POV: Bernard Nasa elevator sila ni Marie ng may sumabay sa kanilang dalawang babae. Binati siya ng mga ito. "Hi sir Pogi" kumaway pa. "Hi girls. Ang gaganda nyo naman" ngumiti siya. "Thank you sir.. sana matake home nyo rin ako" kilig na kilig ang isang babae. "Don't worry, kapag mga hinog na kayo, pipitasin ko kayo hahaha" "Talaga sir pogi? hihintayin ko yan." Nagbabaan na ang dalawang maharot at sila na lang ulit ang natira sa loob ng elevator. "Ang sama na naman ng tingin mo sa akin?" puna niya kay Marie. "Sir, literal ba kayong babaero o sadyang malandi lang kayo?" nakasimangot na tanong nito. "At bakit mo naman nasabi yan?" balik tanong niya dito. "Lahat kasi ng nakikita nating babae gusto nyo atang pahinugin at pitasin lahat." "And so?" "Kasi, baka kayo hindi nagustuhan

