang panga.
“W-what?... D-did I heard it right, My Lord? You're... you're asking if Syriel is my son?” gulat niyang tanong saka napakurap-kurap at nakatitig lang ito sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha nito.
Hindi mapaniwalang nakatingin siya rito. “Kahit kailan ay wala akong naging nobya, My Lord. Wala nga akong kahit isang lalaki.” aniya at hindi parin tanggap ang nangyayari.
Nagdududa itong tumingin sa kanya. “Are you being honest, Miss Lynn?” tanong nito at bigla nalang bumagting sa kanyang tainga ang salita nito.
Is he suspecting her?!
Biglang uminit ang ulo niya at mabilis na tumayo. Napangiwi siya saglit dahil biglang sumakit ang kanyang paa ngunit hindi niya ito pinahalata.
Nakapamewang niya itong hinarap. “Correction, My Lord! Mas magkamukha kayo ng bata kaysa sakin! Mula ulo hanggang paa kaya sa sarili mo ituon ang iniisip mo, My Lord! At tsaka, bakit mo ako pinagdududahan eh alam kong alam mo namang wala nga akong naging lalaki! Yourself! Your self should be the one you'll doubt, My Lord! Baka nga ikaw yung may babae! Lalaki ka, My Lord, kaya alam mo ang dahilan! I'm a v|rgin for Pete's sake!”bulyaw niya rito at parang umuusok ang ilong at tainga niya dahil sa inis.
Biglang tumayo ang Archduke at frustrated na ginulo ang buhok nito. Mukha rin itong naiinis. “So I am, Miss Lynn! You're my first—” bigla itong napatigil at umupo pabalik.
Napatigalgal siya habang nakaawang ang labi. W-what did he say?
S-she's his first?
Biglang nag-init ang kanyang mukha at nagwala na naman ang puso niya.
Napabalik siya sa pag-upo at pareho sila ng Archduke na nakatingin sa magka-ibang direksyon.
Her heart is acting weird.
She's his first...
“I— M-my Lord...” unti-unti siyang lumingon dito. “Am...am I really your first? Like, literally?” tanong niya.
“Yes.” matigas nitong sagot.
Napakurap-kurap siya. “Wow, My Lord...” walang kabuhay-buhay niyang sabi saka napayuko. “I'm your first yet you're not accepting my marriage proposal...” saad niya at wala itong halong biro. She's serious.
Bumuntong hininga ito. “Shut it, Miss.” madiing saad ng Archduke ngunit wala lang ito sa kanya.
Bakit ba ayaw nitong magpakasal sa kanya? Maganda naman siya at marunong humawak ng mga responsibilidad. Kaya rin niya itong tulongan sa pag-aalaga sa Archduchy. Maayos din ang ugali niya. Anong kulang sa kanya?
“Didn't I should take responsibility for taking your first, My Lord?” tanong niya ulit saka tinignan ito.
Gano'n parin ang posisyon ng Archduke. Nakaupo ng tuwid at naka-krus ang mga braso. “Don't make it sound like you have taken my v|rginity, Miss Lynn.” he tsked.
Inosente siyang tumingin dito. Did it really sounds like that?
Taking responsibility...
Napayuko siya at nanginginig ang mga balikat niya. She can't stop it. Kapagkuwan ay napahagalpak siya ng tawa. Wala siyang pake kung hindi ito bagay sa sitwasyon nila ngayon. The only thing in her mind is the archduke's reaction.
“HAHAHAHA! My Lord! You sounds like a teenager! HAHAHAH!” she's laughing out loud until tears are coming out of her eyes. She can't help it. It's so funny!
Tinapik tapik niya ang braso ng Archduke habang walang humpay paring tumatawa.
“Is there's something funny, Miss Lynn?” istrikto nitong sabi at naningkit ang mga mata.
Mas lalo siyang natawa, at kapagkuwan ay nahimasmasan na siya at nakahinga nang maluwag. “My stomach hurts...” reklamo niya habang hawak ang tiyan.
Napailing-iling lang ang Archduke sa kanya. “Looks like you're having a great time, Miss Lynn.” seryosong saad nito.
Napangiti siya saka pinahiran ang luhang lumabas mula sa kanyang mata dahil sa matinding pagtawa. “Pardon me, My Lord. It's just so funny to think that you're still a v|rgin.” natatawang aniya kapagkuwan ay sumeryoso. “By the way, My Lord. Do really not have any woman?” puno ng kuryusidad niyang tanong.
Bumuntong hininga ito na para bang nagsasawa na sa kakatanong niya. Well, he can't blame her. He's already passed in marriageable age yet he's still like that. Hindi niya masyadong kilala ang Archduke kaya naiisip niya ito. Kaunti lang kasi ang linya ng Archduke sa nobela.
“Kung may babae ako, wala ka rito, Miss Lynn.” he said, stating the fact.
Napaisip siya. “Tama ka, My Lord. Pero hindi parin mawawala sa isip ko na baka nga anak mo si Syriel.” tinignan niya ito habang may nagdududang tingin. “As I know, My Lord. You're the only descendant of the Wolreign.” dugtong niya.
Nilabanan nito ang kanyang tingin. “So you are, Miss. You're the only daughter of the baron. Your relatives are living in the south. And.” naningkit ang mga mata nito. “Your the only one who have that kind of blue eyes.”
Napakurap-kurap siya sa sinabi nito kapagkuwan ay natawa. “I know that I'm unique, My Lord.” biro niya at napabuntong-hininga nalang ang Archduke.
Hindi umimik ang Archduke ng ilang segundo kaya napabuga siya ng malalim na hininga. There's no point of joking around anymore. She need to be serious, because, also her, she's doubtful.
“Can I ask you, Miss Lynn?” pagpútól ng Archduke sa katahimikan at tumingin sa kanya. “Why did you take that child?” tanong nito.
Mapakla siyang napangiti. Handa siyang sagutin ito kahit anong oras pero may bumabagabag sa kanya. Pero kailangan parin niyang magsalita.
Sumandal siya sa usapan saka tumingin sa malayo. “Nakikita ko ang sarili ko kay Syriel, My Lord.” she remembered how pítiful she was when she ran away from the baron's house when she's still a child, and she ended up became a victim of húman tràffíckérs.
“Noong una ko siyang nakita...hindi ko alam pero parang may humihila sa akin na dapat ko siyang isama. You saw it yourself, My Lord. Naki-alam lang ako sa ibang tao at doon ko nakilala si Syriel. The first time I saw his eyes and hair— that makes me think of you. When I took him home, I saw that he really resembles you, like a carbon copy. Pero pinagsawalang bahala ko muna iyon, My Lord. Kahit na sinasampal na ako ng katotohanan at pagdududa. I keep myself blind, but now, since you're asking me. I can tell that he's yours...” sinulyapan niya ito saka napailing-iling. “I can't swallow my words, My Lord. I don't know whose child is he. Pero sa tuwing may nangyayari kay Syriel, naaapektohan din ako. I act like a mother without knowing it.” napahawak siya sa kanyang baba.
Hindi pa nag-iisang buwan ngunit napalapit na siya sa bata. Yan ang ikinapagtataka niya. Hindi siya masyadong malapit sa katulad nito ngunit pagdating kay Syriel ay agad lumalambot ang puso niya.
“I understand.” tugon ng Archduke kaya napalingon siya rito. May nakikita siyang emosyon sa mga mata ng Archduke na para bang pareho sila ng nararamdaman...or is it adherence?
“Nga pala, Miss Lynn. Mukhang aabutin ng isang buwan ang pamamalagi mo rito. Ayos lang ba 'yon sayo?” bigla nitong tanong.
“Bakit, My Lord?” tanong niya pabalik. Bigla siyang kinabahan dahil sa sinabi nito. Baka hindi parin nawawala yung mga halimaw.
“The portal got destroyed. It will take a month to fix it. If you're desperate to go home, it'll take 2 months using carriage.” anito.
Napaupo siya ng tuwid saka napabuntong-hininga. Aabutin nga sila ng 2 months kapag karwahe lang ang gagamitin nila pauwi. Ang portal kasi ang nagpapadali ng transportation dito sa emperyo.
Wala sa sariling napanguso siya. Kung magi-stay siya rito. Libre kaya?
Tumingin siya sa Archduke habang may nagmamakaawang mga mata, at mukhang nakuha naman nito ang pinapahiwatig niya.
“Since I'm the one who ordered to take you here, I'll take the responsibility.” parang walang magawa nitong sabi ngunit lumiwanag naman ang kanyang mukha at napangiti. “And please behave while you're staying here.” babalà nito kaya biglang nawalan siya ng pag-asa.
Humaba na naman ang kanyang nguso. Paano niya aàkitin ang Archduke kung magpapakabuti siya? Nag-uumpisa pa lang siya sa plano pero binibigyan na ng bàbala.
Bigla siyang napaigtad nang biglang pitikin ng Archduke ang kanyang noo kaya napahawak siya rito.
“Your thoughts are clearly written on your face, Miss Lynn. You're thinking something impúdent, are you?” nagdududang anito.
Nag-iwas siya ng tingin. “I'm not, My Lord. You've mistaken it.” pagtanggi niya.
Naningkit ang mga mata nito at kapagkuwan ay napabuntong-hininga. “You and your thoughts are really dàngerous.” anito at agad na tumayo.
Napatanga siya sa sinabi ng Archduke. Napaka inosente kaya niya! At papaanong dilekado siya eh wala pa nga siyang nagagawa!
“Aren't you going inside?” tanong nito na agad na kumuha sa kanyang atensyon.
“I sprained my ankle, My Lord. I can't walk for now.” saad niya habang nagpapa-cute na nakatingin dito.
‘Please, carry me, My Lord! Please carry me!’ paulit-ulit niyang sabi sa isip niya. She should take this opportunity!
Tinitigan siya nito na para bang binabasa ang mukha niya. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito.
“Should I carry you?” tanong nito.
Tumaas ang kanyang mga kilay at sa isang saglit ay biglang napangiti. “That would be great, My Lord! You're an angel!” tila bata niyang pagpuri rito at napailing-iling nalang ito saka siya pinangko.
Mabilis siyang napahawak sa leeg ng Archduke para hindi siya mahúlog nang naglakad na ito. Baka kasi magbago bigla ang isip nito at bitawan siya.
Tahimik lang na naglalakad ang Archduke at diretso lang sa daan ang tingin nito.
Bigla siyang napaisip.
He's doing something unexpected that can melt her heart. Ganito ba ito sa ibang babae?
Nang maisip niya ang bagay na iyon ay sumikip bigla ang dibdib niya. Why is she feeling like this?