Inaantok parin si Querencia at gusto pa niyang matulog ngunit hindi naman niya ito bahay para maging tulog mantika siya.
Napatingin siya sa kanyang kamay. “Wolf's fur...” bulong niya sa sarili habang tinitignan ang kamay niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman parin niya ang lambot ng lobong nasa panaginip niya kagabi. Sobrang lambot ng balahibo nito.
“Miss, gising na ho ba kayo?” tanong ni Chiya na nasa labas ng pinto.
“Yes. Come in.” aniya saka tumayo at naglakad patungo sa sofa. Umupo siya roon.
Pumasok na si Chiya habang tinutulak ang isang cart at nakalagay dito ang isang sulyaw at malinis na tuwalya. “Magandang umaga, Miss! Ito na ho ang panhilamos niyo.” nakangiting anito saka itinabi iyon sa gilid ng sofa.
“Saan ko ho ba ito ilalagay?” biglang tanong ng isang kakapasok palang na katulong. Bago ang mukha nito sa paningin niya, pati narin ang isa pang kasama nito.
Mukha namang nahalata ni Chiya ang kanyang nagtatakang tingin dahil agad nitong pinakilala ang dalawa nitong kasamahan. “Sila nga ho pala yung kasama ko ngayon. Ito ho si Moya...” turo nito sa babaeng maikli ang buhok at may Inosenteng mukha. “At ito naman ho si Feliz.” tumungo ang babaeng pinakilala nito. Tingin palang ay alam niyang arogante ang isang ito.
“Hmm, masaya akong makilala kayo.” nakangiting aniya sa mga ito at nakita naman niya ang pagkadisgusto sa mukha ng babaeng nagngangalang Feliz.
Hindi niya mawari kung bakit ganito ito umaakto.
“Masaya ho ako't nagustohan n'yo sila.” ani Chiya saka iminuwestra ang kamay sa tubig na dala nito. “Nais n'yo na ho bang maghilamos?” nakangiting tanong ni Chiya.
Tumayo siya at saka lumapit dito. Naghilamos na siya at sa tubig lang nakatuon ang atensyon niya. Kailangan niyang maging malinis lalo na't makikipagkita siya sa Archduke ngayon.
“Nais n'yo po bang tulongan ko kayo?” tanong na naman ni Chiya kaya umiling siya.
“Kaya ko na 'to.” aniya saka nagpatuloy sa paghihilamos.
Nang natapos siya'y inabot sa kanya ni Chiya ang malinis na tuwalya at tinanggap naman niya ito saka pinunasan ang kanyang mukha. “Salamat.” saad niya saka ibinalik iyon kay Chiya.
Sininyasan ni Chiya ang katulong na nagdala sa damit na ipinahiram ng Archduke sa kanya. Ipinalapit nito ito rito at mabilis naman itong tumalima.
“Narito po ang susuotin ninyo, Miss.” nahihiyang saad nito. Sa pagkakaalala niya'y Moya ang pangalan nito.
Tinanggap ito ni Chiya at sinuri ito. Bigla itong natigilan at nilingon si Moya. “Nasaan ang sandal ng Miss?” tanong nito at saka iniangat ang damit. “At ang damit panloob niya.”
Bigla itong kinabahan. “A-ahm... hindi ko alam. Pasensya na Chiya. Yan lang ang nakuha ko.” napakagat ito sa sariling labi.
Natampal ni Chiya ang sariling noo. “Ano ba naman 'yan, Moya. Sana sinigurado mo muna.” pilit nitong pinapahinahon ang sarili. Parang nawawalan na ito ng pasensya kaya sumingit na siya.
“Mahaba pa naman ang oras. Maari n'yong balikan muna iyon.” saad niya at nag-aalangan namang tumingin sa kanya si Chiya.
“Patawad po, Miss.” agad nitong paghingi ng tawad saka lumabas. “Babalik po ako agad!” pahabol nito.
Nagtataka siya dahil si Chiya ang umalis imbis na ang inutusan nito. Hindi ba makakapagtiwalaan ang mga ito?
Binalingan niya ang bagong katulong na si Feliz. “Ano yang dala mo?” tanong niya, tinutukoy ang nakalagay sa cart nito.
Agad itong napatayo ng tuwid at humarap sa kanya. “Tsaa ho ang dala ko. Nagbabakasakali ho ako na baka gusto n'yo.” saad nito habang may makahulogang ngiti sa mga labi.
Hindi maganda ang pakiramdam niya rito. Parang kailan lang ay kape ang ibinibigay sa kanya, tapos ngayon ay tsaa na naman.
“Sige, bigyan mo ako.” saad niya at agad naman itong sumunod.
Nilagyan nito ng tsaa ang maliit na tasa at umuusok pa ito. Inobserbahan niya ang bawat galaw ng babae.
Nang natapos na ito'y mabilis itong lumapit sa kanya at nabigla nalang siya nang bigla itong natapilok. Napangiwi siya sa sakit nang tumilapon sa kanyang binti ang mainit na tsaa.
“Ack! Pasensya na, Miss! Hindi ko ho sinasadya!” mabilis itong lumuhod sa sahig at yumuko. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang paso niya sa paa.
Hindi siya makaimik dahil sa sobrang sakit ng binti niya. Parang bagong init pa ang tsaa na dinala nito. Dinidiinan din nito ang paghawak sa kanyang paa kaya mas lalo siyang nasasaktan.
Sumusobra na ito. Tumaas ang kanyang kamay upang pigilan ito at hindi naman nakatakas mula sa kanyang paningin ang pagtaas ng sulok ng labi ng katulong.
Naging malamig ang tingin niya. Kung gano'n, sinasadya pala nito ang mga nangyari.
“Miss!” gulat na sigaw ni Chiya na kakarating lang. Mabilis itong tumakbo sa direksyon nila at hinila si Feliz patayo at biglang sinàmpal na mas lalong ikinagulat niya.
Ilang segundo ang itinagal ng katahimikan. Umalingawngaw ang tunog ng sàmpal nito. Hindi niya ito inaasahan.
Nagpupuyos sa galit si Chiya. “Akala ko pa naman mabuti yung pakay mo kaya ka nandito!” sigaw nito kay Feliz na galit ding nakatingin kay Chiya. Ang tinginan ng dalawa ay nakàkàpatay kung isa itong sandata.
Sumingit siya sa dalawa upang matigil ang mga ito. “Kung gano'n, ito ang pakay mo, Feliz?” malamig niyang tanong dito at parehong napalingon sa kanya ang dalawa.
Hindi ang mga ito agad na nakaimik dahil may bigla nalang may kumalabog sa gilid. Si Moya iyon na parang nawalan ng lakas at napaupo nalang sa sahig.
“A-ah...” hindi ito makapagsalita habang nakatingin sa kanya. Parang ni-nerbiyos ito.
“Chiya.” pagtawag niya kay Chiya. “Dalhin mo muna itong si Moya sa kwarto niya. Mukhang kailangan niya ng pahinga.” utos niya rito at mukha namang nag-aalangan si Chiya kung susundin ba nito ang sinabi niya.
“M-miss...” utal nitong sambit sa pangalan niya. Ang ekspresyon nito sa mukha ay parang nag-aalala sa kanya.
Biglang tumayo si Moya habang nanginginig ang mga tuhod. “A-ako na ho a-ang bahala sa sarili ko.” utal nitong saad saka yumuko. Hindi parin nawawala ang kaba sa mukha nito “A-aalis na ho ako, Miss.” anito at mabilis na lumabas ng silid.
Pagkalabas nito at sila nalang tatlo ang natira ay inutusan niya si Chiya na tumabi na muna para makaharap niya si Feliz.
“Feliz, bakit mo ginawa 'to?” malamig niyang tanong.
Ngumisi ito na ikinakuyom ng kanyang kamao. “Hindi ikaw ang panginoon ko kaya wala akong dahilan upang sagutin ang katanungan mo.” inirapan siya nito na nagpagigil sa kanya. Ang sarap nitong pisain.
Matalim ang mga matang tinignan niya ito. “Hindi mo nga ako panginoon mo ngunit ang panginoon mo naman ang nagdala sa akin dito. Ang panginoon mo lang ang mayrong karapatang gawin ito sa akin.” aniya at bigla nalang itong tumawa sa di malamang dahilan.
“Hah! Lumabas na nga ang totoo mong kulay! Alam kong nagbabalat kayo ka lamang para akitin ang Archduke! Hindi rin magtatagal, malalaman na niya ang totoo mong ugali!” singhal nito sa kanya.
Naningkit ang kanyang mga mata pagkarinig sa mga salita nito. “At kailan pa ako nagbalat kayo para akitin ang Archduke?” walang kaemo-emosyong saad niya na nginisihan lang nito.
“Kanina...hindi ba sàsàmpalin mo sana ako? Kaso naunahan ka! HAHAHA! Alam ng lahat na hindi maganda ang ugali mo kaya wag kang mangarap na maging kayo ng Archduke!” sigaw nito at parang wala na sa tamang huwisyo.
“Tumigil ka na, Feliz! Sumusobra ka na!” singit na sigaw ni Chiya pabalik dito.
“Shh, Chiya.” sininyasan niya itong tumigil bago siya bumaling ulit kay Feliz. Ayaw niya itong makialam.
Nang tumigil na si Chiya ay ipinag-krus niya ang mga binti saka tinignan ng matalim ang babaeng parang nawala na sa katinuan.
“Para sa kaalaman mo, alam ng Archduke ang buong pagkatao ko. At isa pa, wala kang alam sa kung anong nangyayari sa amin at wala kang kinalaman doon. Mayrong linya ang isang katulad mo, Feliz. At ang pambàbàstos na ginawa mo sa akin ay parang ginawa mo narin iyon sa Archduke. Alam kong gusto mo lang patunayan ang iniisip mo, kaya ang masasabi ko lang...” hinawakan niya ang baba nito saka iniharap sa kanya ang mukha. “wala kang dapat patunayang kahit ano dahil hindi naman ako nagbabalat kayo.” dugtong niya at saka binitawan ang baba nito. Binalingan niya si Chiya. “Paalisin mo siya at dalhan mo ako ng malamig na tubig.” utos niya saka iniwan ang babaeng nakayuko na ngayon sa sahig.
Nagtungo siya sa banyo kung saan niya malayang malalagyan ng malamig na tubig ang paso niya. Ang inutos niya kay Chiya ay paraan lang yun upang umalis ito at hindi malaman ang gagawin niya.
Pagkatapos malamigan ng kanyang binti ay narinig niya ang pagkatok ni Chiya mula sa pinto.
“Miss, narito na po ang malamig na tubig.” saad nito at binuksan naman niya ang pinto at kinuha ang sulyaw na pinaglalagyan nito ng tubig.
“Salamat.” saad niya saka isinara na ang pinto at bumalik sa paliguan. Dinoble niya ang lamig nito at nilagyan ulit ang binti niya. Wala kasi siyang mahika na makakapagpagaling sa kahit ano mang sakit o masakit. She's not a herbal witch.
Pagkatapos niya ay ipina-abot niya kay Chiya ang damit panloob niya at sa loob na ng banyo nagbihis. Sa pagsuot lang ng dress siya nagpatulong dito.
“Ayos lang ho ba ang binti n'yo, Miss?” tanong ni Chiya habang itinataas ang zipper ng damit niya.
Tinignan niya ito sa salamin. “Medyo maayos na.” simpleng sagot niya.
Naging malungkot bigla ang mukha nito. “Pasensya na po talaga, Miss. Hindi ko ho inaakalang may gagawin sa'yo ng masama si Feliz. Alam ko pong masama ang ugali niya ngunit hindi ko po inaasahang sasaktan niya kayo.” nakayukong saad nito.
Bumuntong hininga siya. Galit siya pero nakatuon iyon kay Feliz. Namumula parin kasi ang binti niya hanggang ngayon.
“Hindi ako galit sayo, Chiya, kaya huwag kang humingi ng tawad. At kay Feliz, pag-iisipan ko muna kung anong magagawa ko sa kanya. Wag mong sisihin ang sarili mo.” aniya at sakto namang natapos na ito kaya hinarap niya ito saka tinapik sa balikat. “Pero sa susunod, mag-ingat ka na rin, Chiya. Dahil ang taong biglang bumait, hindi pagbabago ang tawag doon kundi nagpa-plano.” makahulogan niyang saad saka naglakad na patungo sa pinto.
Humabol naman sa kanya si Chiya. “Itutuloy n'yo ho ba ang plano n'yo?” tanong nito saka binuksan na ang pinto at lumabas naman siya.
Bahagyan siyang umiika sa paglalakad kaya hindi niya ito pinahalata. “Bukas na ako pupunta sa Archduke. Mukhang abala rin naman siya kaya ayaw kong mang-isturbo.” saad niya.
Naintindihan naman ni Chiya ang sinabi niya kaya hindi na ito nagsalita pa.
Kapagkuwan ay may naalala siya. Sa library sana siya pupunta ngayon ngunit wala naman doon ang lahat ng librong nais niyang basahin. Kaya siya pupunta sa Archduke ay hihingi sana siya ng pahintulot ng paglabas niya at pumunta sa palengke, ngunit hindi maganda ang kalagayan ng binti niya kaya sa susunod na araw na lang.
“Mari—” mabilis siyang napatigil sa pagsasalita at saka tumikhim. Nangungulila na talaga siya kay Marina. “Chiya, nasaan si Syriel ngayon?” tanong niya.
“Nasa hardin po ata. Maaga po siyang gumising para magpaturo kay Butler Johan kung paano gumamit ng sandata.” sagot nito na ikinatigil niya sa paglalakad.
Mabilis niyang nilingon si Chiya. “Sandata?! Paano kung masaktan siya?!” Ang bata pa no'n! Four years old palang si Syriel at hindi six!
Mabilis siyang naglakad kahit na umiika siya. Nag-aalala siya kay Syriel. Paano kung masugatan ito?!
“Miss! Taika lang ho!” sigaw ni Chiya mula sa malayo. Mukhang nahihirapan itong abutan siya, ngunit wala naman siyang planong hintayin pa ito.
Lakad-takbo na ang ginawa niya. Medyo naiinis narin siya dahil sa haba ng hallway na nilalakaran niya. Isang liko nalang ang dadaanan niya sa hinahaba-haba ng daan na 'to kaya tinakbo na niya.
“Ack!” bigla siyang nawalan ng balanse dahil bigla nalang siyang may nabunggong isang matigas na bagay. Hindi niya napansing mayron palang nakaharang sa daan!
Napa-atras siya at bigla nalang natapilok ang kanyang suot na sandal.
“Careful!” sigaw ng isang lalaking hindi niya kilala at bigla nalang hinila ang kamay niya. Dahil dito'y napatayo siya ulit.
“Are you alright?” kapagkuwan ay tanong nito habang may nag-aalalang ekspresyon sa mukha.
Napatitig siya sa lalaki at parang umurong ang dila niya. Hindi siya makapagsalita. Ang bilis din ng t***k ng puso niya na hindi niya mawari kung anong dahilan.
Nakasuot ito ng itim na balabal ngunit hindi nakasuot ang pandong nito kaya kitang kita niya ang kulay puti nitong mahabang buhok. Kumikinang din ang kulay ginto nitong mga mata.
Ang gwapo nito...
Biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang bewang na nagpabalik sa kanya sa kanyang tamang huwisyo.
“Can you stand?” nag-aalala nitong tanong.
Napatayo siya ng tuwid. Sobrang bilis parin ng puso niya. If she knew it right, it's the feeling of excitement.
Ngumiti siya ng pilit. “A-ahm... I'm alright.” nahihiya niyang saad. Ngayon pa niya napansing nakahawak pala ito sa pupulsuhan niya at sa bewang.
Nang nakatayo na siya'y inaalalayan parin siya nito. “Did your foot hurt? I could heal it if you want...” saad nito na kumuha sa atensyon niya. “It's my apology for bumping into you.” dugtong nito.
Hindi niya kayang tanggihan ang alok nito kaya agad siyang pumayag. “Sure!” nakangiting saad niya.
Ngumiti rin ang lalaki. “Then, I beg your pardon...” hinawakan nito ang kanyang kamay at saka hinaplos ng isang kamay nito ang kanyang palad. Nasilayan niya ang pagliwanag nito. It's a healing power.
Nang natapos ito'y napatingin siya sa kanyang kamay. “Wow! Amazing!” puno ng paghangang saad niya. Ang gaan ng pakiramdam niya. Wala narin ang sakit sa kanyang binti. “Thank you so much!” masaya niyang sabi.
Kinuskos naman nito bigla ang kanyang ulo na saglit niyang ikinatigil. “You're welcome.” malambot ang ngiti nito. “Anyway, I'll go first, My Lady. Take care.” saad nito at saka hinalikan ang likod ng kanyang kamay.
Napakurap-kurap siya dahil sa ginawa nito. Kapagkuwan ay nabalik na siya sa kanyang tamang huwisyo at agad na nginitian ito. “You too.” pagkasabi niya nito ay yumukod ang lalaki at saka umalis.
Hindi mapawi ang ngiti sa labi niya habang tinitignan ang likuran nito. Ang tangkad nito—kasing tangkad ng Archduke.
Bigla siyang napaigtad nang maalala ang Archduke. Muntik na niyang makalimutan si Syriel. Dahil dito'y naalala niya ang bata.
Argh! Baka nasaktan na yun!
Hindi na masakit ang paa niya kaya tinakbo na niya ang daan hanggang sa makarating siya sa hardin. Hinanap niya ito ng hinanap hanggang sa makita niya si Syriel. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang nasilayan na niya ang mukha nito.
BUMUKAS ANG pinto ng opisina ni Castriel at pumasok doon ang isang lalaki.
“I greet the Archduke of Wolreign. I, Aliferous Lukariah, visit you again.” kunwari'y magalang nitong pagbati sa kanya na ikinaingos niya.
Sa loob ng tatlong taon ay ngayon pa lang ito nagpakita ulit sa kanya.
“Owh, you're here.” walang kagana-gana niyang saad saka nag-angat ng tingin dito.
Saglit siyang natigilan nang maamoy ang isang pamilyar na amoy na nagmumula sa lalaking ito.
Naglakad ito patungo sa upuan at komportableng naupo roon. “I saw something interesting earlier...” biglang saad nito na kumuha sa atensyon niya.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay habang matalim na nakatingin dito. “What?” malamig niyang tanong.
Gumuhit ang ngisi sa labi nito. “A girl...with a rare aquamarine eyes...” nanunudyo itong tumingin sa kanya. “She's so beautiful.”
Lalong tumalim ang kanyang mga mata. So it's her scent that he smelled from him.