POV: Bernard Natatanaw na niya ang lugar nina Marie. Ang daming tao. Ang daming batang nagkalat. Paano kaya nakatagal ang babaeng ito dito? Totoo pala ang ganitong lugar. Akala ko noon sa tv lang talaga. Yun pala makakakilala ako ng nakatira sa ganito. Pagtigil ng sasakyan, pinalibutan agad sila ng mga taong naroroon. Pakiramdam biya tuloy hindi siya safe sa lugar na iyon. "Sir dito muna kayo, ako na lang ang didiretso." paalam ni Marie. "Sasamahan na kita." kinakabahan siya baka may biglang sumaksak sa kanya dito. "Baka mamaya sir pag balik mo, wala ng guling ang sasakyan mo" Naalala niya ang pick up niya. Baka nga may biglang umopera dito kapag iniwan niya kaya hinayaan na lang niya si Marie at ang mga kakilala nito. "Upo kayo sir" alok ng matandang lalaki sa may tindahan. "Sala

