JM's POV
Desisdido na ako, lahat gagawin ko wag lang siya mawala sa akin. Hindi biro ang pinagdaan nya sa kamay ni Amanda. Dalawang beses syang ginawaan ng hindi kanais nais nito.
"I need your help?" nandito ako ngayon sa dating bahay nila Avy at Bianca. Kung saan pinapaupahan na lang din ni Bianca at Lumipat na sya sa Condo ng Mommy nya.
"Anong klaseng tulong ba yan Papa JM?"
"I want to marry her"
"Reaalllyyy... wow!" tili ni Bianca.
"Can you help me?" muling tanong ko sa kanya.
"Oo naman syempre, ako pa ba!"
"Thank you, Bianca."
"Nagpropose ka na ba sa kanya?"
Tanong na hindi ko agad nasagot, napaka tanga ko kasi hindi man lang ako nag iisip.
"Hindi pa ako nakakapagpropose."
"Huhh.. nyekkk.. ang hina mo talaga Papa JM, gf mo na at lahat until now ba natotorpe ka pa din ba?" sabay pamemewang sa akin nito.
"Iisip ako ng magandang paraan siguro on the day of our date this coming valentines dun ko isasagawa ang proposal."
"Good" pagsang ayon nya at mababakas mo pa sa mukha nya ang excitement.
"Bianca I wanted this as secret okay and I also need France, Lola Rose, and even Olap's participation."
"Sure boss no problem!" at sabay salute pa nito.
One down. Papunta ako ngayon ng Laguna nasa shooting ngayon ng kauna unahang commercial nya.
Habang nasa byahe ay maraming sumasaging maaaring maging paraan ko para sa proposal ko sa kanya.
Gusto kong maging makahulugan ang lahat at yung ramdam nya talaga kung gaano ko siya kamahal.
Ahead of time ay nag text na ako kay France at ipinaalam ko na din ang sadya ko.
"Pasok kuya nasa salas ang Lola naghanda sya ng favorite mong sopas at lumpiang giniling." salubong sa akin ni Chesca.
"Talaga wow mukhang mapaparami ang kain ko nito ahh, hindi pa kasi ako nakakapagsnack."
"Tuwang tuwa ang Lola ng malamang pupunta ka at kung ano talaga ang sadya mo Kuya."
"Kinakabahan nga ako ehh."
"Ngayon pa ba Kuya may sopas at lumpia pa sayo ang Lola gets mo na siguro ako."
"Hindi nga e" palusot ko gusto ko lang marinig kung tama ang pakiramdam ko.
"Oo kuya walang pag dis gusto sayo ang Lola gustong gusto nya na ikaw na ang mapakasalan ng ate." kinikilig pa nyang pahayag.
Nakahinga ako ng maluwag, pumasok na kami at tama si France amoy pa lang ng sopas ay gaganahan na akong kumain. Pinaupo na kami ng Lola, nagmano at bumati muna ako bago umupo.
"Totoo ba ihjo ang sinabi niting si Francine Avery na hihingin mo na ang kamay ng apo ko." tanong agad nya.
"Opo Lola, gusto ko ho sanang personal talaga ito. At balak ko ho sana sa darating february 27 sa araw ng akala po nya ay simpleng date lang namin, dun ko po gagawun ang proposal ko at after that ay ang paghingi ko po muli sa inyo ng basbas para makasal po kami Lola." paliwanag ko.
Kitang kita ko ang mga luha sa mata ng matanda ngunit bakas na bakas sa mukha nya ang kasiyahan.
"Salamat anak sa pagmamahal mo at pag aalaga mo sa aking Avrielle Marie." sabay hikbi pa nya.
"Masaya ako para sa inyo at oo asahan mo ang aking pagbasbas sa araw na iyon" at ngumiti sya sa akin habang nagpupunas ng luha.
"Salamat po sa pagtanggap nyo sa akin Lola, France."
"Ok tama na ang dramahan sa 28 na lang next week na naman yun eh kain muna tayo." kwelang sabat ni France.
Masaya ang pagbisita ko sa Laguna at hinding hindi ko makakalimutan ang sayang nadama ko sa mainit na pagtanggap nila sa akin sa tuwing madadalaw ko sila. Tunay na pamilya na ang turing talaga nila sa akin.
---------------------------
Sa halos isang buwan na naming nagsasama ay masasabi kong wala naman kaming nagiging problema ni Avy, marunong syang magpalakad sa loob ng bahay at sa totoo lang mukhang mag asawang, mag asawa na kaming dalawa.
Dumarecho na ako sa location ng shooting nila at may dala na akong food for us para kahit nasa byahe ay makakain na kami at medyo late na din kasi.
"Hi, babe!" bati ko sa kanya pagkalapit ko. Naka upo lang sya at mukhang inaalisan na ng make up.
"Hello, where you have been late ka ata po." at nagkiss sya sa akin.
"Traffic lang kaya ngayon lang ako, bumili na din kasi ako ng food para kahit nasa byahe makakain kana" explain ko.
"Annnngg sweeeeett...." tili naman nitong si Bianca. Sabay kindat pa sa akin at inapiran pa si Olap.
"Tumigil nga kayo ganun talaga baka gutom na baby ko"
"Asus, lika na nga Bianca traffic daw baka malate tayo sa gala natin." si Olap.
