POV: Bernard Umuwi siya ng bahay para maligo at magpahinga ng konti. Biglang tumunog ang phone niya. Ang walang hiyang Elleanor na to! 'Hi, galing ka daw dito kanina, dito ka ba sana matutulog?' "Hayup ka! mamatay ka na! pinaniwala mo ako sa relasyon nina Domeng at Marie! tarantado!" 'We.. wait.. ano bang sinasabi mo? i only shown you the evidence right?' "Punyeta!!! evidence mo! walang hiya ka, ipapakulong kita!" 'And why?' "Itinulak mo si Marie! nakunan siya! hayup ka talagang babae ka!" Biglang nawala sa kabilang linya ang babae. Alam na niyang patakas ito. Nagmamadali siyang nagbihis at pupuntahan niya si Ellie. Wala siyang inaksayang oras. Hindi na niya inabala ang mga kasambahay. Nakareceived siya ng text mula kay Monica. 'I will beat you to death!' Marahil alam na ng pi

