Mahigpit na niyakap ni Querencia si Syriel nang akma nang ipapalo ng mga lalaki ang mga hawak nito sa kanya ngunit agad na napatigil ang mga ito.
“What is this?” malamig na saad ng isang boses.
Mabilis siyang napalingon sa taong nagsalita at para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita kung sino ito.
“My Lord...” bulong niya sa hangin.
Napatayo ang prinsesa at biglang lumiwanag ang mukha nito na mabilis niyang ikinairita. “Castriel! Oh my! I'm glad that you came!” masaya nitong sabi at biglang sinugod ng yakap ang Archduke ngunit mabilis nito itong pinigilan. Hinarangan nito ng apoy ang pagitan nila.
“Agh-ahh!” biglang nabitawan ng isang lalaki ang hawak nitong pamalo at napahawak ito sa pupulsuhan nito.
Tinignan niya ang pamalo nito at nagbabaga iyon. Napasinghap siya dahil sa gulat.
“What are you doing to my people, Princess Lyra?” tanong ng Archduke habang masamang nakatingin sa prinsesa na ngayon ay pilit na ngumingiti parin dito.
Kapagkuwan ay biglang bumaba ang tingin ng Archduke sa namamagang pisngi ng Prinsesa at agad naman itong nagsumbong. “Castriel! That woman hit me! That beggar slapped a royalty!” sigaw nito habang nakaturo sa kanya na ikinatalim ng kanyang tingin. This woman. If she could hit her again, she'll do it immediately.
Matapang ang kanyang tingin na bumaling siya sa Archduke. “She hit me first, My Lord!” pagdepensa niya sa sarili at medyo kumirot naman ang kanyang panga nang magsalita siya. That slap was really strong, but her father's slap is much stronger.
Sinulyapan siya ng Archduke. “Shut it.” madiin nitong sabi na ikinatikom ng kanyang bibig.
Bakit siya ang sinaway nito? Is he mad because she hit that so called princess?
Matalim ang mga matang tinignan niya ang prinsesa at nakita naman niya ang pagngisi nito. Mukha itong nanalo sa loto.
Unti-unting naglaho ang apoy na namamagitan dito at sa Archduke kaya malayang tumakbo ang prinsesa patungo rito at hinawakan ang braso nito. Mukha itong lintang nakakapit dito.
Kumuyom ang kamao niya. Naiinis siya sa nakikita. Gusto niya itong suntukin. Gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit. Gusto niya itong tadyakan. Pero anong laban niya? Prinsesa ito.
“Let go.” biglang iwinaksi ng Archduke ang kamay ng Prinsesa kaya napabitaw ito na ikinagulat nito. Lumapit ito sa kanilang dalawa ni Syriel saka iniluhod ang isang tuhod sa lupa habang nakaharap sa kanya.
Hinawakan nito ang kanyang panga na saglit niyang ikinangiwi. It hurts.
Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha ng Archduke sa di malamang dahilan. “Does it hurt?” tanong nito at wala sa sariling napatango-tango naman siya bilang sagot dito. Malalim itong napabuntong-hininga. “Don't speak nor open your mouth.” anito at parang bata naman siyang tumango lang.
Bumaling ito kay Syriel. “How's Syriel?”.
Lumayo siya ng ilang distansya kay Syriel upang makita ito ng Archduke. Syriel is fine, but not mentally.
Hindi umimik si Syriel at sumiksik nalang bigla sa kanya. Mahigpit ang pagkakayakap nito at parang ayaw bumitaw sa kanya.
“He's not fine—” biglang naputol ang kanyang sasabihin nang biglang sumingit ang prinsesa.
“Castriel... That kid suddenly scared my horse—” napatigil din ito sa pagsasalita nang matalim ang mga matang sinulyapan ito ng Archduke.
“Shut up.” madiing saad nito at bigla nalang silang dalawa ni Syriel naglaho. Napakurap-kurap nalang siya nang makitang nasa loob sila ng karwahe at nakaupo siya sa upuan. Habang si Syriel naman ay naka-upo sa hita niya.
“Ugh...hmmmp.
Napatingin siya kay Syriel nang bigla itong suminghot-singhot. Nanginginig ang mga balikat nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kanya kaya pinilit niyang makita ang mukha nito. She's worried. Is he crying?
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Syriel at tinignan ang mukha nito. Tama nga ang hinala niya, umiiyak nga ito.
“Shhh. Stop crying. It's okay now. You're safe. Mama's here.” pag-alu niya rito at bigla nalang pumalahaw ng iyak si Syriel. He's crying like a river.
“She's scary! Hate her! Hate her!” mas lalo itong umiyak.
Niyakap niya si Syriel. “She's not here anymore. So calm down...” hinagod niya ang likuran nito at pilit na pinapakalma.
“I hate her!” muli nitong sigaw at binuhos na ang mga luha. Tudo sa pag-iyak si Syriel habang siya naman ay walang tigil sa pag-alu rito.
That woman really scared him. How could she do that to a child? She know that she has a nàsty personality but not at this level. She nearly kílléd a child yet she's the one who's mad.
Ilang minuto ang itinagal ng iyak ni Syriel. Kapagkuwan ay napagod ito at nakatulog. Ngunit kahit na natutulog na ito'y humihikbi parin ito.
“How's he?” biglang sulpot ng Archduke sa kanyang harapan na ikinaigtad niya sa gulat.
“Uhm... My Lord...” hindi makapaniwalang nakatingin siya rito. Why is he here? “Is your business already done?” kunwari'y tanong niya. She don't know what to say to him.
Marahan itong tumango. “Yes.” kapagkuwan ay mayron itong kinuha sa bulsa nito at binuksan iyon. Isa itong cream. Kumuha ng kaunti ang Archduke roon at maingat na pinahiran ang mukha niya na ikinatigas niya sa kanyang pwesto. Hindi na siya nakapagtanong pa kung bakit nito ito ginagawa sa kanya.
“Does it hurt so much?” mahinahon nitong tanong na nagpakurap-kurap sa kanya.
Laking pasasalamat niya nang bumalik na siya sa kanyang katinuan kapagkuwan. “Uhm...not at all, My Lord.” pilit niya itong nginitian ngunit pinigilan siya nito.
“Don't smile. It'll effect your cheek.” saway nito at kasalukuyan na nitong sinasara ang lalagyan ng cream.
Napakagat labi siya at pinipigilan ang pagtawa nang makitang nahihirapan ito sa pagsara.
“Give that to me, My Lord. I'll close it.” saad niya rito at tumingin naman ito ng nakakatakot sa kanya.
“No.” pagtanggi nito sa inalok niyang tulong at nagpatuloy lang ito sa ginagawa.
While watching him, she remember how Syriel struggled at opening a box before. Their actions and reactions are the same.
Sa ilang sandali'y napagtagumpayan na itong isara ng Archduke at agad nitong inilagay sa gilid ng upuan.
“Congrats, My Lord.” tudyo niya bigla nang makita ang maaliwalas nitong mukha.
Naningkit ang mga mata nito na tila naiinis sa sinabi niya. “Shut it, Miss Lynn.” seryosong sabi nito.
Bahagyan siyang natawa. So, he's so easy to tease. Gusto pa niya itong tudyo-in ngunit baka magalit na ito.
Hindi na siya tumugon pa rito nang nag-umpisa nang tumakbo ang karwahe. She kept silent and close her eyes.
Nakakapagod ang araw na 'to. Gusto niyang tanungin ang Archduke sa kung anong nangyari sa prinsesa ngunit baka mawalan siya ng gana kaya huwag nalang. Nangangati parin ang kamay niya sa galit dahil sa inasta nito. Ito na nga ang nakagawa ng masama, ito pa ang may ganang magalit.
Just by thinking of that face of her, it angered her. It's so irritating.,
TINITIGAN NI Castriel ang namamagang pisngi ni Querencia. Halatang malakas ang pagkakasampal ng babaeng yun sa pisngi nito. Pero nang tignan niya ang mukha ng Prinsesa kanina ay mas malala ito.
Walang kamalay-malay na gumuhit ang ngisi sa kanyang labi kaya napahawak siya sa kanyang bibig.
Hah. He don't know why but it satisfied him. She got her revenge on her own. He's amazed at how brave she is.
Awtomatikong inabot niya ang ulo ni Querencia nang bigla itong tumagilid at muntik nang matumba. Ngayon pa niya napansing nakatulog pala ito.
Napabuntong-hininga siya. He has no other choice.
Tumayo siya saka lumipat sa tabi nito. Maingat niyang isinandal ang ulo nito sa balikat niya.
Nang naging maayos na ang posisyon nito'y hindi na niya ito ginalaw.
After what happened, he know that she's tired. She really acted like a mother. She protected Syriel at all cost.
Hindi sana siya aalis kanina ngunit nabalitaan niyang nakatanggap na naman ng ulat ng digmaan ang Kaharian ng Pilaires kaya napilitan siyang umalis. Kung tama ang hinala niya, ito rin ang rason kung bakit narito ang prinsesa sa teritoryo niya.
It irritated him. That old mad can't keep his kingdom silent. It always entered a war. Malapit na siyang mawalan ng pasensya rito, lalong lalo na sa anak nitong prinsesa.
Pagkarating nila sa mansyon ay binuhat na niya ang dalawa. Hawak niya si Querencia sa isang braso at sa kabila naman ay si Syriel. Magagaan ang dalawa kaya hindi siya nahirapan sa mga ito.
Nang makita siya ni Johan ay agad itong tumakbo patungo sa kanya.
“I'll carry him, Your Grace.” saad nito at tinutukoy si Syriel.
Napatingin siya sa bata. It'll be dangerous if he carry both of them.
“Take him to his room.” utos niya kay Johan at maingat naman itong kinuha ni Johan.
Akmang mauuna na ito ngunit napatigil ito na parang may naalala at humarap sa kanya. “I almost forgot. The Princess is here, Your Grace.” ulat nito na nagpatagis ng bagang niya.
How dare that woman still came here.
“She's in the lobby.” dugtong nito na mas lalo niyang ikinairita.
Mabilis ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ngunit napahinto rin nang gumalaw si Querencia.
“Hmmm...” she groan then move closer to him.
Napabuntong-hininga siya. He should be patient. This woman is asleep.
“Castriel! My Lord!” biglang tawag ng isang babae sa kanya mula sa kanyang likuran at akmang yayakapin siya ngunit agad itong napatigil nang matalim ang mga tingin na binalingan niya ito.
“I already warned you, Princess of Pilaires.” paalala niya.
Napahakbang ito paatras habang may takot at sakit na nakaukit sa ekspresyon nito sa mukha. That arrogant attitude of her was gone.
“Don't forget that your kingdom's existence is on my hand.” he threàtened. The princess knew that he could make it disappear.
Napayuko ito. “I won't cause any trouble, My Lord.” mahina ngunit sapat na upang marinig niya ang sinabi nito.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. “Address me anything, but not that. And also, not my name. Know your place, Princess.” malamig niyang saad. It pissed him off.
Tinalikuran na niya ang Prinsesa at naglakad na patungo sa hagdanan.
The woman who's still on his arms are sleeping soundly. He can't afford to wake her up.