Avy's POV
Nagdaan pa ang ilang araw at medyo maayos na ang pakiramdam ko ngunit may benda pa din ako dahil isang buwan daw bago ito tanggalin.
Nakauwi na din ng Laguna ang mga lola dahil may pasok pa kapatid ko at kailangan nya maghabol para sa exam niya.
"Naiinip ka na ba dito sa ospital?" tanong ni Olap.
"Medyo po mother pero may mga nurse naman na nakikipag kwentuhan kapag dinadalaw nila ako"
"Mag iisang buwan kana dito" habang may inaabot na box sa akin "para sayo yan kapag naalis na ang benda mo"
Binuksan ko ang box at natuwa ako sa nakita ko "wig mother thank you po!" naka ngiting sabi ko sa kanya.
"Wala yan noh, oh sa tuesday na yung ika apat na hiring at kung papayagan ka ng doctors mo ay ihaharap ka na ni Atty. Gianna sa korte"
"Kinakabahan ako mother na makaharap muli si Amanda"
"H'wag kang matakot dahil kasama naman natin si JM." sabay ngiti nya sa akin.
Napatango na lang ako sa kanya. Nagkwentuhan pa kami at nalaman ko sa kanya na si JM ang sumasagot sa gastusin ng mga lola ko at kapatid. Ayaw daw nito maubos agad ang ipon ko.
Dumating na si Bianca kasama si Mrs. Perez.
"Hi sa pinaka maganda kong bestfriend" bati ni Bianca.
"hmf! nambola pa." biro ko sa kanya.
"Totoo naman kasing maganda ka at kung hindi naku baka tama si Amanda nilangaw na lang ang P Mag." sabay abot ni Mrs. Perez ng P Mag
"Ako pa rin po ang cover nito" tuwang tuwa kong nasabi.
Ako pa din ang nasa Cover at photo ay yung pagkakabuhos ni Amanda sa akin ng juice ngunit crop na ang gawi ni Amanda.
"Nabigyan ng justice ng photographer ang pagkakabuhos sayo ni Amanda. Pati ang pagtayo mo na animo ay naka pose ka na siyang ginawang center fold ng magazine."
"Nakita na po ba ito ni JM?" tanong ko agad dahil baka magalit ito sa suot ko.
"Wag kang magworried may bless ni Papa JM yan dahil siya ang pinagdecide ni Mrs. Perez para sa mga ilalagay sa magz" pahayag ni Bez
Natuwa naman ako sa mga nangyari.
"Sabi nya yan na daw ang una't huling pose mo na naka swim wear." saad ni Mrs. Perez.
Wala akong masabi kung di salamat dahil sa mga panahong tulog ako sila naman ay busy sa mga naiwan kong trabaho.
Kinahapunan ay dumating si JM may dala dala siyang favorite kong pizza at buffalo wings. Sabay kaming nagsnack pati na din si Bez na busy pa din kakatext.
"Watch ka sa tv later ng final game namin ha babe." paglalambing nya.
"Oo naman po eh may magagawa ba ako, yung numero uno niyo pong tagahanga ayun oh." sabay nguso ko kay bez. Nagkatawanan kaming dalawa.
Nagpaalam din siya agad dahil baka matraffic pa siya.
"Babe!" tawag ko ng palabas na siya.
"Yes babe?"
"May nalilimutan ka yata ahh.."
Ngumiti siya at lumapit sa akin, sabay kiss nya sa ulo ko, sa noo ko, sa ilong ko, sa baba ko, at sa lips ko ang pinaka matagal na kiss.
"Asus, baka langgamin!" sigaw ni Bez.
"Inggit ka lang hahaha" asar ni JM
"Alis late kana hmp!" pikong pagpapalayas ni bez
"Bye babe see you later, I love you!" with flying kiss pa.
"bye I love you more, good luck babe." pahabol ko.
Pagkasarado ng pinto ay tumabi na sa akin si Bez.
"Bez magrosary tyo para manalo sila." seryoso si Bianca.
"Alam mo sarap mo batukan umusal kana lang ng dasal magrorosary dapat 9days nobena yun."
"ganun ba yun, di ko alam eh."
Puro kami asaran at lokohan ni Bez hanggang mag 7pm na at magsimula na ang basketball.
"Kain tayo habang nanonood bez at baka mapagalitan ako ni Papa JM kung puro basketball tayo" si Bianca at inabutan nya ako ng rice at fried chicken na pinadeliver ni JM bago umalis.
"kumain kana din ha"
"Oo naman para may energy ako sa pagsigaw mamaya."
"Loka ka bez wag ka masyado mag ingay at baka tayo maireklamo ng mga ibang pasyente"
"Ayyy.. Kaasar naman bez final game toh noh.." busangot pa niya hanggang sa magkatawanan na kami.
Sa umpisa ay lamang ang San Manuel sa kalabang team, tambak lang naman ng halos 29 points nasa kalagitnaan na ng 3rd quarter ng dumating naman si Olap at may dala siyang ilang chips at ice cream.
"booooooooo.... hindi naman nadali eh bola dapat ng SM yun!" tili ni Bez
"hahaha kamot yung coach ng SM luto ata tong refree na yun ahh!" hirit pa ni Olap.
Kapag nakakapoints ay talagang sabay sabay pa kaming tumitili at pigil na pigil yun.
"Mother pahingi naman ako ng dala mong Ice cream" hingi ko kay Olap
"sure dinala ko talaga ito para sayo at nasabi ni France na favorite mo ang mango flavor"
"ay katouch naman mother thank you po"
"ooops ako din beks ha" si Bez.
"Hoyy bruha ka utusan ba ako pasyente, pasyente lang ang peg!" sigaw ni Olap.
"hmp! kung makakalusot lang noh itong bakla na itech.." pang aasar nitong si bez.
Kaya nagkatawanan kaming tatlo.
Natigilan kami ng tumili si bez ulit.
"ooooyyy yoooooyooooy.."
"bakit bez?!"
"nagkainitan sina JM at Alevar buti nakita ng refree.." sagot nya. Sabay flashback sa tv ng nangyari. Napasapo agad ako sa dibdib ko.
"Ayos ka lang ba bez?"
"Oo ok lang ako."
At nagfocus na ulit kami sa panonood 4th quarter at 1minute 23sec na lang naka lamang pa ng 2pts ang kalaban gitgitan sa opensiba at depensa ang magkabilang panig. Free throw ng kalaban na box out naipasa agad kay JM at naipasa sa kakampi na nakababa na agad kaya naipasa nya ito sa kakampi. Saka naman nashoot sa 3points ang kakampi nya then buzzer ibig sabihin times up at...
"Yeeeeeeeeesssssss shooot 3pts." sigaw ni bez.
"Muntikan na tayo ahhh" si Olap.
"Champion tayo bez, mother" tuwang tuwang saad ko.
Kwentuhan kami ng kwentuhan at na tahimik kami ng mainterview sya ni Ericka Padilla.
Ericka: JM ano ang masasabi mo sa pagkakapanalo nyo?
JM: Masaya po dahil pinaghirapan talaga namin ang game na ito ngayon.
Ericka: Kanino mo naman ibinabahagi ang pagkakapanalo nyo ngayon?
JM: Syempre sa nag iisang babe ko. (sabay hiyawan ng mga tao)
Siya yung naging inspirasyon ko sa buong laban namin na ito. Kaya babe Avrielle ko, pagaling ka na I love you so much.
Tilian ng tilian sina Olap at Bianca pati ang dalawang nurse na kumukuha ng bp ko ay kinikilig din.
"Bez kahit semi bald ka ang haba ng hair ha at live yun on air via tv nag I love you si Papa JM."
"Naku Bianca alam na toh pag uwi sa condo nitong alaga natin I love you too haha.." si Olap na nagparinig
Feeling ko naman ay nagblush ako sa mga sinasabi nito. Ngunit nabasag ang kasayahan namin ng mapasigaw si Bez.