Chapter 6

2023 Words
JM's POV Excited ako sa game ngayon, maaga kami ni Mang Ambo nakarating ng arena. May mga tao na din na nagdadatingan, binigyan ko ng VIP ticket si Bianca para sa kanila ni Avy at gusto ko sa harapan lang sila ng bench namin. Nagmamadali akong pumuntang locker at nadatnan ko na dun ang ibang ka-team ko. Naghanda na ang lahat nung time na makumpleto ang team. Pumito na si coach ibig sabihin kailangan na namin lumabas ng locker room. Isa isa na kaming tinatawag after matapos matawag ang makakalaban naming team. "okey number 28 from San Manuel Paint Men Armand Santoooos.." sigaw ng anouncer. "and last but not the lease ang star player ng buong team, number 16 from San Manuel Paint Men JM Fajarrrrdo.." mabilis akong tumakbo sa mga ka-team mate ko. Hinahanap ng mga mata ko si Avy pero wala sila sa upuang nilaan ko para sa kanila. Kasama ako sa first five kaya kailangan ko magfocus. Nagstart na ang first quarter at nagfocus na ako sa game, kailangan namin maka puntos ng malaki para hindi agad mahabol ng kalaban ang score namin. Nagtime out ang kalaban ng makafoul sila. Wala pa din sila, hindi ko din makita si Mang Ambo ang sabi ng water boy namin na si Ka Estong ay baka nag CR lang. Balik game na ulit kami at lumamang na kami ng anim na puntos sa huling tira ko sa ilalim. Natapos ang unang quarter at wala pa din sila, wala din si Bianca sa bench ng mga fans ng team. Medyo nag aalala na ako. Second quarter na at pahinga ako. May tumapik sa likod ko kaya napalingon ako. "Mang Ambo sina Bianca po?" tanong ko agad sa matanda ng makita ko ito. "Malapit na siguro sila, magfocus ka sa laro mo." sagot niya, at umupo na sa pwesto nya. Hindi ko alam pero parang wala na ako gana maglaro. Pero kailangan ako ng team nasa crucial kami baka hindi kami maka sama sa semi finals kung matatalo kami ngayon. Nagdaan ang 3rd quarter at halos may walong puntos na ang lamang ng kalaban namin. Badtrip masama pa ata ang pagkakabagsak ko ng masiko ako ng kalaban kaya inilabas muna ako. Dinarecho ako sa clinic upang makita ng Doctor on duty para sa game kung masama ba ang lagay. Nakaupo na ako sa bed at may yelong idinadampi sa tadyang ko, pero ok naman daw ako. tok. tok. tok. Mahinang mga katok ang nagpapigil sa aking tumayo, at marahan yun bumukas. "good eve po doc si JM po" tanong ng pamilyar na boses. Agad naman ngumiti sa akin si doc at bumaling ng tingin sa kanya at itinuro ako. Bumukas ng maluwang ang pinto at pumasok siya. Para akong nabuhayan ng dugo at agad naka tayo, parang nawala yung pananakit ng tadyang ko ng makita ko si Avy. She's wearing a white jersey naka tuck in sa denim pants nya at naka white roshan shoes. May iilang buhok na takas sa pagkakapony ng buhok nya. "JM" pagkabanggit nya ng pangalan ko ay agad na sya lumapit sa akin, bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "ayos ka lang ba?" tanong nya at nanginginig pa ang boses nya. Agad ko naman sya niyakap at hinalikan sa ulo "ayos lang ako, part of the game sanay na ako. dont worry baby" sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya. "thank god that your okay, nasa may launge pa lang kami ni Bes ng makita namin sa tv screen yung pagbagsak mo." ramdam ko sa boses nya ang pag aalala. Pabalik na kami sa loob ng arena. "bakit ngayon lang kayo?" pagtatanong ko sa kanya. "late na kami naka alis ng bahay tapos nasiraan kami ng sasakyan ni bes." explain nya habang papasok na kami ulit sa loob ng arena. Magsasalita pa sana sya ngunit naputol na yun dahil napatingin kaming pareho sa tv screen sa loob at sa amin naka focus ang camera. Naka half time out pala, kaya nakaagaw attension kami at halos ang lahat ng tao ay magsigawan pati fans ng kalaban. Ultimo sina coach at ang mga team mates ko kinakantsawan ako. Pinaupo ko na siya sa tabi ni Bianca at ni Mang Ambo. "kayo muna bahala sa kanya." paalala ko sa kanila "ayos lang ako baby nandito ka na eh" baling ko sa kanya. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nya habang nagtutungo sya ng paningin, napaka inosente nyang tignan kapag nagba-blush siya. Ipinasok na ako sa 4th quarter lamang ang kalaban sa amin ng eleven points at hindi madaling habulin yun. Buti na lang may gana ako ngayon inspired yata toh at dumating na ang babaeng nagpatikbo ulit ng puso ko. Hawak ko ang bola mula pagkaka steal ko sa kalaban ipinasa ko sa ka-team ko at pumuwesto na ako sa three points pagpasa sa akin ng bola kitang kita ko kung paano nya ako chini-cheer kaya para sa kanya ito at ishinut ko na agad. "boooom panes 3 points mula kay JM Fajardo" sigaw ng mga tao at kita ko ang tuwa sa mga mata nya. Ilang beses din ako nakagawa ng 3 points shoot kaya in less than a minute ay halos maabutan na ang score ng kalaban. Crucial situation sa akin ang bola naka depensa ang kalaban nakita ko ang oras 5 seconds hawak ko ang bola habang halos t***k nalang ng puso ko ang naririnig ko nakita ko din ang scoreboard 87 - 88 lamang ng isang puntos ang kalaban. "i-shoot muna baby" may sumigaw at kilala ko ang boses na yun kaya agad kong hinagis ang bola sa ring. "A buzzer beater, baby" sigaw pa ng announcer. Naghiyawan ang mga tao hindi ko nakita kung pumasok ba ang bola o hindi dahil tinignan ko agad siya, nakangiti siya sa akin ngayon. "score end at 90-88 SAN MANUEL won!" muling sigaw ng announcer at niyakap ako agad ng mga kasamahan ko. "shoot baby hanep erp, congrats" sabi ng ilang ka-team ko. "ayos!! na ipanalo mo team dahil kay baby" sabi ng iba. At ang nakakatuwa ang sigaw ng mga fans "GO BABY JM! GO" paulit ulit na sigawan nila. "congrats!" sabi nya at isang napakatamis na ngiti. Niyakap ko agad siya na siyang lalong kinaingay ng buong arena. -------------------------- Avy's POV Hindi ko maimagine na nagawa ko ang bagay na yun siguro dala ng excitement dahil wala ng oras at lamang ang kalabang team. Tahimik ang lahat ang dribol ng bola at ang nagsasalita sa mic lang ang maririnig hindi ko na matiis kaya sumigaw na ako. "i-shoot muna baby" ang lakas ng boses ko kaya napatingin siya sa akin at saka nya ishinut ang bola. Lumulundag ang puso ko dahil another 3 points ulit ang nagawa nya. Nagsisigawan ang mga tao sa buong arena at ang mga ka-team mates nya. Pati sina Mang Ambo at si Bianca na kanina pa hampas ng hampas sa akin. Lumapit agad siya sa akin pagkatapos syang batiin ng mga ka-team nya. Nanginginig ako at parang nilalamig ako bigla sa kaba at ang mga paru paru sa tummy ko ay parang nagpi-fiesta. "congrats" yun lang nasabi ko at nginitian ko na lang sya. Niyakap nya ako ng mahigpit "eto na ba yun" bulong ko sa sarili ko. "i-celebrate na yan!" sigaw ni bes habang palabas kami ng arena papuntang locker nila. "oo naman Bianca malakas ka sa akin eh" tapik pa nya sa balikat ni bes habang nakaakbay sa akin ang isa pa nyang braso. "Mang Ambo hintayin nyo na lang po ako sa sasakyan sa may harap na po at ingatan nyo po ang baby ko ha." parang batang nagpapaalaga ng laruan. Hindi na ako makatingin dahil alam kong nagblush na ako. Tumango na lang si Mang Ambo at tumungo na kami sa parking kung nasaan ang sasakyan niya. "Alam mo ba Ihja na ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ulit ang batang yan" saad ng matanda. "bakit naman po?" tanong ni bes habang nakikinig ako sa kanila. "naku mula ng maghiwalay ang mga magulang nyan ay mabibilang konsa daliri ko na lang nakikitang tumawa yan." paliwanag ni Mang Ambo "diba po ay nasa states ang family nya?" tanong muli ni bes "si Sir Jun lang ang nasa states at ang mommy naman nya ay nasa Vigan may sarili na din pamilya." sagot naman ni Mang Ambo na ikinalungkot ko. "kaya siguro lumaki siya sa mga lolo at lola nya" bigla kong nasabi "ay naku bes oo kaya nga ng malaman nya about kay lola Rose naku ang daming tanong." saad naman ni Bes. Nagkatinginan na lang kami ni Mang Ambo sa rear mirror at may kakaibang saya din sa mukha ng matanda. Naka sakay na kami sa van papunta sa harapan ng arena para dun sunduin si JM. Malayo pa lang ay kita ko na agad siya. Malahigante ba naman ang taas, wala na din masyadong tao kaya may ilan na lang ang nagpapa-picture sa kanya at nagpa-authograph. Nang makita nyang palapit na kami ay parang nagpaalam na siya sa mga fans nya. Naghiyawan pa sila ng buksan ni JM ang van at makita nila ako dun and from someone may sumigaw ng "GO BABY!" kaya lalo silang naghiyawan. Pagkasarado ng van ay hinawakan nya na agad ang kamay ko. "Thank you" bulong nya sa akin hawak hawak pa din nya ang kanang kamay ko. Eto na naman yung kung ano sa tyan ko at ang dibdib kong parang tambol sa pagdagungdong. "for what?" tanong ko sa kanya "you made my day baby, thank you sa support kanina." sagot nya habang ramdam kong nakatitig siya sa akin. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Tinatalo ako ng pakiramdam ko, yung kakaibang sensasyon kapag katabi ko sya at ang pabango nya na halos hindi ko na malimutan ang amoy kahit hindi ko siya kasama. Kumain kami sa Roxas Blvd sa isang restaurant na favorite nyang puntahan mula pa nung nagsisimula palang siya sa PBA. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad kaming dalawa sa kahabaan ng Roxas Blvd. Maraming mga taong tumitingin sa amin pero parang wala siyang pakialam sa kanila. Sina Mang Ambo at Bes ay bumili ng kape sa starbucks medyo malapit lang din. May nakitang upuan si JM medyo malamig na din ang panahon dahil papasok na ang pasko. Umupo kami doon. "Napakasaya ko ngayon baby kung alam mo lang" bigla siyang nagsalita. "Kita ko naman sa kilos mo at sa awra ng mukha mo." sabi ko naman sa kanya. "Avy hindi kita pipilitin or mamadaliin ngunit hayaan mo akong maipadama ko sayo kung anong nararamdaman ko para sayo" seryoso niyang salita darecho sa akin ang mga titig nya. Eto na naman ang lola nyo nasa kabilang mundo at wala na naman akong masabi kung di ang ngitian na lang siya. Kung alam lang niya hulog na hulog na ako sa kanya, sa mga ginagawa nya para sa akin at sa bawat titig palang nya. Beep... Beeep.. Busina ni Mang Ambo sa amin. Kaya tumayo na kami at nagtungo sa van. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami at halos yung music lang mula sa radio station na pinakikinggan ni Mang Ambo ang maririnig ko. Hanggang sa maihatid na nila kami sa bahay. "thank you Mang Ambo" nginitian ko pa ang matanda habang inaalalayan ako ni JM pababa sa van. Nauna nang pumasok si Bianca dahil tatawagan pa nya yung kaibigan nyang pinakuha nya ng sasakyan nya nung masiraan kami. "salamat sa paghatid" baling ko sa kanya nasa harapan na kami ng pinto at bukas pa rin ito. "hindi ka dapat magpasalamat ako yun dahil masaya ako ngayon dahil sayo" nakangiti sya sa akin "pasok ka na sa loob pahinga ka na." sabi pa nya. Yayakapin sana nya ako kaya tumungo sya, ngunit hinawakan ko ang mukha niya. Nanlalamig ako at alam kong ramdam nya yun sa pamamagitan ng mga kamay ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Dali dali ko siyang hinalikan ng smack sa labi nya. "Good night baby" yun lang ang sinabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay sabay sarado ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD