Chapter 12

1817 Words
JM's POV Ang daming nangyari sa loob ng dalawang linggo. Mula nang mangyari ang insidenteng yun kay Avy. Nang makita ko ang duguang damit nya na hawak hawak ni Bianca habang nakasubsob sa pag iyak kay Olap na handler ni Avy. Iba na pakiramdam ko duma-dagungdong sa kaba ang dibdib ko. "Olap, Bianca!" tawag ko sa kanila. Napapitlag sa pagkakayap kay Olap si Bianca. At lalo siyang humagulgol ng iyak ng makita ako. "Good evening JM" bati sa akin ng isang hindi naman gaano katandang babae. "Good evening ho." bati ko din sa kanya. Nilahad nya ang kanyamg kamay. "Ako si Mrs. Perez ang manager ni Andy ako din ang may ari ng Perez group of company kung saan exclusive model namin siya." explain nya. "Kamusta po ang girlfriend ko?" agad na tanong ko sa kanya. "Nasa operating room pa sya at nag u-under operation na, may inaalis ang mga doctor nya na namuong dugo sa kaliwang bahagi ng head nya." pag iisplika pa muli nya. "Alam na po ba ito ng family nya sa Laguna?" tanong ko na ikinagulat nya. "Olap!" sigaw nya at natatarantang lumapit sa amin ito. "Ang family ni Andy?" patanong na sabi nya. "Walang may lakas ng loob na magsabi dahil ang sabi ni Bianca under therapy ang Lola ni Andy hindi pwede mabigla." paliwanag nya. "Ok ako na lang ho ang magsasabi, pupunta na lang po ako sa Laguna right after her operation." sabi ko sa kanila. Hindi pa rin makausap si Bianca parang natrauma siya sa mga nangyari. Iyak lang ng iyak at ni hindi kumakain buong magdamag. Halos alas kwatro na nga madaling araw ng lumabas ang dalawang doctor na humahawak kay sa baby ko. Abot abot ang kaba ko sa balita nila at dalangin ko talaga na maging maayos ang lahat. "Wala pa din po ba ang family ni Ms. Andy?" tanong ng lalakeng doctor. "Nandito na po ang fiance nya" sagot ni Mrs. Perez. Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Kamusta po ang girlfriend ko doc?" tanong ko, at parang nabigla pa ang doctor. "JM Fajardo" usal nya at tumango ako. "Okay Sir, your fiance is in good now but still she's under observation, but then do not expect that she'll able to woke up soon." putol nya at hinayaang magpatuloy ang kasamang doctor na babae. "She is under coma but its only a mild coma so we are expecting her to wake up not more than a month." explain nya. "May room na pong ibibigay sa inyo ang mga nurse mamaya kung saan po but for now sa ICU muna po sya for 48hrs observation." muling nagsalita ang lalaking doctor. Iniwan na kami ng mga doctor nagpasalamat ako sa kanila. Hinanghina ako sa narinig ko.at parang ume-echo pa ang sinabi ng babaeng doctor. "JM, babalik agad ako mamaya kailangan kong umuwi at ayusin ang isasampang kaso kay Amanda." paalam ni Mrs. Perez at tumango na lang ako. Lumapit ako kina Olap at Bianca. "Pupunta na ako ng Laguna Olap please make sure that shes fine at kayo na bahala kung ano man ang mangyari itawag nyo agad sa akin." sabay tapik ko kay Bianca "pahinga kana ha, ok lang ang babe ko gigising din siya soon." pinalakas ko ang loob nila. At the back of my mind gusto kong mapatay si Amanda. Hindi deserve ni Avy ang ganito. I will do all my best para mapagdusahan nya ang nagawa nya sa babaeng pinaka mamahal ko. ----------------------- Nasa byahe ako patungo ng Laguna ngayon inilipat si Avy sa St. Lukes Taguig mula sa Laiya Community Hospital sa kakulangan ng huling hospital sa ilang