Lahat kami ay nabigla sa pumasok sa loob ng room ko. Naka all black sya, black jeans, black shirt, black shoes, at black cap.
Malikot ang mga mata nya at parang hindi sya makali sa sarili nya. May iba sa mga ikinikilos nya na ikinatakot naming tatlo at halos magbungguan na sa kaba ang dibdib ko.
"Well, well, well..." kasabay ang pag aalis ng sumbrelong suot nya.
"Akala mo ganun lang yun, hindi!" sigaw nya sabay taas ng kilay nya.
"ohh.. bakit namumutla ang mga mukha nyo wag kayong mag alala wala akong dalang baril this time!" pagtataray nya at tatawa tawa pa nyang pahayag sa amin.
Madilim ang mukha na parang wala pang tulog o pahinga man lang. Nakaramdam ako ng awa sa kanya nung una ngunit habang tinititigan ko sya ay ibang Amanda na punong puno ng galit ang nakikita ko.
Lalapit sana sya sa akin pero nakalapit agad sa akin sina Bianca at Olap. Binarikadahan nila agad ako upang hindi agad makalapit sa akin si Amanda.
"Ano bang kailangan mo pa Amanda?" tanong ko sa kanya.
Habang dinadial ko na ang number ng phone ni JM. Dalawang beses ko pa ito tinawagan bago pa nya ito masagot.
"Bail ka lang ineng baka gusto mong habang buhay na kulong!" pagtataas ng boses ni Olap. At narinig ko pang hinatak nito ang upuan malapit sa kanya.
"Woaahhh really ano naman ang alam mo sa batas huh bakla" nagtataas din sya ng boses.
This time naririnig na ni JM ang nangyayari. Nakita ko din nang may nagbukas ng pinto, ngunit hindi ito tuluyang pumasok parang pinakikinggan pa nya ang mga nangyayari at saka nya ito isinara ng marahan at hindi yun napansin ni Amanda.
"Diba madalas ko sabihin sayong hindi pa ako tapos sayo!" singhal nya sa akin
"Wala akong paki alam kung habang buhay akong makulong basta habang buhay mo din madadala ang iiwan ko sayo!!" sigaw nya at sobrang galit na galit siya.
Napatili si Bianca nang may kung ano siyang kukunin mula sa likod nya, habang si Olap ay iniharang sa akin ang katawan nya.
"Hahaha...." tawa pa ni Amanda.
"Hindi ko pa nga nakukuha nagkakagulo na kayo!, what more kung ipakita ko pa sa inyo!" sigaw nya sa amin habang binubuksan ang isang bote na parang lalagayan ng gamot.
"Ano bang gusto mo para tigilan mo na ako?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.
Natatakot ako sa hawak nya, nasa isip ko ay isang gamot ito na pwedeng makasira sa aking mukha.
"Simple lang naman ang iwan mo at layuan ang boyfriend ko, kaya lang talagang pinanindigan mo ang paglalandi kay JM" singhal nya habang nilalaro ang bote.
Sa pagitan ng pagdadayalogo namin nabulungan ako ni Olap.
"Feel ko asido ang laman ng bote, napindot ko na ang emergency botton"
"Thank you" bulong ko din.
Habang patuloy si Amanda sa mga sinasabi nya at nakita kong naka off na ang tawag ko kay JM.
"Do you think ganun ako kabobo, hindi ako nag iisa. Oras na dumating si JM.... BOOOOM!" napapitlag pa kami sa gulat sa huling salita nya.
"Patay ang babe mo na halos kulang na lang ay hingin ang pagpayag mo pakasal sa kanya sa pagsasalita nya sa tv kanina." patuloy nya.
"Papatayin mo ang taong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon" tanong ko sa kanya at di na napigilan ang aking luha na kanina pa nagbabadya.
"Oo dahil kung sayo lang naman sya mapupunta pareho na natin siyang hindi mapakinabangan!" sabay tawa nito na parang nakaka demonyo.
"Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na tapos na kayo at ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit kayo nagkahiwalay." sigaw ko sa kanya, habang hinihila ang unan sa hita ko.
"Ano alam mo?" sigaw nya "wala kang alam babaeng promdi?!" at papalapit na sya sa amin.
Abot abot na ang kaba ko at halos marinig ko na din ang dagungdong ng kaba ni Olap na ngayon ay nakatayo na.
"Alam mo Andy maganda ka, maraming pera ang iaakyat mo sa puder ni tandang perez, at isa pa sa sobrang bait mo at tatanga tanga ka madali ka napaniwalang ako ang nanloko." malumanay si Amanda.
"HINDI AKO, SIYA ALAM MO BA YON ANDY! SIYA!! DAHIL MAS PINILI KA NYA MULA NG MAKITA KA NYA KASAMA NG BUGAW MONG KAIBIGAN!" sigaw nya na halos malagutan na ng litid.
"Wala na kayo ni JM ng mga panahon na yun, kaya nga mas nagkaoras sya sa aming mga fans nila mula ng iwanan ka nya!" sigaw din ni bez "at hindi ako bugaw dahil mismong si JM ang lumapit kay Andy"
"AHH HINDI MALALANDI KAYO NILANDI NYO ANG JM KO" at hanggang sa... "AT ETO ANG DAPAT SAYO!" sumisigaw sya at saka nya itinapon sa akin ang bote.
Right on time pumasok na ang mga security kaya nakuha agad nila si Amanda. Habang ginawang baseball bat ni Bez ang unan na hawak nya at ipinalo nya ito sa bote na naging dahilan ng pagbanda pabalik nito kay Amanda.
"aaahhhhhh... aaaahhhhhh...." sigaw ni Amanda dahil tumilapon din sa kanya ang laman ng bote at tama si Olap na hanggang ngayon ay ginawang shield ang katawan nya sa mukha ko, asido ang laman ng boteng dala ni Amanda.
"Hayop kayo isusumbong ko kayo sa mommy ko lahat kayo papaluin nya!" sigaw ni Amanda na nag ala bata habang iyak ito ng iyak.
Sa pagkakataong iyon nakuyom ko ang mga kamay ko, ramdam ko ang awa sa kanya pero nananaig ang galit ko dahil paano na lang kung sa akin pa iyon tumilapon.
Nailabas na din agad si Amanda at may mga pulis na ding dumating upang mag imbistiga.
Ang nagbukas pala ng pinto ay si Mrs. Perez tumawag agad sya ng tulong sa nursing station kaya naka pasok ang mga security.
Dumaan sya sa ospital upang ipaalam ang findings ng doctor kay Amanda kaya pinayagan itong magbail out but in one condition, ito ay ang ipasok sa Mental Hospital si Amanda.
"OMG may tililing pala ang criminal na yun." kunot noong sabi ni Bianca na ngayon ay nilalapatan ng gamot dahil natalsikan siya sa braso ng asido.
"Good at ngayon makakahinga na tayo ng maayos no more Amanda na." si Olap.
Nailipat na ako sa ibang room nirequest agad yun ni Mrs. Perez siya ang nagshoulder ng lahat ng gastos ko dito sa ospital.
Mas malaki ang kinuha nya ngayon at nagpalagay na din sya ng mga tao na magsesecure para sa akin dahil sa isa pang banta ni Amanda.
Pero sabi ng security office mag isa lang bumaba si Amanda ng taxi at hindi pa nga ito nagbayad dahil ang sabi hintayin lang daw sya nito at babalik agad.
Iba na daw ang maagap para hindi na pumangatlo pa si Amanda. Nasa punto kami nangbpagkukwentuhan ng pumasok si JM.
" B-babe" nanginginig nyang tawag sa akin. Naka jersey pa sya at towel lang ang nakabalabal sa likod nya.
"I'm good babe, I'm very much fine wag ka na mag alala." sabay yakap ko sa kanya habang nag uunahang tumulo ang mga luha ko.
"Hinding hindi ka na nya malalapitan babe, when I heard shes here tumawag na agad ako ng rescue sa mga pulis." pahayag nya habang marahan nyang hinahaplos ang likod ko.
"At nang tumawag sa akin si Mrs. Perez habang papunta na kami dito ni Mang Ambo ay nakita ko naman ipinapasok na ng ambulance si Amanda, kaya sinundan namin sya at sinigurado kong hindi na sya makakatakas pa sa Mental Hospital na pinagdalahan sa kanya." pagtatapos nya at hinalikan ako sa ulo ko.