POV: Bernard SABADO... Sinundo niya sa isang mall sina Marie at Flor. Nagulat pa siya kasama nito si Dulce. "Oh, hi girls!" bati niya sa mga ito saka ipinagbukas ng pinto ang dalawang babae. Akmang papasok na rin si Marie ng awatin ni Dulce. "Hoy bruha, dun ka sa unahan. Ano yan may driver tayo? Sige na sir, sa una nyo na siya paupuin." "Naku talaga Dulce ang sarap mong kurutin" saka isinara ni Marie ang pinto. "Ang ganda naman ng mahal ko" puri niya sa dalaga. "Alam ko.." sagot nito sa kanya. Inalalayan niya ito pag upo. Saka isinara ang pinto. Pumunta na siya sa driver's seat. "By the way girls, my refreshments ako for you" kinuha nito ang mga milk tea sa plastic. "Woooh, favourite ko to" masayang sabi ni Flor. "Tse.. hindi mo peyborit yan. mahal yan eh" saway ni Dulce. Napa

