Avy's POV
There's something to him, three days ago may iba akong napupuna sa kanya. Late na nya ako halos sunduin at kapag may kausap sya sa phone nya lumalayo pa sya sa akin.
Hindi ako papayag na may iba pa maliban sa akin.
Nandito ako ngayon sa condo unit ni Bianca na pinagagamit na sa kanya ng mommy nya. Maganda ang unit nya at masasabi kong very feminin ito sa kulay palang na white and pale pink at ang mga appliances na halos pinag isipang mabuti.
Mas minabuti na nya dito manirahan para easy access lang sa akin at sa office. Kinuha na din kasi syang assistant ni Olap kaya halos everyday ay magkakasama din kami except kapag walang shoot or rampa.
"Hoy tulaley ka gurl, ano ganap!" tanong nya pa sa akin. Nahahawa na ata ito kay Olap mananalita.
"Bez si JM kasi ehh.." sabay irap ko pa dito.
"What about Papa JM?" tanong nya habang umuupo sa high chair sa bar nila dito.
"Parang feeling ko may iba syang girl?" mabilis kong saad
"Ano!" sigaw nya at saka humagalpak ng tawa. "Binabahay ka na nga at lahat naisip mo pa yan bez"
"Kasi this passed days iba mga kilos nya, parang may tinatago sya sa akin and it really worry me a lot." napaupo na din ako sa sofa nya.
"Hay naku yang ganyang pakiramdam pangbuntis lang yan noh!" at natigilan pa sya sa biro nya. "BEZ...ARE YOU PREGGY?"
"Hindi!... ano kaba ang alam ko may nalabahan ako last week na undies ko may blood stain." explain ko sa kanya.
"Really.." sabay taas pa nya ng kilay.
"Oo wag makulit bez"
"Ehh bakit napupuna ko kung hindi mango shake, fresh ripe mango, mango jelly, ay manggang hilaw ang hawak mo from shooting hanggang dito sa unit ko!" habang tinataas baba nya ang kilay nya.
"Bez alam mo naman diba favorite ko lang ang manggo talaga." explain ko pa
"Sa pagkakaalam ko ay sa Ice cream lang noh, at wait kahapon may dalang Ice cream mango flavor si Boss but deadma lang sayo!" tanong pa muli nya
"Wala lang akong ganang kumain kagabi bez." sabay tayo ko at inilagay ang pinagkainan ko sa dinning table.
"Bez hindi ako ang topic kung di yung lalaking yun nakakainis na sya bez." at kinuha ko naman ang pinabili kong dried manggo kay JM kaninang bago nya ako ihatid dito.
"Asus bakit di mo itanong sa kanya para natitigil na yang kakamaktol mo noh" asik din naman nya sa akin
"Ayaw kong may pagmulan pa na away bez tapos hindi naman pala totoo ang hinala ko sa kanya, nakakahiya lang." nagpouty lips pa ako sa kanya habang ine-enjoy ang kinakain ko.
"ok sige, sige ako na ang magspy para tumahimik ka na lang dyan." sagot nya.
"yeheeey... thanks bez I love you!" sabay yakap ko sa best friend ko.
Medyo naka hinga ako ng maluwag this time. Hindi ko kasi gusto ang magduda sa pagmamahal sa akin ni JM.
Sinundo ako ni JM ng mga bandang 2pm that was after his practise may game kasi sila bukas.
"Babe daan tayo sa mall ha tapos bili ka ng isusuot mo para sa date natin the day after tom" bigla syang nagsalita habang naka focus sya sa pag drive.
"date!?... babe?" tanong ko
"we didn't celebrate our first valentine together babe remember your too busy in your job that time." malungkot nyang saad.
"Tama nga sya napaka insensitive ko para hindi man lang din sya batiin noong araw ng 14." sa isip ko lang yun.
"Ok babe shopping tayo." sagot ko at nasa isip ko pagkakataon ko din para ibili sya ng gift.
Nakarating kami sa Rockwell at medyo matao ngayon. Dinarecho agad nya ako sa isang kilalang couture shop.
"Babe it's only a date bakit dito pa?" maktol ko sa kanya. Ang mahal kasi dito alam ko dahil minsan na ako pinagawa dito ng gown ni Olap nung umattend kami ng isa Gala Dinner.
"Babe gift ko to ok so oo ka na lang." ngiti nya pa
"Ok" at napa ngiti na lang din ako sa kanya.
Ang nagtataka lang ako bakit kailanganin pa nya ako pasukatan.
"Ok sir nakuha ko na po, meron naman pong kasya kay maam" sabi nung nagsukat sa akin.
"Good but I wanted not too daring or sexy but I want my girl stunning by your design" ma-autoridad pa nyang bilin sa babae.
"Ok sir ipapadeliver na lang po namin on the day of your request." sagot ng babae.
"Ok thats all thank you." at kumaway pa sya sa matandang nasa dulo ng shop at ngumiti ito. "Lets go babe its your turn to cook for me ng dinner."
At umalis na din agad kami, hindi na ako nakabili ng gift ko for him. Kaya naisip ko na bukas na lang mag papasama ako kay bez tutal hindi naman ako manonood bukas dahil hindi pa naman daw semi finals sabi ni JM.
Pagdating sa bahay nagpalit muna ako ng damit ko at sinimulan ko na ang magprepare ng dinner namin.
Niluto ko ang favorite nyang pininyahang manok at almond de gas or bola bola soup. Na tinuro pa sa akin ng lola.
Tatawagin ko na sana si JM sa kwarto dahil halos mag7pm na din.
Pero nakita kong may kausap na naman sya sa phone at tawa pa sya ng tawa. Ayaw ko masira ang gabi namin kaya binaliwala ko na lang.
"Babe dinner na po." tawag ko sa kanya at lumabas na din ako ng kwarto.
Sumunod na din naman sya agad sya sa akin.
"Upo ka na po kukunin ko lang yung almond de gas" sabay talikod ko sa kanya.
Pagbalik ko nakatingin lang sya sa akin, umupo na ako at ikinuha ko sya ng soup nya.
"Babe are you angry?"
"Huh may dapat ba ako ikagalit, o eto kumain kana."
"Wala naman po, wow sarap kain ka na din babe" habang ganadong ganado sya sa niluto ko.
At kumain na kaming dalawa. Hindi ko na inisip pa ulit yung nararamdaman ko ayaw kong mag away kami tapos mali naman ang nararamdaman ko.
"Babe magshower ka na ako na mag aayos dito para mahaba ang rest mo at may game pa kayo tom." sabat ko agad matapos kiming kumain.
"are you sure babe?"
"Opo kaya lakad na tayo na dyan" giit ko pa sa kanya.
Tumayo na sya at binigyan ang ng halik bago nagtungo sa room.
Tinapos ko lang ang pagliligpit sa dinning area at sinilip ko muna kung nasa shower room na sya. Sakto at naiwan nya ang phone nya sa ibabaw ng bed namin.
"Ngayon malaman ko JM kung sino ang lagi mong kausap!" bulong ko pa sa sarili ko.
Binuksan ko ang phone nya at tiningnan ang mga text halos mga kasama lang sa basketball kung di naman ay kay Olap at Bez na ang message lang ay..
Olap: Okey na.
Bianca: Sure.
Wala akong mapapala sa ginagawa ko kaya iniwan ko na ulit ang phone nya at tumungo na sa kitchen para sa mga hugasin ko.
"Hayaan ko na lang si bez ang mag investigate." sa loob loob ko.