Best Gift.
Maaga palang ay nagpaalam na si Jm sa akin ang sabi nya ay may practise sila ng basketball ngayon. Wala akong shoot ng comercial today ikinancel daw ito ni direk at masama ang pakiramdam ayon kay Olap.
Wala akong magawa at boboring ako kaya sinimulan ko ang magpaint na lang muna habang hinihintay si Bianca. Pinapunta ko sya para may makasama naman ako alam ko namang hindi sya busy at wala kaming shooting.
Naka kita ako ng isang album sa may drawer ni JM sya lang ang gumaganit ng drawer na yun, kaya nagtataka ako at may nakapatong doong album.
Binitiwan ko muna ang pine-painting ko at nilapitan ang album. Kinuha ko ito at naupo ako sa sofa. Laking gulat ko ng makita ko pa nang buksan ko ang unang page nito.
Picture ko yun noong unang beses na nanood ako ng game nila JM, isinama lang ako ni Bez ng araw na yun. Sa ikalawang page naman ay yung meeting na isinasama ako ni bez.
"Bakit meron nito si JM" tanong ko pa sa sarili ko. At muling binuklat ang album mayroon nung mga event na nagrarampa pa ako bilang free lance model sa iba't ibang designer clothes.
Mayroon ding pictures kapag dumadalaw kami sa Laguna, karamihan ay sa van kapag magkatabi kami at ang ilan ay nung nasa vigan kami.
Biglang tumunog ang doorbell, lumapit ako sa pinto at sinilip muna kung sino yun. Si bez kaya binuksan ko ito agad.
"Bez... " tili nya habang papasok. May dala syang malaking kahon at sa ibabaw nito ay isa pang kahon na parang sa sapatos.
"Bakit ba?" nabigla ako sa pag tili nya. "At ano ba yang mga dala dalahan mo maglilipat kana ba?"
"Baliw para syo toh noh nakasalubong ki si Mang Ambo, hindi na sya nagpakita sayo at babalikan pa daw nya si JM sa practise napag utusan lang sya"
"Ahhh.. baka yan yung dress na binili nya para sa akin."
"Dress para saan?" tanong ni Bez habang binubuklat ang album at ngumingiti pa minsan.
"Oh no bez ngayon yung date namin at yan ang isuuot ko!"
"woahhh.. date lang may dress pa na ganyan?" tanong ni bez pero hindi ko iyon nagawang sagutin at napa takbo na ako kitchen.
Sumunod si bez sa akin at hinagod hagod nya ang likod ko habang nagduduwal ako.
"Bez ano ok ka ba?" tanong nito.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito sinagot.
"Bez Ilang araw na ako ganito pati hilo ako every morning."
"morning sickness bez, buntis ka."
"Bez may gagawin ka ba?"
"wala naman" sagot nya at binigyan ako ng isang baso ng water.
"Magbibihis lang ako samahan mo naman akong magpacheck up."
"Oo naman walang prob sa labas na din tyo mag lunch and Im sure hindi na tayo makakapag prepare ng lunch." sagot nya.
"Sige wait lang bez ha magchange lang ako." tatalikod na sana ako naalala ko si JM "Bez wag mo muna sasabihin kay JM its between us muna"
"Sure pero ipapaalam ko lang na sa labas tayo maglunch ok baka biglang tumawag yun e."
"Ok bez tatawagan ko nalang din sya later."
Nagbihis na ako, nagleggins na black na lang ako sport shirt na puti at tunernuhan ko ng vans na sapatos.
Tutal malapit lang naman ang St. Luke's dun na kami nagtungo.
Habang nasa sasakyan kanina ay tumawag na ako kay JM.
"Babe lunch lang kami ni bez sa SM Aura." paalam ko pa sa kanya.
"sure but be ready before 5pm ok, ipasusundo ko na lang kayo kay Mang Ambo sa Resto na tayo magkita for our date."
