POV: Bernard Naawa siya sa hitsura ni Marie. Pero ang mga picture na ipinakita ni Ellie sa kanya ang pruweba na may relasyon ang mga ito. Mga larawan ng mga ito na nakaupo at magkayakap. Mga larawan na naglalakad at nagkikiss. Bakit nakuha pa siyang lokohin ni Marie. Sana sinabi na lang nito noong una pa lang na may relasyon sila ni Domeng. Maaaring siya ang nakauna dito subalit may kasalo siya. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah" tanong ni Ellie sa kanya. "Nagsisisi ka bang itinaboy mo siya?" "Naaawa ako sa kanya. Parang ang laki ng kasalanan ko" sagot niya dito. "Huh, mas maawa ka sa sarili mo, kasi niloloko ka niya. Halata namang may relasyon sila." "Paano kung wala nga?" "Hello Bernard, tingnan mo nga yang mga picture na yan." "Teka, san mo ba nakuha to? hindi ba edited to?"

