Iminulat ni Querencia ang kanyang mga mata at agad siyang nagtaka nang makitang narito siya sa kwartong tinutulogan niya.
Bumangon siya saka napahawak sa kanyang balikat. Ang bigat ng katawan niya. Lumingon siya sa bintana at tulalang tumingin dito. Hindi pa naisasara ang mga kurtina at may sindi pa ang mga ilaw. Medyo maliwanag narin sa labas.
Nangunot ang kanyang noo. Madaling araw na ba? Sa huli niyang naalala ay kasama niya si Syriel at ang Archduke.
Taika, anong sunod na nangyari? Hindi napoproseso ng tama ang utak niya.
Bahagyan siyang napaigtad nang makarinig ng katok mula sa pintuan. “Miss.” tawag ni Chiya sa kanya mula sa labas.
Humikab siya saka tumugon dito. “Pumasok ka.” saad niya.
Pumasok si Chiya habang may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain. “Sabi po ng Archduke ay dito nalang ho kayo kakain. Baka gusto n'yo pang ituloy ang tulog n'yo.” anito na ikinakunot ng kanyang noo.
Umagang umaga ay kakain na siya? Hindi pa nga sumisikat ang araw.
“Uhm...Anong oras na?” tanong niya saka napakamot sa pisngi.
She's really confused of what time is it now.
Inilapag ni Chiya ang pagkain sa mesang nasa gitna ng kwarto niya saka hinarap siya. “Malapit na pong mag alas sais ng gabi, Miss.” sagot nito.
Napalingon siya sa labas. Mag-gagabi na pala? Akala niya'y mag-uumaga palang!
Malalim siyang napabuntong-hininga saka napahilot sa sariling noo. Saka pa gumana ang utak niya.
Ayaw na ayaw talaga niyang matulog kapag umaga dahil nagiging lutang siya.
“Nga po pala. Pinapasabi rin ng Archduke na tapos na pong kumain si Syriel. Sabay po silang dalawa.” nakangiting ulat ni Chiya na ikinataas ng isang kilay niya.
Mukhang napagiiwanan na siya ng dalawa. That two guy, tuwing iniisip niya'y mas lalong nagiging mukhang mag-ama ang dalawa.
“Gano'n ba.” napabuntong-hininga siya. Dahil wala si Syriel ay solo siyang kakain ngayon. “Sige. Kakain nako.” saad niya at umalis na ng higaan at naglakad patungo sa mesa. Umupo na siya at nag-umpisang kumain.
In tonight's menu, her dinner is a roast beef. Sobrang sarap nito. Ginanahan tuloy siyang kumain, lalong lalo na nang makita niya ang chocolate cake na binili ng Archduke kanina.
That man is really caring and sweet. Sometimes, she can't help but wonder, what did the Archduke do when the fl ended up with the crown prince? Is he hurt? Did he cry?
Kaunti lang talaga ang naalala niya tungkol sa totoong istorya kaya medyo nahihirapan siya. At kung maaga niyang naalala ang lahat, edi sana ngayon ay wala siya rito at nakalayo agad siya sa kataposan niya.
Bahagyan siyang napanguso. If this didn't happen, she wouldn't met that handsome Archduke. Istrikto at nakakatakot nga ito ngunit minsan naman ay mabait ito pero hindi lang halata. Napapangiti tuloy siya tuwing iniisip niya ito. He's so charming and handso—
“Are you still dreaming?” biglang saad ng baritonong boses na naging dahilan upang mapaigtad siya sa gulat.
Bigla siyang inatake sa puso sa ilang segundo.
Tinignan niya ang lalaking nasa kanyang harapan na komportableng nakaupo habang naka-krus ang mga braso at naka de kwatro ang mga binti.
Mabilis niyang pinunasan ang kanyang labi. “What are you doing here, My Lord?” tanong niya rito habang may gulat parin na ekspresyon sa mukha. Her heart is still beating fast because of shock.
