“Parang sa susunod pa na araw ko maibabalik sayo ang damit mo, My Lord.” ani Querencia habang kumakain. Kasalukuyan sila ngayong nasa hapagkainan, kumakain ng hapunan.
“Okay.” maikling tugon ng Archduke bago sumubo ng pagkain.
Lumingon siya kay Syriel at agad na nagkasalubong ang kanyang mga kilay nang makitang inilalagay nito sa gilid ng pinggan ang mga carrots.
“Syriel, you should eat that.” bulong niya rito at lumingon naman ito sa kanya. Wika ng Warlradge na ang ginagamit niya tuwing kinakausap na niya ito para masanay ito. Nakakaintindi narin kasi ito kahit na sa maikling panahon lang ito nakapag-aral. Bigla tuloy siyang nainggit sa katalinuhan nito.
“Don't want to.” nakangusong saad nito.
Napabuga siya ng malalim na hininga. “That's good for your health.” pangungumbinsi niya rito.
Mas lalong humaba ang nguso ni Syriel. “it didn't taste good.” reklamo nito at nagmamatigas parin.
“But—”
“Don't force him if he don't want to eat it.” biglang singit ng Archduke sa usapan nila kaya lumingon siya rito.
“It's good for his health, My Lord.” seryoso niyang sabi.
Nanatili ring seryoso ang mukha ng Archduke. “You can't force a child.”
Hindi niya napigilan ang hindi umingos. “Then.” tinignan niya ang pinggan nito at wala itong ni isang gulay. Pinulot niya ang kanyang tinidor saka tinusok ang carrots na nasa kanyang pinggan at inilapit ito sa bibig ng Archduke. “I should force you instead, My Lord. Don't worry, I still didn't touch it.” saad niya habang nakatitig dito ng mariin.
Nakita niya ang pagtaas baba ng adam's apple ng Archduke habang nakatitig sa gulay na malapit sa bibig nito.
“Come on, My Lord.” mariin niyang sabi.
Tumingin ito sa kanya at bumaba na naman ang tingin nito sa gulay. Mukha itong napipilitan.
Napalunok ito. “I can eat it on my own, Miss.” matigas nitong saad ngunit hindi siya nagpa-apekto.
“I know, My Lord. But you're not eating any vegetables.” pamimilit niya.
Bumaba ang tingin nito sa sariling pinggan at mukha itong walang maisagot sa kanya. Malakas itong bumuntong hininga kapagkuwan. “Fine.” napipilitan nitong saad saka isinubo ang pagkain saka nginunguya. Lihim na napapangiwi ang Archduke dahil sa lasa ng carrot.
Nang natapos na ito'y bumaling ito kay Syriel na tahimik na inililipat ang mga gulay sa ibang pinggan. “You should eat vegetables, Kid.” biglang saad ng Archduke rito at agad na napatigil si Syriel. Mukha itong nahuli habang may ginagawang masama.
Napalingon siya rito. Nang magtagpo ang mga tingin nila ni Syriel ay mabilis itong napasimangot. Nagmamakaawa itong bumaling ulit sa Archduke. “Papa...” para itong humihingi ng tulong.
Natigilan agad ang Archduke na naghahanda na sanang umalis. “You should eat it in order to be strong.” saad nito saka tumayo. “I'm done. Excuse me.” anito saka naglakad na patungo sa pinto ngunit bago ito tuloyang umalis ay kinuskos muna nito ang ulo ni Syriel at saka yumuko. Mayron itong ibinulong dito na hindi niya narinig kahit na magkatabi lang sila ni Syriel.
Pagkalabas ng Archduke ay hinarap na niya si Syriel. “What did the Archduke said?” tanong niya.
Humaba ang nguso ni Syriel. “Papa said, I should eat well.” umangat ang tingin nito sa kanya at nagmamakaawa parin itong tumingin sa kanya. “But I hate vegetables!” pagmamaktol nito.
Napahawak siya sa kanyang noo. Ngayon pa nga lang sila nakakain ng may gulay, di pa nito magawang kainin. Naiintindihan niya ito ngunit kailangan parin nitong kumain. Kung tignan niya ang Archduke at si Syriel ay mukha talaga ang mga itong mag-ama. Hindi lang mukha ng dalawa ang magkapareho, pati narin ang ugali. Alam niyang tumakas lang ang Archduke dahil ayaw din nito ng gulay.
Mahina niyang pinisil ang pisngi nito. “As the Archduke said, eat well so that you can be strong and healthy. Ayaw mo bang maging kagaya sa Archduke?” sulsol niya sa bata. Nagbabakasakali siyang epektibo ito.
Mabilis na umiling si Syriel. “Gusto kong maging kasinglakas ni Papa.” anito at para itong biglang nabuhayan ng loob. “Alright! I'll finish it!” masiglang saad ni Syriel saka nagpatuloy na sa pagkain.
Bahagyan siyang natawa dahil sa inakto nito. “Good.” aniya saka kinuskos ang ulo nito.
Dahil ganado si Syriel sa pagkain ay ganado rin siya. Masaya siya habang nakatingin dito. Mabuti naman at nabuhayan na ito ng loob sa pagkain.
PAGKATAPOS NG HAPUNAN ay kasalukuyan na ngayong nagpapahinga ang ilan sa mga tao. Tahimik na bumangon si Syriel at saka tahimik na lumabas sa kanyang kwarto.
Naglakad si Syriel patungo sa kusina at pumasok roon. Nakita niya ang punong tagapagluto na mayrong inaayos na gamit.
“Magandang gabi po.” bati niya rito at mabilis naman itong lumingon sa kanya. Biglang sumigla ang mukha nito.
Tumalungko ang punong tagapagluto habang may masayang ekspresyon sa mukha. “Magandang gabi rin sayo, Young Master. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” nakangiti nitong tanong.
Napahawak si Syriel sa dulo ng damit pantulog niya. “Uhm... Pwede po bang humingi ng tulong?” tanong niya na mabilis namang tinanguan nito.
“Oo naman! Ano ba yun?” masayang saad ng punong tagapagluto.
“Uhm...ayaw ko po ng gulay. Hindi masarap.” inosente niyang saad at saka hinintay ang magiging tugon nito. Pinapalangin niya na sana maintindihan nito ang ibig niyang sabihin.
Napakurap-kurap ang punong tagapagluto. Nagulat ito sa sinabi ni Syriel. Akala nito'y nagustohan ito ng bata noong kumain ito kanina.
Nag-aalangan itong nakatingin sa kanya. “Ah kasi...Young Master—”
Napatigil ito sa pagsasalita nang mayrong taong pumasok sa kusina.
“What's happening here?” tanong ng Archduke na syang pumasok sa kusina.
Agad na napatayo ng tuwid ang punong tagapagluto. “Ah. Good evening, Your Grace.” mabilis nitong bati habang nakayukod. Medyo kinakabahan ang punong tagapagluto dahil sa presensya ng Archduke. Ngayon pa lang kasi ito nakita ng punong tagapagluto na pumunta rito.
“Papa!” mabilis na tumakbo palapit si Syriel dito at yumakap sa binti ng Archduke. “Ayaw ko po ng gulay. Hindi po yun masarap.” agad na saad niya. Alam ni Syriel na mabilis itong maintindihan ng Archduke. Pareho kasi sila ng napagdaanan kanina.
Yumuko ang Archduke upang buhatin si Syriel. “Chef. Get ríd of that vegetables.” agad na utos nito sa punong tagapagluto kaya agad na lumiwanag ang mukha ni Syriel.
Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa ang punong tagapagluto. “P-pero, Your Grace —”
“No more buts.” madiin nitong saad saka mabilis na tinalikuran ang punong tagapagluto at umalis. Masasayang masaya si Syriel. Hindi niya inakalang gano'n lang pala iyon kadali.
“Salamat, papa!” nakangiting aniya saka niyakap ang Archduke. Ngunit dahil maikli pa ang mga braso niya'y nakadikit lang ang mga ito sa dibdib ng Archduke.
Being in his papa's side was so wonderful! And powerful!
PAGKAWALA NG DALAWA ay hindi parin nakabawi sa pagkabigla ang punong tagapagluto. Kapagkuwan ay tinapik ni Johan ang balikat nito. Kakarating lang nito ngunit narinig nito ang huling sinabi ng Archduke. Sa kabilang pinto ito dumaan.
“They just hate vegetables. Don't get discourage.” ani Johan.
Bumagsak ang mga balikat nito. “Hah. Akala ko pa naman...” malalim itong napabuntong-hininga saka napailing-iling. “Akala ko lang pala talaga.” malungkot itong bumalik sa ginagawa.
HABANG NAG-UUSAP sila Johan at ang tagapagluto ay nakikinig ang mga katulong na naatasang linisin ang kusina.
“Hah! Grabe, wala pa nga siyang posisyon, ang taas na ng tingin niya sa sarili para pilitin ang Archduke na kainin ang hindi nito gusto. Ang kapal din ng mukha eh.” galit na saad ng isang katulong.
Siniko ito ng isa. “Huwag ka ngang ganyan. Masaya nga ako at nabago ng Miss yung Archduke. At ang bait kaya niya!” pagtatanggol nito kay Querencia.
Umingos ang babae. “Tsk. Alam kong nagbabalat kayo lamang ang babaeng yun. Tignan mo bukas. Papatunayan ko yan sayo.” saad nito saka umalis.
Nag-aalalang nakatingin ang babae rito. Baka kasi totohanin nito ang sinabi. At hindi nga siya nagkakamali. Pinanindigan ng babae ang sinabi kinabukasan.
“Ack! Pasensya na, Miss! Hindi ko ho sinasadya!” umaarteng saad nito pagkatapos tapunan ng mainit na tsaa ang binti ng Miss.
Umuusok pa ito dahil bagong kulo palang ito. Gusto niyang tulongan ang miss ngunit hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Nasa kwarto sila ng Miss kaya siguradong walang makakakita kung mayron mang masamang mangyari.
Nakaluhod ang katulong habang hinahawakan ang binti ng Miss. Alam niyang mas lalo nitong masasaktan ang miss.
Nang tignan niya ang mukha ng miss ay sobra itong nasasaktan. Bigla siyang nagpanic. Hindi niya alam kung anong gagawin.
Biglang umangat ang kamay ng Miss na labis niyang ikinakaba. Sasampalin ba nito ang kasama niya?!
Nakita niya ang pag-taas ng gilid ng labi ng katulong. Ngumisi ito. Inaasahan nito ang isang malakas na sampal. Kung sasampalin ito ng Miss. Parehong mawawala ang dalawa rito sa mansyon.
“Miss!”
Isang malakas na tunog ng sampal ang umalingawngaw sa buong silid.