pasilidad na kakailanganin niya. Hindi ko napansin na nasa bayan na pala ako ng Santa Rosa, halos mataas taas na din ang sikat ng araw. Nakita ko sa may likod ng plaza nila ang isang lumang simbahan, nagpunta muna ako dito. Wala pang tao halos at isang matandang lalake ang nakita kong naglilinis sa loob ng simbahan. Agad akong naupo at tumingin tingin sa palagid, napako ang tingin ko sa birhen na nakakulay asul at itim na suot ipinikit ko ang mga mata ko at saka umusal ng dasal. Mahal na Birheng Maria ina ng sanlibutan tumatakbo po ako sa inyo at humihingi ng tulong para sa aking minamahal na si Avrielle Marie. Hindi nya po deserve ang mga nangyayari sa kanya, isa po siyang napakabuting anak, apo, kapatid, at kaibigan. Tulungan nyo siya sa kanya pinagdadaanan. Kaawaan po ninyo ang kanyang kalagayan. Idinadasal ko po sa inyo ang kanyang kaligtasan na nawa'y malampasan niya ang kanyang sitwasyon ito ngayon. Magising po siya ng may katinuang pag iisip at malayo sa kapahamakan. Ito po ang aking dasal sa inyo. Amen. Sa pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko na may ilang tao na ang nagdadasal din. Tumayo na ako at may nadaanang prutasan kaya bumili ma din ako ng ilang prutas para sa Lola ni Avy. Dumarecho na ako sa bahay nila bago pa makapasok ang kapatid nya sa school. Nakita kong nagwawalis ng harapan ng bahay nila ang Lola Rose kung makikita lang ito ng babe ko ay siguradong matutuwa siya dahil sulit ang pagod at puyat nya maayos na ang tayo ng Lola Rose. Bumaba ako ng kotse at nakita nya ako, ngumiti sya sa akin. Pagkakuha ko ng pinamili kong prutas ay nilapitan ko na siya. "Good Morning sa pinaka groovy na Lolang nasa harapan ko." bati ko sa kanya at piliit kong pina gagaan ang loob ko. "Naku ang batang ito ay napakabolero pa!" saad nya. Lumilingon siya sa likuran ko at alam kong hinahanap nya si Avy. "Hindi mo ba kasama ang apo ko ihjo?" sa wakas tanong nya. Ngunit bago ko ito masagot ay lumabas na si France, hindi ito naka uniform. "oh Kuya JM aga natin ahh, si Ate nasaan?" tanong nya na parang nabigla ng makita ako. "Naku hindi ko siya kasama ngayon" malumanay na sagot ko. "L.Q ba?" pilyang tanong nya. "wala si ate dito kung dito mo siya hinahanap." sabay taas ng kilay pa niya. "Pwede ko ho ba kayo makausap ni France, Lola sa loob ng bahay po." kabadong tanong ko. "hmmm... hihingin mo na ba kamay ng ate ko?" makulit na tanong pa ulit ni France. "Ano ireng bata na ito mga pinagsasasabi mo, tayo sa loob ihjo." sabi ni lola. Naunang pumasok si Lola kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makausap pa si France. "France" tawag ko. "Kuya?" sabay pihit ng tingin sa akin. "Naka inom na ba ng gamot ang Lola?" tanong ko pabulong. At tumango siya. "Alalayan mo ang lola, lakasan mo loob mo." hindi ko pa natatapos ay nagtanong na siya. "Ano nangyari sa ate?" tanong nya tumutulo agad ang luha nya. "Okey na siya wag ka mag alala, under observation na lang sya." bulong ko ng sumigaw naman ang lola mula sa loob. "Papasok ba kayo o lalabas ulit ako!" sigaw nito. "Nan dyan na po!" sagot ni France agad. "Ayusin mo mukha mo at alalayan mo ang Lola." paalala ko habang pumapasok kami ng bahay. Nakaupo ang Lola sa isang antigong mahabang sofa at tinabihan ito ni France. Nanatili naman akong nakatayo. "Ano ba ang atin ihjo" tanong agad ng Lola. "La kasi ganito po yun" nagbuntong hininga pa muna ako "Si Avy po kasi ay.." naputol ako ng makitang tumutulo na ang luha ng Lola nag aalala ako kung dapat ko pa bang ituloy sabihin. "A -apo ko ba yung nabaril na modelo sa batangas JM?" basag ang boses ng lola ngunit maaaninag mo ang katatagan nya. Tumango ako sa kanya habang iyak ng iyak si France at binibigkas ang ngalan ng kapatid. Nakikita ko naman ang katatagan ng lola. "Gusto kong makita ang apo ko dalahin mo ako sa kanya ngayun din ihjo." sabi ng Lola "France, kumuha ka ng ilang damit natin at ilock ko ang kabuuang bahay. Isarado mong maigi ang lahat ng bintana sa taas." utos ng Lola at tumayo na din si France. "Ihjo dadalahin natin ulit ang mga prutas para sa apo ko. Magbibihis lang ako ihjo" sabi naman sa akin ng lola. Inilabas ko agad ang prutas at inilagay sa compartment, inayos ko na din ito para sa gamit nila. Miya miya pa ay lumabas na sila at hinabilin ang bahay sa kapitbahay nila. Inalalayan ko ang lola sa pagsakay at si France sa tabi ko sa harapan pinaupo. Hindi ko maikakaila na napahanga ako ng Lola sa katatagan nya. Nakapag kwento pa siya ng tungkol kay Avy. "Alam mo ba yang apo kong si Avrielle ay napakamahiyain, kaya hindi ko akalain mapasok siya sa larangan ng pagmomodelo." kwento ng lola "hilig nya ang pagpipinta at pagtugtog ng violin na namana nya sa kanilang papa." patuloy pa ni Lola. Napapangiti ako sa mga nalalaman ko, paborito pala nya ang adobo sa atswete na manok, ginataang biya, at inihaw na baboy. Nakakatuwang isipin na dahil sa mga kwento ng lola at ni France ay mas nakikilala ko ang mahal ko. Hindi namin namalayan na nakarating na kami ng St. Luke's. Pagkapark ko ng sasakyan ay dali dali ko silang binalika sa lobby ng hospital at saka kami nagtungo sa ICU room kung saan naroon si Avy. Agad akong nakipag usap sa head nurse na naka duty para makapasok ang mag lola sa loob at makita si Avy. Nang makapasok kami first time ko din nakita ang kalagayan nya at hindi ko mapigilang mapaiyak sa awa sa pinakamamahal ko. Naka bandage na ang buong ulo nya, wala na ang bahabang buhok nya. May nakalagay sa kanyang vent at naka IV din sya at sa IV nya may manitol pang nakakabit. May heart at pulse monitor din na nakakabit sa kanya. Yakap yakap ng Lola si France habang pareho silang umiiyak. Miya miya pa ay nakita kong nagsign of the cross ang lola at si France kaya nakidasal na din ako sa kanila. Nakita ko pang inilagay ng lola sa tabi ni Avy ang isang wooden made rosary. After naming magdasal ay lumabas na kami at niyaya ko silang magpahinga muna sa kwarto para kay Avy. Nagpaorder na din ako ng food para sa tanghalian kay Bianca at si Olap naman ay pinatawag ni Mrs. Perez upang magsalaysay ng kanyang mga nakita dahil nakuhanan na si Bianca. Lumipas na ang ilang araw at nailipat na din sa private room nya si Avy. Nakikita ko kung paano siya alagaan nila Lola Rose at France salitan sila ni Bianca even Olap sa pagbabantay lalo at wala ako kapag may practise at laban ang team ko. Hindi pinabayaan ni Mrs. Perez ang kaso at lagi pa din niya itong ina-update. Eksaktong ikalawang linggo mula ng maoperahan siya. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako nakatitig lang ako sa kanya mulat na ang mata nya at naka titig din sa akin kaya dali dali kong ginising si Bianca at pumunta na ako sa nursing station.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD