Makirot yun ang gumising sa akin, at sa pagmulat ko naramdaman ko agad na wala na ako sa tent kung nasaan kami ni Bianca at Olap ng maalala kong may inihagis na bote sa akin si Amanda.
Iminulat ko ng tuluyan ang aking mata at kinilatis ang paligid ko, kulay puting kwarto nasa ospital ako. Nakita ko si Bes na nasa mahabang sofa at tulog na tulog. Nasa tabi ko naman at tulog din habang naka upo at naka tungo kama ko si JM.
Naalimpungatan siya at nang makita nyang gising na ako ay tumayo siya at titig na titig sa akin na animo'y naka kita ng multo.
Hindi nya ako pinansin at ginising niya si Bes, tapos ay lumabas.
Dali daling lumapit sa akin si Bes naiyak sya at hinihimas ang kamay ko. Nanlalata ang katawan ko, at parang may mabigat sa ulo ko sa bandang kaliwa nito.
Nagpasukan ang mga nurse at doctor, kasunod nila si JM na bakas sa mukha ang pag aalala.
Iba iba sila ng ginagawa sa akin at sinusunod ko naman sila. Nakatuon ang mga mata ko kay JM at kay Bes may lungkot at tuwa sa mukha nila.
"May sumasakit ba sayo or kumikirot lalo na sa bandang ulo mo?" tanong ng doctor.
"Makirot lang po sa may bandang kaliwa ng ulo ko." mahinang pahayag ko, gusto kong hipuin ang ulo ko ngunit parang hindi ko pa kayang itaas ang braso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Good you need more rest, no stress ok!" paalala nya sabay baling nya kina JM at Bianca.
"Wag nyo muna sya pag isipin or kausapin ng matagal mas mabuti kung magpahinga pa sya." saad ng doctor sa kanila.
"opo doc" sabay na sagot naman ng dalawa.
"Ms. Avrielle under observation ka pa for the next 24 hrs kaya mahalaga sa amin na malaman kung may kumikirot ng matindi or sumasakit sayo and the nurses, I will instruct them to give you meds ok." yun lang at umalis na ang doctor na inihatid sa labas ni JM.
"Bes nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin at niyakap nya ako.
"Oo bes" sagot ko habang yakap ko siya.
"sige itatanong ko kung pwede ka na pakainin bes." sabi ni Bianca.
"Pwede na daw sabi ni Doc." biglang sumulpot si JM "Kamusta pakiramdam mo babe?" patuloy niya habang nakatitig sya sa akin.
"Gusto kong umupo, pwede kaya?." tanong ko, dahil gusto ko talagang maiangat ang katawan ko sa pagkakahiga.
"Sure wait babe tatawag lang ako ng makakatulong." sagot niya agad.
Medyo hilo pa ako pero feeling ko mas parang magkasakit ako kung nakahiga pa ako. Miya miya pa ay pumasok na ang dalawang nurse at si JM.
"Hello po Ms. Andy iaayos lang po namin kayo gusto nyo daw po ang umupo." salita ng Nurse na nauuna.
Ngumiti ako sa kanila bilang tugon.
Unti unti nilang itinataas ang upper ng bed ko at naka alalay naman sa akin si JM at ang isa pang Nurse.
"Ok na po ba ang ganyan Ms. Andy?" tanong ng nagtataas.
"Ok na sa akin toh, thank you sa inyo." sagot ko.
Lumabas na ang dalawang Nurse at lumapit na sa akin si Bez na may dalang mainit na sopas.
"Eto bez kain muna ikaw sabi daw ni doc soft food muna daw bukas sa dinner kana lang bumawi." at nilahad nya sa isang breakfast bed table ang sopas at isang baso ng juice.
"Ano na ba nangyari sa akin, ang naaalala ko may ibinato sa akin si Amanda and thats it.." tanong ko sa kanila at saka isinubo ang inilalahad na kutsarang may sopas ni JM
"Kase bez..." si Bianca ngunit tumingin siya kay JM.
"Why bez is there something happened na hindi ko alam?" tanong ko pa.
"Ako na Bianca" sabay tapik ni JM sa balikan nito."But you have to promise me babe that you did not think about it because you heard what the doctor said no stress right!" he continue.
"ok promise." maikling sagot ko.
"Yes you are right may ibinato sya saiyo that cause you to suffer a mild coma." sabay bigay sa akin ng salamin. Tiningnan ko ang sarili ko at nakita ko na ang buhok ko ay kinalbo, wala na ang mahaba kong buhol.
"Ohh God, ano toh?" saad ko ng makita ko ang itsura ko.
"I think, I need to stop the story." sabi ni JM.
"No I'm sorry please babe." agad kong pigil sa kanya. Gusto kong malaman ang mga nangyari.
"Ok!" sabay buntong hininga niya.
"She throw a bottle of beer to your head but she has a gun at his back, when you turn to your right at papatumba ka na saka ka binaril ni Amanda." at hinawakan nya ang kamay ko sabay halik dito. "Thanks God at daplis lang ito babe."
"What happen to Amanda?" tanong ko.
"Nasa Laiya siya bes doon sya naka kulong ngayon dahil doon daw nangyari ang gulong ginawa ni Amanda." sagot ni Bianca.
"But now that you're awake after two weeks, pwede ko na ihiling sa korte na ilipat ang kaso dito sa Manila." patuloy ni JM.
Ang dami na palang nangyari at sa loob ng two weeks na-coma ako, naka kulong si Amanda, and nakalbo ako.
"Babe, Bez ang Lola ko at si France paano sila?" tanong ko. "Kamusta sila ang Lola ko baka nag alala yun." pagtatanong ko ulit.
"They alright dont worried your self babe, inaasikaso ko sila." sagot agad ni JM "In fact nasa kabilang room lang sila medyo tumaas ang bp ng Lola but, but now she is good and kicking." sabi pa nya.
"Alam ba nya ang nangyari sa akin?" tanong ko pa ulit.
"Oo, nung una nahirapan siyang tanggapin pero habang tumatagal kang tulog ay nauunawaan na nya." this time si Bianca ang nagsasalita.
"Galit na galit din sila kay Amanda, at kahit anong hingi nito ng sorry ay hindi natitinag ang Lola sa kanya." patuloy ni Bianca.
tok. tok. tok.
Nahito ang ang sasabihin pa sana ni Bez ng bumukas na ang pinto pagkatapos ng ilang katok. Iniluwa nito ang Lola Rose ko na nakaupo sa isang wheel chair at ang kapatid ko na nakasunod sa Nurse na nagtutulak sa Lola ko.
"Ang apo ko, salamat po Panginoon sa pagdinig ng aming mga dasal." tulo ng tulo ang luha ng Lola ko at ako man ay umiiyak na din.
"Ate ayos ka na ba?" tanong agad ni France na nakalapit na agad sa akin.
Hindi ko mapigilan ang humagulgol ng iyak lalo na at niyakap na ako ng Lola at ng kapatid ko.
Walang mas hihigit pa sa lakas na ibinibigay ng pamilya mo, dahil kita ko sa kanila na hindi nila ako isinuko.
"Hush babe, bawal ka pa mastress at umiyak. Please naman po" halos agad ni JM sa likuran ko.
How can I say no this guy, sobrang sweet at maaalalahanin nya. Hindi nya ako pinabayaan even my family sa loob ng two weeks na nasa coma situation ako.