CHAPTER 5

2000 Words
Sobrang aliwalas ng paligid at tanging ingay lang ng mga kulisap at malamig na simoy ng hangin ang naririnig. Mahimbing na natutulog si Querencia nang bigla siyang nakaramdam ng lamig, dahilan upang mas lalo niyang isiksik ang kanyang katawan sa kanyang kumot at higaan. Kahit na mainit ang kanyang higaan ay nilalamig parin siya. Parang nanggagaling ang malamig na simoy ng hangin sa bintana. Pero isinara naman ito ni Marina kanina. Dahil sa antok ay tiniis nalang niya ang lamig at nagpatuloy lang sa pagtulog. Kung bukas man ang bintana, sigurado naman siyang walang papasok na tao sa kwarto niya dahil nasa ikalimang palapag ito ng mansyon. Mahigpit din ang seguridad ng Archduchy. At kung mayron mang mangyaring masama sa kanya, ang Archduke na ang may kasalanan no'n. Umikot siya ng pagkakahiga at humarap sa banda kung nasaan ang bintana. Wala na ang malamig na simoy ng hangin kaya komportableng-komportable na siyang natutulog. Ilang minutong nakalipas ay parang may humahaplos na magaang bagay sa noo niya. Nakikiliti siya kaya pinaypay niya ang kanyang kamay sa harap ng kanyang pisngi. “Urgh!” naiinis niyang daing saka itinaas ang kumot hanggang sa may ilong niya. Nakapikit parin ang kanyang mata dahil sa sobrang antok. Habang natutulog ay pinapakiramdaman niya ang paligid. Parang may nakatingin sa kanya. At sa harap pa talaga niya mismo. Dahil sa kuryusidad kung ano ito'y unti-unti niyang iminulat ang mga mata saka kinusot ito. “As...o?” hindi niya makapaniwalang sambit. Sus. Aso lang pala. Pero bakit ang laki nito kumpara sa ibang aso? Lumiliwanag din ang itim nitong balahibo dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos mula sa bintana. Pula rin ang mga mata nito. Para itong mga ruby, katulad ng mga mata ng Archduke. Kapagkuwan ay inabot niya ang ulo nito saka kinuskos. Ang lambot ng balahibo nito. Ang sarap siguro nito...yakapin... Unti-unting pumipikit ulit ang mga mata niya ngunit patuloy parin siya sa paghaplos sa balahibo nito. Kapagkuwan ay nagtaka na siya dahil parang mas lumambot ang balahibo— hindi, parang buhok ito. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay dahil sa pagtataka. Ang kamay niya'y pinagapang pa niya hanggang sa napunta ito sa parang...tainga? T-tapos pisngi...ilong...at labi... Naidilat niya ang mga mata ngunit medyo nanlalabo ang paningin niya. Pero sapat na iyon para tignan at makita kung anong nahawakan niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang Archduke ang nahawakan niya at may gulat itong ekspresyon sa mukha. A-at...wala rin itong damit!!! “M-m-my l-lord?” utal niyang sambit. “MY LORD?!” napabalikwas bigla ng bangon si Querencia. “Miss! Ayos lang ho ba kayo?!” biglang sulpot ni Marina sa gilid niya. Lumingon siya rito habang habol ang hininga. Nanaginip ba siya? “Nanaginip ho ba kayo ng masama?” nag-aalala nitong tanong habang dinadama ang temperatura niya sa kanyang noo. “Ang init ho ng mukha nyo.” hinawakan nito ang kanyang kamay. “Ngunit sakto naman ang temperatura ng palad n'yo.” tumingin ito sa mga mata niya. “Ayos lang ho ba kayo?” puno ng pag-aalalang tanong nito. Napakagat labi siya saka napahawak sa magkabilang pisngi. Ang init nga ng mga ito. Pero bakit? Paano? Argh! Bakit gano'ng klase ang napanaginipan niya!? At ang Archduke pa talaga! At wala pang saplot sa katawan! Ibig sabihin ba nito'y pinagnanasaan na niya ang Archduke?! Oh my gosh! Hindi maaari ito! Inosenteng binibini siya! Ang malambot nitong pisngi. Ang malambot nitong mga labi. Ang matangos nitong ilong. At ang...ang maganda nitong katawan na nakakatakam. T-those eight packs of his... Oh my goodness! “Miss! Tumutulo po ang dugo sa ilong n'yo!” biglang sigaw ni Marina. Shyt! Na nosebleed siya. MALALIM NA napabuntong-hininga si Querencia nang hinatid na sila ng butler ng Archduke patungo sa karwahe. “Mag-ingat po kayo sa paglalakbay, Miss.” saad ng butler habang nakayukod. Ngumiti siya. “Salamat, Johan.” aniya rito na nginitian lang nito. Nag-umpisa nang tumakbo ang karwahe at nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Umaasa siyang makikita niya ang Archduke. Simula pa kasi kanina ay hindi ito nagpakita, at kahit na anino ay hindi niya nahagilap. Sobra ba ang galit nito sa kanya? Paano kung malaman nito ang nangyari sa panaginip niya? Mas magagalit kaya ito? Napabuntong-hininga na naman siya saka napailing-iling. Mukhang susunod na ang pangalawang plano. PAGKARATING ni Querencia sa loob ng mansyon nila ay agad na sumalubong ang ilang katulong sa kanya upang batiin siya. Binati siya ng mga ito na tila ba galing siya sa isang bakasyon at hindi sa paglalayas. Anong nakain ng mga ito? “Miss. Querencia, nais n'yo ho bang paghandaan ko kayo ng maligamgam na tubig para panligo? Makakatulong po iyon upang mawala ang pagod n'yo.” magalang nitong sabi. “Anong pagkain po ang nais n'yo ngayong hapunan?” tanong naman ng isa. “Nais n'yo ho ba ng masahe mamaya? Para naman po mawala ang sakit ng iyong katawan.” saad pa ng isa. Huminto siya sa paglalakad saka bumuntong hininga. Napaigtad naman ang mga katulong. “Malapit na ba akong mamatay? Kung makaasikaso kayo sa akin ay parang huling araw ko na.” iritang saad niya saka nilampasan ang mga ito. “Nga pala, pakisabi sa baron na bumalik na ang pinakamamahal niyang anak at hindi na niya kayo kailangan pang utosan na alagaan ako.” seryoso niyang saad at hindi na inisip ang takot ng mga ito sa kanya. Wala siyang oras para intindihin pa ang nararamdaman ng iba. “Naiintindihan n'yo ba?” tanong niya sa mga ito. Napalunok naman ang lahat ng katulong at mabilis na tumango. “Masusunod po, miss.” sabay na sabi ng mga ito habang nakayuko. Saglit niya lang ang mga ito sinulyapan saka nagpatuloy na sa paglalakad. Habang si Marina naman na nakasunod sa kanya'y tinignan ang mga katulong na nakayuko parin. May awa itong ekspresyon sa mukha kaya napailing-iling siya. “Huwag kang maging malambot, Marina. Baka sa susunod na araw, pinaguusapan ka na nila.” saad niya kapagkuwan saka pumasok sa kwarto niya nang nakarating na sila. “Pasensya na ho, miss. Hindi ko lang kasi matiis.” paghingi nito ng tawad. Malakas na naman siyang napabuntong-hininga. Bakit ba ang lambot ni Marina? Kaya ito naiisahan eh. Mula pagkabata ay gano'n na ito. Kung hindi lang siguro niya ito kinuhang katulong niya ay siguradong pagkakaisahan ito ng iba pang mga katulong. “Sige. Makakaalis ka na. Magpahinga ka ng mabuti.” saad niya kay Marina at tumango naman ito bago umalis. Nang nakaalis na si Marina at sarado na ang pinto ay pabagsak siyang nahiga sa kama. Nakakapagod ang naging byahe nila. Ang layo kasi nito. Mukhang mayron parin siyang motion sickness. Ipinikit niya ang mga mata saka pinakiramdaman ang paligid. Mayron paring taong nakatingin sa kanya. Siguro'y mamaya nalang niya gagawin ang dapat niyang gawin. Dahil mayron paring nagbabantay sa kanya ay natulog muna siya ng ilang oras. Ginising naman siya ni Marina nang maghahapunan na. May dala itong pagkain sa kwarto niya at ang lahat nang iyon ay puro paborito niya. Agad siyang natakam. “Salamat, Marina.” nakangiting aniya saka nag-umpisa nang kumain. Nang natapos na siya'y pinahiran na niya ng napkin ang gilid ng kanyang labi saka siya nagsalita. “Mayron bang sinabi ang Baron sayo?” tanong niya. Kanina pa niya ito gustong itanong pero iwinaksi muna niya ito sa isip niya dahil nais pa niyang kumain ng magana. Umiling si Marina. “Wala ho siya kanina. Sa pagkakarinig ko'y nasa imperial palace po siya dahil pinatawag siya ng crown prince.” ani Marina. Agad na kumuyom ang kamao niya dahil sa isiping magkasama ang dalawang dem*nyong iyon. Mukhang nagpaplano na ang mga ito. “Haah. Mukhang nag-uumpisa nang magsipsipan ang mga linta.” umingos siya saka pinag-krus ang mga braso. Si Marina naman na nagliligpit ng pinagkainan niya'y tumingin sa kanya. “Kumalma ka lang, Miss. Hindi po maganda para sa kalusugan n'yo ang mga bakterya, kaya huwag n'yo na po silang alalahanin.” mahinhing saad ni Marina na ikinatingin niya rito na tila ba nawalan ito ng ulo. ”M-marina? Kanino ka natutong magsalita ng ganyan?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi marunong magsalita ng masama ang Marina na kilala niya. Inosente itong ngumiti. “Sa inyo po, Miss.” diretso nitong sagot na ikanatigas niya sa kanyang pwesto, kapagkuwan ay napahilot siya sa kanyang noo. “Marina.” sambit niya sa pangalan nito. Pakiramdam niya'y ang sama niya. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Baka pagalitan ako ng ama mo.” aniya. Baka sabihin ng ama ni Marina na nakakasama siya para sa anak nito. Ang mahiyain at mahinhing Marina ay napalitan ng pilosopang katulad niya. Napanguso si Marina. “Masusunod, Miss.” nakasimangot nitong sabi. Mukha itong nagtatampo pero para rin naman sa ikakabuti nito ang ginagawa niya. Ngayon pa niya nalamang bad influence pala siya. Hayst. “Pagkatapos mo dyan, matulog ka na Marina. Ang laki na ng eye bags mo eh.” aniya at napahawak naman sa sariling pisngi si Marina. “Ho? Eye bags? Mayron ba?” agad nitong ginawang salamin ang stainless steel na tray na hawak nito. Kapagkuwan ay napasinghap ito. “May alam po ba kayong paraan kung paano ito mawawala?” nagmamakaawa nitong tanong. Napangiwi siya. Nasaan na yung Marina na walang pake sa itsura kahit na mapuno ng pimples ang pagmumukha nito? Nangunot ang kanyang noo. “Tapatin mo nga ako, Marina. May nagugustohan ka bang lalaki?” tanong niya habang nakangiwi. Hindi kasi ito magkakaganito kung wala itong nagugustohan. Bigla naman itong namula na ikinagulat niya. “W-wala ho, miss!” at bigla nalang itong tumakbo palabas ng kwarto habang dala ang mga pinagkainan niya. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa nilabasan nitong pintuan. Wala raw itong nagugustohan pero biglang namula tapos tumakas pa. Hah. Grabe. Napailing-iling nalang si Querencia dahil sa katulong niya. Kapagkuwan ay tumayo na siya saka nagpunta sa banyo. Naligo na siya at hinanda ang sarili sa pagtulog. Sa ilang sandali ay lumabas na siya ng banyo at saka naglakad papunta sa bintana ng kanyang kwarto ay isinara ang mga iyon. Hinila niya rin ang kurtina para takpan ang bintana. Ayaw niyang may makakita sa mga gagawin niya. Nang natapos ay sumampa na siya sa kama at umupo roon. Pinatuyo na niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mahika at saka kinuha ang singsing na nasa ilalim ng unan niya. May ibinulong siya rito at nagliwanag naman ito. Ipinakita nito ang nangyari noong pinaalis siya ng Archduke. Kung sa modernong panahon ay matatawag itong spy cam, at ang hawak niya ngayon ay ang pares nito kung saan mapupunta ang recording. Para itong sd card. “Anong nangyari sa kanya?” tanong ng Archduke ngunit wala namang tao. Nabaliw ba ito dahil sa pag-alis niya? Psh. Ang assuming niya. May bigla nalang sumulpot na lalaki sa gilid ng Archduke na ikinagulat niya. “Sa kama po siya bumagsak at bigla nalang po siyang umiyak pagkalapit ng katulong.” saad nito. Nangunot ang kanyang noo. Kung gano'n, ito pala ang lalaking nagbabantay sa kanya? Wala siyang planong umiyak no'n pero pinilit nalang niya ang sarili para magmukha siyang kaawa-awa. Nang nawala na ang lalaki ay saglit na natulala ang Archduke na tila ba malalim ang iniisip. Kapagkuwan ay napatingin ito sa dibdib nito. Siguro'y tinitignan nito ang brooch. Tsk, hindi niya ito ibabalik dito kahit magmakaawa ito. Kapagkuwan ay nakita na ng Archduke ang singsing at pinulot ito. Ang mga kilos nito'y parang nakokonsensya kaya napangisi siya. Parang tumatakbo ng mabuti ang plano niya. At umipekto rin ang paiyak-iyak niya. Kinuha na niya ang magic sa singsing at isa na itong normal na bagay katulad ng iba. Kung wala na itong magic ay mawawalan narin yung isa. Kailangan niyang burahin ang lahat ng bakas para hindi siya mahuli na gumagamit siya ng mahika. Walang may alam na may mahika siya at wala rin siyang planong ipaalam ito sa iba. It's her deepest secret. No one should know that she's an elemental witch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD