CHAPTER 9

1498 Words
Napabangon si Querencia saka agad na sinuri ang paligid. Wala siya sa kwarto niya at parang nasa guest room siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo nang maalala niyang nagkasugat pala siya rito. Wala siyang maramdamang kahit ano mang sakit. Siguro'y nagkumpulan na naman kanina ang mga paring galing sa templo rito sa kwartong tinutulogan niya. She can sense the traces of divine power. And she can also feel from her body that it got purified. From soul to body. Mabuti nalang talaga at hindi pa siya nakapag-aral ng black magic at kaunti palang ang enerhiyang nasa katawan niya. Humiga siya pabalik saka natulog ulit. Kailangan niya ng pahinga. Kahit na lubusan ng gumaling ang katawan niya'y kailangan niya paring bawiin ang nawala niyang lakas. Mukhang puputulan na rin niya ang buhok niyang hanggang bewang ang haba. Para naman ay wala ng mahila pa ang Baron. Minsan ay napapaisip siya kung ang Baron nga ba talaga ang tunay niyang ama, ngunit tuwing tumitingin siya sa salamin ay nawawalan siya ng pag-asa na sana'y ampon lang siya. Kahawig niya ang mukha ng baron at pareho sila ng kulay ng buhok. Pula. She's a redhead woman for short. Sana naman bukas ay hindi muna magpakita ang Baron. Ama niya ito ngunit nawawala ang respito niya kapag kaharap na niya ito. Baka kung ano pang magawa niya at mabawian ito ng buhay. Masasayang ang lahat ng paghihirap niya kapag mangyari yun. Gusto na niyang umalis dito. Gustong-gusto. Maraming beses narin niyang sinubukan ngunit kapag hindi siya nakakauwi pagkatapos ng isang buwan ay sumasakit ang puso niya at bigla -bigla nalang siyang bumabalik sa mansyong ito. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ulo. Medyo sumasakit ito kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata saka natulog ulit. At nang nagising siya'y agad na sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Marina. “Miss? Kumusta ang pakiramdam n'yo?” tanong nito habang hawak ang kanyang kamay. Lumingon siya rito saka bumangon. ”Nasaan si Syriel?” agad niyang tanong. Napabuntong-hininga si Marina. “Miss, ang sarili n'yo po ang unang alalahanin n'yo saka na ang ibang tao.” nakasimangot nitong sabi. Halatang nagtatampo ito. Bahagyan siyang natawa. “Matagal ko ng inalala ang sarili ko, Marina. Nagsawa lang ako dahil paulit-ulit na.” makahulogan niyang sabi saka umalis na ng kama. Agad naman siyang dinaluhan ni Marina at nag-aalala itong tumingin sa kanya. “Miss, mag-ingat po kayo. Alam kong gumaling na kayo pero wag po muna kayong magalaw.” saway nito sa kanya kaya napailing-iling siya. “Ayos na ako. At kung matumba man ako rito, problema na yun ng Baron.” pabirong saad niya ngunit kumuyom na ang kanyang kamao. Ang sarap na kasing suntukin ng matandang iyon. Laglag ang mga balikat ni Marina at bigla nalang siyang niyakap. “Gusto ko kayong itakas ulit, Miss. Pero baka mayron na namang mangyaring masama dahil sa pagiging pabaya ko kaya wag nalang muna.” puno ng sinceridad nitong sabi. Tinapik niya ang likuran nito at bumitaw naman si Marina. “Mayron akong plano, Marina. Hindi ko nga lang alam kung gagana.” nasira na kasi ang dalawa niyang plano kaya tatalon na naman siya sa pangatlong plano. Suminghot-singhot si Marina na tila maiiyak na naman. “May tiwala ho ako sa inyo, Miss.” anito. Napangiti siya. “Mabuti naman.” tinapik niya ang balikat nito saka naglakad na palabas. ”Nasaan nga pala si Syriel?” tanong niya ulit. “Nasa kwarto parin po, Miss. Natutulog.” sagot ni Marina. Nagtaka naman siya. “Anong oras na?” hindi niya makita kung maliwanag na ba sa labas dahil hindi pa inaalis ang mga kurtinang nakatabing sa bintana. “Alas sais po ng umaga, Miss. Patawad po kung maaga ko kayong nagising.” nakayukong paghingi ng tawad ni Marina. Tumigil siya saglit sa paglalakad saka binuksan ang pinto ng kwarto niya. “Bumalik ka muna sa kwarto mo, Marina. Mamaya ka na magtrabaho. Mukhang tulog parin naman ang mga kasamahan mo.” aniya. Bahagyan lang yumuko si Marina at isinara naman niya pabalik ang pinto. Naglakad siya patungo sa kama saka tinabihan si Syriel na tila mantika kung matulog. Hinaplos niya ang ulo nito. “Huling pagkakataon ko na to...” bulong niya sa sarili. Ito na ang huling pagkakataon na isusugal niya ang buhay niya para makalaya. Kasama ang batang 'to, magsisikap siya. Kakakilala niya lang sa bata ngunit agad ng nahulog ang loob niya rito. Siguro'y dahil sa wala siyang nararamdamang masamang enerhiya mula rito kaya gano'n. This kid is pure. Napahikab siya sa ilang sandali kaya hinayaan nalang niya ang sariling matulog ulit. . . . “Hindi ko hahayaang mayrong mangyaring masama sayo, Aellys.” saad ng isang lalaki sa dalaga habang kaharap ang duguang mga kawal. “P-pero... Hindi mo kailangan isakripisyo ang sarili mo, Archduke...” umiiyak namang sabi ng dalaga. But, wait— what?! Aellys? Archduke?! Unti-unting lumilinaw ang mukha ng lalaking nagsalita at natulos sa kinatatayuan si Querencia. What the fck! Castriel?! Napabalikwas ng bangon si Querencia nang makita niya ang buong mukha ng lalaki. Hindi siya makapaniwala. “Masama po ba ang panaginip n'yo?” Napalingon siya sa kanyang tabi nang marinig niya ang cute na boses ni Syriel. “H-ha? Haha hindi.” pagsisinungaling niya. Shyt! May nakaligtaan ba siya sa kwento? At bakit ngayon pa ulit siya nanaginip ng gano'n? Aellys... Archduke... Magkakilala ba ang dalawa? Wait— Archduke... Archduke Castriel de Wolreign... Napasinghap siya. Bakit ngayon pa niya naalala?! Isa si Castriel sa mga lalaking baliw kay Aellys na siyang female lead! Archduke Castriel de Wolreign... Isa sa mga supporting male lead. Hindi niya ito masyadong napapansin bilang isang male lead dahil kaunti lang ang linya nito sa kwento. Ang tanging alam at naalala lang niya ay isa ito sa pinakamakapangyarihang tao sa imperyo. Argh! Grabe ang pag-alala niya noon at ngayon pa ito pumasok sa utak niya! Dahil ba sa pagkahulog niya kaya pumasok ang memoryang ito?! Kung gano'n man, handa siyang magpahulog ulit! Aish! Sana'y hindi pa kilala ng Archduke ang female lead, dahil kung nakilala na nito ay kataposan narin niya. Nakagat niya ang kanyang kuko. Bakit ba ngayon pa?! Argh! “Ate, ayos lang po ba kayo?” bigla siyang kinalabit ni Syriel kaya napatingin siya rito. Napakurap-kurap siya... Siguro may oras pa. Napangiti siya. “Ayos lang ako, Syriel!” mabilis at mahigpit niya itong niyakap. This child is really an energy booster! Tinatagan niya ang kanyang loob. Kailangan niyang gawin ang lahat para hindi siya maunahan ng female lead. Kilala bilang nakakatakot na tao ang Archduke kaya siguradong matatakot muna si Aellys bago siya makalapit sa Archduke. Kaya ang dapat niyang gawin ngayon ay ang maglagay ng bitag upang mapasakanya na ang Archduke. Tama! Yun nga ang gagawin niya! Pero hindi madaling mapaikot ang Archduke. Lalo na't sobrang talino nito. Gayumahin kaya niya ito? Napahagikhik siya ngunit kalauna'y natahimik dahil wala pa pala siyang sapat na black magic sa katawan upang gawin yun. Paano kaya niya ito makukuha? Paano ba? HABANG nag-iisip si Querencia ay nagtatakang nanonood sa kanya si Syriel. “Miss—” Napalingon siya kay Marina na kakapasok palang sa kwarto. Inilapit niya ang hintuturo sa labi saka nagsalita. “Shh, Ate Marina. Nababaliw na si Ate.” Inosenteng aniya. Si Marina naman na alam ang nangyari kagabi ay biglang nataranta at mabilis na inilapag ang dalang mga pagkain saka niyugyog ang binibini. “Miss! Maghunos-dili ka!” sigaw ni Marina. —— Napahawak sa kanyang noo si Querencia habang sumisimsim ng kape. Kakatapos palang ng kagulohan at napagkamalan siyang baliw. Kasalukuyan din sila ngayong nasa hardin at kakatapos lang kumain ng agahan. “Tatangkad ba ako kagaya ng lalaki ni Ate kapag ininom ko yan?” Inosenteng tanong ni Syriel kay Marina habang nakatitig sa hawak nitong isang basong gatas. Mabilis na tumango si Marina. “Nakakatangkad ang pag-inom ng gatas, Syriel. Kaya kung gusto mong tumangkad kagaya ng "Lalaki" ng binibini, uminom ka ng marami.” ani Marina at diniinan pa talaga ang pagsabi ng Lalaki. Napabuntong-hininga siya. Mukhang hinahangaan ni Syriel ang Archduke, habang si Marina naman ay tudo parinig at tudyo sa kanya. Pero hindi nito alam na ang Archduke pala yung kasama niyang lalaki. “Miss Querencia.” Napalingon siya sa katulong na lumapit sa kanila. May dala itong tray at nakalagay naman doon ang isang sobre. “May nagpadala po ng sulat.” nakayukong saad nito saka inabot sa kanya ang hawak. Kinuha naman niya ang sulat saka tinignan iyon. It's an invitation letter and there's a seal from the Archduke of Wolreign. Bakit nagpadala ng ganito ang Archduke? Hihingin na ba nito ang ulo niya dahil sa mga lapastangang kanyang ginawa tungo rito? Napabuntong-hininga siya saka binuksan ang sulat. Sumimsim muna siya ng kape at bigla nalang niya itong naibuga nang mabasa niya ang nakalagay s sulat. ‘I invite you for a tea time. Right now.’ What the fudge?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD