CHAPTER 23

2745 Words
Mabilis na bumaba si Syriel ng karwahe at sinundan naman iyon ni Castriel saka inilahad ang kamay kay Querencia. “Careful.” paalala nito sa kanya nang humakbang na siya pababa. Napakagat labi siya nang tinanggap niya ang kamay nito. Pinipigilan niya ang ngiting pilit na pumupuslit sa labi niya. Mahirap man aminin ngunit kinilig siya sa simpleng pagpaalala nito sa kanya. Hindi pa siya tuluyang nakakababa nang bigla niyang hilahin ang kabilang banda ng kwelyo ng Archduke saka mabilis itong dinampian ng halik sa pisngi. Natigilan ito kaya sinamantala niya ang pagkakataon at agad na bumaba at sumunod kay Syriel. Nangingiting hinawakan niya ang kamay ni Syriel habang ang Archduke naman ay hindi parin nakabawi sa pagkabigla ng kanyang ginawa. He's in shocked because of that sudden kiss. Umaktong siyang parang walang nangyari saka nilingon ang Archduke. “Let's go, My Lord!” aya niya. Tumingin ang mga mata nito sa kanya na parang kay laki ng kasalanang nagawa niya ngunit inosente niya lang itong nginitian. Kapagkuwan ay napailing-iling ito at lumapit sa kanilang dalawa. Tumabi ito sa kanya. “I told you to behave, didn't I?” bulong nito habang nakayuko sa kanya. Tumingala siya upang tignan ito. “Did I do something bad, My Lord?” inosente niyang tanong. Pinakatitigan siya nito ng ilang segundo, at nang wala itong makitang kahit anong kaba at konsensya sa kanyang mga mata ay tumayo na ito ng tuwid at napabuntong-hininga. Napangiti siya nang makitang wala itong magawa sa kanya. So, he has a strong endurance. A naughty smile appeared on her lips, then in a second, she slid her hand on his and intertwined them. Pinaningkitan siya nito ng mata ngunit hindi siya nagpaapekto. Ngumiti lang siya saka isinandal ang ulo sa braso nito. “Relax, My Lord! We're here to enjoy the day!” masigla niyang sabi. Naramdam niya ang medyo paghigpit ng hawak nito sa kamay niya at kapagkuwan ay napabuga na naman ito ng hininga. Bahagyan siyang natawa dahil sa ekspresyon nito sa mukha. Para itong nagpipigil at napipilitan lang gawin ang hindi nito gusto. Pero wala siyang nakikitang galit o iritasyon sa mukha nito. “Mama! Do'n po tayo!” biglang agaw ni Syriel sa atensyon niya at may tinuturo ito. Isang fruit stall. Agad siyang natakam nang makita ang sobrang dilaw na mga mangga nito. It looks so sweet! “Let's go there!” saad niya saka hinila ang Archduke patungo roon. Nauna si Syriel sa pagtakbo habang sila nama'y nagpaubaya lang dito. Pagkalapit nila'y agad silang bumili ng mansanas. Ito lang muna ang binili niya dahil marami namang prutas sa bahay ng Archduke. Kinain na nila ito at pakiramdam niya'y siniswerte sila dahil sobrang tamis nito. “Wow! It's so delicious!” ani Syriel habang kinakain ito. “It's sweet.” nakangiting saad rin niya. Habang kumakain silang dalawa ay tahimik lang ang Archduke. Tinanggihan nito ang unang ibinigay niya na siyang kinakain na niya ngayon. Pansamantala niyang binitawan muna ang kamay ni Syriel at kumuha ulit ng mansanas sa kanyang sling bag na dala at saka iyon iniabot ulit dito. “Please eat, My Lord. It's good for your health.” pangungumbinsi niya. Saglit lang siya nitong sinulyapan. “I'm already healthy.” matigas nitong sabi. Mukhang ayaw nga talaga nito. Napabuntong-hininga siya. Kung ayaw nito, ayaw talaga nito. Ibinalik na niya ang mansanas sa kanyang bag at isinara ito. Akmang hahawakan na niya ulit ang kamay ni Syriel na nakahawak sa saya niya ngunit napatigil siya nang napansin ang mga kababaihang sumusulyap sa Archduke. Ang ilan sa mga ito'y tumitili nalang bigla. Pinanlisikan niya ang mga ito ng tingin at agad naman ang mga itong bumaling sa ibang direksyon. Tsk. Kung makatingin ang mga ito'y parang huhubaran na ng mga ito ang Archduke. They're starting at him like a pérvert! Naiinis siyang bumaling ulit sa Archduke ngunit bago pa humarap ang mukha niya rito'y iniba na niya ang kanyang ekspresyon. Tumingkayad siya saka isinuot ang hood ng suot nitong balabal na ikinapagtataka nito. Agad naman siyang nagpaliwanag. “For protection, My Lord.” simple niyang sagot at ibinalik na ang atensyon kay Syriel. Hinawakan niya ang kamay nito at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Kapagkuwan ay naalala niya ang sinasabing sadya ng Archduke bago ito sumama sa kanila. “Nga pala, My Lord. Saan nga pala yung punta n'yo?” tanong niya rito. Tumingin sa kanya ang Archduke na agad ring bumalik ang mga mata sa daan. “I'll go there later.” sagot nito. Napatango-tango siya. “Hmmm, alright.” aniya at kapagkuwan ay binalingan si Syriel. “Is there's something you want to buy, Syriel?” tanong niya rito. Umaktong nag-iisip si Syriel. “Uhm...wala po. Gusto ko lang po kumain. Sabi po kasi nung isang ale, masarap daw yung cake nila rito.” anito. Bigla nitong nakuha ang interes niya at agad nagliwanag ang kanyang mukha. “Then, let's find their dessert shop!” excited niyang sabi. Bumaling siya sa Archduke. “Do you know where's the dessert shop here, My Lord?” tanong niya rito. Hindi kasi niya kabisado ang lugar na 'to. May itinuro naman ito. “It's on that side.” turo nito sa kabilang kanto. Dahil masama ang sense of direction niua ay ginawa niyang GPS ang Archduke dahil alam naman nito ang pasikot-sikot sa teritoryo nito. Dinala sila nito sa dessert shop at para naman silang buntot na sunod ng sunod sa sinabi nito. Tinignan nila ang naka display sa salamin at agad na naglaway ang kanyang bibig. Mabilis silang pumasok sa loob at may nakahanda namang menu sa mesa. Napakaganda ng dessert shop na pinasukan nila. It's screaming its expensiveness. Binuksan nila ang menu at agad na tumuon ang kanilang mga mata sa isang pagkain. “Chocolate cake!” sabay nilang sigaw ni Syriel habang nakatitig dito. Kapagkuwan ay bumaba ang kanyang mga mata sa presyo at tinignan ito. “What the...” hindi makapaniwalang saad niya kasabay ng pag-bagsak ng kanyang mga balikat. It was so expensive! Hindi niya ito kayang bilhin dahil may bibilhin pa siyang libro! Para siyang bulaklak na biglang nalanta. Her excitement vanished into thin air. Napanguso siya. “Why is this so expensive?” Chocolate cake lang naman 'to eh, bakit parang gold yung binibinta nila? Parehong mahaba ang nguso nila ni Syriel dahil alam narin nito na kinulang sila sa pera base sa ekspresyon ng mukha niya. Nahalata naman ito ng Archduke at agad na tinawag nito ang waiter na ikinagulat nilang dalawa. “5 boxes of it for take out.” may itinuro ito sa menu, kapagkuwan ay sumulyap ito sa kanila at agad ring bumalik ang tingin sa menu. “ and 2 slice of cake, it will be eaten here.” saad nito sa waiter. Umawang ang labi niya dahil sa mga pinagsasabi nito. “Do you want some drinks, sir?” tanong ng waiter. Imbis na sagutin ito ng Archduke ay bumaling ito sa kanila. “What do you want?” seryosong tanong nito. Hindi siya makapagisip ng mabuti dahil sa inaakto nito. Manlilibre ba 'to? Nanatiling naghihintay ang Archduke sa magiging sagot niya kaya sinabi nalang niya ang unang pumasok sa utak niya. “Just juice, My Lord. Mango Juice.” naiilang niyang saad. Bumaling naman ito kay Syriel at mas mabilis pa sa kidlat na sumagot ito. “Mango juice too! Papa!” excited nitong sabi. In-order na ito ng Archduke at hindi na ito umabot pa ng ilang minuto nang makarating na ito sa mesa nila. Maraming tao ngunit mabilis na dumadating ang mga in-order ng mga customer nila. She can say that this shop is amazing! “Dig in.” usal ng Archduke nang napansing nakatitig na naman sila sa cake, ngunit ang kaibahan lang ay totoo na ito ngayon. Tumingin siya rito saka napalunok. “Is this your treat, My Lord?” paninigurado niya. Ayaw muna niyang kumain hanggat hindi pa siya nakakasigurado. Nagkasalubong ang mga kilay nito. “Of course. You don't have to pay for it.” Umawang ang labi niya. “A-are you sure? It's so expensive, My Lord.” hindi makapaniwalang saad niya. Ang dalawang slice na binili nito ay higit one thousand kung ikumpara ito sa currency ng pera sa totoong mundo. Seryosong tumingin ang Archduke sa kanya. “Are you belittling my wealth, Miss?” he said as if he's trying to make her realize his financial status to her. Pilit siyang ngumiti. “O-of course not, My Lord.” she stuttered. She just remembered that he's the 2nd wealthiest man before the emperial family. “Anyway. Thank you, My Lord!” nakangiting pagpapasalamat niya. “If I could, I would like to have you as my Súgar Daddy!” biro niya at bigla nalang nitong naibuga ang bagong simsim na mango juice na ikinaigtad niya sa gulat. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya habang pinapahiran ang gilid ng labi. “You and your mouth, Miss. Querencia!” saway nito sa kanya. Napakagat labi siya. “It's just a joke, My Lord. Hehe...” nahihiyang napakamot siya sa kanyang pisngi. Sobrang sama ba no'n para ibuga nito ang ininom nito? “Mama, papa. What is Súgar Daddy? Is it kind of sugar that daddies made?” Inosenteng tanong ni Syriel na ikinalingon nilang dalawa rito. Nakatitig ito sa kanila habang sumusubo ito ng chocolate cake. Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Kids are really curious over something! Paano niya ba ito ipapaliwanag?! “Ah-uhmp—” agad siyang natahimik nang akmang sasagot siya dahil biglang isinubo ng Archduke sa kanya ang cake na nanggagaling sa plato niya. Muntik na siyang mabulunan sa gulat dahil sa ginawa nito. “Don't listen to your mama. She's just talking nonsense.” saad nito kay Syriel. Sinamaan niya ng tingin ang Archduke. Puno ang kanyang bibig kaya mabilis niyang kinain ang cake at nilunok iyon. “It nearly kíll me, My Lord!” galit niyang sabi. Sakto lang ang laki ng cake na ipinasok nito sa loob ng bibig niya. Pero ang tinidor nito, kung nagkamali siya ng galaw, maari itong tumagos at matúsok ang lalamunan niya. Tumingin ito sa kanya na parang wala itong ginawang masama. “I'm a swordsman, Miss. I know how far I should shove it in your mouth.” walang kaemo-emosyong saad nito at tinutukoy ang tinidor ngunit ibang bagay ang pumasok sa utak niya. Biglang namula ang kanyang pisngi. Argh! Hindi na talaga siya magbabasa ng mga érótíc novels! Naaapektohan na ang utak niya! Kailangan na talaga niya ng holy water! Napailing-iling ang Archduke na para bang alam na alam ang tumatakbo sa utak niya. Kapagkuwan ay malalim itong napabuntong-hininga. “And now, it's you and your mind.” Humaba agad ang kanyang nguso saka tinusok ang cake at kumain. “Kasalanan mo yun, My Lord. Hindi maganda ang salita na ginamit mo.” paninisi niya. “Hindi ko yun kasalanan, Miss. Sa pagkakaintindi yun ng utak mo.” pabalik din nitong sabi sa kanya. It's a the truth. Di na siya makakaangal pa. Tumahimik nalang siya at hindi na umimik pa hanggang sa lumabas sila ng Desert shop. Kasalukuyan sila ngayong naglilibot at hinanap ang library. Napalingon siya sa Archduke nang tumigil ito at mayrong kausap na lalaking nakaitim. Hindi niya makita ang mukha nito at ang ekspresyon naman ng Archduke ay hindi maipinta. Parang naiinis ito. Umalis ang lalaki at lumapit na sa kanila ang Archduke. “Go back to the carriage if you're done with your shopping.” saad nito at parang sinagàsaan ito bigla ng problema. “Are you alright, My Lord?” nag-aalala niyang tanong saka inabot ang noo nito at hinaplos iyon. She gave him some fresh air for his feelings to ease his irritation. He looks like he's being forced to do something. Tumango ito saka kinuha ang kanyang kamay mula sa noo nito. He squeeze it gently. “I'll go and take care of my business now. Buy everything you want and just put it in my name.” bilin nito sa kanya at bigla nalang naglaho sa kanyang harapan. His business seems like it's urgent. Pero hindi niya inaasahang magpapaalam pa talaga ito sa kanya. Biglang lumambot ang kanyang puso dahil doon. ‘Buy everything you want and just put it in my name.’ napangiti siya at bahagyang natawa. Tinatanggap na ba nito ang pagiging Súgar Daddy? “Papa's gone...” mahinang bulong ni Syriel kaya bumaling na siya rito. Bakit nagmumukha silang isang pamilya at kailangan ng asawa na umalis upang maghanap ng trabaho? It tickled her imagination. Kinuskos niya ang ulo ni Syriel. “Do you want to buy some books?” pag-iiba niya sa usapan. Tumingala sa kanya si Syriel at agad na sumilay ang matamis nitong ngiti sa labi. “Of course!” Naglibot na sila at naghanap ng book store. Ilang kanto ang nadaanan nila bago sila makarating sa isang maliit ngunit maraming libro na tindahan. Ang porma ng tindahan na ito'y nasa labas ang ilan sa mga libro na nakahilera at sa loob naman ang iba. Nasa gilid lang ito ng daan kaya madali niya itong nakita. Lumapit sila sa mga libro sa labas at tinignan kung naroon ba ang hinahanap niya. Libro ng mahika ang sadya niya rito at nagbabakasakali siyang makikita na niya ito rito. “Syriel, anong libro ang gusto mo?” tanong niya. Sumilip sa kanya si Syriel. “Gusto ko po yung tungkol sa magic.” tugon nito na ikinataas ng mga kilay niya. Pareho pala sila ng gusto? Nginitian niya ito. “Then, wag kang lumayo sakin kasi maghahanap ako. Understand?” Mabilis na tumango si Syriel. “Opo!” nakangiting saad nito. Kinuskos muna niya ang ulo nito bago siya nagpatuloy sa paghahanap ng libro. Mukhang matagal na ang mga librong narito dahil hindi na maayos ang arrangement ng mga ito. Inisa-isa niyang tinignan ang bawat title. All she could found is a book about elemental magic. Mukhang kukuha nalang siya ng isa nito. Baka magamit niya ito sa susunod. Itinabi na niya ang libro kung saan walang kukuhang ibang tao nito. “Ack! Ang papel!” biglang sigaw ng isang ale kaya napalingon siya rito. Kakalabas lang nito ng book store. Tumayo siya ng tuwid upang magtanong dito. “Ah, ale. Maari bang magtan—” napatigil siya sa pagsasalita nang may biglang dumaang karwahe sa harapan nila. Ang bilis ng takbo nito. Napaingos siya. Hanggang dito pala'y mayron ding mga bastos kung magpatakbo ng sasakyan. “Naku! Ang bata! Muntik nang masagasaan!” biglang sigaw ng isang babae mula sa malayo at nakita naman niya ang biglang paghinto ng karwahe. Agad siyang kinabahan at inilibot ang paningin. Bata... “Syriel? Syriel?” tawag niya sa pangalan nito. Hindi niya ito makita. Para siyang tinakasan ng dugo. Where's Syriel?! Nabitawan niya ang librong hawak at mabilis na tinakbo ang pagitan nila at ng karwahe. “Argh! How dare you?! Nagulat ang mga kabayo ko dahil sayo!” sigaw ng isang babae kaya tinignan niya kung sino ang inaaway nito. Saglit siyang natigilan. How dare she! She's hurting him! Physically and verbally! Binuhat niya ang kanyang saya at mabilis na tumakbo palapit dito at prinotektahan si Syriel. Hindi niya napansin ang palad nitong umangat at bigla siyang sinàmpal. Ang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya at ang lahat nang taong nakasaksi noon ay napasinghap sa gulat. Ang lakas ng tunog na nagawa niyon at tumabingi ang ulo niya. “Yan ang mapapala mo kapag naki-alam ka!” galit na sigaw nito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Namamanhid ito. Kumuyom ang kanyang kamao at mabilis pa sa kidlat na ginantihan ang babae. Napasalampak ito sa lupa dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Nakita niya ang pagkalmot nito sa lupa. Galit nitong tinignan ang dalawang lalaking kasama nito. They're wearing a knights uniform, and their crest is from the kingdom... “Capture her!” nangungugat ito sa galit. “But! Before that! Make them as an example!” pahabol nitong sabi. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na hinarap si Syriel at niyakap ito. If she could use magic, she can protect him, but she can't do it. The woman she slapped is a princess of the Kingdom of Pilaires! Tumaas ang mga dalang pamalo ng mga ito. Siguradong sobrang sakit nito kapag tumama na sa kanya. Pero kahit na anong sakit nito'y titiisin niya para lang hindi masaktan si Syriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD