CHAPTER 6

1533 Words
Apat na araw hindi ginambala ng Baron si Querencia kaya laking pasasalamat niya dahil hindi ito nagpakita. Kinulong na siguro yun ng Crown Prince at ang dalawang iyon ang magpapakasal. HAHA! Sana nga ay yun ang mangyari. “Nakahanda na po ang lahat, miss.” ani Marina kaya naglakad na siya palabas ng kwarto at sumunod naman ito sa kanya. Pagkalabas nila ng mansyon ay agad silang sumakay ng karwahe at nagtungo sa palengke. She's wearing a commoner clothes right now so she's calm and sure that no one will interrupt her strolling in the village's market. Pagkarating ay lumabas na siya ng karwahe habang bitbit ang kanyang basket. Sunod namang bumaba si Marina. “Ako na ho ang magdadala niyang basket, Miss.” ani Marina habang inaabot ang dala niya. Kanina pa nito ito gustong kunin sa kanya kaya napasimangot siya. “Nais kong mabuhay na hindi isang maharlika kahit na isang araw lang, Marina.” she draw away her basket then swish her index finger as if saying 'no'. “Kaya hayaan mo muna ako ngayon.” she said in a firm tone then walk away. Masaya siyang naglakad paalis at nataranta naman si Marina sa paghabol sa kanya. At kalauna'y nakasunod na nga ito. Nauna silang nagtungo sa tindahan ng mga mansanas. “Whoa. Ang pula.” puno ng paghanga niyang sabi habang nakatitig sa mansanas. Siguradong matamis ito. “Ilan sa iyo, mga binibini?” tanong ng tindera habang nakangiti. Nag-isip muna siya kung ilan ang mauubos niya sa loob ng dalawang araw. Baka kasi mabulok ang iba kapag sumobra. ”Lima lang ho.” aniya at pumili na ng mga mapupulang mansanas. At habang abala siya sa pagpili ay binayaran na ito ni Marina. Nang natapos ay tumayo na siya ng tuwid saka nagpasalamat sa tindera. “Aalis na ho kami. Salamat!” nakangiting aniya. “Salamat din. Bumalik kayo.” tugon ng tindera. Hindi pa sila nakakalayo ay mayron na naman siyang nakita. “Sugar cookies!” excited niyang sigaw saka agad na bumili ng cookies na paborito niya. Bumili siya ng dalawang box. At nang mayron na naman siyang nakitang mga prutas ay bumili narin siya. She brought durian— an exotic fruit. She didn't expect that she'll see it here. Siguro'y dahil Filipino ang gumawa ng istorya na ito ay mayron ding mga bagay na galing sa Filipino. Bananas, mangoes, and grapes. She brought it all and that made her basket heavy as fck! Pero hindi niya ito pinagsisihan. It's her shopping day at all. “Miss, kaya n'yo po bang dalhin yan?” tanong ni Marina habang nakatingin sa kanya na dalawang kamay na ang pinanghawak sa basket. Ang durian lang talaga ang nakakapagpapabigat dito. Lumingon siya kay Marina saka inabot ang Durian na agad naman nitong tinanggap. “Ikaw na ng bahala dyan.” aniya. Napangiwi naman si Marina. “Miss, makakain n'yo po ba talaga 'to?” anito na parang nandidiri. Mukhang ayaw ni Marina sa Durian. Pero gusto naman niya ito kaya dapat nito itong dalhin. “Binilhan kita ng Grapes.” kinindatan niya ito at napabuntong-hininga naman si Marina. She likes durian and Marina likes grapes, both of them brought each other's favorite so they're even. Habang naglilibot ay may nakitang dessert shop si Querencia kaya agad niyang hinila si Marina papunta sa loob. “Ano pong gusto n'yo?” tanong ng isang babae na parang waiter. Kakalapit lang nito sa kanila nang umupo sila sa bakanteng mesa. May inabot itong menu na kaagad niyang tinanggap. Tinignan niya ito at agad siyang namangha dahil sa sobrang cute na disenyo ng pagkain dito. Akala niya'y sa capital lang ang mayrong ganitong theme. “Special bun pancake sakin.” nakangiting aniya at isinulat naman ito ng waiter sa hawak nitong papel. Kapagkuwan ay bumaling siya kay Marina na pumipili parin. “Mag order ka ng kahit ano, Marina. Ako ang magbabayad.” nakangiting aniya. Seryoso pumili si Marina at sa ilang sandali'y nagsalita na ito. “Club sandwich lang sakin.” anito sa waiter saka bumaling sa kanya. “Salamat, miss.” nakangiting anito. “Ano ang nais n'yong ipares dito mga binibini?” kapagkuwan ay tanong ng waiter. “Juice lang sakin.” aniya saka bumaling kay Marina. Tumango naman ito. “Sakin din.” Umalis na ang waiter at sa ilang sandali'y dumating na ang order nila. Nagpasalamat muna siya saka sila kumain. Nang natapos na sila ay parehong napasandal silang dalawa ni Marina sa sandalan ng upuan. “Grabe, ang sarap ng pagkain nila.” komento niya habang nakahawak sa tiyan na busog na busog. “Sang-ayon ako sa sinabi mo, Miss.” ani Marina. Dahil sa kabusogan ay nagpahinga muna sila. Sa ilang sandali'y tumayo na silang dalawa at lumabas na ng shop. Nagpatuloy sila sa paglilibot at nang may makitang books store ay napatigil siya saglit. Nais niyang pumasok at maghanap ng libro tungkol sa mga witch ngunit baka magtaka si Marina. Hindi pa naman siya nito lulubayan kapag hindi niya nasagot ang katanungan nito. Kapagkuwan ay bumaling siya kay Marina. “Mayron ka bang lugar na nais puntahan, Marina?” tanong niya. Napalingon naman ito sa kanya. “Wala ho, Miss.” nakangiting anito. Tumaas lang ang dalawa niyang kilay saka nagkibit balikat. “Sige.” aniya at naglakad na papunta sa karwahe nila. Kalye ang dinadaanan nila ngayon ay marami ang tao. Marami ring mga magkakasintahang namamasyal na nagpapangiwi sa kanya dahil sa pagkadisgusto. Tsk. Maghihiwalay din naman ang mga ito. “Urgh...hnggg. Tama na po. Magbabayad po ako sa inyo.” rinig niyang hikbi ng isang bata kaya napalingon siya sa isang sulok. Liblib iyon kaya hindi niya masyadong makita kung ano ang naroon. At dahil natural na chismosa naman siya ay medyo lumapit siya roon na ikinapagtataka ni Marina. “Miss. Saan kayo pupunta?” takang tanong nito. Inilapat niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. “Shh, Marina. May naririnig ako.” aniya. “Anong magbabayad? Hah! Paulit-ulit mo ng sinasabi yan!” sigaw ng isang lalaki at bigla nalang mayrong kumalabog. “Manlimos ka ron! Nasisira ang araw ko dahil sayo!” singhal nito sa kung sino. Napaatras naman siya nang mayron siyang nakitang batang puno ng pasa ang mukha na lumabas sa liblib na lugar na iyon. Pasuray-suray ito sa pagtakbo at bigla nalang bumunggo sa kanya. Malakas itong natumba sa lupa. “Urgh!” daing nito. Kapagkuwan ay tumingala ito sa kanya at mabilis itong tumayo saka yumuko. “Patawad po, binibini.” paghingi nito ng tawad. Dahil sa bilis nito'y hindi niya ito nagawang tulongan. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay dahil sa nakitang itsura ng bata. Baliw na matanda lang ang gagawa nito, kagaya ng ama niya. Umangat ang kanyang kamay upang haplosin ang ulo nito ngunit napaigtad ang bata na tila ba natatakot ito na saktan niya. Tumalungko siya upang pantayan ito, at para narin hindi ito matakot sa kanya. “Ayos ka lang ba?” puno ng sinceridad niyang tanong. Nanginginig naman ang bata habang mahigpit ang hawak sa laylayan ng suot nito. Hindi ito umimik. “Ayos lang ho ba siya, miss?” tanong ni Marina na nasa kanyang likuran. Napabuntong-hininga siya saka umiling. “Hindi.” aniya saka hinarap si Marina at kinuha ang durian na hawak nito. “Hintayin mo ako rito, Marina.” malamig niyang sabi at agad naman siyang pinigilan ni Marina sa kamay. Mukhang agad nitong nabasa ang nangyayari. “Miss. Kumalma ka lang. Pwede tayong magtawag ng guwardya o kawal.” taranta nitong sabi habang pinipigilan siya. Malamig niya lang na tinignan si Marina kapagkuwan ay matamis itong nginitian. “Pakibantayan itong bata, Marina. Huwag mong ipalapit.” bilin niya at saka inalis ang kamay ni Marina sa kamay niya. Mas malakas siya rito kaya walang nagawa si Marina. Tinalikuran niya ito at saka mabilis na pumasok sa lugar na iyon. Mayron naman siyang nakitang naglalakihang mga tao na nagiinuman. Kumuyom ang kamao niya. Kung gano'n, itong mga walang kwentang tao pala ang nanggugulpi ng mas mahihina sa kanila. At ang iba pa talaga ang kumakayod para lang sa pang inom nila. Ang kapal rin eh 'no? “Sino ka?!” agad na sigaw ng isang lalaki nang napansin siya. Mabilis naman na nagsitayuan ang mga kasama nito at hinarap siya. “Bakit may binibining napadpad dito?” tumawa ng nakakainsulto ang lalaki. Ngumisi siya. “At bakit may mga oger na napadpad dito?” aniya pabalik na agad na ikinainit ng ulo ng mga lalaki. “Ano?!” “Nanghahamon ka ba?!” “Naghahanap ka ba ng away ha?!” Sabay na sigaw ng mga ito na muntik na niyang ikabingi kaya napahawak siya sa kanyang tainga. Akala niya'y magiging maaliwalas ang araw niya ngunit hindi pala. Ayaw niyang magtagal sa lugar na ito. “Nakikinig ka bang babae ka?!” singhal ng isang lalaki kaya tumalim ang mga mata niya. “Hindi.” madiin niyang sambit at mabilis niyang itinapon ang hawak niyang durian papunta sa mukha ng mukhang gorilla. “Ack!” daing nito at agad na natumba. Walang pag-aalinlangan namang tumakbo papunta sa kanya ang mga lalaki at inatake siya. “Humanda ka!!!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD