CHAPTER 11

2000 Words
“Papa!” sigaw ni Syriel na biglang ikinatahimik ng paligid. Parang may anghel na dumaan dahil sa katahimikan. Paulit-ulit siyang napalunok saka unti-unting tumingala upang tignan ang Archduke. Mataman lang itong nakatitig kay Syriel na labis niyang ikinakaba. Napalunok na naman siya. “M-my—” “Kid.” biglang tawag ng Archduke kay Syriel na pumutol sa kanyang pagsasalita. Mabuti nalang at mahina ang boses niya kaya hindi nito narinig. Tumingala si Syriel at umawang ang labi nito. Sino ba namang hindi mapapanganga kung parang tore ang taong kaharap. Hanggang hita lang kasi ng Archduke si Syriel. Biglang inilahad ng Archduke ang kamay nito kay Syriel na ikinagulat niya. Anong plano nito? “Let's get inside.” mahinahong saad ng Archduke na ikinatigas niya sa kanyang kinatatayuan. Sinapian ba ito ng kung anong mahinahong nilalang? Walang pag-aalinlangan namang tinanggap ni Syriel ang kamay ng Archduke habang nakangiti. Bigla siyang napaisip. Mayron ba siyang hindi alam o nakaligtaan? Mukhang mag-ama kasi talaga ang dalawa. Hindi kaya'y may nabuntis ang Archduke na hindi alam ng kung sino kaya iniwan nalang si Syriel sa bayan? “Follow us, Miss.” saad ng Archduke na pumukaw sa nag-iisip niyang diwa. Napakurap-kurap siya at bahagyang napa-atras nang inilahad din nito ang kamay sa kanya. “Or you want me to hold your hand and take you inside?” seryosong saad ng Archduke ngunit may napapansin siyang hindi tama sa salita nito. Para itong sarkastiko kung magsalita. Muntikan na siyang mapa-ismid ngunit mabuti nalang at napigilan niya ang sarili. Ngumiti siya sa Archduke at sinamantala nalang ang pagkakataon. “It's my pleasure, My Lord.” nakangiting aniya saka tinanggap ang kamay nito at pinagsiklop ang mga iyon. Inaasahan niyang magugulat ang Archduke sa ginawa niya ngunit hindi. Parang sanay na ito kung umakto. “You're really brave, huh?” rinig niyang bulong ng Archduke kaya napalingon siya rito. At sakto namang nagtagpo ang kanilang mga tingin kaya agad siyang napaiwas. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya! At yung kamay ng Archduke...ang sarap nitong hawakan. Hindi siya nakakaramdam ng kahit kaunting pagkailang, hindi katulad ng nararamdaman niya sa ibang lalaki na kulang nalang ay hugasan niya ang kamay niya ng isang libong beses para lang mawala ang nandidiri niyang pakiramdam. Tuwing mayron kasing humahawak sa kanya na lalaki ay nandidiri siya at naiilang. Pero nang ang Archduke na ang may hawak sa kanya ay imbis na pagkailang, malakas na t***k ng puso ang nararamdaman niya. Shyt! Kailangan kumalma ng puso niya! “Why's your heartbeat getting fast, Miss? Hmm?” ani na naman ng Archduke kaya bahagyang namula ang kanyang pisngi. Talaga bang naririnig nito ang heartbeat niya?! “Please spare my life, My Lord.” mahina niyang bulong dito. Di na kasi niya kaya ang lakas ng heartbeat niya. “Why would I?” parang wala lang nitong tanong. Aish! Kailangan pa ba ng rason para buhayin siya?! Wala sa sariling napanguso siya. “You're too mean, My Lord.” bulong niya ulit. Bakit binubully siya nito ngayon?! Argh! Naiinis na siya! “Hmm.. Alright. But you should behave well next time.” tugon nito na ikinanguso niya. “Alright. I'll behave well.” alang-alang sa buhay niya. Cancel muna ang plano dahil totoong dilekado talaga ang buhay niya. Nasa teritoryo siya ng Archduke, at kung may gawin man itong hindi maganda sa kanya, walang makakaalam na kahit na sinong taga labas. “You're to much, My Lord. I just want to live...” mahina niyang bulong saka napasimangot. HABANG naglalakad papasok ang Archduke at ang mga bisita nito'y napatitig si Johan sa mga ito. Mukha nga ang mga itong isang pamilya. Ngunit paano naman nangyari yun? “Sa tingin n'yo, anak kaya yan ng Archduke at ng Miss?” rinig niyang bulong ng isang katulong. “Anak nila yan. Sigurado. Baka nilihim lang nila sa publiko.” sagot naman ng isa. “Pero di ba, palaging naiimbitahan sa mga pagdiriwang ang Miss at palagi iyon sa bawat buwan. Imposible namang anak nila iyan dahil hindi malaki ang tiyan ng Miss at nasa malaking digmaan din ang Archduke sa mga panahong iyon.” bulong din naman ng isa. Dahil sa bulongan ay nakumbinsi siya. Tama ang isang katulong. Sa tantya niya'y nasa apat o limang taong gulang ang bata, at kung iisipin, sa panahong iyon ay abala sa pakikipagdigma ang Archduke. Halos wala na nga itong oras kumain, mambabae pa kaya. Tumitig ulit siya sa tatlong umaakyat na ng hagdan. Napansin niya ang Miss na namumula ang tainga habang mayron namang sinasabing kung ano ang Archduke. Matalas ang mata niya kaya kahit nasa malayo siya'y nasisilayan niya ang mga ito. Bahagyang napayuko ang Miss at nakita naman niya ang kislap sa mga mata ng Archduke. His one brow rise. Is his vision making an illusion or his lordship is really enjoying at teasing the Miss? He's confused. It's so new of him. His Lordship is maybe expressionless, but he can read his expression if the lordship didn't hide his emotions. And now, his lordship is showing it freely. He's really confused. Really, really confused. It's his first time seeing his master enjoying something! He touched his nose bridge then squeeze his eyes shut. He need to clear his mind and stop minding his lordship's business. Bumuga siya ng malalim na hininga saka humabol na sa Archduke na pumasok na ng mansyon. Sumunod naman sa kanya ang mga katulong. . . . NASA LOOB NG isang greenhouse sila Querencia habang sumisimsim ng tsaa. Kahit na hindi niya gusto ang lasa nito'y napilitan nalang siyang inumin ito. Gusto niyang mag request ng kape o juice nalang pero natatakot naman siya. Sa paraan ba naman ng pagtitig ng Archduke sa kanya ay parang lalabas na ang kaluluwa niya. Sinulyapan niya saglit si Syriel na nasa kanyang tabi at tahimik na sumisimsim ng juice. Ang sarap itong agawan. Tumikhim siya upang putulin ang katahimikang namagitan sa kanila. “Ahem. My Lord. May I know why you called me here?” tanong niya at nag-angat ng tingin. Tumigil naman ang Archduke sa pagsimsim sa tsaa nito at tumingin na naman ang mga mata nitong kulang nalang ay tignan na ang kaloob-looban niya. She admired his sharp eyes, but not this time. It scared the h*ll out of her! Inilapag ng Archduke ang tsaa nito. “There's just something that I want and need to know.” seryosong saad nito saka ipinatong ang mga siko sa mesa at ipinagsiklop ang mga kamay nito. Mataman itong tumitig sa kanya. “How did you recognized me, Miss?” tanong nito na nagpalunok sa kanya sa tsaang nasa bibig niya. Pasekreto siyang humugot ng malalim na hininga at ibinuga iyon. Kapagkuwan ay ngumiti siya bago nagsalita. “It's so simple, My Lord. I recognized your height, posture, body size, and...” itinuro niya ang gilid ng kanyang baba. “I saw that little beauty mark on the side of your chin.” nakangiting aniya. Naningkit ang mga mata ng Archduke. “Did you really memorize what's on my body?” Napakamot siya sa kanyang pisngi dahil sa naging tanong nito. Totoo naman kasi. “L-let's just say that... I got attracted at your body, My Lord.” nakangiti paring aniya habang nakataas ang hintuturo. Mas lalong naningkit ang mga mata nito. “Are you perhaps a perv, Miss?” matigas nitong sabi kaya bigla siyang nasamid sa sariling laway dahil sa pagkabigla. Napaubo siya at naghihingalong napayuko sa mesa. Grabe! Hindi siya perv! Ang inosente kaya niyang babae! Ang linis pa nga ng utak niya eh! Medyo nadulas lang siya! “Oh. Did that hit you hard, Miss?.” puno ng sarkasmong tanong nito na ikinakuyom ng kamao niya. Ang sarap nitong sapakin! May katulong na lumapit sa kanya at binigyan siya ng tubig na agad naman niyang ininom. Habol hininga niyang hinarap ang Archduke. “It's so shameless of me, My Lord.” nakangiwing aniya. Ngumisi ang Archduke na mabilis niyang ikinakaba. Ang ngisi nito'y nagbabadya ng panganib. Ano na namang plano nito? “Anyway, Miss.” kinuha nito ang takure at nilagyan ng tsaa ang tasa niya at ang tasa nito. Sumisimsim naman kapagkuwan ang Archduke saka ito tumingin kay Syriel na tahimik lang. “Why's this child calling me papa?” tanong nito na nagpa-angat ng tingin ni Syriel at tumingin sa Archduke saka sa kanya. Mukha itong nagulat at natakot. Hinawakan niya ang likuran ni Syriel saka hinagod iyon upang kumalma ito. Tumingin siya sa Archduke saka tumayo at yumukod. “Please forgive this child, My Lord. He didn't know what he's doing. I'm the one who should be blamed because I didn't taught him well.” paghingi niya ng tawad. Naiiyak narin kasi si Syriel. Dahil sa pagtawag nito ng papa sa Archduke ay nadungisan ang pangalan nito. Everyone will thought that the Archduke has an illegitimate child. Mas lalong yumuko siya nang hindi umimik ang Archduke. “Plea—” Naputol ang kanyang sasabihin nang bigla nalang umalis sa pagkakaupo si Syriel at tumabi ng tayo sa kanya. Yumuko ito na mas lalo niyang ikinagulat. “Pasensya na po. Ako po ang may kasalanan. Hindi... Hindi po yun kasalanan ni Ate.” nanginginig ang boses. Napakagat siya sa sariling labi. Ayaw niyang makitang umiyak at natatakot si Syriel. Bumuntong hininga ang Archduke na ikinaigtad niya. Isa ito sa palatandaan na nawawalan na ng pasensya ang Archduke. At isa ito sa dahilan kung bakit niya nakilala noon ang Archduke noong namasyal sila. “I'm just asking, Miss Querencia. Just answer my question.” madiing saad nito at napahilot sa sariling noo kaya napatingin siya rito. “And please, put down your *ss'—” napatigil ito sa pagsasalita nang naningkit bigla ang mga mata niya. “You're in front of a child, My Lord.” saway niya rito. Namamangha itong tumingin sa kanya. “You're so scared earlier and now you're talking back —” “Because you're saying something that a kid shouldn't hear, My Lord.” pagputol niya ulit sa sasabihin nito. Hindi niya alam pero biglang nawala ang kabang nararamdaman niya nang dahil lang sa pagmumura nito. Napahawak sa sariling noo ang Archduke at parang wala na itong magawa. “Alright. Now. Take a seat.” anito at mabilis naman siyang sumunod. Umupo siya saka binuhat si Syriel at ipinaupo sa hita niya. Napabuntong-hininga ang Archduke habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Syriel. Ang ekspresyon nito ay parang natalo sa loto. Kapagkuwan ay tumingin ulit ang Archduke kay Syriel. “Now, then kid. Sabihin mo kung bakit kasalanan mo.” anito kay Syriel. Napahawak si Syriel sa kamay niya na nakapatong sa hita nito. “Uhm... Sabi po kasi ni Ate Marina kanina na tulungan ko po si Ate. T-tapos narinig ko po yung usapan nila ate at nung isang lalaki. Sabi po nila kamukha n'yo daw po ako.” kinakabahan nitong sabi saka ito nag-angat ng tingin at tinignan ang Archduke. “Di po ba kayo yung lalaki ni Ate?” inosente nitong tanong na ikinalaki ng mga mata niya. Napanguso si Syriel saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kaya ko po kayo tinawag na Papa.” anito. Sinulyapan siya saglit ng Archduke at mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. “Kung gano'n, bakit ate ang tawag mo sa kanya?” tanong nito at tinutukoy siya. Grabe ang Archduke. Tinawag lang siyang "kanya". Mas lalong humaba ang nguso ni Syriel. “Gusto ko pong tawaging Mama si Ate pero pinilit niya akong gano'n ang itawag ko sa kanya.” Napamulagat siya dahil sa naging sagot ni Syriel. Totoong tinawag siya nitong mama noong una ngunit pinilit niya itong ate nalang ang itawag sa kanya. Itinukod ng Archduke ang siko nito sa mesa saka ipinatong ang baba nito sa likod ng kamay. “So, you are the one who's mean here, Miss Querencia.” anito habang nang-uuyam na tumitig sa kanya. Nagkasalubong ang mga kilay niya. Bakit nang-gi-guilty ito? At bakit parang kasalanan pa niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD