After 2 months.
Nasa harapan ako ng salamin ngayon at titig na titig ako sa sarili ko. Mahaba haba na din ang buhok ko ngayon at may balak akong pakortehan ito para naman medyo magkaroon ng style.
Napansin ko din na medyo nag gain ako ng timbang buti na lang at nagja-jogging ako every morning. Kung hindi baka lumobo na ako ng tuluyan mas mahirap magbawas kung malaki na ang timbang.
Napagtripan ko na lang na suklayin ang buhok dahil medyo naiirita ako sa mga fly aways nito.
"Hayy naku ate hahaba din ang buhok mo, ano kaba." biglang sulpot ng kapatid ko.
At umupo siya sa kama naming dalawa. Ever since na mawala na ang mga magulang namin ay magkatabi na kami matulog noong nandito pa ako sa Laguna.
Mahalaga ang bawat oras na magkasama kami.
Tama nasa Laguna ako ngayon at nagbabakasyon, pinayagan ako ni Mrs. Perez na makapag pahinga pa after ng 3 weeks kong naka confine sa St. Luke's.
At halos dalawang buwan na akong namamalagi dito, kaya mas nagkaroon ako time alagaan ang lola at kapatid ko.
"Ikaw ang epal mo talaga, para kang ate Bianca mo."
"Hmf! kunwari ka pa teh, ang sabihin mo takot ka lang baka napapangitan na sayo si kuya JM."
"Hindi ahh bakit ko naman iisipin yun, tingnan mo nga si Ms. Jamaica naka 4th runner up sa Miss Universe sa buhok nyang syete" giit ko pa.
"Paeklat mo ate, gandang ganda ka nga kay Ms. Ukrain kahit mapanga" at nagkasabay pa kami sa kakatawang dalawa.
Masaya ang pagbabakasyon ko sulit na sulit ang oras na nilaan ko para sa Lola at sa kapatid ko.
Kaya nung magbirthday ang Lola ay mas lalo ko pa ito napaghandaan kahit na simpleng salo salo ito.
Dinala ko siya sa Bae, Laguna kung saan may resto na naghahanda ng mga sariwang lamang dagat gaya ng hipon, tahong, at isda na siyang paborito ng Lola.
Habang nagkakainan kami ay may sumulpot na isang babae.
"Hanggang dito ba naman?" utas ni Olap dahil ininvite ko sila ni Bianca, parte na sila ng pamilya ko.
Napatingin kami sa tinitingnan nya at pati kami ay halos magulat.
Tumayo si JM at lalapitan sana sya.
"Sir ready na po ba lalabas na po namin yung cake at kakanta na po yung singer" bulong ng isang waiter narinig ko dahil katabi ko lang si JM.
"Sino ang babaeng yun?!" tanong ni JM.
"Ahh sya po yung singer namin dito"
"Ano pangalan nyan?"
"Si Grace po matagal na yan dito po at magaling ang boses nyang talaga po."
"Hindi ba yan yung model na nakulong?"
"Naku hindi po pero ang sabi po ay may pagkakahawig nga daw po, ipatatanggal ko po ang shades para makita nyo po"
"Ahh ok salamat kalook a like lang nga siguro."
At kumanta na ito, ng hiniling naming song para kay Lola. Kahawig nga lang dahil ng lumapit sya ay maliit lang ito. Pero sa totoo lang kinabahan talaga ako.
Masayang masaya sya habang tinititigan ko ng mga oras na yun. Ang moment na yun sa palaisdaan ay one in a million dahil that time ko lang siya nakitang ganun kasaya.
-------------------------
Dumating na ang time kailangan ko nang bumalik ng Manila para makapag trabaho na din agad.
"Avrielle Marie anak, mag iingat na ha lalayo ka sa mga taong alam mong may galit sayo" paalala ng Lola.
"Opo wag ka mag alala lola hindi na mauulit pa ang mga nangyari na yun" pagpapalakas ko ng loob nya.
"Ate alis na daw kayo ni Kuya baka matraffic daw kayo may practise pa sya mamaya daw." ani ni France
Hinalikan ko na ang lola at niyakap ito ng mahigpit ganun din ang kapatid ko.
"Alagaan mo ang Lola ha habang bakasyon ka pa" paalala ko. "Papasyal po ako kapag may oras kahit saglit lang po." at nagpaalam na ako ng tuluyan.
Nakita kong kumaway sa kanila si JM para magpaalam.
Halos isang oras din ang binayahe namin ng makarating kami sa Condo nya. Nakaidlip ako kaya nagtataka ako kung bakit nasa loob kami ng isang building.
"Babe nasaan tyo?" tanong ko.
"Nandito tayo sa bagong condo ko sa BGC." sagot nito.
"Huh!... pero bakit hindi mo pa ako dinarecho kina Bez?" inis na tanong ko dito.
"Babe alam ni Bianca na hindi ka na sa kanya uuwi starting today" sabay taas pa nya ng kilay sa akin
"at saan naman ako uuwi" habang sinusundan ko ang lakad nya. Dala dala na nya ang mga gamit ko at sumakay kami sa elevator.
"sa akin, sa unit ko." at nginitian ako ng super tamis.
"babe... hindi mo ito sinabi sa akin" giit ko pa.
"dahil hinding hindi ka naman papayag ehh." sabay pindot nito sa numero sa elevator.
Wala na ako nagawa dahil nandito na kami, at alam kong pagtatalunan namin itong dalawa kung sakali man.
Huminto ang elevator sa 33th floor.
At agad nyang binuksan ang pinto na halos malapit lang sa elevator.
Pumasok kaming dalawa don at dumarecho siya sa isang pintuan malapit sa maliit na bar.
Napatingin pa ako sa naka displayed doon isang violin at may katabi itong painting ko na nasa kwarto ko dati sa bahay namin ni Bianca.
"You like it babe" biglang litaw ni JM.
"That one paano mo nakuha yan?" tanong ko pa
"ahh yung painting ba, dinala lahat namin ni Bianca ang mga gamit mo at ipinaayos ko itong unit natin sa alam kong magugustuhan mo." naka ngiting sagot nya.
"So plano mo talaga toh" naka kunot ang noo kong nakatitig sa kanya.
"And how can I secure you kung malayo ako sayo?!" nakalapit na siya sa akin at nakayap na sya sa akin mula sa likod ko.
"Babe... hindi kaya mali ito, paano kapag nalaman ng Lola" pag aalala ko pa.
"Babe I already asked your grandmom and she answered me, go as long as you can secure my grand daughter's life. I know you love her." at para bang may yabang ang dating ng kwento nya.
"weh english talaga salita ng lola." asar ko sa kanya
"babe!" at kiniliti na nya ako hanggang sa makatakas ako sa pagkakayakap nya sa akin at nagtungo sa pintuang pinasok nya kanina.
Kwarto pala iyon at malaki ito para sa isang unit. Nakita ko ang maleta ko sa gilid ng isang puting aparador.
Queen size ang bed na may kulay puting bedsheet at mga pillows, ang bango bango ng kwarto at nakakahalinang humiga sa kama.
Naabutan nya akong papalapit sa kama at doon nya ako niyakap at sinimulang halikan, mula sa leeg ko pababa ng dibdib ko. Halos malasing ako sa sensasyon na yun, hindi ko makayanan pa ang kaya inalis ko na suot nyang t-shirt at saka naman nya ako binuhat papunta sa gitna ng kama habang tinanggal na nya ang kanyang pants. Napapikit ako ng mata ng makita ko ang kabuuan nya yung abs nya na halos hindi ko makayanang titigan. Kasabay ng pagpikit ko ay isa isa nyang inalis ang damit ko. Buong gabi kaming nagniig dalawa pinaramdam nya sa akin ang labis na pagmamahal at gayun din naman ako sa kanya.
-----------------------
Kinabukasan ay inihatid na ako ni JM sa office ni Olap at dun na din daw nya ako susunduin.
"Kamusta naman ang unang gabi sa bahay ng jowa?" tanong ni Olap.
"Mother naman ang aga nang aasar agad"
"Naku tigilan ako huh at ayan ohh obvious namumula pa ang peg"
"ahh mother enough na po"
"ok fine, wait lang natin si Mrs. Perez at may bagong revision ang contract mo"
"bagong revision bakit mother ano ang binago?"
"Naku magazine, commercial, at ramp na lang ang pwede sayo ngayon" sabay taas ng kilay at bugtonghininga pa " ang jowa mo wititits ang pag aartista mo, ayaw nya yun kung hindi ay babayaran na lang daw ang contrata mo" saad ni Olap.
Nakakatuwang isipin na talagang ayaw nya na may mangyari pa sa aking iba pa after ng mga pinagdaanan ko kay Amanda.
Hindi nakarating si Mrs. Perez ngunit pinadala nya ang abogado nya upang mag asikaso ng mga papeles na pipirmahan ko.
Batay sa Abogado ay nirevise ito kasama si JM at binasa itong paulit ulit nito. Napirmahan ko na ang contrata at napuna ko din doon na may pirma na pala iyon ni Mrs. Perez at ni JM.
"Hindi lang pala po ako ang may contrata kay Boss ngayon pati na ang boyfriend ko.." nausal ko.
"Naku Ms. Andy hindi po, contrata nyo po ito sa fiance nyo at ni Mrs. Perez" mahinhing sabi ng abogado.
"huh bakit kay JM"
"Yun po ang napagkasunduan nila, nabasa nyo naman po ang nilalaman nito at kaya wala naman pong magiging problema."
"Kung sabagay wala namang problema." sagot ko habang pinipirmahan ang contrata.
Excited ako muling pagsisimula ko ngayon at malaki laki na din ang utang ko kay JM dahil mula ng mahinto ako sa trabahao siya ang nag asikaso sa pamilya ko. Ayaw naman kasi nya ipagalaw ang sini-sweldo ko para may savings daw ako.