CHAPTER 18

2268 Words
Pagkapasok nila Querencia sa loob ng manor ay napasinghap ang lahat ng mga katulong na nakakita sa kanila. Bigla siyang nahiya dahil sa paraan ng pagtitig ng mga ito sa kanya. “Uhm...My Lord...” pagtawag niya rito at saglit naman siya nitong pinansin. “What is it?” malamig nitong sabi kaya biglang umurong ang dila niya. Napakurap-kurap siya at sumilip sa kanilang likuran. Hindi parin nawawala ang gulat na ekspresyon ng mga katulong. Napatingin ulit siya sa Archduke. Kung makatingin ang mga katulong sa kanya ay parang hindi ang mga ito makapaniwalang buhat-buhat siya ng Archduke. “My Lord, ako rin ba yung kauna-uhanang babaeng binuhat n'yo?” kunot noong tanong niya. Saglit na natigilan ang Archduke at kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi sinagot ang tanong niya. Silent means Yes! A wicked smile stretched her lips. She wrap her arms around the Archduke's neck and lean her head on his shoulder. “Hmmm, I guess it's a Yes.” she said while grinning. Napabuntong-hininga nalang ang Archduke. “Shut it, Miss Lynn.” saway nito sa kanya. Iniangat niya ang kanyang ulo at napanguso. “My Lord. I am Miss Querencia, not Miss Lynn.” naningkit ang kanyang mga mata. “We're not stranger at all, My Lord, so please call me by my name.” seryosong aniya. Nagkasalubong ang mga kilay ng Archduke. “Are you ordering me?” malamig nitong sabi. Humaba ang nguso niya. “My Lord, if I can order you, it would be an order of marrying me. And...” tumaas ang hintuturo niya saka humagikgik. “order you to took your clothes off— ouch!” mabilis siyang napahawak sa kanyang noo nang bigla itong pitikin ng Archduke. Ang sakit nito pero kaya lang naman niyang tiisin. Pero ang sakit parin! Anong nagawa niyang masama para saktan siya nito ng ganito?! Sinasabi lang naman niya ang nasa isip niya. Kasalanan ba niya kung iniisip niya kung ano ang totoong itsura ng katawan ng Archduke kung wala itong suot? “Querencia...” sambit ng Archduke sa pangalan niya at bigla nalang tumibok ng malakas ang puso niya. Her name sounds so good when he say it. “Y-yes, My Lord?” utal niyang sabi habang kumikislap ang mga mata. She don't know why but she felt excited. “It means sanctuary yet your mind is so unh0ly. Why is that?” tinaasan siya nito ng isang kilay habang siya naman ay nanlaki ang mga mata. Paano nalaman ng Archduke ang kahulugan ng pangalan niya?! Pero taika! “You're to mean, My Lord! My mind is so innocent!” asik niya. “Innocent, huh?” tila hindi naniniwala nitong sabi. Sinamaan niya ito ng tingin. “I wish I could hurt you, My Lord.” hindi niya napigilang sabihin dito. “Víolence turns into béhéaded.” ngumisi ito ng nakakatakot sa kanya. “Now, wanna fight?” nanghahamon nitong sabi. Lihim siyang napairap. “No, My Lord.” mabilis niyang pagtanggi. “But, if it's in bed, I'll accept it.” pabiro niyang bulong sa sarili. Akala niya'y hindi nito naring ang sinabi niya, ngunit nagkakamali siya. Hindi makapaniwalang napailing-iling ang Archduke sa kanya. “If you're not my guest, I would put you in prîson.” walang kaemo-emosyong tugon ng Archduke. Napasinghap siya dahil sa gulat at napatingin rito. “Y-you heard it, My Lord?!” biglang namula ang kanyang mukha. “It was just a joke!” hindi niya napigilang sigaw at mas lalo pang nag-init ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahang maririnig nito ito. Ibinulong niya lang iyon sa sarili! “I heard it loud and clear, Miss. I could imprîson you for séxüal hārassmênt.” saad nito. Wala sa sariling hinawakan niya ang kwelyo ng Archduke upang magpantay ang kanilang mga mukha. “Then, if you'll imprison me! I should undrêss you right now!” malakas niyang hinila ang magkabilang kwelyo ng Archduke dahilan upang magliparan ang mga butones nito. “What the fck?!” gulat nitong sigaw at bigla nalang nawalan ng balanse ang katawan ng Archduke ngunit sinangga parin ang katawan niya. Ngayon pa niya napansing isang kamay lang pala nito ang nakahawak sa kanya. “Ack! My Lord!” mabilis siyang napayakap sa leeg nito at sa isang saglit ay isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa hallway. Napadaing siya sa sakit ng pwétan niya. Ito ang unang lumanding. “Fck.” nahihirapang saad ng Archduke kaya napalayo siya rito. Nakahawak ang isang kamay nito sa likuran ng kanyang ulo kaya hindi ito tumama sa sahig. “I— I'm sorry, My Lord.” agad niyang paghingi ng tawad. Nakokonsensya siya. Argh! Nakakainis talaga itong anger issue niya! Ang dali niyang mapikon! “Are you alright?” nag-aalalang tanong ng Archduke sa kanya at napatitig naman siya rito. Ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ay tumatama sa gwapo nitong mukha. Ang kintab ng maitim nitong buhok at ang pula naman nitong mga mata ay kumikislap. At ang mapula nitong labi... “Diyos ko po!” biglang sigaw ng pamilyar na boses ng babae at sabay silang napalingon dito. Nakita nila ang gulat na mukha ng Mayordoma. Deja Vu... NANATILING nakayuko si Querencia habang kinakausap sila ng Mayordoma. Nasa pang-isahang upuan ang Archduke naka-upo habang ang mayordoma naman ay nasa isa pang upuan na kaharap nito, at siya na nakaupo sa malaking sofa na napapagitnaan ng dalawa ay kinakabahan. Nahihiya rin siya dahil pangalawang pagkakataon na ito nangyari. “Walang galang na pero marami ang kwarto rito, Your grace at Miss. Bakit sa pasilyo pa kayo gumagawa ng milagro? Noong una ay ayos lang dahil ako lang ang nakakita sa inyo, ngunit ngayon, baka ano na ang isipin ng ibang katulong kung sila ang nakakita sa inyo.” pag-uumpisa ng Mayordoma sa usapan. Mas lalong nag-init ang kanyang mukha. Hindi sila gumagawa ng milagro! “Alam ko kung gaano ka lalim ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa ngunit wag n'yo munang sundan ang Young Master. Bata pa siya at kailangan ng atensyon at pagmamahal mula sa magulang. Naiintindihan ko kayo ngunit magdahan-dahan muna kayo.” malumanay na saad ng Mayordoma. Napatakip siya sa kanyang mukha. Anong magdahan-dahan?! “She started it.” turo ng Archduke sa kanya kaya napa-angat siya ng mukha at sinamaan ito ng tingin. “You're the one who started it, My Lord. You're threatening me.” matapang siyang nakatingin dito. Sinulyapan siya ng Archduke at bigla itong naging titig na nagbigay sa kanya ng pagkailang. “Really?” puno ng sarkasmong anito. Umingos siya saka pinag-krus ang mga braso at padaskol na bumaling sa ibang direksyon. “Yes!” aniya. Napahilot sa sariling noo ang Mayordoma at kapagkuwan ay malalim na bumuntong hininga. “S'ya nga pala. Kailan magaganap ang kasal ninyong dalawa?” nakangiting saad ng Mayordoma habang siya nama'y gulat na gulat na nakatingin dito. “Kahit hindi n'yo man aminin, alam namin ang relasyon ninyo. Kaya huwag n'yo nang itanggi pa.” dugtong nito. Mabilis namang itinuro ng kanyang hintuturo ang Archduke. “Ayaw niya po akong pakasalan! Nagtataka nga ako kung bakit ayaw niya eh maayos naman akong babae!” tila batang hindi napagbigyan niyang sumbong. Napasinghap sa gulat ang Mayordoma at hindi makapaniwalang nakatingin sa Archduke. “Oh my. Your Grace, kailangan n'yo na pong magpakasal. Tumatakbo ang oras at ang Young Master ang kawawa sa sitwasyon ninyo.” anito. Tumaas ang kilay niya. Sinong Young Master? May anak ba talaga ang Archduke? Paano na siya? “Young Master?” kunot noong tanong ng Archduke sa Mayordoma. Mukha itong walang alam kung kapagtanong. Mahinhing tumawa ang Mayordoma. “Yan po ang naging tawag ng ilan sa mga katulong kay Young Master Syriel. Wala kasing pagdududang anak n'yo nga talaga siya kaya naunahan na namin kayo.” nakangiting anito. Umawang ang kanyang labi. For real?! Lumingon siya sa Archduke at napabuntong-hininga lang ito habang nasa Mayordoma parin ang atensyon. “Okay. Where's that child right now?” tanong nito. Lumungkot ang mukha ng Mayordoma. “Pasensya na ho ngunit hindi ko pa siya nakita ngayong araw, Your Grace.” anito. Lumingon sa kanya ang Archduke at alam na niya ang itatanong nito kaya sumagot siya. Wala naman siyang mapapala kung mag-mamaang-maangan siya. “Nasa library, My Lord.” agad na aniya. Tumayo ang Archduke at tinignan lang niya ito. Hihintayin niya itong lumabas at sasabay nalang siya sa Mayordoma. Hindi parin kasi nawawala ang hiyang nararamdaman niya na pilit lang niyang itinatago. “Aren't you going?” kunot noong tanong nito. “Sasabay ako kay Manang Yona.” sagot niya. Papalit-palit namang tumingin sa kanila ang Mayordoma at para itong nahila sa away ng dalawang taong magkarelasyon. “I know that you can't walk. And you left your sandal. Are you gonna crawl into your room?” istrikto nitong sabi. Napakagat labi siya. Pwede naman siyang maglakad nang nakapaa. Masyado ring pa fall itong Archduke eh. “Naku, miss. Mas maganda po kung sa