POV: Marie Magdidinner sila nina Flor at Dulce. Nagkayayaan sila dahil matagal na rin ang huli nilang labas. Nagpalit muna sila ng damit bago tuluyang umalis ng opisina. "Ako ang manlilibre" sabi ni Dulce sa kanila. "Ooow?" sagot niya "bakit?" "Magreresign na ko" sagot nito. "Ha?" nagulat sila ni Flor. "Yes.. medyo hustle na kasi. Saka pagod na ko." wika ng babae. "Saan tayo pupunta? bakit sa parking?" tanong ni Flor. Pinindot ni Dulce ang remote ng sasakyan niya. "Wooow, marunong ka ng magdrive?" tanong niya. "Marunong naman talaga ako, ayoko lang." "Ang ganda ng kotse mo" sabi pa ni Flor. "Kayo talaga!" natatawa ang babae "tara na.. baka magbago pa ang isip ko." "Saan tayo pupunta?" tanong niya "pinagbihis mo pa kami ng ganito?" "Basta.. magugulat kayo kung saan." sagot ni

