Mabilis na lumipas ang isang linggo.
Matapos maipacrimate ang labi ng mommy ni JM ay nagpasya na din agad siyang magpaalam sa mga ito.
Hindi na nya hinitay pa na basahin ang huling testamento ng kayang mommy. Naintindihan naman ng nila ang reason ni JM. Kailangan na talaga niyang makabalik dahil wala na siya nung game 1 ng finals at natalo pa sila.
Ako naman balik trabaho na kasama si Bianca na kahit busy sa pagsuporta sa basketball team nila JM ay nakasuporta pa din sa akin.
"Oyy Olap, sasabay ulit kami sayo ha alam mo na wala kaming dalang sasakyan ngayon!" paalala ni Bez kay Olap.
"I know na gurl, ano akala mo sa akin manhid hmf!" sabay irap pa nito.
"nireremind lang kita at baka isang text lang sayo ng jowa mo iwan mo na kami noh?!" sagot pa ni Bez.
Nagkatawanan tuloy ang buong grupo namin nasa loob ng tent. Nandito kami ngayon sa La Luz Resort sa Laiya, Batangas kung saan shinu-shoot ang 2nd cover ko sa P Mag.
Lalapit sana ako sa kanya ng mapatigil ako sa parating.
Si Amanda at nandito din siya na pumasok sa loob ng tent ko.
Lahat ng talent or model ay may kanya kanyang tent designated na ibibigay.
Naka floral maxi dress sya at may bandana sa ulo na animo ay turistang nag eenjoy sa kapaligiran niya.
"hi Olap, did you see Mrs. Perez?" tanong nya kay Olap.
Alam na ni Olap ang iskandalong ginawa sa akin ni Amanda kaya parang nababahala ito sa pwedeng gawin nya ulit.
"Baka naman nasa room nya, ang alam ko kasi kumuha ng private room si Mrs. Perez para sa kanya." pag iisplika niya kay Amanda.
But speaking of Mrs. Perez ay pumasok na din siya sa tent na naka pangalan sa akin.
Suot nya ang bigay kong Vigan shirt, nakakatuwa dahil naappreciate nya ito.
"ohh Amanda why you are here?" tanong niya. Habang nag aalis ng kanyang shades.
"Hinahanap kita" agad na sagot ni Amanda "under sa contract na pinirmahan ko sayo wala dapat ako makakasama sa mga covers na ako ang model" sabay tingin sa akin "ehh ano ang ginagawa ng isang baguhan dito." iritableng tanong niya.
Walang umiimik sa aming tatlo nila Bez at Olap, naghihintay din kami ng isasagot ni Boss.
"Well hindi yata clear sayo Amanda that Andy's first debut cover last month ay nahigitan ng doble ang naging outcome mo last year" malumanay na sagot ni Boss.
"In fact she's our top 1 model kahit na wala pa siyang isang taon under my company." pagpapatuloy ni Boss na lalong ikinairita pa ni Amanda.
Ako naman napanganga nagawa ko ba talaga yun dahil kung magka ganun napakalaki ng itinaas ng sales ng magazine.
"Yes! Yes! Yes" paulit ulit na sabi Mrs. Perez
"tama ka ng narinig mula sa akin Olap ang alagang mong ito nagpanik ng malaking pera sa company ko kaya hindi lang sa cover sya ngayon ng P Mag" bitin pa ni Boss.
"Ibig sabihin may iba pa po siyang partisipasyon sa issue ngayon?" tanong ni Olap na halos abot tenga ang pagkakangiti.
"Tama ka, kaya nga ako nagpunta dito para ako mismo ang magdala ng good news" saad nya habang palapit sa akin.
"Ihja ikaw ang feature model sa issue na ito at magkakaroon ka ng 4 pages interview with a center fold poster like photo sa issue na ito." sabay akbay nya sa akin.
"talaga po naku salamat po sa inyo, sa pagtitiwala po ninyong lahat sa akin." sabi ko, napa takip pa ako ng kamay konsa aking bibig at galak na galak ako sa tuwa.
"Tingnan natin kung kakagatin ng mga tao ang baguhan na yan, laking pagsisisi mo Mrs. Perez kapag nilangaw ang next issue ng P Mag!" pagtataray ni Amanda at sabay bunggo pa ng balikat nya sa akin kaya napaurong ako. "hindi pa tayo tapos!" banta pa nya. At umalis na siya ng tuluyan.
Nagpaalam na din si Boss at may inaasikaso pa daw siya sa hotel management.
"baklaaaaa" sigaw ni Olap.
"OMGeeess ang haba ng hair mo imagine double ha as in double increase from first cover ni Amanda." nagtatatalon na sabi ni Olap.
"naku tumigil na nga kayo dyan trabaho muna tayo." tanging sagot ko.
Lumabas na kami ng tent upang harapin naman ang trabahong naghihintay sa akin.
Natapos ko ng mabilis ang solo shoot ko at ngayon kasama ko naman si Amanda na naka two peace swim wear na kulay puti. Angat na angat ang ganda kulay niya.
Noong una ay ayaw ko sa mga sexy wear pero tama si Olap hanggang swim wear lang naman at hindi ko kailangan ang maghubad. Kaya pumayag na ako.
Iirap irap si Amanda habang palapit kami ni bez, nakatayo siya sa may likod ng isang upuan habang ini-sprayan siya moist mist para magmukhang basa siya.
Inalis na ni bez ang robe ko at nagkislapan na ang mga camera. Isa isa naman itong sinuway ng prod dahil magstart na ang photo shoot bago pa lumubog ang araw.
Naka color black swim wear ako hindi revealing ang katawan ko ngunit kurbang kurba ang katawan ko na nakapag paempasize pasa upper body ko ang slit sa may bahagi ng dibdib ko na nakapag pakita sa cleavage ko.
"ok upo ka sa beach chair, Andy." sigaw ni direk.
Naupo naman ako at may pinahawakan sa aking props ang prod.
"Amanda, hawakan mo yung juice at itaas mo ng kaunti." sigaw ulit ni direk.
"wait nga para akong tanga lang dito ahh." ingos naman ni Amanda.
"aba aba hoy hindi ikaw ang bida dito impaktang ito." sigaw ni direk.
"ahh ganun back up lang pala ako." sigaw din nya. "eto dapat sa bida mo" at itinapon sa akin ang pineapple juice at kasabay nun ang pagkislapan ng camera ng photographer.
Napahiyaw ako sa lamaig. Mabilis nag exit si Amanda.
"ang impaktita makikita mo nasa dyaryo ka bukas at bukas wala ka nang career letse!!!" sigaw ni direk at saka ako nilapitan kasama sina Olap at Bianca at ilang P.A.
"heto bes suot mo agad" abot ni bez ang robe sa akin.
"ano bang prob nung gaga na yun sayo ha Andy?" tanong ni direk.
"Feeling kasi niya inagawan siya ni Avy ng boylet direk, tapos na naman pala sila ni JM Fajardo ng San Manuel team ng PBA dahil may iba siyang kalantare." explain ni Olap
"naku humanda siya talaga.!" at napatingin na si direk sa may location ni Mrs. Perez at Amanda.
"Mag ayos kana sa tent mo at pack na tayo" sabi ni Olap
Tumayo na ako at nawala ng ang panlalamig ko.
Nadaanan namin si Amanda na kinakausap ng manager nya.
"Naku Andy sorry ha" saad ni Boss
"Okey lang po ako Mrs. Perez" sagot ko naman
"Olap punta na lang kayo sa office bukas ok pasensya na" baling naman niya kay Olap.
Tumango lang si Olap at tumungo na kami sa tent.
"Napaka maldita talaga sarap tirisin!" badtrip na sigaw ni Bianca.
"Ikaw lang ang mastress dyan hayaan mo na siya" suway ko sa kanya.
"Kakausapin daw yan ni Papa JM" sambit ni Bes
"Bakit sinabi mo pa?" tanong ko agad
"Naku hindi nung ginawa sayo yun ni Amanda kausap ko na si Papa JM kaya sakto nakwento ko agad dahil narinig nya ang sigawan ng mga tao" detalye ni Bes.
Nabigla kaming lahat ng pumasok muli sa tent si Amanda.
"Kung mawawalan ako ng career dapat ikaw ding babae ka!" sigaw nya at sabay bato sa akin ng isang bote.
Napatungo na lang ako at ang tanging narinig ko na lang ay puro sigawan.