Avy's POV
Nagising ako dahil na kapa ko pa na wala na sa tabi ko si JM. Halos dalawang buwan na din ang lumipas mula nang engagement namin dalawa.
Hindi ko malilimutan ang gabing yun sa buong buhay ko. Yun na ang pinaka memorable moment ko at ako na yata ang pinakamasayang babae ng gabing yun.
Bumangon ako at nakita kong may note sa mirror at binasa ko yun.
Babe,
Good morning, breakfast is ready nasa kitchen po. Maaga ang practice ko para masamahan kita mamaya sa check up mo. I love you see you by 10am Mommy ko.
love,
JM
Napangiti na lang ako ang sweet talaga nya. Naalala ko tuloy yung pagseselos ko sa mga kausap nya before sina Olap at Bianca lang pala yun at talagang nanumbong pa ako kay Bianca ng lagay na yun ha.
Dumarecho na ako ng CR para magshower almost 8am na ako nagising baka madatnan nya ako nanghindi pa nakakakilos.
Isinuot ko ang nagustuhang nyang sunday dress nang minsang magmall kami. Isang floral yellow dress iyon na bumagay naman sa akin lalo na umuumbok na din ang tiyan ko. Tinernuhan ko ito ng white espadrilles kaya nagmukha akong naka summer attire.
Dumating sya ng bandang 9:30am at nadatnan nya pa akong nakain.
"Babe I'm here na po" sigaw nya kaya lumabas na ako. "Now ka palang nakain babe" taka pa nya.
"Babe, shower ka na muna po, napasarap tulog ko late na ako nagising po." salubong habang binigyan ko sya ng kiss.
"Magchange na lang ako babe nagshower na ako" pero naupo muna sya.
"Is something bothering you babe?" puna ko sa pansamantalang pananahimik nya.
"yeah babe, I hate to tell you this but I have to." malamlam ang mga mata nya.
"then what is it babe?" tumabi na ako sa kanya habang hinihimas ang tyan ko, nabusog ako sa niluto nyang pancake at bacon.
Hinawakan pa nya ang kamay at tiyan ko at hinimas din ito.
"You look so gorgeous babe, para kang hindi buntis" sabay hapit ng yakap sa akin.
"Thank you babe...but what is it babe again?" Ulit ko sa kanya. Ramdam ko bigat ng bawat paghinga nya kahit parang nagchange siya ng topic.
"Babe it's about Amanda" malungkot na simula nya.
Bigla akong kinabahan at parang may kung anong kumislot sa tyan ko kaya napahawak ako dito.
"Sabihin mo na babe" nanginginig kong sabi sa kanya.
"She died, just a few minutes ago." at niyakap nya ako.Ramdam ko namasa kong balikat, umiiyak si JM." Heka, ano daw Amanda just died a minute ago? " tanong konsa sarili ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, yung takot ko ay napalitan nang kakaibang kaba hindi ko alam kung bakit.
"I receive a call from her personal nurse after ko lumabas ng elevator, then she told me that news" continue ni JM.
"What happened to her babe?" I asked him with a doubt tone.
"She said they just saw her body in one of the room na nasunog this morning. Nakilala na lang ito sa suot na necklace at sa suot nyang scrub suit" sagot nya ng malungkot.
Napayakap ako sa kanya hindi ko maisip na mangyayare ang mga bagay na yon kay Amanda, pero hindi ko maalis sa isip ko na maaaring hindi rin si Amanda ang katawan na yun.
Tumawag ako sa OB ko para magpa reschedule ng check up ko sa hapon.
Nagluto na lang ako ng Butter Chicken with garlic at Bake mussel para sa lunch namin, para kahit paano ay ganahan kumain si JM. Pero kahit busy ako sa kitchen ay hindi ko maalis sa isipan ko ang agam agam.
Hindi ko din maalis na magselos sa ikinikilos ng mapapangasawa ko at ama ng ipinagbubuntis ko. Kitang kita ko sa mukha nya ang sobrang lungkot at pagdadalamhati.
Kung sabagay ex girlfriend nya ito. Pero dapat bang ipakita at iparamdam nya sa akin ang mga ito.
Ibang takot ang bumabalot sa akin ngayon.
"Nakakawindang ng beauty!" nabulalas ko, kaya napatingin ito sa akin mula sa kinauupuan nya sa sofa.
"Babe, ano yun?" na animo sinisipat ako mula sa kitchen
"Ahh wala babe may sinasaulo lang akong script." nasabi ko. "dito kana tapos na ako magluto, kain na tayo." tawag ko sa kanya.
"Una ka na kumain babe may inantay lang ako mail." sagot nito habang miya't miya ang check sa hawak ng cellphone.
Like what the hell, hello naiisis ako sa mga ikinikilos nya. Really ba ganun sya ka-affected after what Amanda did to me.
Sorry pero sabihin na natin na napaka insensitive at immature ko ngayon, patay na yung tao pero eto ako at pinagseselosan sya. Sino ba naman kasi hindi maiinis at magseselos kung mula pagdating palang nya ay ni hindi ko na sya nakausap ng maayos puro Amanda, Amanda na lamang ang bukang bibig nya.
Nagparesched na nga ako ng check up para kahit paano madamayan ko sya tapos nag effort pa akong ipag luto sya tapos hindi nya ako sasabayan kumain.
Kahit na badtrip na ako, ay kumain na lamang ako. Ayaw ko mastress at baka maabsorbed pa ng baby ko ang stress ko.
Hinayaan ko na lamang sya sa labas nasa kwarto na ako after ko kumain. Hindi na ako lumabas nagbasa na lamang ako ng books about new mom. Hanggang sa makatulog na ako at di ko namalayan na umalis pala sya.
May narinig akong nagbubukas ng pinto sa main door kaya napa tayo ako. Pupungas pungas pa ang mata ko ng madatnan kong kapapasok palang nya.
"Lumabas ka?" Tanong ko agad sa kanya habang isinasarado ang pinto.
"Oo babe, hindi na kita ginising nung makita kong tulog ka na. Saglit lang din naman akong bumaba nagkita na lang kami sa lobby ni Mang Ambo.
Tumango na lamang ako at tumungo sa kusina ng mamataan ko na hindi pa sya kuma- kumain.
Nilingon ko sya na ngayon ay nasa sofa at may kausap sa telepono muli.
Niligpit ko na ang mesa at hinugasan ang mga pinag gamitan ko kanina. Nang masipat ko ang oras kailangan ko na palang kumilos may check up pa kami ni baby.
Busy sya sa kausap nya, kaya nung magsabi akong ako na lamang ba ang aalis ay tumango naman sya agad, na syang laking gulat ko.
Ipinahatid na lamang nya ako kay Mang Ambo sa St. Luke's.
Nasa clinic na ako ni Dra. Syjuco kasama ko sina Olap at Bianca buti na lamang at papunta talaga sila sa bahay nang malaman nila ang nangyare kay Amanda, kaya pinasunod ko na lamang sila sa amin ni Mang Ambo.
Ilang beses nagring ang phone ko at hindi ko ito sinasagot, naiinis ako sa ikinikilos ni JM. Kaya mas pinili ko na lamang lumayo muna.
Sa condo kami ni Bianca tumuloy after ng check up. Pianuna ko na si Mang Ambo at baka kailanganin sya ni JM.
Okay naman si baby next month pwede na malaman gender nya kaya excited na ang dalawang ninang nya at nagbabalak na kung anong concept ang pwede nilang gawin sa baby gender reveal.
Nag ring ang phone ni Bianca.
"Oh bakit napatawag ka?" Kausap nya si JM sa kabilang linya. "Dito muna daw sya mukhang busy ka kasi masyado" napatawa si Bianca kaya napa kunot noo ko.
Umayos sa pagkakaupo si Bianca "Sige dito muna sya" sabay off sa phone nya.
"So ano na?" Tanong ko
"Ano ba napag usapan nyo at bigla ka dyan naging seryoso" tanong din ni Olap kay Bianca. Binato pa nya ito ng unan dahil hindi nagsasalita. Nang biglang may nagdoorbell.
Kinabahan akong bigla, napatayo din agad si Bianca at syang lumapit sa pinto. Sinilip nya kung sino, pero napahawak sya sa kanyang dibdib sabay bukas sa pinto.
Abot abot ang kaba ko hindi ko alam, nang pumasok si JM.
May dala itong pizza at isang bucket ng chicken. Inabot nya agad ito kay Bianca saka nagpunta sa akin.
"Kamusta check up, bakit hindi mo ako sinama."
"Aba sorry po sir, masyado po kasi kayong busy kanina sa kausap nyo sa phone" sabay irap ko sa kanya.
"At nagpaalam ako na kung sasama ka ba pero tumango ka nung sinabi kong, ako na lang ba mag isa" pagtataray ko dito.
Tangkang yayakapin nya ako pero umiwas ako, hinahaplos ko ang tyan ko dahil feeling ko ay naninigas sya.
Hindi nya ako nilapitan pa muli, dumistansya na lang din sya siguro nakita nya paghimas ko sa tyan ko.
Miya't miya nakikita kong tinitingnan nya ako at tyan ko. Hanggang sa nagpaalam na lamang sya.
"Message mo na lang ako what time kita susunduin" sabay alis na nya.
Walang kibo ang dalawa, pero nung pumatak na luha ko ay unahan sila sa pagtakbo papunta sa akin.
"Tama na yan masama sa kalagayan mo yan." Ani ni Olap
"Bez, tama si Olap tama na yan." habang hinihimas ang likod ko. "Dumaan sya para magdala talaga ng pagkain lang, alam nyang nagtataka ka, pero bez walang ibang mag aasikaso kay Amanda habang wala pa ang mommy nito. Kaya sya ang natawagan ng mommy nito para pakiusapan." Pagpapatuloy ni Bianca.
"Bez alam mo?!" na lalong ikinahagulgol ko ng iyak
"Bez itinawag na nya sa akin agad nasa clinic palang tyo. Hindi nya masabi sayo ayaw nyang masaktan ka nya after ng ginawa ni Amanda syo. Pero wala din ibang malalapitan pa mommy ni Amanda dahil wala na silang kamag anakan dito sa Manila lahat ay nasa bicol bez."
"Kahit na bakit hindi nya masabi sa akin, may dapat ba ako ikatakot bez" tanong ko muli. Sa pagkakataon na ito hindi na ako umiiyak.
"Wala ka dapat ikatakot, inalam din kasi ng fiance mo kung sya talaga ang natagpuan na yun. And sya talaga ayon sa report at DNA sample na nakuha." Paliwanag ni Bianca.
"Masama pa rin ang loob ko bez, mapapangasawa nya ako pero eto ako at parang hindi nya kayang pagkatiwalaan" maluhaluha kong bigkas.