CHAPTER 4

2158 Words
“Diyos ko po!” gulat na sigaw ng Mayordoma pagkakita sa kanilang dalawa ng Archduke. Kapagkuwan ay agad nitong isinara ang pinto. “Ako na ho ang bahala rito, your grace! Ituloy niyo lang ang ginagawa n'yo.” saad nito mula sa labas. Ang pula niyang mukha ay mas lalo pang namula dahil sa mayordoma. Baka kahit ano na ang isipin nito. “Are you gonna sleep on the floor?” masungit na saad ng Archduke at ngayon pa niya napansing nakatayo na pala ito at inaayos ang nasirang kwelyo. Dahil sa kahihiyan ay mabilis siyang tumayo ngunit napangiwi siya dahil sa sakit ng paa niya. Ngayon pa niya napansing napilayan pala ang paa niya. Pero dahil sa sitwasyon niya ngayon ay iba muna ang bibigyan niya ng pansinin at hindi ito. Ang laki ng kasalanan niya kaya agad siyang yumuko upang humingi ng tawad. “I-I'm sorry, My Lord. That won't happen again.” puno ng sinceridad niyang sabi habang nakapikit ng mariin ang mga mata. Nanginginig din ang mga kamay niya dahil sa sobrang kaba. Ang tapang niya kanina tapos ngayon ay bumaluktot na ang buntot niya. Ngayon pa kasi niya naalala ang buhay niya! Mukhang sa mga kamay ng Archduke matatapos ang pinakaiingatan niyang buhay. Narinig niyang bumuntong hininga ang Archduke. Halata ang pagka irita nito. “That should not be happen again, Miss.” inis nitong sabi saka siya nilampasan. “Finish your meal, then let the guard guide you to my office.” pahabol na saad nito na agad niyang ikinalingon dito. “Ah. My Lord—” Akmang aabutin niya ito ngunit sumara na ang pinto. Napakagat labi siya at ibinaba ang kamay. Galit ba ito sa kanya? Pagsasabihan ba siya nito kapag nakarating na siya sa opisina nito kagaya ng ginagawa ng ama niya? Nilakumos niya ang kanyang saya saka pinahiran ang isang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata niya. Totoong luha ito kaya nahiya siya bigla sa sarili. Matapang siya kaya bakit siya iiyak? Mga mahihina lang ang umiiyak! Humugot siya ng isang malalim na hininga saka bumalik sa dining table at tinapos ang pagkain niya. At dahil sa bigat ng pakiramdam niya'y dinagdagan pa niya ang kanyang pagkain. Sa pamamagitan nito'y mabawasan ng kaunti ang bigat na nararamdaman niya. Only foods can heal her broken heart. PAGKALIPAS ng ilang minuto ay lumabas na si Querencia sa dining room at sumalubong naman sa kanya ang lalaki. Siguro'y ito ang tinutukoy na guwardya ng Archduke. May gwapo itong itsura ngunit mas pinagpala ang Archduke. At kung usapang height naman, mas pinagpala parin ang Archduke. Hanggang tainga lang kasi siya ng guwardya habang sa Archduke naman ay hanggang balikat lang siya. Matangkad naman siya kung ikumpara sa ibang mga babae ngunit pagdating sa mga lalaki rito sa Archduchy ay lumiliit siya. “Sasamahan ko na ho kayo sa opisina ng Archduke, Miss.” nakangiting saad ng guwardya na ikinasulyap niya rito. Mukhang sa personalidad lang nakalamang ang lalaking ito sa Archduke. Istrikto kasi iyon. Daig pa ang isang toro. “Sige. Salamat.” sinuklian niya ang nginit nito ng isang matamis na nginit na talagang makakapagpatunaw sa puso nito. Biglang namula ang tainga ng guwardya at agad na nag-iwas ng tingin. Tumikhim ito. “T-tayo na po, miss.” nauna na itong maglakad. Napangisi siya. Kung gano'n, mayron din palang epekto ang ngiti niya sa mga tao rito. Gamitin kaya niya ito sa Archduke? Baka kahit kaunti ay lumambot ang puso no'n. Biglang nawala ang ngiti niya nang maalalang pupunta pala sila sa opisina nito. Ano kayang importanteng bagay ang pag-uusapan nila. Tungkol ba ito kanina? Napailing-iling siya. Kailangan niyang walain ang kabang nararamdaman. Baka kasi himatayin siya kapag kaharap na niya ang Archduke. Pero, una sa lahat, kailangan muna niyang umaktong maayos kahit na nahihirapan siyang maglakad. Mabuti nalang at hindi napansin ng guwardya kanina na paika-ika siya sa paglalakad. Kaya naman niyang tiisin ang sakit kaya ayos lang na hindi ito agad maagapan. O baka'y gumaling din ito mamaya. “Narito na tayo, Miss. Mukhang hindi ko na kayo mai-anunsyo. Nais kasi ng Archduke na tahimik lang at kakatok lang kayo. Pero kapag nagtanong siya, sagutin niyo nalang po.” bilin ng guwardya pagkarating nila sa opisina nito. Napalunok siya. “Sige. Salamat ulit.” bahagyan niya lang itong nginitian habang ang guwardya naman ay yumukod. Tumingala siya saka napalunok ulit. Ang laki ng pinto nito. Parang papasok na ata siya sa pinto ni kamatayan. “Huwag kayong matakot, Miss. Hindi ho kayo kakainin ng Archduke.” biro ng guwardya na nakatayo lang sa pwesto nito. Bahagyan siyang napangiwi. “Haha, sige.” sana nga at hindi siya nito kakainin ng buhay. Kumatok siya ng tatlong beses at automatiko namang bumukas ang pinto. Kung hindi lang siguro niya alam na may mga magic sa mundong ito ay siguradong hahanga na siya. Pumasok na siya at agad namang nagtagpo ang mga tingin nila ng Archduke. Nakakapanghina ng tuhod ang tingin nito. “Maupo ka.” malamig nitong sabi saka iminuwestra ang isang kamay sa kaharap nitong upuan. At dahil masunurin naman siyang bata ay umupo na siya. “Tungkol sa sinabi mo kanina. Totoo ba talagang ayaw mong maikasal sa Crown Prince?” paunang tanong nito at tumaas ang isang kilay. Mabilis siyang tumango. “Oo. Ayaw kong maikasal sa kanya. Ayaw ko kasing magpakasal sa taong hindi ko naman masyadong kilala at hindi ko rin mahal.” pagdadahilan niya at agad namang kumunot ang noo nito. Totoo naman ang sinasabi niya ah! Bakit kung makatingin ito ay parang nagsisinungaling siya?! Maliban sa ayaw niyang mamatay ay isa rin yan sa mga rason niya. Biglang tumalim ang tingin ng Archduke na nagpaigtad sa kanya. “Kung iyan ang rason mo, bakit ka lumapit sa akin?” tanong nito na ikinaurong saglit ng dila niya. Sasabihin ba niya ang totoo? “Uhmm...kasi...” ano nga ba ang rason niya maliban sa makapangyarihang tao ito? Bumuntong hininga ang Archduke kaya napatingin siya rito. “Miss Lynn. Did you know that if you want to annul your engagement to someone, you need an acceptable reason? For example: You have a lover that you'll going to marry. It means, you need to marry me; a person who you just met for the first time and you didn't even love.” seryosong wika nito na ikinatulala niya. Tama ito. Pero naisip naman niya yun! Sa nabasa niya sa kwento ay walang ginawang masama si Castriel! Kaya nga ito ang nilapitan niya eh! Bukod sa kagwapohan at malamig nitong personalidad, hindi ito pumapatay ng taong walang kasalanan, at hindi rin ito manggagamit! Pinatapang niya ang sarili at nilabanan ang matalim nitong tingin. Tumayo siya saka naglakad patungo sa gilid ng Archduke. “My Lord. With all the strength and bravery that left in me.” she slid her hands into her pocket then grab the ring that she brought when they ran away. She kneel her one knee and show the ring to the Archduke who's staring at her in disbelief. “Will you marry me?!” Nanlaki ang mga mata ng Archduke habang nakatingin sa kanya at umawang ang labi nito. “What the fck, Miss Lynn?! Nakakain ka ba?!” hindi makapaniwalang saad nito sa kanya. Napakagat labi siya. “Please say 'yes', My Lord!” pagsusumamo niya. Pursigido talaga siya eh! Napahilot ang Archduke sa noo nito. “Stop fooling around, Miss Lynn. I'll send a letter to your father that you're here. You'll go home tomorrow.” saad nito na ikinaupo niya sa sahig. “M-my lord...” nagmamakaawa siyang tumingin dito. Naiiyak siya. Umangat ang kamay nito at tumuon ang kamay sa kanya kaya mabilis siyang tumayo at hinila ang brooch pin nito na nasa dibdib. Kasabay ng pagkawala niya'y nawala rin ang brooch nito. — “Miss!” gulat na sigaw ni Marina nang bumagsak siya sa kama. Tinignan niya ang kamay niya at naroon ang brooch. Wala itong sira. Ibig sabihin ay kung ano ang nahawakan niya, yun ang madadala. Kumuyom ang kamao niya. L*kong Castriel na yun! Ginamitan pa talaga siya ng teleportation magic para umalis siya! Argh!!! “Miss, ayos lang ho ba kayo?” alalang tanong ni Marina at saka nilapitan siya. Tumingin siya rito habang nakasimangot. “Hindi tinanggap ng Archduke, Marina. Ang sama niya!” tila batang pumalahaw siya ng iyak. Grabe ang planong ginawa niya tapos yun lang ang naging resulta! Buhay niya ang nakataya rito! Buhay! Niyakap siya ni Marina. “May bukas pa po, Miss. Kaya n'yo yan.” pag-alu nito sa kanya ngunit hindi ito umipekto. Umiling siya. “Wala ng bukas kasi uuwi na tayo sa impyerno, Marina.” umiiyak niyang sabi. Si Marina naman na wala ng maisip na paraan ay niyakap nalang siya at hinayaan siyang umiyak sa balikat nito. Naaawa ito sa kanya. Kahit hindi nito alam ay nararamdaman nito kung gaano kabigat ang dinadala niyang problema. “Sana'y maging maayos na ang lahat sa inyo, Miss.” bulong ni Marina sa hangin. NAPAHILOT sa kanyang noo si Castriel nang nawala na ang babae. “Anong nangyari sa kanya?” tanong niya kay Lauren na siyang inutusan niya upang bantayan ang binibini. Sumulpot ito sa gilid niya habang nakayukod. “Sa kama ho siya bumagsak at bigla nalang po siyang umiyak pagkalapit ng katulong na kasama niya.” balita nito. Napabuntong-hininga siya. “Sige. Makakaalis ka na.” aniya at agad naman itong naglaho. Itinukod niya ang kanyang kamay sa kanyang pisngi saka tinignan ang dibdib kung saan nakalagay kanina ang brooch na nawala kasabay ng babaeng yun. Halatang napaka pursigido nitong maputol ang kasunduan ng pagpapakasal. Pero ang malaking tanong. Bakit siya pa? Kaya ba siya pinili nito kasi wala pa siyang asawa at mataas ang posisyon niya? Pero alam naman ng lahat na hindi siya interesado tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa pagpapakasal. At ang babaeng yun...bilib siya sa tapang na pinapakita nito. Ang ilan kasi sa mga kababaihan ay takot lumapit sa kanya, habang ang iba naman ay masama ang mga pakay. Katulad ng may gustong magkaroon ng kapangyarihan at maraming pera. Samantalang ang babaeng ito... hindi niya mabasa ang nasa loob ng isip nito. Napatingin siya sa ibaba nang may makita siyang isang singsing. Pinulot niya iyon saka tinitigan. Ang singsing na ito ang hawak ng binibini kanina. Halatang mura ito ngunit maganda ang disenyo. Mukhang pinagsikapan nito ang pagpili. Kung ibang tao ang makakita nito'y siguradong mamahalin ang iisipin nila tungkol sa singsing na ito. Napaupo siya pabalik sa upuan at saka sumandal sa sandalan. Kahit nais niya, hindi niya ito pwedeng pakasalan. Hindi sila pwede. Malalagay sa panganib ang buhay nito. Halimaw siya, samantalang isa naman itong...diwata na hindi babagay sa isang tulad niya. Ipinikit niya ang mga mata. Umiyak ito dahil sa kanya...kaya sana ay sapat na iyon upang lubayan na siya nito. MABILIS ang bawat paghakbang ng Baron papunta sa hardin kung saan sila magkikita ng Crown Prince. Hindi niya alam pero nasasabik siya at kinakabahan dahil sa biglaang pagtawag nito sa kanya. Pagkarating niya'y inanunsyo muna siya ng guwardya saka siya nito pinapasok sa greenhouse. Pagkapasok niya'y agad niyang nakita ang Crown Prince na nakaupo habang sumisimsim ng tsaa. “Your Majesty, the Crown Prince. I'm glad you called me.” saad niya habang nakayuko. Lumingon naman sa kanya ang crown prince saka siya nginitian. “Maupo ka Baron.” anyaya nito habang nakalahad ang kamay sa isang upuan. Umupo naman ito at mayrong lumapit na katulong upang lagyan ng tsaa ang tea cup niya. Tinignan niya ang prinsipe at parang naghihintay itong basagin niya ang katahimikan kaya nagsalita nalang siya. “Bakit n'yo nga po pala ako pinatawag, mahal na prinsipe?” magalang niyang tanong. Ngumiti ito. “Nais ko lang kumustahin ang iyong anak, Baron.” biglang tumalim ang mga mata nito na naghatid sa kanya ng kilabot. “Mukhang hindi mo alam na naglayas ang anak mo. Nais ko pa naman siyang makita.” ngumisi ito na nagpatindig sa kanyang mga balahibo. Biglang umurong ang dila niya ngunit sinikap niya paring magsalita. ”U-uhm... Medyo nagrerebilyon ho kasi ang anak ko. N-ngunit huwag kayong mag-alala mahal na prinsipe. Hahanapin ko ho si—” naputol ang kanyang sasabihin nang sumingit ang prinsipe. “Huwag na Baron. Hayaan mo muna ang anak mo. Mayron kasi akong nais masaksihan.” ngumiti ng nakakilabot ang prinsipe at nagbabadya iyon ng panganib. “Dumidikit siya ngayon sa minanahal kong pinsan kaya hayaan mo muna siya sa mga gusto niyang gawin.” sumisimsim ulit ito ng tsaa. “Huwag kang kumilos ng naaayon sa gusto mo, baron. Hayaan mo akong kumontrol sa lahat.” Nanginginig ang mga kamay ng baron habang tumatango ng paulit-ulit. “Opo, opo, mahal na prinsipe. Gagawin ko ang lahat ng nais n'yo.” ‘Para rin naman ito sa ikakaunlad ng pamilya natin, Querencia.’ saad ng baron sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD