“Humanda ka!!!” sigaw ng lalaki at parang wala na ito sa tamang huwisyo.
Maybe anger blinded them?
Nakatitig lang siya sa mga ito at walang ginawang paghahanda. She has a faith from the above. From the person who's watching from the above— literally.
Nanatili lang siyang nakatayo at hinihintay ang atake ng mga ito. Ang isang lalaki ay umangat na ang kamao sa ere at akmang susuntukin na siya, ngunit bago pa mangyari iyon ay dumating na ang magliligtas sa kanya mula sa itaas.
“Ack! Argh! Urgh!” daing ng lalaki at napa-atras ito.
Hindi niya makita ang bawat galaw ng lalaking nagbabantay sa kanya, basta sa pagkakaalam niya'y inisa-isa nito ang mga kalaban at natumba ang lahat habang walang malay. Walang dugong lumaganap sa paligid.
Parang minuto lang ang tinagal ng panunuod niya dahil madali itong natapos. Hindi tuloy siya nakakuha ng popcorn at e enjoy and action movie.
Naglakad siya palapit sa lalaki saka tumabi ng tayo rito. “Umamin ka nga, sino ang nag-utos sayo para bantayan ako ha?” masungit niyang tanong habang nakapamewang at nakatingala sa lalaki.
Oh...my...gosh. He's tall...
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa...at hanggang balikat lang talaga siya.
Hindi umimik ang lalaki at nanatili lang na nakatingin sa kanya.
Is he a mute or he really doesn't want to talk?
Napailing-iling siya saka nilampasan na ito. Naglakad siya patungo sa katawan ng lalaking binato niya ng durian kanina saka nanghihinayang na tinignan ang durian. Mabuti nalang talaga at naka full body armor ang prutas na 'to.
“My precious. What did I do to you?” naiiyak niyang sabi habang sapo ang bibig. Ini-angat niya ang durian saka tinitigan ito. “You look messed up.” paano na niya ito kakainin ngayon? Pero mabuti nlng at hindi dumugo ang mukha ng lalaking binato niya, dahil kung dumugo ito, mawawalan siya ng gana.
“Please call the guards Mr. Guard. This men should be punished.” aniya sa lalaking nagbabantay sa kanya saka sinipa ang mga kalalakihang nang-aabuso sa taglay nilang laki at lakas. Kapagkuwan ay binalingan niya ito. “And, oh, please comeback.” kinindatan niya ito.
Dahil sa hindi umimik ang lalaki ay tinitigan niya ito ngunit hindi niya makita ng maayos ang itsura nito dahil nakasuot ito ng balabal at naka-maskara ito na tanging ang mga mata lang ang natatakpan.
“Sir. Are you listening?” pukaw niya sa diwa nito saka paulit-ulit na pinatunog ang mga daliri.
Bigla naman itong napabuntong-hininga saka yumukod at bigla nalang naglaho. Bahagyan siyang napangiwi nang mawala ito. Kung umasta ang lalaki ay parang napipilitan lang ito. Hindi ba nito alam ang salitang pabor? At isa pa, hindi siya makagalaw ng maayos sa loob ng apat na araw dahil palagi itong nakabantay sa bawat galaw niya.
Napabuntong-hininga siya. Pero sana'y bumalik pa ito. Marami pa siyang nais malaman.
Nanatili muna siya sa lugar na iyon hanggang dumating sila Marina at kasama nito ang bata. Parehong umiiyak ang dalawa habang lumalapit sa kanya.
“Miss, nasaktan ho ba kayo?” umiiyak nitong tanong saka pinahiran ang sipon. “Grabe, pinag-alala n'yo kami.”
Bahagyan siyang natawa dahil sa itsura nito. “Siguro kapag nakita ka ng lalaking nagugustohan mo, tiyak na madi-desmaya yun.” biro niya ngunit hindi ito umipekto kay Marina.
“Paano n'yo po nagagawang magbiro ng ganyan. Paano kung hindi kayo bumalik ng bu—”
“Maraming beses nako napunta sa gano'ng sitwasyon, Marina. Kaya wag kang mag-alala.” aniya saka tinapik ang balikat nito. Kapagkuwan ay bumaling siya sa bata at saka tumalungko.
“Wala ng masasamang taong aaway sa'yo kaya tahan na.” aniya sa mahinahong boses.
Tumango naman ang bata ng paulit-ulit. Ang cute nito tignan.
Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa saka pinahiran ang mukha nito na ikinagulat ng bata. Ngunit kumalma rin ito at nagpaubaya sa kanya.
Napangiti siya. “Iyan, wala nang dumi sa mukha mo.” Lihim niyang binasa ang panyo kanina at nang natapos ay agad niya itong pinatuyo gamit ang engkantasyon kaya naging malinis ang mukha ng bata.
Ngayon pa niya nakita ang mga mata nitong kulay asul katulad ng sa kanya. At mayron din itong itim na buhok, pero dahil sa dumi ay abo ito kung tignan.
Kamag-anak ba ito ng Archduke? Sa pagkakaalam niya kasi ay ang pamilya lang nito ang may ganitong kulay ng buhok.
”Young Lady of Baron Lynn. We're here to get the criminals.”
Napatingin siya sa likuran ng bata nang mayrong kawal na nagsalita. Tumayo siya saka pinagpag ang saya.
”Nandito sila.” aniya saka iminuwestra ang kamay sa direksyon ng mga nakahigang tao sa lupa.
Yumukod muna ang mga kawal sa kanya bago kinuha ang mga kalalakihan. Sumama narin sila nang lumabas ang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahang maraming tao ang nakaabang sa labas. Abala rin ang ibang kawal sa pagpapatabi ng mga tao dahil nagtutulakan ang mga ito para makasagap lang ng balita. Mga marites nga naman.
Kapagkuwan ay bumaling siya sa isang kawal. Parang pinuno ito ng mga ito. “Ano nga pala ang magiging kaso para sa kanila?” tanong niya.
“Mag-i-imbistiga pa po kami, ngunit sa ngayon ay Human Trafficking muna, Miss.” saad nito na ikinatango niya.
“Sige. Salamat nga pala sa pagdating.” aniya at yumukod naman ulit ang kawal bago umalis.
Nang sila nalang tatlo nina Marina at ang bata ay tumingin siya sa paligid. Hinahanap niya kung nasaan ang lalaking iyon.
Bigla siyang napaigtad dahil sa gulat nang mayrong kumalabit sa kanyang balikat. Awtomatiko siyang napalingon at napabuga naman siya ng isang malalim na hininga nang makitang ito ang lalaking hinahanap niya.
Nakatayo lang ito at nakaharap sa kanya. Nagmumukha tuloy itong isang poste.
“Miss, sino siya?” tanong ni Marina na ikinatingin niya rito.
Ngumiti lang siya ng makahulogan. “Lalaki ko, Marina.” nakangiti paring saad niya saka kinuha ang kamay ng lalaki at pinagsiklop ang mga kamay nila. Napaigtad naman ito dahil sa kanyang ginawa ngunit hindi na niya iyon pinansin.
Napanganga si Marina. At dahil dalawang basket ang dala nito'y tinakpan nalang nito ang paningin ng bata gamit ang katawan nito. ”Mayrong bata rito, Miss.” saway nito sa kanya na tinawanan lang niya.
“Tara, kumain muna tayo.” aya niya kapagkuwan saka hinila ang lalaki sa isang bench. Sumunod naman si Marina at saka ang bata.
Nang nasa bench na ay kinuha niya ang dalawang basket at binuksan iyon. Laking pasasalamat niya nang makitang naroon na ang durian. Marina is really a quick witted woman!
Inilabas niya ang durian saka nanghiram ng kutsilyo sa lalaki. Nag-aalangan ito noong una ngunit bumigay din sa huli. Ibinigay nito ang kutsilyo sa kanya at ginamit niya iyon sa pagbukas ng Durian.
Agad na nanuot ang amoy nito sa kanyang ilong nang nabuksan na niya ito. Si Marina naman at ang lalaking kasama niya'y napatakip sa mga ilong ng mga ito. Habang sila naman ng bata ay natatakam na nakatingin sa prutas.
“Siguradong matamis 'to.” nakangiting aniya saka kumuha na. Malinis naman ang kamay niya kaya iyon ang ginamit niya.
“Miss, maawa ka.” nahihirapang saad ni Marina habang nakatakip parin ang kamay nito sa bibig at ilong.
Napairap siya sa hangin. “Nasa isang basket ang grapes, Marina. Pwede mo yang kunin at kainin. At kung saang lugar ka mang mapadpad kakaiwas sa amoy, hahanapin nalang kita.” mahaba niyang sabi at pagkalingon niya kay Marina ay wala na ito. Iniwan nga talaga siya nang dahil lang sa amoy ng durian.
Akmang tatayo naman ang lalaki kaya mabilis niya itong hinila pabalik sa pag-upo. “I should repay your kindness, Mister.” nakangising aniya saka inilapit sa bibig nito ang durian na hawak niya. “Have a bite.” alok niya at parang masusuka naman ito. Pero wala siyang pake. “Open your mouth, Mister.” ngumiti siya ng nakakatakot at paulit-ulit naman itong napapalunok. Parang ayaw nitong kumain ngunit napipilitan itong ibuka ang bibig at saka maliit na kumagat sa durian na hawak niya.
Nang nagtagumpay siya'y napapalakpak siya. “Thanks, Mister!” aniya saka tinanggal ang gloves sa kamay nito na ikinagulat nito. “Please hold it. Ubusin mo, Mister.” aniya at parang nanghihina naman itong tumango.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya. Haha. Magdusa ito.
Kapagkuwan ay binalingan na niya ang bata na nakatitig lang sa durian na nasa upuan. Binuhat niya ang bata saka pinaupo katabi ng lalaki at pareho namang nagulat ang dalawa ngunit wala lang iyon sa kanya.
Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa saka pinahiran ang kamay ng bata at siniguradong wala na itong dumi. “Dapat malinis ang kamay mo bago ka kumain.” bilin niya sa bata saka binigyan ito ng durian. “Eat well.” nakangiting aniya na nagpatulala sa bata.
Napalunok ito saka napayuko. Mukha itong balisa. “Uhm...Lady...hindi ho ba kayo n-nahihiya? P-pinagtitinginan po kayo nang dahil sa akin.” malungkot nitong sabi.
Napangiti siya saka kinuskos ang ulo nito. “Wag mong alalahanin ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo, ang alalahanin mo ay ang sarili mo.” hinawi niya ang buhok nitong nakatabing sa mukha nito. “Hayaan mo sila dahil oras nila ang sinasayang nila sa pangungutya ng iba. At hindi ka naman magkakapera kung bibigyan mo sila ng atensyon. Kaya huwag mo silang pansinin at kumain ka lang ng mabuti.” masuyo niyang sabi saka sinubuan ito at kumain naman ang bata.
Kapagkuwan ay mayron siyang naalala. “Nga pala, mayron ka bang pamilya?” tanong niya habang kumakain ang bata. Saglit naman itong natigilan ngunit umiling din kapagkuwan.
“Mayron ka bang mauuwian?” tanong niya ulit at umiling din ulit ito. Ngumiti siya ng matamis. “Kung gano'n, nais mo bang sumama sakin?” tanong niya na ikinatigil nito sa pagnguya at tumingin sa mga mata niya.
Ilang segundo siyang tinitigan ng bata kaya bigla siyang nabahala. Agad siyang nagpaliwanag “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Pero kung gusto mo, bukas ang palad ko para isama ka. At kung sa tingin mo ay mga masasama kaming tao, pwede kang umalis pagkatapos mong kumain.” aniya.
Napakurap-kurap ang bata at bigla nalang nanubig ang mga mata nito. Kalauna'y pumalahaw ito sa pag-iyak na nagpataranta sa kanya. Dahil hindi niya alam kung paano magpatahan ng bata ay tinawag niya si Marina na nasa ibang bench kumakain. Naabala niya tuloy ito.
.
.
.
“Hindi ko alam na hilig mo narin palang magpaiyak ng bata, miss.” naiiling na saad ni Marina habang naglalakad sila papunta sa sa karwahe nila. Naabutan sila ng hapon at ngayon pa sila makakauwi. Dala nito ang isang basket habang isa naman sa kanya, at ang bata naman ay dala ng lalaki.
Napatingin siya sa bata. Mahimbing itong natutulog ngayon. Siguro'y napagod ito sa kakaiyak. Namumugto rin ang mga mata nito at hanggang ngayon ay sumisinghot parin.
Napangiti siya. Hindi niya alam pero masaya siyang pumayag itong sumama sa kanya. Ganito ba ang pakiramdam kapag nakatulong sa ibang tao? Nakalimutan na kasi niya ang pakiramdam na iyon dahil sa matagal na panahong nakalipas.
“Narito na tayo, miss.” saad ni Marina na ikinalingon niya rito. Nasa unahan kasi ito naglakad kanina kaya ito ang unang nakaalam na nakarating na sila. Habang sila namang dalawa ng lalaki ay sabay na naglakad.
Ipwenesto na ni Marina ang mga dala nila at kinuha narin nito ang dala niyang basket. Pinauna niya ito sa pagsakay ng karwahe dahil kukunin pa niya ang bata.
“Hindi ka ba sasama?” tanong niya sa lalaki at mabilis naman itong umiling.
Nang nakuha na niya ang bata'y napabuntong-hininga siya. “Maari ka bang yumuko saglit?” aniya at kahit nagtataka ma'y yumuko parin ito.
Napangiti siya nang nagpantay na ang mga mukha nila. Masuyo niyang hinawakan ang kabila nitong pisngi na ikinatigil nito dahil sa gulat.
“Thank you so much, my lord.” nakangiting aniya saka hinalikan ito sa pisngi.
Ilang saglit itong natigilan at nakabawi rin kapagkuwan. “W-what—”
“I already know it from the start, My Lord.” pagputol niya sa salita nito saka tumalikod na at naglakad patungo sa karwahe. Nang nakasakay na siya'y naroon parin ang Archduke na nakatingin sa kanya. Oo, ang Archduke talaga. Hindi niya alam kung bakit ito narito pero masaya parin siya dahil nasa paligid niya ito.
“Take care, My Lord.” she mouthed then smiled sweetly at him.
Nag-umpisa nang tumakbo ang karwahe at sa isang kisap mata ay wala na ang Archduke.
Bahagyan siyang natawa. Umipekto ba ang panlalanding ginawa niya?
Napailing-iling siya at napatingin sa batang nakasandal sa dibdib niya at natutulog.
This child will be her adopted brother, and if not, she'll make another way to give this kid a peaceful life. Away from harm and slavery.