POV: Marie "Okay ka ba dito?" tanong ni Ericka sa kanya. "Malamig ngayon eh, kaya iba ang klima dito paglamig." "Naku, maraming salamat po mam, ngayon pang po ako nakarating ng ibang bansa. Ang ganda po pala dito." "Mas pinili kong isama ka dito. Baka kasi pag umuwi ka sa inyo, malaman pa nila ang pinagdaanan mo. Buti mabilis kang nakarecover. Aattend ako ng ibang meeting kasama ang share holders, no need ng sumama ka pa. Magpahinga ka lang. Ipapasyal na lang kita sa sunod. Pero after two weeks uuwi muna ako ha? ikaw na lang ang aattend ng mga convention." "Opo mam" sanay siya sa mga convention dahil madalas nilang gawin ito sa Pilipinas. Last week lang malungkot siya sa pagkawala ng baby niya, ngayon, may mas maganda palang plano si Lord. "Mam, bakit ang bait niyo sakin?" Natawa nama