"Aba kaya pala kanina pa kayo make up kung make up at may gala pala kayo?!" singit ni Avy
"Hoy bakit akala mo ba ikaw lang ang pwedeng may kalandian ehem noh" malanding sagot ni Olap.
Tawanan naman ang lahat. Naghiwa hiwalay na din kami at may sasakyan naman si Olap. Pauwi na kami ngayon at tinatahak na namin ang makati to taguig.
"Babe hindi kaya sumakit ang tyan mo dyan?" tanong ko sa kanya paano nagpadaan sya sa isang smootie booth sa may kalayaan kanina at umorder ng dalawang manggo shake.
"Hindi naman po babe, actually nakaka refress nga ehh yung isa ko later na lang after dinner natin sa bahay." sagot pa nya.
Dumating kami ng unit ng halos 8:30pm na. Batid ko ang pagod nya kaya ako na ang nag init at naghanda ng pagkain.
"Babe dinner is ready lets eat!" sigaw ko dahil nasa kwarto sya at nagshower.
"Sandali na lang babe tapos na ako" sagot pa nya.
Hinintay hintay ko sya at ayun lumabas din makaraan lang ang ilang minuto.
"Bango naman ng babe ko" salubong ko sa kanya at ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanya.
"Ikaw naman amoy ulam" at sabay tawa pa nya.
"Kain na nga tayo at mamaya lumamig pa yung food natin"
" Nagtampo namam agad ang higante kong baby!"
"Kasi sabi mo amoy ulam ako" nguso ko pa sa kanya.
Hinalikan naman nya ako sa labi at saka hinila pa paupo.
"Kain na tayo babe, woahh.." nanlaki pa mata nya. "pizza, lasagna, and buffalo wings" tumingin pa sya sa akin. "Thank you babe."
Nakakapagtaka at hindi sya nagalit kasi on diet sya pero ang binili ko ay halos panira sa diet nya.
Sandali syang tumayo at nakita kong papunta sya sa may ref, binuksan nya ito at kinuha ang manggo shake nya.
"Babe you have to eat first before that" saway ko sa kanya.
"Yup babe I know" at naupo na sya.
Magana syang kumain ngayon pero hindi ko na pinansin yun at sinabayan ko na lang sya, baka napagod sa trabaho at bumawi sa food.
------------------------
Kinabukasan wala akong practise at wala din syang trabaho kaya maghapon kaming nasa bahay lang.
"Babe wake up!" gising nya sa akin.
Pagmulat ko ng mata wala sya sa tabi ko kaya napabalikwas agad ako, nakita ko syang kagagaling ng banyo at pawisan.
"What's wrong, what happened to you?" nag aalala kong tanong.
"Nasobrahan at ako ng kain last night nagvomit ako." nanghihina nyang pahayag.
"Okey just stay here I will make a tea for you para mainitan ang sikmura mo"
"Thank you babe, sorry if naistorbo ko sleep mo"
"No babe basta ikaw walang prob okay" at hinalikan ko ang ulo nya.
"do not move muna ok rest your body" at saka ako nagtungo ng kitchen.
Habang nagpapainit pa ako ng water, nagdecide akong mag toast na din ng bread at magfry ng egg.
Then after I prepare her tea, pumasok na ako sa room. Nakita ko syang naka pikit kaya ipinatong ko muna sa coffee table sa loob ng room namin ang dala ko saka ko sya nilapitan.
I kiss her forehead na ikinagising nya.
"Come magbreakfast na muna tayo at ready na din ang hot tea mo" aya ko sa kanya.
Ngumiti sya at tumayo na. Sumunod na din sya sa akin habang binubuksan ko ang curtain sa room namin. Maganda ang ambiance namim dahil kita golf course at polo club mula sa suit namin.
"Thank you babe lagi mo ginagawang special ang bawat oras na magkasama tayo." biglang saad nya.
"Basta para sayo babe."
Kumain na kami at nagkwentuhan about sa mga nangyari sa shooting ng commercial nya kahapon.
Nang tumunog ang phone ko.
Tiningnan ko ito bago ako tumingin sa kanya na nakatingin na din sa akin.
"Babe I wait for this call, just eat ok."
nang tumango at ngumiti sya ay lumabas na ako ng room.
Hindi nya maaaring marinig ang pag uusap namin ni Olap.
"Hello ang aga mo naman tumawag?" tanong ko.
"Kailangan eh, ok na yung location naka pagpareserve na ako." sagot nya pa mula sa kabilang line.
"Good thank you." agad kong sabi.
"Yung flight mo bukas naka book na din at iaabot na lang sayo ni Mang Ambo ang ticket mo ha."
"ok salamat talaga mahahalikan kita..." napatigil ako dahil nasa may pinto na pala ng room si Avy. "babe... are you done?" tanong ko sa kanya habang tawa ng tawa si Olap sa kabilang line.
"Oo gusto ko sana ng fresh mango" sagot nya pa.
"Ok coming up babe" at nagthumbs up pa ako sa kanya. "Hey dude thank you sa good news bye muna ha." at saka ko ini-off agad ang phone ko.
Dumarecho ako sa kitchen para sa hinihingi nya.
"haaaayyyyy... muntik na" bulong ko pa sa sarili ko.
Ganito pala yung feeling ng may itinitago sa partner mo. Parang nagtataksil ka sa kanya.