Pumunta siya kinabukasan sa ospital para magpalaboratory. Ipinacancel niya kay Andrei ang lahat ng kanyang appointment. Kaagad siyang sinalubong ng isang nurse. Nakangiti ito sa kanya. "Hi Bernard" bati nito. "Sharlene?" namangha siya dito. Kaklase niya ito noon. Pero patpatin ito. Ngayon ay maganda na at pumuti. "Oo.. sabi ni Doc Armand darating ka daw para sa lab. So ako ang mag aassist sayo ngayon." sagot nito. "halika na may pifill upan kang papers." "Kailan ka pa naging nurse dito?" tanong niya habang sumusunod sa babae. "Mga three years na.. madalas kitang makita pero hindi mo ako pinapansin eh." "Huh? ganyang kaganda hindi ko mapapansin?" nakakunot ang noo niya. "Hindi pa kasi ako ganito kaganda noon eh." "Nagpa enhance ka?" "Halata ba?" "Hindi naman.. maganda ka na noon e