Paalala nya sa akin bago pa nito ibinababa ang phone sa kabilang line. Nasa MAB Building kami ngayon ng hospital at inaantay ang result ng urine test ko bago ako sumalang sa Ultrasound.
"Ok ka lang ba?" puna sa akin ni Bez.
"Kinakabahan ako." pahayag ko.
"Bakit naman?" sabay akbay nya sa akin. "Blessing yan bez"
"I know bez but what if may ibang babae si JM, paano kami ng baby"
"Tigilan mo ngayang emote mo sabi na nga ba at sense buntis yang pinagdadaanan mo hmp!"..
"hindi pa nga tayo sigurado"
"Ms. Andy your turn na po" biglang lumabas ang clinic ang assistant nurse ni Dra. Syjuco ang OB-Gyne na inireffer sa akin sa admin.
"Ok thank you!" sagot ko. "Bez samahan mo ako sa loob."
"Ok tayo na at tigilan na yang drama mo kay JM."
Pumasok na kami at sinimulan na din ni Dra. Syjuco ang psgcheck up sa akin. Ilang minuto lang at pinahiga na din nya ako para sa ultra sound.
Dra. Syjuco : ok hinga ng malalim habang pinapasok ko. (ginawa ko naman ang sinasabi nya.) Congratulations ihja and your pregnant tama ang naunang urine test mo. Look at the monitor Andy (ituro nya iyon at tumingin ako don hawak ko ang kamay ni bez) it says that your having a 2 months old fetus sa womb mo by this time hindi pa natin madidistinguish ang s*x nya but sa susunod na utrasound mo makikita na natin yun.
Maluha luha ako sa saya ng makita ko ang baby ko, iba pala talaga sa pakiramdam ang ganito.
Natapos kami kay OB at kumain na lang din sa malapit sa hospital hindi pa ako nakakaayos at halos 1:30pm na din.
"After natin bez darecho uwi na tayo ha"
"Oo naman tutulungan pa kita mag ayos ng sarili mo at ako din mag aayos may gala kami ni bading Olap later."
"Sure ikaw na mag sabi kay Olap ng news ha at ako na mag sasabi kay JM at kina Lola."
Nagkasundo kami doon. Treat ko na kay bez ang lunch. Darecho uwi at ligo na ako, nang makatapos ay tinulungan ako ni bez na mag make up at ayusin ang buhok ko na pina syete ko.
"Woahh bez ang sosyal ang ganda mukhang sa mamahalin kayo magdadate ah..?" paghanga ni bez sa dress habang inilalabas nya ito sa kahon.
Isa itong cocktail dress na kulay ecru at may swarovski na naka design sa damit. Medyo backless ang likod nito ngunit may mesh din naman ito na kakulay din ng dress. Tinernuhan pa ito ng beige stilletos.
"OMG! Kulang na lang bulaklak para kang ikakasal sa look mo bez pwede ka nang brides cover." biro ni bez. "Infairness bez ang bonggang gift nyan huh.."
"Bez may bobongga pa ba sa best gift ever na ito" habang hinihimas ko ang tyan ko.
"Hayyy sobra bez basta ninang aketch at si mudra Olap mo ha."
"Ikaw talaga bez mag bihis kana nga din at speaking of Olap may gala kayo diba." habang tinititigan ko ang kabuuan ko sa salamin.
Dumating na din si Mang Ambo at sinundo na ako. Si Bez naman ay madalang sasakyan at magkikita na lang daw sila ni Olap sa pupuntahan nila.
"Mang Ambo, saan po ba tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho sya. Sa bahay sya ngayon ng daddy ni JM nakatira dahil nga nagsasama na kami ni JM.
"Ang sabi ni JM ihja wag na wag kong sasabihin sayo muna"
"Ganun po ba at may pasopresa pa ang loko ahh.."
At nakita ko pang iiling iling si Mang Ambo.