Archduke kayo sasabay. Papunta po kasi ako sa kusina upang ipaghanda ang inyong hapunan.” biglang singit ng Mayordoma. Mukhang wala na siyang magawa. “Then, please, My Lord.” aniya at lumapit naman ito sa kanya saka binuhat siya. Kung makabuhat ito'y parang sanay na sanay na ito. Tahimik lamang siya habang naglalakad ang Archduke. Nang nasa pinto na siya'y pinagbuksan sila ng Mayordoma. Nasa isang kwarto kasi sila kung saan sila pwedeng makapag-usap ng pribado. Nang nakalabas na ay wala parin siyang imik. “Ihahatid muna kita sa kwarto mo.” biglang saad ng Archduke kaya napatingin siya rito. Napalunok siya. “U-uhm...sige...” tugon niya saka nag-iwas ng tingin, ngunit ang tingin na iyon ay napunta sa dibdib ng Archduke. Kitang kita niya ang dibdib nito. “Eyes up there, Miss Querencia.” bigla nitong sabi at napatingala naman siya. Saktong nagkasalubong ang kanilang mga tingin kaya agad siyang nag-iwas. Bakit sa ganitong sitwasyon pa nito ginamit ang pangalan niya? “I'm just checking if I could fix your clothes, My Lord.” pagdadahilan niya. “Then, how was it?” tanong nito habang nasa daan parin ang tingin. Tumikhim siya upang mawala ang hindi kaaya-ayang ideya sa utak niya. She's turning into p*rvert because of his firm chest! “I-I could fix it.” bahagyang namula ang kanyang mukha nang tumitig parin ang kanyang mga mata rito. Hindi niya ito magawang iiwas. Querencia, you're innocent! You're innocent! Hindi ito gawain ng isang mahinhin na dalaga. “Okay. Ihahatid ito ni Johan sa'yo mamaya.” seryosong saad nito. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa Archduke. Gusto talaga nitong ayusin niya ang damit nito?! Pero!— hayst. Siya pala ang nakasira. “I'll wait for it, My Lord.” saad niya saka isinandal ang ulo sa balikat nito. She could smell him. Ang bango nito ngunit hindi niya mawari kung anong klaseng pabango ang naamoy niya. “Kumalma ka na ba?” biglang tanong ng Archduke na kumuha sa atensyon niya. Anong ibig nitong sabihin? “What do you mean, My Lord?” tanong niya pabalik. Bumuntong hininga ito. “I thought your mad. You also said that I'm thréàténing you.” kalmado nitong sabi at wala naman sa sariling napangiti ang kanyang labi. Dinibdib ba nito ang inakto niya? “That's just my anger issue, My Lord.” saad niya at kapagkuwan ay nawala ang ngiti niya. “And about thréaténing, everytime you mention about tàking someone's life, it scared me. Lalong lalo na't kaya mo yung gawin nang walang pag-aalinlangan.” malumanay niyang saad. “Am I that scary?” biglang tanong nito. She nod. “To be frank. Yes, My Lord.” she look up at him and showed her pinky finger like a kid. “So, could you please promise me that you'll never tàke my life? I won't hàrm you in any way, My Lord. I just want to survive. I approached you because I know that when it's you, I'll be safe.” pagtatapat niya. Kumunot ang noo ng Archduke. “So, getting married at the crown prince... your life will become dangerous. Is it, Miss?” tanong na naman nito. Tumango siya. “And if he's not a crown prince, are you gonna marry him?” Umiling siya. Bakit siya magpapakasal kung yun ang napili ng ama niya. “Why?” Isiniksik niya ang mukha sa leeg ng Archduke. Mas kumakalma kasi siya kapag ganito. “I want to marry someone whom I choose, My Lord.” sagot niya. Inaasahan niyang sasagot ang Archduke ngunit hindi ito kumibo. Hindi nalang siya nagsalita pa ulit dahil ayaw niya itong pakasalan siya ng pilit. She could wait anytime. She'll wait... Saglit siyang natigilan nang gumalaw ang mga braso ng Archduke at ang isa na nitong braso ang may hawak sa kanya kaya mas napalapit siya sa katawan nito. He hooked his pinky finger on hers. “I promised that I won't tàke your life and I'll protect it. But, I can't promise that I'll marry you.” saad nito na ikinagulat niya. “Is that enough?” tanong nito kapagkuwan. Saglit siyang napatulala at kapagkuwan ay matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. “Thank you, My Lord!” masaya niyang sabi at mahigpit itong niyakap. She's happy that her life was saved. All she could do now is to make the Archduke say YES to her proposal. “Thank you so much, My Lord!” pagpapasalamat niya ulit. Tinapik lang ng Archduke ang likuran niya at hindi na ito nagsalita pa. Ang ngiti sa labi niya'y hindi kayang maglaho. She's so happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD