POV: Marie Iniyakan niya ng isang linggo ang nangyari sa kanila ni Bernard. Nangangalumata na siya. Ginagawa niya lahat ng trabaho. Kapag wala na siyang gagawin nililinis niya ang kanyang mesa kahit malinis pa. Napansin na ito ni Ericka kaya ipinatawag siya. "Miss Marie, okay ka lang ba?" tanong ng boss niya. "Okay lang po ako mam.." sagot niya. "Ano bang nangyayari sayo? sa inyo ni Bernard?" "Hiniwalayan niya na po ako." "Yan!" sabay pukpok nito sa lamesa "yan ang sinasabi ko saiyo. Ilang beses kitang pinangaralan na wag mong papatulan ang lalaking yun. Babaero yun eh! matigas ang ulo mo, oh eh ano ka ngayon?" Napakagat siya ng labi saka lumuha. Hindi na niya alam ang isasagot. Tama naman ito, ilang beses siyang sinabihan pero hindi siya nakinig. Mas sinunod niya ang puso kesa u

