Nag-aalalang lumingon si Marina sa terrace ng kwarto ng Miss. Dito ito palaging tumatambay kapag bagot ito.
Napabuntong-hininga siya. Halos mag dadalawang linggo naring wala ito. Wala siyang natanggap na kahit ni isang balita tungkol dito. Ang natanggap lang niyang balita ay tungkol sa mga halimaw na sumalakay sa hilaga. Nasira raw ang portal nito kaya walang makakadaan. Mas lalo siyang nag-aalala tungkol dito dahil kasama nito si Syriel. Alam niyang mahihirapan ito sa pagbabantay ng bata.
Malalim ulit siyang napabuntong-hininga. Sana'y may tutulong sa Miss doon sa hilaga.
Napaangat siya ng tingin nang makita ang kanyang kasamahan na humahangos na tumatakbo patungo sa kanya.
“Marina! Narito ang Baron! Hinahanap ang Miss!” agad na balita nito sa kanya kaya bigla siyang kinabahan.
Ano na naman ang sadya ng Baron?
“Nasaan ang baron?” tanong niya.
“N-nasa salas.” kinakabahan nitong sagot.
Tumango siya saka naglakad na papunta sa loob ng manor. Pagkapasok niya'y napaigtad siya sa gulat nang mayrong lumipad na maliit na vase sa direksyon niya at nabasag iyon sa dingding. Ilang distansya lang ang layo nito para tumama sa ulo niya.
Napalunok siya habang pinipigilan ang kaba. Kailangan niyang kumalma.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Lord Tyrone?” magalang niyang saad habang nakayukod.
Pinandilatan siya nito. “At nasaan na naman ang magaling ninyong binibini?!” galit na sigaw nito.
Pasekreto siyang bumuntong hininga. Ngayon ay laking pagpapasalamat niya dahil wala rito ang Miss. “Nasa hilaga po ang Miss, Lord Tyrone. Inimbitahan siya ng Archduke ng Wolreign noong nakaraang linggo.” mahinahong sagot niya.
Umuusok sa galit ang Baron habang nakatingin sa kanya. Kapagkuwan ay naglakad ito palapit sa kanya at dinuro siya. “Magpasalamat ka't kaibigan ko ang iyong ama.” madiin nitong sabi saka siya binangga ang balikat niya at nilampasan.
Mabigat ang bawat paghakbang nito na tila ba galit na galit talaga.
Pagkaalis ng Baron sa Manor ay saka pa siya nakahinga ng maluwag.
Minsan talaga'y napapaisip siya kung ama nga ba talaga ito ng Miss. Ang sama kasi nito bilang ama. Kung umakto ito'y parang hindi nito anak ang Miss. At dahil sa baron ay nasira ang pangalan nito. Ito ang dahilan kung bakit nabansagang "witch of social circle" ang Miss. Ang baron mismo ang pasimuno nito. At dahil wala namang magagawa ang Miss para linisin ang pangalan niya, pinanagutan nalang ito nito. Her miss became a wícked woman.
Napailing-iling siya. Sana'y maayos ang kalagayan ng miss sa Archduchy. Nag-aalala siya sa kalagayan nito ngunit mas nag-aalala siya para sa Archduke. As what she said, her miss is a wícked woman. If she saw something she likes, she'll always get it and never give up. Her miss might not have an experience at dating yet she's an expert. Her miss learned all of them from romantic novels.
Balita niya tungkol sa Archduke ay ilag raw ito sa mga babae, kaya kung umipekto man ang mga paraan ng Miss, magdidiwang talaga siya.
Kung iisipin ang dalawa'y bagay ang mga ito. Isang makulit na binibini at istriktong ginoo.
Bigla siyang namula. Bakit niya naiisip 'to?! Nahawaan na talaga siya ng Miss! Dahil dito'y tumaas tuloy ang istandar niya sa mga lalaki.
Natigilan siya nang lumabas sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking nais niyang makalimutan. Hindi niya ito gusto ngunit pasok ito sa tipo niya.
“Kung mag-papakasal ako ngayon, wala ng katulong ang Miss...” bulong niya sa sarili at kapagkuwan ay napabuga ng malalim na hininga. Marami pa pala siyang kailangan trabahuin.
Naglakad na siya patungo sa kusina at pumasok roon. Kailangan niyang ibaling sa ibang bagay ang atensyon niya. Nangungulila na kasi siya sa Miss niya, pati narin kay Syriel.
BAGSAK ANG MGA balikat ni Querencia pagkalabas niya ng silid ni Syriel.
Gusto niyang samahan siya nito ngunit abala ito sa pag-aaral. Sinabihan kasi ito ng Archduke noong nakaraang araw na mag-aral daw ito ng mabuti dahil mas maganda daw kapag maaga itong matoto. Totoo naman ito at makakabuti para kay Syriel ngunit nasobrahan ang batang iyon. Palagi nalang libro ang kaharap at hindi man lang makausap nang matino kahit ilang saglit. Sobrang nakafocus ito sa pag-aaral.
Napabuntong-hininga siya. Bagot na bagot na siya dahil wala si Syriel. Wala siyang magawa kundi ang maglibot sa napakalaking tahanan ng Archduke.
Bigla siyang napatigil nang madaanan niya ang opisina ng Archduke, ngunit bigla niyang naalala na hindi pala ito pwedeng istorbohin dahil abala rin ito. Bigla kasi itong dinumog ng mga maharlika kahapon at natambakan ito ng papelis na kasing taas ng bundok kung iisipin.
Napabuntong-hininga ulit siya. Ano na ang gagawin niya? Siya lang mag-isa dahil pinagbantay niya sila Chiya kay Syriel. Ayaw din kasi niyang mayroong sumusunod sa kanya maliban kay Marina.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya. Kasalukuyan siya ngayong nasa hardin. Nagbabakasakali siyang mawala nito ang bagot na nararamdaman niya.
Naglakad siya palapit sa isang napakagandang pulang rosas at hinawakan iyon. Kasing pula nito ang mga mata ng Archduke. Ang ganda ng kulay nito.
Kung para sa ibang tao, kulay dúgo ito na sumisimbolo sa mga digmaan na pinamunuan ng Archduke, ngunit para sa kanya ay isa itong ruby.
Napatayo siya nang tuwid nang may nakitang gumagalaw sa likod ng damuhan. Dahil sa kuryusidad ay nilapitan niya ito at tinignan.
Napasinghap siya. “Wow... ang cute...” mangha niyang saad habang pinagmamasdan ang isang squirrel na kumakain ng walnut.
Bahagyan siyang natawa nang maalala ang unang squirrel na nakita niya rito. Ganito rin ang ginagawa nito.
Ang squirrel na kaharap niya ngayon ay may kulay abo na balahibo, habang ang nakita naman niya noon ay may kulay-kape na balahibo.
Tumalungko siya. “Hello! Kumusta.” bati niya rito. Kung may makakita man sa kanya ay siguradong iisiping nababaliw na siya dahil sa pagkausap sa hayop ngunit baliwala lang ito sa kanya. Naniniwala kasi siya sa kasabihang "mas masahol pa ang tao sa hayop" kaya mas magandang kausapin ang hayop kahit na hindi ito nagsasalita.
Tinitigan siya ng squirrel ng ilang segundo kaya hindi siya gumawa ng galaw na maaring ikatakot nito. She remained calm and trying to be in the squirrel's good side.
Tumingin siya sa mga walnut na kinakain nito. “Pwedeng humingi ng isa?” nakangiting tanong niya.
Mukhang naintindihan naman nito ang sinasabi niya. Iniwan nito ang isang walnut bago ito umalis na ikinangiti niya. Nagpasalamat siya rito kahit na hindi niya alam kung narinig o naintindihan ba nito.
Feels like Deja Vu. Bakit ganito ang mga squirrel? Abala ba ang mga ito? At ang tatalino rin nila.
Pagkawala ng squirrel ay pinulot na niya ito. Tinitigan niya ang walnut at inobserbahan kung paano ito bubuksan. Yung una kasi niyang nakuha ay nakalimutan niya kung saan niya inilagay.
Inalala niya ang mga nakita niyang bata noon na binubuksan ang isang walnut. Pinupukpok nila ito ng bato.
Inilibot niya ang kanyang tingin at naghanap ng bato. May nakita siyang batong kasing laki ng kamao. Inilapag niya sa isang malapad na bato ang walnut saka tumalungko at pinukpok ito.
Tagumpay niyang na byak ang shell nito. Napangiti siya at saka mabilis itong kinuha at binalatan saka kinain. Malinis naman ito kaya ligtas itong kainin.
Inobserbahan niya ang lasa ng walnut. It's her first time eating this raw. Lasang mani parin.
Hinawakan niya ang kanyang pisngi habang nginunguya ito.
Hmmm, if she could, she'll ask another walnut at that squirrel again.
Kapagkuwan ay bahagyan siyang natawa dahil sa iniisip niya. Baka magalit ang mga squirrel dahil nagiging abusado na siya. Second time is enough.
NAPAHAWAK SA SARILING BATOK SI Castriel nang natapos na niya ang isang papelis na kaharap.
Malalim siyang napabuntong-hininga. He's so tired. Kailangan niyang magpahinga ng ilang oras ngunit ang dami pa ng papelis na aasikasohin niya. Halos kalahati palang ang natapos niya.
Napatingin siya sa pintuan nang may kumatok doon. “May I come in, Your Grace?” boses ito ni Johan.
“Yes, come in.” pagod na tugon niya saka tumingin sa labas ng bintana.
Lumapit sa kanya si Johan at saka inilapag nito ang dalang tray sa bakanteng parte ng mesa niya. “Here's your tea, Your Grace.” anito.
Hindi parin niya binibigyan ng atensyon si Johan. He saw something interesting.
Nakita niya si Querencia na naglalakad sa hardin at tumitingin sa bulaklak. It's a rose.
Nakatalikod ito mula sa kanya kaya hindi niya makita ang ekspresyon nito sa mukha.
Kumunot ang noo niya nang binitawan ito ni Querencia. Is she not picking it?
Mas lalo siyang nagtaka nang umalis ito at saka nagpunta sa malapit sa isang puno. Parang may kinakausap ito.
Nasa pangalawang palapag siya kaya hindi niya masyadong nakikita ang kaharap nito. She seems talking to something— something little, and after a while, she get something from the ground.
Ngayon pa niya napagtantong squirrel pala iyon. Nakita niya ang buntot nito. Ang hindi nalang niya alam ngayon ay ang pinulot nito.
Naglakad ito patungo sa isang malapad na bato. Inilagay nito ang pinulot at naghanap ito ng isang bagay.
Nagkasalubong ang mga kilay niya nang kumuha ito ng isang bato at may pinukpok ito. Bahagyan siyang nagulat nang bigla itong pinulot at kinain ni Querencia.
Her expression was like she's eating something new food.
Kapagkuwan ay bahagyan siyang natawa nang mapagtanto walnut pala ang kinain nito. Ito lang kasi ang kinakain ng mga squirrel dito.
Her expression was a little confused. Is it her first time?
“Johan. What do you think the miss is doing right now?” tanong niya kay Johan habang nakatingin parin sa labas. Nakatukod ang kanyang braso sa mesa bilang suporta sa kanyang ulo.
Saglit na nagtaka si Johan dahil sa tanong niya, ngunit sumagot din kapagkuwan. “I think, she's in her room.”
“Why?” tanong niya ulit habang nasa labas ang tingin.
Mas kumunot ang noo ni Johan at halatang nagtataka na talaga. Kapagkuwan ay sumagot ito. “It's because the child was studying, Your Grace.” anito.
Lihim siyang natawa. So she's wondering around because the child was busy. And now, she's acting like a child.
“Adorable...” bulong niya sa hangin.