Mabilis na lumipas ang mga araw nadala na din ang urn ni Amanda sa bicol kasama pa din si JM sa paghatid doon kay Amanda nang dumating ang mother nito. Inihabilin nya ako kina Olap at Bianca, ang sabi nya ay uuwi din agad sya once na malaman nyang okay na ang lahat doon. Para akong tinatarak ng sampung kutsilyo sa dibdib sa sakit na nararamdaman ko. Nahahabag ako sa sitwasyon ko na para bang ako yung nanghihingi ng atensyon ngayon ni JM. "Ang hirap kalaban ng patay na!" usal ko na ikinabigla naman ng mga kaibigan ko. Narinig ko pang inulit ni Olap ang sinabi ko, kaya nilapitan ako ni Bianca. "Hush, stop that bez" habang hinahaplos ang tyan ko. Hindi ko maiwasang umiyak naramdaman ko na lang na walang tigil ang luha ko. "Pauwi na din naman si Papa JM, mag usap kayo wag yung gan