Nagkasalubong ang mga kilay nito na parang hindi makapaniwala sa naging tanong niya. “Checking you if you're still breathing.” sagot nito sa seryosong boses.
Siya na naman ang nagkasalubong ang mga kilay. “I'm breathing fine, My Lord.” tugon niya saka humugot ng malalim na hininga. “You're the one who almost kílléd me.” gulatin ba naman siya.
“I apologise.” walang kaemo-emosyong saad nito na ikinahaba ng nguso niya.
“You're not sincere, My Lord.” nakangusong aniya. Kapagkuwan ay mayrong pilyong ideyang pumasok sa kanyang utak. Ngumisi siya. “A kiss on the lips would do—mph!” napatigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong pasakan ng cake ang kanyang bibig. Kumalat ang icing sa labi niya habang ang tinidor naman ay kagat-kagat niya.
Bumuntong hininga ito na parang siya ang may ginawang hindi maganda. Kapagkuwan ay umiling-iling ito. “You slept in more than 5 hours. That's why I'm here.” anito na ikinaawang ng labi niya.
5 hours?!
Mabilis niyang kinuha ang tinidor sa bibig niya. “Are you kidding me, My Lord?” hindi makapaniwalang tanong niya habang puno parin ang bibig.
Tumalim ang tingin nito. “Why would I kidding you?”
Mabilis niyang nginuya at nilunok ang cake saka pinunasan ang icing sa kanya labi. “ Sleeping for 5 hours...” napasabunot siya sa kanyang buhok saka nagmukmok. “How could I sleep now?” parang batang sumimangot siya.
Tuwing mahaba kasi ang tulog niya sa umaga, matagal siyang makakatulog kapag gabi! Tapos kung matagal siyang makakatulog sa gabi, aantukin siya sa umaga.
Tumayo ang Archduke kaya napatingin siya rito. “Well, that's for you to find out.” parang wala lang nitong sabi at akmang aalis na ngunit pinigilan niya ito.
Hinawakan niya ang dulo ng damit nito saka nagpapa-cute na tumingin sa Archduke. “Let's play, My Lord. Please...” pinilit niyang ginawang kaawa-awa ang mukha. She's sure that her pleading face will be effective.
Lumukot ang mukha nito. “You're already old—”
“I can't sleep! I'm not sleepy yet!” tila batang pagdadabog niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa damit nito. Pursigido niya itong tinignan. “So please, My Lord...” pagmamakaawa niya.
Tinitigan niya ng maigi ang Archduke habang may nagsusumamong mga mata. Her action was so childish but she need to do it.
Malalim itong napabuntong-hininga saka inalis ang kamay niya sa likod ng damit nito at pabagsak itong umupo pabalik sa upuan. “Fine. But before that, finish your dinner.” parang walang magawa nitong sabi at napahilot sa ulo.
Nang makitang bumigay ang Archduke ay sumilay ang matagumpay na ngiti sa kanyang labi. “Yes! Thank you, My Lord! I'll finish it now!” puno ng kasiyahang saad niya at mabilis na sinunod ang sinabi nito. She eat fast and finish it in a seconds. She felt excited!
Pagkatapos niyang kumain ay ininom na niya ang tubig at tumakbo patungo sa isang sulok kung saan niya inilagay ang mga laruan ni Syriel. Kinuha niya ang cards na palagi nilang nilalaro.
Pagkabalik niya'y hinila niya ang isang upuan palapit sa gilid ng Archduke at doon umupo. “So, we'll play this cards, My Lord. It's called war card game.” aniya at nagpatuloy sa pagpaliwanag sa larong gagawin nila. “All players simultaneously turn over a card and the highest wins all the cards tuned up. If two or more players tie for highest there is a war.”
Ilang segundo natapos ang pagpaliwanag niya at sa wakas ay maipapakita na niya ang punishment. “This it the punishment, My Lord. The loser will be drawn something on the face.” nakangising aniya habang ipinapakita ang isang brush at ink. Mabilis naman itong mawawala kaya ayos lang itong gamitin.
The Archduke gave her an are you kidding me-look. “Is that all, Miss Querencia?” he sarcastically asked.
Bahagyang humaba ang nguso niya. “Yes, My Lord.” aniya.
Inilahad ng Archduke ang kamay sa kanya na ikinapagtataka niya. Kapagkuwan ay nagsalita ito. “Give me the cards.” saad nito.
Ibinigay niya ang cards dito. “Did you know how to play it, My Lord?” puno ng kuryusidad niyang tanong.
“No.” tugon ng Archduke habang tinitignan ang mga cards at ibinalik na ito sa kanya. “I'm done. You can start the game now.” anito.
Bahagyan siyang napangiwi. Kinakabisado ba nito ang itsura ng lahat ng cards?
Nang tignan niya ang mesa ay ngayon pa niya napansing wala na ang mga pinagkainan niya. Kinuha ba ito ni Chiya kanina habang abala siya?
Well, she's glad that Chiya already get it. Wala na siyang lilinisin pa bago sila maglaro.
Kinuha na niya ang mga card mula sa Archduke saka nag-umpisa nang hatiin ang cards. While separating, she's confidence that she'll win.
“So confidence, huh?” nakangising ani ng Archduke.
Biglaang kumabog ng malakas ang puso niya dahil sa makalaglag pànty na ngisi nito. Why is he so handsome?! But, anyway, she should focus on the game.
Malawak siyang ngumiti. “Of course, My Lord!” puno ng kumpyansang saad niya.
The game just started and her smile is slowly fading and her hopes are flying away. Her confidence is slowly decreasing. This can't be. He should be lying about this! She already gave all of her best but she kept losing!
“I won.” walang kaemo-emosyong saad ng Archduke na ikinarindi na ng tainga niya.
Tinignan niya ito ng masama. “You said that it's your first time, My Lord!” inis niyang sabi. He's really lying!
Nagkibit balikat ito. “That's true. It's my first time playing it. I'm just good at it, Miss.” anito na mas lalo niyang ikinairita.
Parang ang Archduke ang magiging dahilan ng takot niya sa tinta. Nang makita niyang pinulot nito ang brush at inilubog sa tinta ay agad siyang nangamba.
“Your face, Miss.” nag-uutos na sabi nito.
Nag-aalangan siyang lumapit dito ngunit pinilit nalang niya ang sarili. She made this punishment anyway.
Inilapit niya ang mukha sa Archduke habang nakapikit ng mariin. He hold her chin that made her gasp a little then she felt the brush touched her cheek and it swirl around it. Even though she didn't see it, she know that the Archduke made her face like a drawing paper! It's full of drawings!
HABANG nakapikit si Querencia ay hindi napigilan ng Archduke ang mapangiti.
She made this punishment yet she's the one who accepted all of it.
Hmm, should he let her win this time?
PAGKATAPOS gawin iyon ng Archduke sa kanya ay nakahinga na ng maluwag si Querencia.
“Another round, My Lord.” buong tapang na pag-aya niya.
“Sure.” seryosong saad ng Archduke saka inilapag ang cards sa mesa.
Kinuha niya ito at inaayos. She's still hoping that she'll win even though she lost many times.
Habang hinahati ang card ay nakanguso siya. She wants to win even just for once.
“Start.” saad niya at nag-umpisa na silang maglaro ulit.
Mariin ang titig niya sa cards at sineryoso na talaga niya ang laro, kahit na kanina pa talaga siya seryoso.
She focus her brain and did her best to win. She read the every move that the Archduke's did. She can't miss anything!
Kahit na medyo maginaw ang gabi ay namamawis siya. She's nervous for goodness sake!
Biglang lumiwanag ang kanyang mukha nang makita ang hinihintay niya. Mabilis siyang napatayo saka nagtatalon. “Yes! Yes! I won!” puno ng kasiyahang sigaw niya at napasuntok pa sa ere.
Binalingan na niya ang Archduke habang may masamang binabalak. Malawak ang ngisi niya sa labi habang kinukuha ang brush. “Time for punishment, My Lord.” ngumiti siya.
Napabuntong-hininga ang Archduke saka pinag-krus ang mga braso. “Do whatever you want.” saad nito at pumikit.
Bumungisngis siya. Finally!
Dahil sa kasiyahan ay hindi na niya pinansin pa ang sobrang paglapit niya sa Archduke.
She kneel her one knee at the couch— beside him and hold his chin then lift it up. There's no limit at drawing on the face so she take advantage of it.
She draw a beard and eye glass on his face, but that didn't satisfied her. She draw something more.
Nang nasiyahan na siya sa resulta ay bahagyan siyang natawa. “Done! My Lord!” nakangiting aniya.
Iminulat nito ang mga mata at sakto namang nakatingin siya rito kaya nagkatitigan sila. His ruby eyes were sparkling... It's témpting her...
Awtomatiko siyang napatayo nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ngayon pa niya napansing muntikan na siyang sumaklang sa Archduke.
Pumasok si Chiya at gulat itong napatingin sa kanya. “Naku po, Miss!” napasinghap ito at mabilis na lumapit sa kanya. May dala itong tuwalya at tubig.
Tumayo ang Archduke na mas lalong ikinagulat nito. “Y-your grace... Akala ko ho ay umalis na kayo.” hindi makapaniwalang saad nito at sinuri ng tingin ang mukha ng Archduke. Pagkatapos nitong tignan ang Archduke ay tumingin din ito sa kanya. “Ano po bang nangyari sa mga itsura ninyo?” tila nanghihina nitong sabi.
Nahihiya siyang natawa. “Nadala lang kami sa laro, Chiya.” saad niya.
“Clean her up.” utos ng Archduke kaya napatingin siya rito. Mukha itong hindi komportable.
“How about you, My Lord?” nag-alala niyang tanong. Sinamantala kasi niya ito kaya nakokonsensya siya.
“I can manage myself.” tugon nito at bigla nalang naglaho. He teleported again.
Hinawakan ni Chiya ang magkabila niyang balikat saka ipinaupo siya sa upuan. “Huwag ho kayong mag-alala, Miss. Nakahanda na yung panligo ng Archduke kaya makakapaglinis na ho ito.” saad nito saka inilipat ang sulyaw sa mesa upang makapaghilamos siya.
Inabutan siya ni Chiya ng sabon kaya ginamit niya iyon para mabilis na mawala ang tinta sa mukha niya. Nang malinis na siya ay ibinigay na nito ang tuwalya sa kanya.
Habang pinapahiran ang mukha ay napatingin siya kay Chiya. May kakaiba itong ekspresyon sa mukha.
“May problema ba, Chiya?” kunot noong tanong niya.
Umangat ang tingin nito sa kanya at parang nahihirapan itong sabihin sa kanya. “Ahm... Alam n'yo po bang nakapantulog lang kayo?”
Dahil sa sinabi nito'y napatingin siya sa kanyang suot. Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang labi niya.
Her cléàvage is exposing! Ang nipis din ng suot niya!
Nasapo niya ang kanyang bibig.
Oh my...
Sobrang lapit niya sa Archduke kanina...
“Chiya, hindi naman mànyak ang Archduke, di ba?” kinakabahang tanong niya..
Mabilis umiling si Chiya. “Hindi po.” sagot nito at kapagkuwan ay ngumiti. “Pero kung may gusto po ang Archduke sa inyo, maari po siyang magbago—” mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.
Nag-iinit ang mukha niya. Hindi pa nga nahuhulog ang Archduke sa kanya, tapos nasaksihan na nito ang hubog ng katawan niya! Argh! It's so embarrassing!
She's wearing her undérgarménts but it still won't hide the embarrassment that she felt.
Oh my gosh. Did her bréàst got closer to him? She almost straddling him recently.