CHAPTER 3

2285 Words
The gossip spread quickly at the Archduchy of the Archduke. They're talking about the woman that the Archduke carry in his arms and the bite and kiss mark on his neck. “Sa pagkakaalam ko ay yan ang fiance ng Crown prince. Hindi pa ibinalita ngunit lumabas na iyon.” saad ng isang katulong habang naglalaba. “Sa narinig ko, yayayain daw sana ng Crown prince ng sayaw si Miss Querencia ngunit kay Archduke siya pumunta. Sa tingin nyo, may relasyon kaya sila?” ani naman ng isa. May isang hindi sumang-ayon. “Sa pagkakarinig ko, tinalikuran raw ito ng Archduke.” umingos ito. Napairap ang isa pang katulong at saka kumontra. ”May mga marka sa leeg ng Archduke na ang mga may relasyon lang ang nakakagawa. Kaya sa tingin ko ay oo. At siya rin ang kauna-uhanang babaeng dinala ng Archduke.” saad nito. “Para sa akin, mas bagay silang dalawa kesa sa Crown Prince. Masayahing tao ang Crown Prince at madaling naiinis. Kung silang dalawa ang magkakatuloyan, palaging magkakagulo. Mas gusto kong silang dalawa ng Archduke dahil mahinahon lang siya samantalang may pagka makulit si Miss Querencia. Parang nasa nobela lang kumbaga.” kinikilig na saad naman ng dalagang katulong. Nagkasalubong naman ang mga kilay ng isa pang katulong. “Totoo bang masama ang ugali ni Miss Querencia?” pabulong nitong tanong. Agad na umiling ang isa. “Sabi ng kaibigan kong nagsisilbi sa kanila, hindi raw. Chismis lang daw iyon upang sirain ang reputasyon ng binibini. Yung mga sinusungitan niya lang ay yung mga katulong na walang respito.” anito. “Oi! Oi! Oi! Tama na ang chismis! Magtrabaho kayo ng mabuti!” biglang saway ng mayordoma na ikinatigil ng lahat sa pagsasalita at agad na nagpatuloy sa pagtatrabaho. Napabuntong-hininga nalang ang mayordoma dahil sa mga ito. “Hays. Grabe na itong mga nangyayari.” napailing-iling ito. Nagkagulo kasi sa loob ng Archduchy noong umuwi ang Archduke dahil may kasama itong babae, at ang usap-usapang fiance pa talaga ng Crown Prince. Sana may plano ang Archduke sa pinasok nitong gulo. Siya ang nai-stress sa batang iyon. UNTI-UNTING iminulat ni Querencia ang mga mata saka siya bumangon. Kinusot niya ang mga ito saka tumingin sa paligid. Napamulagat siya nang mapagtantong wala siya sa kwarto niya. Nasaan siya at kaninong kwarto ito?! “Miss...” Awtomatiko siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakatayo roon si Marina. “Nasaan tayo?” agad niyang tanong. Lumapit naman sa kanya si Marina. “Nasa Archduchy po tayo ng Archduke.” sagot nito na ikinatulala niya. “A-ano?! T-taika. Nasaan ang Archduke?” taranta niyang tanong saka umalis ng kama. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon. Umiling si Marina. “Hindi ko ho alam. Pero pinapasabi po ng Archduke na kumain muna raw kayo ng maayos bago kayo makipag-usap sa kanya mamayang tanghali.” anito. Sa dinami-dami ng sinabi ni Marina ay ang tanghali ang narinig ng tainga niya. Kung gano'n, umaga na? Agad siyang napahilot sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung anong susunod na plano. Tumakas sila sa bahay nila at ngayong napunta na siya sa grasya, saka naman na blangko ang utak niya. Napabuntong-hininga siya saka tumayo na. “Maliligo muna ako, Marina.” saad niya. Hindi na kasi siya komportable sa katawan niya. Pinalitan nga ang damit niya ngunit hindi parin maganda ang pakiramdam niya. Kailangan niya ng tubig. “Saan mo nakuha yan?” kalauna'y tanong niya at tinutukoy ang damit na dinala nito. Kasalukuyan siya ngayong naliligo. Nag-angat ng tingin sa kanya si Marina. “Galing ho iyan sa Archduke. Parang napansin n'ya po kasing wala tayong ibang gamit bukod sa pera. Sinira po kasi ng Astil ang bahay na tinuloyan natin at natambakan ang mga naiwan natin.” anito na tila ba may bumabagabag dito. Mukha itong mayron pang ibang sasabihin. “May bumabagabag ba sayo, Marina?” agad niyang tanong na ikinagulat ni Marina. Mukhang hindi nito inaasahang may mapapansin siya. Napakagat ito sa sariling labi saka tumikhim. “Ahm... tungkol ho ito sa nangyari. H-hindi ko ho talaga alam na m-magagalit ang mga astil kapag may kumuha sa halaman nila.” suminghot ito na tila ba umiiyak. Yumuyugyog din ang mga balikat nito. Inabot niya ang balikat nito at saka tinapik ngunit bigla nalang itong lumuhod sa sahig at yumuko na tila ba hahalik na ito sa basang sahig. “Pa-patawarin mo ako, Miss! Kinuha ko ang halaman na yun dahil sa pagkakaalam ko ay madali yung nakakapagpagaling ng kahit ano mang sugat. Ang epekto lang kasi ng halamang yun ang alam ko. Hindi rin ako nagsabi sa inyo na kukuha ako kasi baka mandiri kayo. Patawad!” paliwanag nito habang nakayuko parin. Naalala niya ang sinabi niyang nandiri siya dahil sa itsura ng lawa, pero dapat paring sabihin ni Marina ang gagawin nito. Naiintindihan niyang gusto lang nitong gumaling at tulongan siya pero masama parin ang kikilos itong mag-isa. Napabuntong-hininga siya. “Naiintindihan kita, Marina. Pero kailangan mo paring sabihin sakin ang mga gagawin mo na may koneksyon sakin. Mahirap malagay ulit sa gano'ng sitwasyon kaya ayaw kong maulit ito. Naiintindihan mo ba, Marina?” sinulyapan niya ito. Tudo tango naman si Marina habang pinapahiran ang mga luha. “Opo. Naiintindihan ko po.” humihikbi parin nitong sabi. Inabot niya ang ulo nito saka tinapik. ”Pinapatawad na kita kaya umayos ka na ng tayo riyan.” kalmadong saad niya at agad naman sumunod si Marina. “O-opo, miss.” tumayo na ito ng tuwid saka pinahiran ang natitirang basa sa pisngi. Ngumiti siya. “Tulongan mo na ako, Marina. Gusto kong malinis ang itsura ko kapag haharap nako sa Archduke.” Mabilis na kumunot ang noo ni Marina at napalitan ng pagtataka ang malungkot nitong mukha. “May pagtingin ho ba kayo sa Archduke?” taka nitong tanong at bigla pa siyang masamid sa sariling laway. Gwapo ang Archduke pero wala siyang gusto rito! Bumuga siya ng malalim na hininga. “Hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagtingin na tinutukoy mo, Marina. Pero kapag wala ang Archduke, mamamatay ako.” makahulogan niyang sabi. Totoo naman kasing mamamatay talaga siya dahil ito lang ang makakapagligtas sa kanya. Sa pagkakaalala niya kasi ay magkalaban ang Crown Prince at Archduke. Hindi nagkakasundo ang dalawa mula pagkabata. Napalingon siya sa kanyang gilid nang makarinig siya ng singhap mula kay Marina. “M-miss...umiibig ka na ba?!” gulat nitong tanong at pati narin siya'y nagulat rin. “Ayos lang naman pong umibig kayo sa Archduke pero paano na po ang Crown Prince?” namimilog ang mga mata nito habang nagtatanong. Bahagyan siyang napangiwi. “Wala akong pakealam sa Crown Prince na yan, Marina. Ang Archduke ang kailangan ko.” dahil ito lang ang may kapangyarihang putulin ang engagement at ang kamat*yan niya. Napakamot sa pisngi si Marina. “Hehe... Huwag kang mag-alala, Miss. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang makuha mo ang puso ng Archduke.” Ngiting aso ang ipinapakita nito sa kanya na tila ba mayron itong magandang plano. “Hindi kita bibiguin, Miss.” . . . “Your highness, narito na po si Miss. Lynn.” anunsyo ng isang lalaking nagbabantay sa labas ng dining room ng Archduke. Tanghaling tapat na kasi itong nakabalik. Binuksan ng lalaki ang pinto. “Pumasok na ho kayo, Miss Querencia” magalang na saad nito habang naka-muwestra ang kamay papasok sa loob ng silid. Pumasok na siya ng dining room at nadatnan niyang kumakain ang Archduke. Grabe, inimbitahan siya nito tapos hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ang ganda pa naman niya. Tsk. Lihim siyang umingos saka yumukod. “Good afternoon, My Lord. Thank you for inviting me for lunch.” kunwari'y magalang niyang bati saka umupo na sa upuang hinugot ng isang katulong para sa kanya. Nilagyan narin ng mga ito ng pagkain ang plato niya. At syempre, agad na naglaway ang bibig niya dahil mayrong steak na nakahain sa mesa. Isa ito sa mga paborito niya. “Makakaalis na kayo.” biglang saad ng Archduke na ikinalingon niya rito. Sumunod naman ang kanyang tingin sa mga katulong na kalmadong lumabas. Kapagkuwan ay ibinalik na niya ang tingin sa pagkain. Di kasi nakakabusog ang pagtingin sa ibang tao. Naghiwa na siya ng steak na sakto lang upang manguya niya ng maayos. Isinubo na niya ito at tila sumabog ang masarap nitong lasa sa loob ng bibig niya. Ang sarap ng pagkakaluto nito. Pakiramdam niya'y nakapunta siya saglit sa langit. Habang ngumunguya ay biglang mayron siyang naalala. Napanaginipan niya na kumakain siya ng steak na hindi kayang kagatin ng ngipin at wala rin itong lasa nang sipsipin niya. “Miss. Querencia Loretta Lynn. The only Daughter of Baron Lynn.” biglang sambit ng Archduke sa kompleto niyang pangalan kaya napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Tumigil ito sa pagtusok sa pagkain nito saka nag-angat ng tingin at matiim na tumitig sa kanya. Nakakatakot ang awra na pinaparamdam nito. Mukhang mukha lang ata nito ang hindi niya kinakatakutan. Tumitig ito sa kanya na parang bubutasin na ang ulo niya. “Tell me, what are you doing in my territory?” mariin nitong sabi na ikinatigas niya sa kanyang upuan. Napakabigat ng atmospera. Ngayon pa niya nalaman na teritoryo pala nito ang napagtaguan nila. Napalunok siya saka pinilit ang sarili na magsalita. “Uhm... hindi ko alam na teritoryo n'yo na pala ito, My Lord. Naligaw lang kami ng katulong ko dahil hinahabol kami ng Astil.” kalmadong paliwanag niya, pero sa totoo lang ay pinipigilan na niya ang panginginig ng kamay. Mas lalong kumunot ang noo nito. “Naligaw? Paano naman napunta roon ang isang binibining katulad mo sa isang masukal na gubat? Magtapat ka sakin ng totoo, Miss. Lynn.” Napakagat labi siya. Gusto na niyang maiyak dahil sa nakakatakot nitong awra! Napalunok ulit siya saka napayuko. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo. “Uhm...” napalunok na naman siya. Paano niya ito sasabihin?! “Ah, kasi...Ahm.” kinakabahan siya. Paano ba sabihin na naglayas siya? Bumuntong hininga bigla ang Archduke na mas lalo niyang ikinakaba. “Miss. Lynn.” pagtawag nito sa kanya. “Magpapadala ako ng sulat sa Baron at sasabihi—” “Please! Wag mong itutuloy yan! Oo na! Magsasalita na ako! Naglayas ako kasi ayaw kong maikasal sa Crown Prince na yun!” biglang sigaw niya na pumutol sa pagsasalita ng Archduke. Nagulat ito sa kanyang ginawa, at maski siya ay nagulat din. Tinakpan niya ang bibig saka lihim na kinutusan ang sarili. Dahil sa naging aksyon niya'y alam na niya kung anong mangyayari sa kanya. Patay siya. Kasalanan talaga 'to ng 'napakabuti' niyang ama! Dahil sa pagiging paladesisyon nito sa buhay niya ay nasigawan at sumingit siya habang nagsasalita ang Archduke. Biglang tumayo ang Archduke saka naglakad at akmang lalampasan siya ngunit pinigilan niya ito sa braso. Hindi ito pwedeng umalis. “My Lord! Patawarin mo ako—” Shyt! Bigla siyang nawalan ng balanse at alam niyang bagsak sa sahig ang patutunguhan niya nito. “Fck!” Dahil sa bilang nangyari ay napapikit siya at kapagkuwan ay nagtaka dahil may nadaganan siya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at napatingin sa Archduke na ngayon ay nasa ilalim niya. Nadaganan nga niya ito. Nakadapa siya rito habang nakahiga naman ito sa sahig kaya mabilis siyang umupo. Mabuti naman at ito ang na landing-an niya kaya hindi masyadong masakit ang pagkakabagsak niya. “Get off me.” pabulong nitong sabi na para bang ang bigat niya. Ang gaan kaya niya! “Now. Miss. Lynn.” maawturidad nitong sabi ngunit hindi siya nakinig. Baka aalis na naman ito. Matapang niyang itinukod ang dalawang braso sa magkabilang gilid nito. “No! Please listen first, My Lord! Dahil naligaw ako, sasamantalahin ko na 'to! Wag mo muna akong patayin ngayon kasi bata pako—” “You're already 25.” pagputol nito sa sasabihin niya kaya tinakpan niya ang bibig nito gamit ang kanyang kamay. Bakit sumisingit ito eh hindi pa siya tapos sa linya niya! Humugot siya ng malalim na hininga. “I'm still young!” namumula niyang sabi. ”And!” ang matapang niyang mukha kanina ay bigla nalang naging maamo, pati narin ang kanyang boses. “I need someone powerful to break that unwanted and forceful engagement, My Lord. And it's you. That's why I approached you.” naiiyak niyang sabi. Ayaw pa kasi niyang mamatay. Gusto pa niyang e enjoy ang buhay niya. Inalis ng Archduke ang kanyang kamay sa bibig nito. “Hah. How bold of you.” Nagulat siya nang bigla nalang nitong hinawakan ang kanyang batok at umikot nalang bigla ang mundo niya. Naramdam nalang niya ang malamig na sahig sa kanyang likuran kapagkuwan. Napakurap-kurap siya nang makita nagkapalit sila ng posisyon ng Archduke. Paano nangyari 'to?! Dumungaw ito sa kanya. “I don't want to interfer with someone's business, Miss. So you should go home.” seryosong saad nito at akmang lalayo na ngunit mabilis niyang hinila ang kwelyo nito dahilan upang masira iyon at makita ang marka na nasa leeg ng Archduke. Dahil sa nakita ay bigla niyang naalala ang panaginip niya. “Steak...” umawang ang kanyang labi saka napatingin sa mukha ng Archduke na parang nahihirapan sa paghinga. Nagtaas baba ang Adam's apple nito. Agad na kumabog ng mabilis at malakas ang puso niya. “M-my—” biglang naputol ang kanyang sasabihin nang biglang mayroong nagbukas ng pinto. Sabay silang napatingin ng Archduke sa direksyon iyon at parehong nanlaki ang kanilang mga mata. “Diyos ko po!” sigaw ng may katandaang babae at gulat na gulat na nakatingin sa kanila. Agad siyang namula. Nakita sila nito na nasa gano'ng posisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD