JM's POV
Malalim na ang gabi at hindi pa din ako makatulog, ilang araw na niya ako hindi kinakausap kahit man lang sa text message ay wala.
Alam ko ramdam ko nasaktan ko siya dahil sa ginawa ni Amanda.
Sabi sa akin ni Bianca ay busy si Avy sa pag-endorso ng Clothing Line na imino-model niya. At nung huling dalaw ko naman nasa Laguna siya at dinalaw ang pamilya niya.
"Mukhang malalim ang iniisip natin bata ah" si Mang Ambo galing siya sa silid niya.
"Gising pa ho kayo?" dagling tanong ko.
"Naalimpungatan lang ako, kumuha ako ng tubig sa kusina pagbalik ko nandito ka na sa balkunahe" sagot nya "may problema ba?" at umupo ito sa harap ko.
"Si Avy po, ramdam ko ang pag iwas nya. Hindi ko alam kung paano ko i-explain yung side ko." paglalabas ko ng saloobin sa kanya.
"Kung mahal mo talaga siya susundan mo ang tinatakbo ng isip mo at kung pagod kana saka mo pakinggan ang musika ng pagtibok ng puso mo." tinapik pa niya ako at saka tumayo "payo bilang ama amahan mo bata, habang maaga kumilos ka hindi yung huli na bago ka pa gaganap" at iniwan na niya ako ng tuluyan.
Napapaisip ako sa mga binitiwang salita ni Mang Ambo, malalim ngunit tagos.
Kinabukasan nagising ako sa sunud sunod na katok.
"Mang Ambo bakit ho?!" sigaw ko pero sige pa din siya sa pagkatok.
Halos magiba na ang pintuan ng kwarto ko. Kaya agad akong tumayo at binuksan ito.
"Magbihis kana bilisan mo!" sabay tulak sa akin pabalik ng kwarto ni Mang Ambo.
"Bakit po ba?" nagtatakang tanong ko.
"Tumawag ang stepfather mo ang Mommy mo." Sigaw ulit ni Mang Ambo.
Natigilan ako sandali at halos umikot lang ako at nakuha ko na ang mga dapat kong kuhanin.
Mabilis na kaming pumunta sa parking. At halos liparin na namin ni Mang Ambo ang byahe papuntang Ilocos Sur. Sa sasakyan ko na nalaman na isinugod ang mommy sa ospital dahil sa pagkaka atake nya sa puso. Hindi maaari yun dahil nung huling inatake ang mommy sumailalim na siya sa isang cardio surgery.
Halos makapananghali ng makarating kami sa hospital. Nakita ko ang brother ko na si LM naka tungo siya. Agad ko siyang nilapitan at ng makita nya ako ay ganun na lang ang pagkakayakap niya at ang paghagulgol nya ng iyak.
"Kuya si Mommy, kuya.." iyak nya at nagpapapadyak pa ang mga paa niya.
Nakita ko ang Tiyo Sonny ang father ni LM
"JM ihjo" sabay tapik niya sa balikat ko at bumuhos na ang luha niya.
Hindi ko alam ang nangyayari hinahanap ng mga mata ko ang kapatid ng mommy ang Tiya Remy, ngunit bigo ako. Hinila ako ng Tiyo Sonny sa isa pasilyo at nagpatinuod ako sa kanya pumasok kami sa isang kwarto at may isang nakabalot sa puting kumot. Doon lang nagsink in sa utak ko ang paghagulgol ni LM at ang pagbuhos ng luha ng Tiyo Sonny.
"Mooooommmmmyy..." sigaw ko "hindi ma please wag" muli kong sigaw at inalis ko ang kumot na tumatakip sa kanya. Halos kulay ube na ang mommy tanda na nahirapan siyang talaga.
Yakap yakap ko siya ayaw ko siyang bitawan at ayaw ko siyang ipahipo sa mga nurse na naroroon.
"UMALIS KAYO!" sigaw ko sa mga kukuha kay mommy habang mahigpit pa din ang pagkakayakap ko sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas at nasa ganoong posisyon pa din kami. Lumapit sa akin si LM.
"Kuya kailangan na nila kuhanin ang mommy." iyak niya at sa murang edad ni LM ramdam ko ang sakit na dinadanas ng kapatid ko. LM is only 10 years old at nakikitaan ko siya ngayon ng katatagan.
Dahan dahan ko binitawan ang mommy at hinalikan ko siya sa noo. Masakit para sa akin na sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkikita.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na ang Tiya Remy katabi si Mang Ambo at ang Tiyo Sonny. Hahakbang na sana ako palapit sa kanila ng may mga press na ang lumapit sa akin.
"JM kamusta ka?" tanong ng babaeng mula sa network kung saan pinalalabas ang laro namin.
"hindi po mabuti" sagot ko
"ano ang naging dahilan" tanong ng isa pang reporter.
Ngunit hindi ko na nasagot pa yon dahil hinila na ako ng Tiya Remy at ni Mang Ambo palabas ng hospital. Nakita kong ang Tiyo Sonny na ang sumasagot sa kanila. Hindi ako makapaniwala ang kauna unahang babaeng minahal ko ay nilisan na ako.
-----------------------
JAVE's POV
"ATTTTTTEEEEE..." sigaw ni France nasa kwarto siya at ako naman ay nasa kitchen nagluluto ako ng hapunan.
"Francine Avery yung boses mo nga baka magulat ang lola!" saway ko pa sa kanya.
"ate panoorin mo.." at itinuro nya ang tv sa salas.
Sapo sapo ko ang dibdib ko at sobrang kabog ng nito. Niyakap ako ng lola ko.
"nak mas kailangan ka niya sa mga panahong ito." saad nya "puntahan mo na agad siya at damayan mo."
"tama ang lola ate, wala naman kasalanan sayo ang Kuya JM." singit ng kapatid ko "yung Amanda ang naghahabol sa kanya at nanggugulo sa inyo. ate kailangan ka ni Kuya higit kanino man." patuloy niya.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko. Kailangan ako ng lalaking mahal ko lalo't sa mga oras na ito.
"Lola salamat, France wag mo pababayaan ang lola ha luluwas ako bukas ng umaga." sagot ko sa kanila.
Tinawagan ko agad si Bianca. Tatawagan na daw sana niya ako pero naunahan ko nga daw siya.
"Bes kung kinakailangan mag eroplano na tayo para hindi tayo magsayang pa ng oras sa biyahe, please." pagsusumamo ko pa sa kanya.
"oo bes tatawagan ko agad ang manager mo si Olap para matulungan niya tayo makakuha agad ng ticket." sagot nya.
"salamat bes paki sabi na din kay Olap salamat." tanging nasabi ko.
----------------------------
I have no idea kung papaano ko sasalubungin or kung papano ko siya dadamayan.
Nandito na kami sa Ilocos Sur at Nasa bayan na kami ng Vigan medyo malapit na din kami sa sinabing lugar ni Mang Ambo.
Tinawagan siya kagabi ni Bianca para malaman ang ibang detalye sa pupuntahan namin at walang alam si JM na parating kami.
Hindi rin naman daw makausap ni Mang Ambo at ayaw umalis sa pagkakaupo sa chapel kung saan naka lagak ang wake ng mother niya.
Madaling araw pa lang ay sinundo na ako nila Bianca, Amy, at Laura. Inihatid na agad kami ni Bianca sa NAIA at hinabilin niya ang kotse nya sa dalawa. Tinagpo na namin sa Terminal 3 si Olap at dala na niya ticket namin.
"oh girl one way ticket lang ang nahabol ko bahala na kayong tumawag sa akin kung saka sakaling uuwi din agad kayo para matawagan ko yung contact ko sa La Union." explain nya sa amin.
"salamat talaga mother ha" yun lang ang tanging nasabi ko.
Magulo isip ko dahil halos isang linggo kaming hindi nagkikita at nag uusap tapos sa ganitong pagkakataon pa kami ulit magkikita.
Pumarada na ang taxi na inarkila namin at agad ko inabot sa kanya ang napagkasunduan naming presyo.
Bumaba na kami agad ni bes at nakita naman agad kami ni Mang Ambo kaya tinulungan niya na agad kami sa dala dalahan namin.
"Mang Ambo" mahinang tawag ko sa kanya dahil nauuna siya sa amin.
"nak dumarecho kana sa chapel nan dun siya" bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy "hindi pa umaalis yun doon sa pagkakaupo niya, hindi kumakain puro inom lang ng kape ang ginagawa, at tatayo lang kung mag CR."
May sumalubong sa aming isang matandang babae at isang batang lalake na halos sa tantsa ko ay mga 9 hanggang 11 taong gulang.
"Ambo sino sila" tanong ng matanda
"Tiya siya po yung nasa IG ng kuya yung ipinagmamalaki niya kay mama" singit nung bata.
Ngumiti sila sa amin kaya ngumiti rin ako sa kanila, feeling ko nagblush ako sa narinig ko mula sa bata habang itinuturo nya ako.
"Nasa loob siya ihja puntahan mo na." agad na sabi ng matanda.
At saka ako nag darecho sa loob. Tama sila mag isa nga lang siya sa loob.
Napaka ganda ng pagkakaayos ng buong chapel nasa white with silver lining coppin ang mother nya na napapalibutan ng mga puting rosas at may nakaikot na sampaguita sa buong coppin.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nang makalapit ako sa kanya nakita ko ang mga luhang unti unting umaagos mula sa mga mata niyang naka pikit.
Marahan at maingat akong umupo sa tabi nya habang tinititigan ko siya.
Nakita ko ang pagmulat ng mga mata nya at pagtingin niya sa akin.
Bigla niya ako hinila palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit halos feeling ko ay any moment mababalian ako ng buto sa pagkahigpit na yakap niya.
Nararamdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat at katawan niya, kasabay ang parang nababasang damit ko sa may kaliwang balikat ko.
"Sige lang baby, iiyak mo lang yan. Nandito na ako sa tabi mo." sabi ko sa kanya habang nagbabadya na din ang mga luha kong bumagsak.
Sobra ko siyang namiss, sa loob ng isang linggo ngayon ko napagtanto na kakaibang pagmamahal na ang meron sa akin para sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang ganitong kahina.
"I love you babe." usal nya sa pagitan ng mga iyak niya.
Dahan dahan ko siya iniharap sa akin at sinapo ang kanya mukha at habang pinagmamasdan ko yun naroon ang kurot sa puso ko at pagsisisi kung bakit hindi ko siya agad pinakinggan.
Bakas ang saya at lungkot sa mga mata niya.
"Hindi ko man siya nakilala nung nabubuhay pa siya, ngayon sa harapan ng wake niya ipapangako ko na mula ngayon ako na ang mag aalaga sayo." tumutulo ang luha niya at ganun din ako. "I LOVE YOU TOO, my Jan Micheal Fajardo" at tuluyan ng umagos ang mga luha ko. Kasabay nun ang mahigpit niya ulit na yakap.
Naramdaman ko na mainit siya, kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinipo ko ang noo nya at leeg.
"ohh God JM, mataas ang lagnat mo." utas ko.
"wala yan babe ok lang ako." giit niya sa akin.
"baby no please! maiintindihan ng mommy kung uuwi kana muna at magpapahinga." saway ko sa kanya at nakita ko ang panghihina sa mga mata niya.
Nakita kong nasa likuran pala sina Bes at Mang Ambo gayun din yung sumalubong sa amin na isang matandang babae at batang lalake.
Agad ko pinalapit sila.
"Mang Ambo ina-apoy ng lagnat si JM" bakas sa boses ko ang pag aalala.
"Bes kwento ni Mang Ambo sa isang hotel sila tumutuloy ngayon, ipapahatid ko na kayo dun. Dito na muna ako para makatulong." agad na sambit ni Bianca.
"salamat bes!" sagot ko "Mang Ambo tayo na po." inalalayan ko na si JM. Tumayo na siya at ng makita ang batang lalake tumigil siya.
"Ikaw muna magbantay sa mommy ha LM, babalik ako mamayang gabi." sabay yakap dito at tapik sa matandang babae. Ngumiti din ako sa kanila dahil nakitang naka ngiti sila sa akin.