Chapter 7

1609 Words
Ang sarap sa pakiramdam ng makapag pahinga ng maayos at darecho, late na ako nagising halos 9:30am na nang malingon ko ang alarm clock sa may drawer ko. Hindi ko ito ina-larm kagabi dahil hindi ko intensyon na magising ng maaga. Bumangon na ako dahil may naririnig na ako sa labas, parang may ibang kausap si bes. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Hindi ko na kasi mapigilan kaya nahalikan ko siya. Isinara ko agad ang pinto nakita ko naman si bes na parang nagulat sa pagpasok ko. "ano nangyari, nasaan sina Papa JM?" tanong nya at kita sa mukha nya ang pagtataka. "a...ahh bes umuwi na sila" sagot ko. Nang hihina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa mahabang sofa at tumabi naman sa akin si bes. "ehh bakit sobrang namumula yang mukha mo ha Avrielle Marie Sujico?" pagsusuri nya sa akin. Alam kong hindi nya ako tatantanan kaya kahit sobrang nahihiya ako sa pinag gagawa ko kanina ay ikinuwento ko na din sa kanya. Abot yata sa kanto ang tili ni bes ang ingay nya daig pa yata nya yung puso ko sa sobrang saya nya. "so ibig sabihin bes kayo na ni Papa JM?" pagtatanong nya. Hindi ako agad nakasagot wala naman nangyaring I LOVE YOU at I LOVE YOU TOO. "ang tanga ko talaga bes parang ang landi ng ginawa ko nakakahiya" sabay hilamos ko sa mukha ko. Nakakaramdam ako ng pangangainit ng mata ko hanggang sa tumulo na ang mga luha ko. "natatakot ako sa ginawa ko bes baka mag iba ang tingin nya sa akin" patuloy ko habang isinapo ko ang mga palad ko sa mukha ko. "tama na nga yang drama mo hindi ganun si Papa JM kilala ko yun alam kong masaya yun sa ginawa mo" saway nya sa akin at hinahaplos ang likod ko. Dahil sa pagbalik sa akin ng mga nangyari kagabi parang biglang sumama ang pakiramdam ko, nahihirapan akong huminga kaya pinilit kong maabot ang bag ko kung nasaan ang mga gamot ko. Dali dali akong lumabas ng kwarto ko, nasa salas ang ibang member ng fan club. Binati nila ako at binati ko din sila pero dumarecho din agad ako sa kitchen at nakita ako ni bes na uminom ng gamot ko. "masama ba pakiramdam mo?" tanong nya at inalalayan ako makaupo. "medyo siguro dala ng ilang araw na pagod ngayon ko kang naramdaman dahil napahaba din ang pahinga ko" sagot ko sa kanya. "ayan kumain kana muna bago bumalik ka na sa kwarto mo para makapag pahinga." sabi pa nya at hinainan nya ako ng cereal at milk. "sa salas lang ako kapag may need ka tawagin mo lang ako ha, may tinatapos lang kaming props para sa next game." at saka siya lumabas. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng pumasok si Shane isa sa mga member ng SMFC. Hindi kami close hindi gaya nila Amy at Laura. Nginitian ko siya at ngumiti lang din siya sa akin. Pero may iba sa ikinikilos niya at sa titig niya sa akin. "are you with JM?" saad nya at naupo sa harap ko "what do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngunit inirapan lang nya ako habang umiinom ng tubig. "what the hell?, ang hina mo naman girl" sabay tayo nya "iwasan mo si JM kung hindi si Amanda ang makakalaban mo!" madiin nyang pahayag at lumabas na siya ng kusina. Hindi ko alam ang mararamdaman at sino si Amanda bakit hindi ko siya kilala halos lahat ay naikwento na sa akin ni bes. Lumabas na ako at nagtungo agad sa kwarto. Hindi ko na tiningnan sila, agad akong pumasok at nakita kong nagri-ring ang phone ko. "hello..." sagot ko si JM ang nasa kabilang linya. Lutang ang utak ko sa sinabi ni Shane. "hi.. kamusta ang tulog mo nakapag pahinga ka ba ng maayos" tanong nya mula sa kabilang linya. "a..ahh oo ok naman, JM pwedeng tawag kana lang ulit kailangan ko na kasing magbihis pinatatawag ako ni Olap sa office nya." pagputol ko sa usapan namin, ayaw kong mahalata nya ang pag iwas ko kaya agad akong nagpaalam. "gusto mo bang sunduin kita para maihatid sa office." tanong nya pa. " naku hindi na magkikita din kasi kami nung isang colleague ko, ahh sige ha bye muna ako. thank you sa tawag." hindi ko na hinintay na makapag salita pa siya at binaba ko na ang phone. Hindi naman talaga ako pinatatawag ni Olap pero may gumugulo sa isip ko, busy si bes at ayaw ko naman siyang istorbuhin. Isa pa nandito din si Shane kaya ayaw kong may mamuong kung ano man. Nagbihis na lang ako simpleng black denim jeans at black collar shirt at nagsneakers na lang ako. hinablot ko na ang bag ko at ini-lock ang pinto ng kwarto ko. "o bes masama pakiramdam mo ahh saan ka pupunta?" napatayong tanong ni bes "magkikita kami ni Mara sandali lang ako bes" sagot ko sa kanya. "baka naman may date sila ni JMmmm.." tili pa ni Amy at nakipag appear pa kay Laura. "naku hindi nagpapahinga yun para sa practise bukas" naisagot ko na lang. Napatingin pa ako sa gawi ni Shane at pinagtaasan nya pa ako ng kilas sabay mwestra ng parang binabantayan nya ako. "ok ok basta bilisan mo at baka biglang dumating yung love of your life" bilin ni bes. Nagpaalam na ako sa kanila at dali daling umalis. Sumakay ako ng taxi at nagpadarecho na sa Rockwell wala naman talaga akong lakad gusto ko lang mag isa at lumayo pansamantala. Nasa loob na ako ng mall at naglalakad lakad ako may binili din akong ilang damit para sa kapatid ko at para sa lola ko. Dumaan din ako sa isang depot dahil alam kong gusto ng mapalitan ng kapatid ko ang ilang kurtina sa bahay. Pero wala doon ang hinahanap ko. Nang makita ko ang relong suot ko ay napahinto ako halos alas singko na pala at hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom. Kaya patalikod na sana ulit ako pabalik sa nakita kong kainan malapit sa depot. "ouch.. bulag ka ba?" sigaw sa akin ng nabangga ko. "sorry miss hindi ko sinasadya" nasabi ko agad bilang paghingi ng tawad. Pamilyar siya sa akin parang naging katrabaho ko na siya. Mataas siya lalo na at naka high heels siya. Napakakinis niya very glamorous kung manamit. Nakatitig siya sa akin. "tatanga tanga ano ba yan --" sigaw pa ulit nya at baba taas ang tingin sa akin. Nagtatawanan din ang ibang kasama nya at may isa dito na may ibinulong sa kanya. Inikutan pa nya ako at nagsalita pa ulit. "eto ba yun akala ko ba model din, eh parang maid ko lang ito na inutusan kong mamalengke ahh" at tinititigan nya ako kita ko ang galit sa mga mata nya. Nakaramdam ako ng takot hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon ko. Hindi ko kilala ang mga ito pwera sa pamilyar sa akin ang isang ito na sobra ang galit sa akin sa hindi ko alam na dahilan. "I'm sorry kung nabangga kita hindi ko talaga sinasadya and if you'll excuse me aalis na ako." malumanay na salita ko sa kanila. "woaahh at talagang hindi mo sinasadya ha?! bubunggo ka sa hindi mo kilala?" may inis sa tono nya at hinawakan nya ako sa braso ng mahigpit at nasasaktan ako. "sa tingin mo ba ganun lang kadali yun ha Andy Sujico" taas kilay pa nyang pananakot sa akin. Kinakapos na ako ng hininga. Screen name ko yun sa pagmomodelo. "bakit hindi ka kasi magpakilala Amanda" singit ng isa pa nyanh kasama "Amanda" napausal kong bigla. "oo kilala mo naman pala ako, and yes ako si Amanda Greene at boyfriend ko lang naman ang kinakalantari mo!" sigaw nya sa akin at kasabay ang napakalakas na sampal. "AMANDA!" sigaw ni JM "ano toh at bakit mo siya sinaktan" ma-authoridad nyang saad. "bakit hindi mo itanong sa tatanga tangang babae na yan at bakit ako ang sinisigawan mo una nyang hinila ang buhok ko alam nilang lahat yun!" pagsisinungaling nya. "p-pero hindi nam--" pagtatanggol ko sana ang sarili ko kahit hirap na akong huminga ngunit pinutol yun ni JM. Hinila nya ang kamay ko. "tayo na, Amanda tama na." sigaw nya. At hinila na nya ako palabas ng mall. Hanggang sa maisakay na nya ako ng kotse nya pati ang mga pinamili ko. "tawag ako ng tawag sayo pero hindi mo sinasagot ang tawag at message ko." galit ang tono ng boses niya. "ang sabi mo kay Olap ang punta mo, tumawag ako kay Bianca ang sabi mo magkikita kayo ni Mara." patuloy nya. Nakita kong tumingin siya sa akin ngunit nanatili akong nakatungo. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko habang nagda-drive at pinisil pisil pa ito. "Baby... may problema ba?" tanong nya pa sa akin. Hindi ako kumikibo nakatingin ako sa bintana. "iniiwasan mo ba ako?" tanong pa nya ulit. Lalo akong umiyak hindi ko na kaya yung emosyon na kinikimkim ko. "w-wala naman tayo diba JM?" tanong ko sa kanya. Natahimik siya at nagfocus sa pagdrive hanggang makarating kami sa bahay. Madilim na din ang kalangitan at halos sumasabay pa sa pighating nararamdaman ko dahil umaambon na din. Sinalubong kami ni Bianca. "ano nangyari bakit namumugto ang mata mo, nag aaway ba kayo?" kunot noo nyang salubong sa amin. "nag aaway bakit bes, hindi naman kami diba? may girlfriend yang star player mo alam mo ba yun" singhal ko kay bes at dali dali akong pumasok ng bahay at nagkulong sa kwarto ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, iyak lang ako ng iyak. Ramdam kong mahal ko na siya pero ayaw ko ng gulo. Ang sakit sakit sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD