POV: Marie Napangiti na lang siya ng makita ang padalang bulaklak sa kanya ni Bernard. Pumayag siyang ligawan ulit nito dahil na rin sa kanyang damdamin. Napag usapan nila na magsisimula na lamang sila muli, ngunit sa tamang paraan na. Kaya liligawan daw siya ng lalaki. Sinabi niya dito na hindi na sila magsisiping ulit hanggang hindi nagiging sila. "Hoy, saan ka hinatid ni sir Bernard nung nakaraan?" tanong ni Flor. Nalaman niya na magreresign na rin ito kaya nalungkot siya bigla. "Ssshhh wag ka ngang maingay at baka may makarinig sayo.." saway niya dito. "Galing kay sir yan no?" "Oo" "Patingin ng card?" kinuha nito at binasa ang card "my dearest love, you are the sunshine of my life.. ang sweet naman." "Magreresign ka na?" malungkot niyang tanong. "Oo, sayang yung offer ni Dulc

