CHAPTER 10

2101 Words
Malakas na bumuga ng malalim na hininga si Querencia habang nakatingin sa salamin. Medyo nanghihinayang siya sa pagpagupit sa mahaba niyang buhok. Ilang taon din niya itong inalagaan. “Handa na po ba kayo, Miss?” tanong ni Marina. Ito ang puputol sa mahaba niyang buhok. Marunong kasi ito at ito lang din ang mapagkakatiwalaan niya. Napalunok siya. “O-oo. Hanggang dito lang, Marina.” itinuro niya ang ibaba ng kanyang dibdib. Tumango naman si Marina saka dahan-dahang ginugupit ang kanyang buhok. Sa bawat gupit nito'y mas lalo siyang kinakabahan. Gusto niyang hanggang balikat ang puputulin ngunit nag-aalangan siya. Sayang ang minamahal niyang buhok. Pumikit siya at hinintay ang magiging resulta. At sa ilang minutong lumipas ay nagsalita na si Marina. “Tapos na po, Miss!” masayang anito kaya agad niyang iminulat ang mga mata at tinignan ang sarili sa salamin. Dahil wavy and kanyang buhok ay sobrang bagay nito sa kanya. Sobrang namangha siya. Ang ganda ng pagkakaputol nito. “Ang galing mo, Marina.” puri niya rito at ngumiti lang naman si Marina. Napaka stay humble talaga ng babaeng ito. Tumayo na siya saka binalingan si Syriel na nakaupo sa mahabang sofa. “Ikaw na ang masusunod, Syriel.” aniya at tumalima naman ito. Umupo ito sa upuan at humarap sa salamin. “Handa nako, ate Marina!” matapang na saad nito habang nakataas ang mga kamay. Bahagyan siyang natawa. “Kaya mo yan, Syriel!” pakikisabay niya rito. Ngumiti naman si Syriel at mukha itong excited. Inumpisahan na ni Marina ang pag-gupit at habang nanonood siya'y napapangiti siya. Mag li-limang taong gulang palang si Syriel at masaya siyang makita itong masaya. She tested him through his hair kaya nalaman niya ang totoo nitong edad. Hindi man sya kagalingang gumamit ng mahika, marunong naman siyang mag eksperimento upang malaman kung ano ang edad ng tao. She discovered it from the book of human magic. “Whoa! Salamat ate Marina!” masayang sigaw ni Syriel na nagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo. Yumakap muna ito kay Marina saka lumapit sa kanya. Sinuri niya ang itsura nito at napa- thumbs up siya. “Ang cute naman ng bebe ko.” pinanggigilan niya ang pisngi nito. “Hehe.” tanging tugon ni Syriel kaya lalo siyang nanggigil. Ang cute talaga!!! “Miss, ano po bang nais n'yong isuot ngayon?” Napalingon siya kay Marina at may hawak na itong mga dress na susuotin niya. Literal na nagkikintaban ang lahat. Napangiwi siya. “Mayron bang walang corset dyan?” gusto pa niyang makahinga. Ngumiti lang si Marina saka umiling. “Wala ho, Miss.” anito. Patay siya... . . . “Argh! Kailangan pa ba talagang higpitan yan Marina?!” reklamo niya. Shyt! Hindi na siya makahinga! “Kailangan n'yo pong tiisin, Miss. Alang-alang sa magandang impresyon sa inyo ng Archduke.” seryosong saad ni Marina habang hinihila parin ang pantali. Napasinghap siya. “My goodness Marina. Bitawan mo na. Bahala na ang impresyon ng Archduke. Gusto ko lang makahinga. Kahit ngayon lang, wag mong ibigay ang best mo.” habol hininga niyang sabi saka napalunok. Parang mawawalan na siya ng laway. Napabuntong-hininga si Marina saka binitawan ang pantali ng corset. “Masusunod binibini.” nanghihinayang nitong sabi. Napabuga siya ng hininga. “Ayaw ko na.” pabagsak siyang napaupo sa upuan. “Buhok ko nalang muna ang asikasohin mo, Marina.” pagod na pagod na siya. Sumunod naman si Marina sa sinabi niya at kumuha na ito ng suklay. Kalahati lang ng buhok niya ang tinalian nito at nilagyan ng ribbon na babagay sa kulay ng suot niyang dress. Nang natapos na ito sa buhok niya'y nilagyan na siya nito ng manipis na make-up sa mukha. At sinunod naman nito ang dress niyang hindi parin natapos. “Nakakahinga pa ba kayo?” tanong ni Marina habang unti-unting hinihigpitan ang corset. “Ayos na, Marina.” aniya nang sakto na ang higpit sa bewang niya. Itinali na ito ni Marina at tinulongan siyang isuot ang iba pa niyang susuotin. At nang natapos at tumayo na siya saka humarap sa salamin. As always. She's beautiful. “Ate! Ate!” rinig niyang masayang sigaw ni Syriel mula sa labas ng kwarto. Pina-askaso niya kasi ito sa ibang mga katulong, ngunit pinili niya muna yung mapagkakatiwalaan sa bata. Lumingon siya sa pintuan nang pumasok doon si Syriel. Napatutop siya sa kanyang bibig. “OMG! Ang cute!” sinalubong niya ito ng pagpisil sa pisngi nito. Ang mga katulong naman na nag-ayos kay Syriel ay taas noong tumayo sa likuran nito. Proud na proud ang mga ito sa nagawang make over kay Syriel. Ngumiti si Syriel at akmang magsasalita pa sana siya nang mayrong katulong na lumapit sa kanya. “Miss. Nandito po ang karwahe ng Archduke.” saad nito sa kanya. Napatayo siya ng tuwid saka takang tinignan ito. “Archduke ng Wolreign?” tanong niya na tinanguan nito. Nagtataka siya dahil wala naman itong isinulat na magpapadala ito ng karwahe upang sunduin siya. Taika lang...sa sinabi nito sa sulat ay Right Now, ito ba ang ibig sabihin nito? Napahawak siya sa kanyang noo. Ang lakas din mang trip ng Archduke eh no. “Sige.” saad niya saka hinawakan ang kamay ni Syriel. Lumabas na silang dalawa ng kwarto at nagtungo sa labas. Agad naman niyang nakita si Johan— ang butler ng Archduke, nakayukod ito na tila ba hinihintay sila sa harap ng karwahe. “Good morning, My lady. I'm sorry for the sudden invitation of the Archduke.” agad nitong paghingi ng tawad. Bahagyan lang siyang ngumiti. “It's alright.” aniya. Ngumiti lamang ang butler at bumaba ang tingin nito kay Syriel na nahihiyang nagtago sa likuran niya. Siguro'y natatakot pa ito sa taong hindi nito kilala. Nangunot ang noo ng Butler at nagtataka ito. “May I know who's this little guy, Miss?” tanong nito. Napalingon siya kay Syriel at saka pinakilala ito. “He's my little companion for today. His name is Syriel.” aniya. Hindi parin nawawala ang pagtataka sa mukha ng Butler. “He looks like a mixture of the Archduke and you, Miss.” wala sa sariling turan nito at bigla nalang natauhan sa sinabi. Tumikhim ito. “Uhm, I'm so sorry for that.” Napatulala siya dahil sa sinabi ng butler. Anong mixture? Oo nga't magkapareho ng kulay ng buhok ng Archduke ang dalawa, at pareho din sila ng kulay ng Mata pero hindi nila ito mixture! Hindi pa nga siya nakakapag multiply eh. “Ate, punta muna ako kay Ate Marina.” biglang bulong ni Syriel sa kanya at walang pagdadalawang isip naman niya itong pinayagan. “Sige. Hihintayin kita.” saad niya saka napalingon kay Marina na nakangiti. Pagkalapit ni Syriel kay Marina ay agad itong tumalungko upang magpantay ang dalawa. May ibinulong ito at bumungisngis ang dalawa. “Uhm, Miss. May I know the age of your servant?” biglang tanong ng butler kaya napabaling siya rito. Parang si Marina ang tinutukoy nito. Agad na kumunot ang kanyang noo. “Bakit? Manliligaw ka?” diretso niyang tanong at bigla nalang itong nagpanic habang namumula. “No! I-i mean, I'm, I'm just asking.” napakamot ito sa sariling batok. Napangisi siya. “She's 24 and still single.” aniya saka pinagmasdan ang magiging reaksyon nito. Napabuntong-hininga ang butler. “Owh, thanks for answer—” pinutol niya ang salita nito. “Aha. Bakit parang nabunutan ka ng tinik? Manliligaw ka talaga?” nanunudyo niya itong nginisihan at sobrang pula na ng mukha ng butler. Nakakaamoy siya ng something. Napayuko ang butler. “Please spare me, Miss.” nanghihina nitong saad at bagsak ang mga balikat nito. Bahagyan siyang natawa. Mukhang may gusto ito kay Marina. Hindi masamang magsama ang dalawa dahil anak ng Count si Johan the butler at anak din ng dating baron si Marina. Marina is a noblewoman before, but because of her father's gambling add*ction, nawala ang lahat ng yaman nila. At palagi niyang hinihiling na sana mawala rin ang sa kanila. Her father doesn't deserve the wealth at all. “Tara na po.” ani Syriel nang nakalapit na ito sa kanya. Mabilis na inilahad ng butler ang kamay upang tulongan siyang makaakyat at tinanggap naman niya ito. Sunod na umakyat si Syriel at huli ang butler. “Mag-ingat ho kayo sa paglalakbay.” sabay na saad ng mga katulong na nginitian lang niya. Nag-umpisa nang tumakbo ang karwahe at napansin naman niyang nakatingin lang sa labas ang butler. Natawa siya. Siguro'y nanghihinayang ito dahil iniwan niya si Marina. Isang araw lang kasi silang mawawala sa mansyon kaya hindi na niya ito pinasama pa. “Hindi yan tatakbo para habulin ka, Johan.” saad niya na ikinalingon ni Johan sa kanya. Napabuntong-hininga ito. “Miss. Ayaw ko sa nararamdaman ko kapag tinutudyo n'yo ako ng ganyan.” nakasimangot nitong sabi. Dahil sa itsura nito'y natawa siya. “Bakit? Ano bang nararamdaman mo?” pabiro niyang tanong. Napahawak ito sa dibdib nito. “Uhm... It's beating rapidly, Miss. I can't understand it.” anito at tinutukoy ang puso. Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Kung makapagsalita ito'y parang ngayon lang ito nagkagusto sa isang tao. “Anyway, Miss.” biglang pag-iiba ni Johan sa topic nila. “May I know where is this child came from?” seryoso nitong tanong. Lumingon siya kay Syriel na nag-e-enjoy sa pagtingin sa labas ng bintana. Bumuntong hininga siya. “I found him in the village.” tipid niyang sagot. Napangiti bigla si Johan nang makahulogan habang nakatingin sa kanya. “Now I know why.” anito at mukhang sa kanya na naman napunta ang usapan. Napairap siya. “Kung tungkol na naman yan sa Archduke —” “Wala akong sinasabing tungkol iyon sa Archduke, Miss.” nakangiting anito kaya napaingos siya. “Hayst. Ewan.” bulong niya sa hangin. “Pero kahawig po talaga ng Archduke ang bata, Miss. Walang halong biro.” ani Johan. Pinag-krus niya ang mga braso at saka tinitigan ulit ang bata. Matagal niya itong tinignan hanggang lumingon sa kanya si Syriel at nginitian siya saka bumalik ulit sa pagtingin sa bintana. Totoo nga ang sinabi ni Johan... “Johan!” biglang sigaw niya at napaigtad naman si Johan, ngunit hindi iyon narinig ni Syriel. “Johan, may babae ba ang Archduke?” agad na tanong niya. Mabilis itong umiling. “No, Miss. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa nakikitang may kasamang babae ang Archduke. Kayo palang po ang may lakas ng loob upang lapitan siya.” seryosong saad nito. Napangiwi siya ngunit totoo naman. Siya palang ang kauna-uhanang babaeng naglakas loob lapitan ang Archduke. Nakakatakot kasi ito. Napabuntong-hininga siya. “Mukhang kailangan kong mas maging matapang mamaya.” saad niya na nginitian lang ni Johan. “Good luck to you, Miss.” nakangiting anito. Naging tahimik ang buong byahe at nakatulog narin si Syriel. Nagtataka siya kung bakit ang tagal ng paglalakbay nila at nang tanungin naman niya si Johan ay sinabi nitong sa hilaga raw sila pupunta— kung saan naroon ang teritoryo ng Archduke. Pero ang layo no'n! Dadaan pa sila sa portal saka sila makakarating do'n, at mayron pang ilang minutong byahe gamit parin ang karwahe. Wait— parang mayrong importanteng sadya ang Archduke kaya siya nito ipinapunta sa lugar na 'to. Pero ano naman?! Sa ilang oras na paglalakbay ay nakarating narin sila sa wakas. “Welcome to the Archduchy of Archduke Castriel de Wolreign, Miss.” nakangiting ani Johan habang nakayukod. Naglakad na sila ni Syriel at nakahilera sa dadaanan nila ang lahat ng katulong. At ang nasa dulo naman ay nakatayo roon ang Archduke. Ano 'to? Akala niya'y tea time lang? Oh gosh, naiiyak na siya dahil sa nerbiyos. “Thanks for inviting me, Miss.” nakangiting aniya habang nakatayo sa harap nito. Ang lakas ng t***k ng puso niya at nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa kaba. Pero mabuti nalang at isinama niya si Syriel kaya may karamay siya. Matiim itong tumitig sa kanya kaya nailang siya bigla. “I'm glad you came.” walang emosyong saad nito. Napalunok siya saka pilit na ngumiti. Hindi na niya alam kung ano pa ang susunod na sasabihin. Kapagkuwan ay bumaba ang mga mata ng Archduke at tumingin kay Syriel na nagtatago sa likuran niya. Akmang ipapakilala niya si Syriel ngunit napatigil siya dahil ito na ang mismong lumapit sa Archduke at itinaas ang mga kamay. “Papa!” biglang sigaw nito sa harap ng Archduke na ikinatigas niya sa kanyang kinatatayuan. Hindi lang pala siya ang naistatwa, ang lahat ng tao rito'y natigilan pati narin ang Archduke. A-anong papa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD