CHAPTER 8

1829 Words
“Johan.” pagtawag ng Archduke sa pangalan ng kanyang butler habang nakatingin sa mga papelis. Lumingon ito sa kanya. “Yes, My Lord?” Bahagyan siyang napaigtad nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. ‘My Lord.’ Fck! Why is that woman still appearing in his mind! It's already been 2 days have passed! Napahawak siya sa kanyang noo. “Adress me anything but not that.” seryoso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Johan. Nagtataka ito dahil sa inaakto niya. “Did something happen, Your Grace?” kunot noong tanong ni Johan. Mabilis siyang umiling. “Nevermind.” aniya saka inilapag ang papel na hawak. “Anyway, investigate the Young Miss of Baron Lynn. Her background, her past... everything about her.” because she's suspicious. He already investigated her himself but he can't find any exact reason why she approached him bravely. But when she caught him following her, that made him have more doubt at her. He's curious of how did she know that there's someone keeping an eye at her and how she recognized him. Yumukod si Johan. “Yes, Your Grace.” kapagkuwan ay nagtataka na naman itong tumingin sa kanya. “Can I ask you, Your Grace?” nag-aalangang tanong nito. Napaangat siya saglit ng tingin dito at agad ring ibinalik ang tingin sa bagong papel na kanyang babasahin. “Speak.” sambit niya. Umakto namang nag-isip si Johan at saka nagsalita. “Did... Did Miss Querencia pissed you off?” Saglit siyang natigilan dahil sa naging tanong nito. Did the Miss really pissed him off? But she didn't do anything... “What do you think about the Miss?” tanong niya. Napaisip saglit si Johan. “Uhm...well, I don't really have a thought about the Miss, but as I heard about the rumors, she's a villainous lady. In the social circles, everyone was afraid of her but they're still provoking her. They named her a "witch of social circles" because every person who provoke her, they ended up regretting as if she cursed them. And as for now, no one was inviting her because they're afraid that their party would be ruined. If based on a rumors, she's dangerous, Your Grace.” mahabang sagot ni Johan na tila ba binibigyan siya ng nalikom nitong impormasyon. Napatigil siya sa ginagawa at nagtanong na naman. Nag-aalangan siya ngunit kailangan makahinga ng kuryusidad niya. “Did she ever date someone?” seryosong tanong niya at naramdam naman niyang natigilan saglit si Johan. Kapagkuwan ay tumikhim ito. “As I know, she didn't, Your Grace. I never saw nor hear about her getting close with another man, even her own father or servants.” anito. Napatango-tango siya. “So she didn't know what she's doing.” bulong niya ngunit narinig parin iyon ni Johan. “What is it, Your Grace?” agad na tanong nito. Bumuga siya ng malalim na hininga. ”She proposed to me—” “What?! Proposed?! Your Grace, are you jo—” “I'm not joking.” pagputol niya sa iba pang sasabihin ni Johan. Napatanga ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Kapagkuwan ay nakabawi na ito sa pagkagulat at bahagyang tumawa. “That would be more funny if she have a ring while kneeling —” “Yes. She have and she did.” aniya na parang hindi ito big deal. Naistatwa naman si Johan at parang lumipad ang kaluluwa nito dahil sa sobrang gulat. He didn't expect that the Lady would do that. Ever. Ilang minuto ang itinagal ng katahimikan sa pagitan ng Archduke at ng butler. Unang binasag ni Johan ang katahimikan. “D-don't...” utal nitong sabi at hindi parin nakabawi sa pagkabigla. “Don't t-tell me you rejected her... Your Grace.” utal na tanong nito. Hindi siya umimik at bigla nalang nabitawan ng butler ang mga papel na hawak nito. Silent means, Yes. Nanghihinang napatingin sa kanya ang butler. “Are you really planning to be a single forever, Your Grace? You're already 29 years old!” “29 doesn't mean I'm old.” aniya. “But, what about your heir?” “I can have a heir anytime.” “Through adopting?” “Yes.” “Your Grace.” sukong suko na si Johan dahil sa katigasan niya ngunit hindi niya ito binigyang pansin. Inabot niya ang pluma. “Anyway, deliver an invitation letter to the miss.” kapagkuwan ay saad niya. Walang buhay namang nagtanong si Johan. “Invitation for what?” Gumuhit ang ngisi sa labi niya na ikinatindig ng balahibo ng butler. “Tea time.” nakangising sambit niya. Naguguluhang nakatingin sa kanya si Johan. “Your Grace, you won't do anything bad, right?” Nawala ang ngisi sa labi niya at tinaasan ito ng kilay. “Why would I do something bad? I'll just gonna test something at the Miss, Johan.” Inosenteng saad niya. Napabuntong-hininga naman si Johan at napailing-iling. Johan was sure that his master will gonna do something unbelievable. Again. MALAMYOS NA awit ang kinakanta ni Querencia para makatulog ang bata. Gabi na at kailangan na nitong matulog ngunit tudo parin ito sa pagtanong sa kanya. Paulit-ulit ang nagiging tanong nito sa bawat gabi ngunit hindi siya nagsasawang sagutin ang mga katanungan nito. “Bakit n'yo po ba ako isinama, ate?” tanong nito. Ate... Napangiti siya dahil sa tawag nito sa kanya. Nang dumating ang batang ito rito ay pinatawag na niya itong ate sa kanya at kay Marina. Gusto kasi niyang mayroong tumatawag sa kanya ng ate nang walang kaplastikan. Pinangalanan narin niya ito ng Syriel. Lalaki ito at noong pag-uwi pa nila noong nakaraang araw niya nalaman ang kasarian nito. Nahihiya ito noong una ngunit bumigay din sa huli at hinayaan silang alagaan ito. Pinisil niya ang pisngi nito. “Dinala kita rito kasi ayaw kong mayron pang mangyaring masama sa 'yo. At nakikita ko rin ang sarili ko sayo.” aniya. Tumingala ito sa kanya. “Naghihirap po ba kayo? Hindi ba mayaman kayo, Ate?” Napabuntong-hininga siya dahil sa naging tanong nito. “Syriel, hindi porket mayaman ang isang tao, wala na siyang paghihirap. Maraming nagagawa ang pera. Kaya nitong takpan ang hirap na dinadala ng isang tao.” makahulogan niyang sabi at napanguso naman si Syriel. “Kung gano'n, nahihirapan din kayo, ate?” inosente nitong tanong. Pilit naman siyang ngumiti saka niyakap ito. “Lahat ng tao ay nahihirapan.” seryoso niyang saad. “Walang taong nabuhay na walang paghihirap.” dugtong niya. Humigpit ang pagkakayakap ni Syriel sa kanya. “Kung mayrong paghihirap, bakit nabuhay pa ang tao?” tanong na naman nito. Mapait siyang napangiti. Bakit nga ba nabuhay pa ang tao? “Siguro, dahil hindi nila alam na nabuhay pala sila?” patanong niyang sabi. Maski kasi siya ay hindi niya alam kung bakit nabuhay pa ang tao. Bakit nga ba? Kinuskos ni Syriel ang mga mata saka isiniksik ang katawan sa kanya. “Kahit na mahirap pong mabuhay, masaya po ako kasi nandito kayo. Kaya wag n'yo akong iwan, ate.” inaantok nitong sabi. Hinawakan niya ang ulo nito. “Oo naman.” saad niya saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Sa ilang sandali'y bumigat na ang paghinga ng bata, sinyales na tulog na ito. Malalim siyang napabuntong-hininga kapagkuwan. Ang layo ng inabot ng usapan nila. Muntikan na siyang mawalan ng utak at dugo sa puso. Ipinikit na niya ang mga mata saka pinakiramdaman ang paligid. Nang wala siyang maramdaman na presensya ng tao ay laking pasasalamat niya. Nawala narin ang umaaligid sa kanya sa wakas. Inayos niya ang posisyon niya saka nagpahinga na. Napagod siya kakainsayo sa pagkontrol sa kapangyarihan niya. Ngunit hindi parin ito sapat para makaalis siya sa bahay na 'to. Ilang segundo lang siyang nakapikit nang bigla nalang may yumugyog sa balikat niya. Nang lingunin niya kung sino ang gumising sa kanya'y napabangon siya. Namumutla ang mukha ni Marina at parang nagmamadali ito. “Miss. Nandito ang Baron. Hinahanap ka.” kinakabahan nitong saad sa kanya. Kaagad siyang napabangon. Kung hindi kasi siya magmadali sa pagharap dito ay madadamay ang mga katulong niya. “Samahan mo rito si Syriel, Marina.” saad niya at mabilis naman na tumango si Marina. Lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa may hagdanan. Mula rito'y naririnig na niya ang pagwawala ng Baron. “Nasaan si Querencia?!” sigaw nito at para itong isang lasing. Nasa salas ito kaya bumaba na siya ng hagdan. “Anong kailangan mo, minanahal kong ama?” puno ng sarkasmong saad niya. “Mabuti naman at nagpakita ka na.” masungit nitong sabi saka inilapag ang hawak nitong vase. Kalmado naman siyang tumayo sa harapan nito saka saglit na sinulyapan ang mga katulong. Mayrong nakaupo sa sahig at ang iba nama'y nanginginig parin dahil sa takot. Napabuntong-hininga siya. “Bakit? Ano na namang sadya mo?” tinaasan niya ito ng isang kilay. Nagkasalubong ang mga kilay ng Baron at kulang nalang ay umusok na ang ilong nito. “Ayos-ayosin mo iyang tuno ng pananalita mo, Querencia! Nagmumukha kang walang respeto sa ama mo!” singhal nito sa kanya. Pagak siyang natawa. “Kung maayos kang ama, rerespitohin kita. But you didn't deserve that so-called respect at all.” naka-krus ang mga brasong aniya. Natahimik saglit ang Baron at parang naghahanap ito ng ibang maisusumbat. “Balita ko'y nag-uwi ka ng bata. Ano na naman itong pakulo mo, Querencia?!” biglang sigaw nito at tama nga siya. Naghanap nga ang lok*. Mabuti nalang talaga at nasa pangalawang palapag ang kwarto niya kaya hindi aabot do'n ang boses kapag nagsigawan sila. Hindi magagambala ang mahimbing na tulog ng bata. Umirap siya. “Bulalo ang pakulo ko. Gusto mo isunod ko yang mga buto mo?!” galit din niyang sigaw pabalik. Nagpupuyos na sa galit ang Baron at kumuyom ang kamao nito. “Ano bang gusto mo at nang maibalik mo na yang bata sa pinanggalingan niyan!” Nameywang siya saka napahalakhak. “Alam mo kung anong gusto ko.” saad niya saka mabilis itong tinalikuran. Naglakad na siya paakyat ng hagdan at laking gulat niya nang biglang hinila ng baron ang dulo ng kanyang buhok dahilan upang mawalan siya ng balanse at nahulog sa hagdan. Nauna ang ulo niya. Malakas ang pagkahulog niya at nakita nalang niya ang dugong kumalat sa sahig. Nang tignan niya ang Baron ay namumutla ito at tarantang tumawag ng mga paring gagamot sa kanya. ”Miss!” “Ahh! Panginoon!” “Ahhh!” “Tumawag kayo ng pari!” Rinig niyang sigawan ng mga katulong na nakasaksi sa nangyari. Bakit parang pamilyar ang pangyayaring 'to? Oo nga pala, ganito ang nangyari noong nakaraang buhay niya ngunit magka-iba lang ang dahilan. Unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin at kalauna'y pumikit na ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man mawala ang kanyang malay ay tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Gusto na niyang umalis sa lugar na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD