Chapter 5

2460 Words
Para akong natigilan sa mga narinig ko mula sa kanya, halos mag-echo sa buong utak ko ang sinabi nya. Hindi ako makasagot, para akong istatwa na hindi makakilos sa pagkakatayo ko sa harapan niya. Lumulutang ang diwa ko sa hindi ko malamang kadahilanan. "Avy, a...are you ok?" tanong nya sa akin na nagpabalik sa diwa ko. Hindi ako makatingin sa kanya kaya sa bulaklak ako nakatitig "aaahh oo okay lang ako" kabadong sagot ko "upo tayo" yaya ko sa kanya. May iba sa pakiramdam ko at sa buong buhay ko ngayon ko palang ito nararamdaman. Halos magwala ang kung ano man sa tiyan ko. "ehemm.. ehemm." singit ni Bianca na lumabas sa kwarto nya. "bakit parang may anghel na dumaan dito sa tahimik nyo?" at naupo na siya sa tabi ko. Nakita ko ang pag ngiti ni JM kay Bianca at pagtaas ng thumb nya. "yessssss!!" at napa talon pa ang kaibigan kong ito "another 2 points from JM Fajardo" sigaw ni bes at parang nagshoot pa sya sa ere sabay palakpak. Nakakatuwang isipin na may alam pala dito ang bes ko at hindi nya ito sinasabi sa akin. "tama na nga yan, hindi ko alam kung magtatampo ako syo eh" ngumunguso ko pang sabi sa kanya. "bakit ka naman magtatampo dapat nga magthank you ka dahil sobrang torpe nyan noh?!" hampas pa nya sa akin. "kasi marunong ka na maglihim sa akin hmp!" ismid ko pa sa kanya. "haist edi nawalan ng excitement" kurot pa nya sa akin "okay lang ba sayo Avy?" biglang tanong ni JM sa akin. Nakatingin siya sa akin at halos matunaw ako sa mga titig nya halos parang nagmamakaawa o nagsusumamo. "o-oo naman okay lang sa akin" nahihiya kong sagot sa kanya. Sino ba ang hihindi liligawan ka ng isang JM Fajardo! Sobrang kaba ko talaga, isang PBA star ang manliligaw ko "OMG!" sigaw ng utak ko. Nananaginip ba ako, hindi ako makapaniwala. "Salamat" sabi niya habang titig na titig sa akin. Nakikita ko sa kabilang bahagi ng mata ko kung paano kinikilig ang bestfriend ko. Lumipas ang ilang oras at nagkwentuhan lang kami hanggang sa magpaalam na si JM dahil may practise sila ngayong hapon. Nakaalis na siya at papasok na sana ako ng kwarto ng kinorner ako ni Bianca. "anong pakiramdam ha?!" kinikilig pa nyang tanong. "bruha ka alam kong pakana mo toh, nahihiya ako na kinakabahan." sagot ko. "bakit ka naman mahihiya eh siya yung may gusto sayo?" sabay pasok sa kwarto ko kaya sumunod na din ako. "kilalang tao siya ano ka ba." sagot at naupo na ako sa kama. "and so? ikaw din naman ahh may mga commercial ka nang lumabas at sa mga print ads kaya kilala ka na din" sabay irap nya sa akin at humiga pa siya sa gitna ng kama ko. "kahit na bes, nakakahiya pa din. Pati natatakot ako kung sakali siya ang unang magiging bf ko." sabi ko pa habang inaayos ko yung mga bulaklak sa vase. "hindi ka nya pababayaan at sasaktan nag usap na kami ako makakalaban nya bes trust me." yun.lang at bumangon na siya sa kama at lumabas. Nakita kong nag ilaw ang phone kasabay ang pagvibrate nito, kaya kinuha ko yun sa may drawer ko. message from JM: *thank you for accepting, hindi mo lang alam kung paano mo ako napasaya kanina. Para akong bumalik sa pagiging teenager habang binabasa ang text nya sa akin. Hindi ito first time dahil nung high school ako may nanliligaw na din naman sa akin hanggang nung collage ako pero mas pinili ko ang magfocus sa study ko at sa family ko. Kaya nga tumanda na ako hanggang maging 27 years old na ako. Never been touch, never been kiss since birth. ---------------------------- Busy ako ngayon sa shooting ng bagong commercial ng Perez Jeans at sa mga pictorials para sa new edition ng P Magazine kung saan ako ang magiging cover nila for the following month. May mga araw na hindi na kami nakakapag usap or nagkikita kaya nagkakasya na lang kami sa mga phone calls at palitan ng text message kapag may time ako. But in all fairness hindi siya kaparis ng ibang lalaki na makulit iba siya. Halos three days na kaming hindi nagkikita, malalayo kasi ang location ng shoots namin kaya late na din ako nakakauwi. Katulad ngayon madaling araw na kami nakapag pack up dahil tinapos na lahat ang dapat tapusin at habulin. Last day na ng shoots at sa wakas makakapag pahinga na din ako. Naayos na namin ni Bianca ang mga dapat ayusin para isang dalahan na lang pag akyat namin sa coaster bus na sinakyan namin papunta dito sa Quezon Province. "ok guys thank you and congrats" sigaw ng producer. Signal para umakyat na kami sa coaster. Pero yung mga nasa unahan na ay nagtitinginan sa may kaliwang bahagi ng area kaya napatingin kami ni Bianca. Natigilan ako at halos mabingi ako sa sigaw ni Bes. "Papa JM, nandito kameee....!" nagtitiling sigaw nya. Madali naman kaming nakita ni JM, siya pala yung pinagtitinginan ng mga tao sa unahan. Napuntahan nya agad kami ni Bianca at kasunod nya si Mang Ambo. Nakuha na agad ni Mang Ambo ang dala dala ni bes at ganum din naman si JM kinuha na nya sa akin ang bag pack ko at ang sports bag na bitbit ko. "Kamusta?, mukhang pagod na pagod ka?" tanong nya habang nakatitig sa akin Eto na naman ako pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig nya. "ok naman eto tama ka at medyo pagod lang talaga." sagot ko. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan nya ako hanggang makarating kami sa dala nilang sasakyan ni Mang Ambo. Nakita ko naman si Bianca na kausap sina Olap at yung producer. Nakita kong nagthumbs up si Bes at kumaway pa sa amin sina Olap. Kaya kumaway na lang din ako sa kanila. "Sakay na Babe" nagulat ako sa narinig ko mula kay JM, sumakay naman ako at sumunod na din siya. Miya miya ay sumakay na din si Bianca sa tabi ni Mang Ambo. Pinaandar na ni Mang Ambo ang sasakyan, mula ng umupo sa harapan si bes ay busy na siya sa phone nya at hindi man lang lumilinga sa amin. Si JM may inaabot siya sa may likuran namin. "heto" sabi nya at naramdaman ko na lang na inangat nya ang ulo ko sa pagkakasandal at inilagay nya yung unan sa ilalim ng ulo ko. "yan para kumportable ka" sabay hawak sa kamay ko, sumandal na siya at pumikit na. Lahat ng ito ay bago para sa akin, hindi ko alam kung paano ko ito susuklian. Natatawa ako sa kakaibang pakiramdam ko ngayon. At the age of 27 masasabi kong sobrang late bloomer ako. Napabukas ang mata ko at sa pagmulat ko nakita kong nasa harapan kami ng bahay namin sa laguna. Muli kong ipinikit ang mata ko sa pagkakaakala kong nananaginip lang ako. "Babe open your eyes, nandito na tayo" bulong ni JM sa akin. Unti unti ko muling iminulat ang mata ko, kinusot ko pa ito. Hindi ako nananaginip dahil nandito nga kami sa bahay namin sa Laguna. Mahaba na din pala ang naitulog ko. Hindi ko alam na naman kung ano ang sasabihin ko. Muli inilalayan nya akong makababa. Inayos ko agad ang sarili ko nakakahiya baka bad breath ako dahil naka tulog ako mula Quezon hanggang dito sa amin. Nakita ko na agad si Lola na inaalalayan ni France. Natutuwa ako sa mga nakikita kong pagbabago sa Lola ko, halos magdadalawang linggo akong hindi nakakadalaw sa hectic ng schedule ko sa trabaho. Pero ang sarap sa pakiramdam ng mga nakikita ko ngayon. Nakakalakad na ng ayos ang Lola although ang kaliwang braso nya ay nananatiling parang may iniipit hindi pa nya ito lubusang naigagalaw. Napatakbo ako sa tuwa at nayakap ang Lola ko. "La-" ang tanging nausal ko at naiyak na ako. "Sabi ko na nga ba at matutuwa ka inilihim muna namin sayo para masorpresa ka namin ng kapatid mo." saad ng lola habang pinupunasan ang mga luha ko. Napatingin ako sa gawi ng kapatid ko at nakita kong sa iba siya naka tingin. Kaya inayos ko na ang sarili ko at pinalapit sina Bianca at JM sa amin. "Lola, France, kilala nyo na po si Bianca diba po." sabi ko at tumango naman sila. "Siya naman po si JM, kaibigan namin ni Bianca." pakilala ko kay JM. "JM ang Lola Rose ko at ang kapatid kong si France." pakilala ko sa kanila. Bigla akong kinabahan ng lumakad si JM sa kinaroroonan namin ng Lola at biglang nagmano dito. "mano po, magandang umaga po sa inyo Lola Rose" bati nya sa matanda at ngumiti ang lola sa kanya. "hi France!" bati nya dito. "hello po kuya JM" saad naman ng kapatid ko na siyang nagpagulat sa akin. "lagi kang nababanggit ni ate Bianca sa mga chats namin kaya naikukwento na din kita sa lola." patuloy pa niya. Nakaramdam ako ng pagtatambol sa dibdib ko, tumungo na lang ako dahil di ko kayang makasalubong ang tingin ni JM at ng Lola ko. "bwisit ka bes inunahan mo na naman ako" sa isip ko lang. "La hindi na po kami magtatagal at may laban po kasi mamaya ng basketball itong future apo nyo" singit ni bes. "ahh ganun ba ok lang yun ang mahalaga ay nakita ko ang apo kong masaya at maayos" sagot ni lola "basketball player ka nga pala ihjo, naku kung nabubuhay ang lolo Que mo matutuwa yun dahil hilig nya ang larong yan." hirit pa ng lola na kanina pa pinipisil pisil ang kamay ni JM "hayaan nyo po Lola kapag pwede na po kayong iluwas, sisiguraduhin ko po na makakapanood po kayo ng game namin live sa arena." paninigurado ni JM "aba talaga ba? paghahandaan ko yan at salamat ihjo" nakangiting sagot ng lola. Ngayon ko na lang muli siya nakitang ganyan kasaya at parang maluha luha pa siya. Nagpaalam na kami sa pamilya ko, at nag abot din ako para sa susunod na linggong pangangailangan nila. "ikaw ate ha, hindi ka nagku-kwento buti na lang at madaldal si ate Bianca." hinila ako ng kapatid ko "gusto ko sana personal eh wala naunahan na ako ni bes" explain ko sa kanya. "okay siya ate ha, gusto namin siya ng lola para sayo." sabay kurot sa akin "kaya nung magtext si ate Bianca kaninang madaling araw inayos ko agad ang bahay akala ko kasi magtatagal kayo." may lungkot pa sa mukha nya. Kaya naman niyakap ko agad siya. "babawi si ate sa birthday ng lola, promise." at niyakap ko ulit siya. Bumaling ako sa lola ko at niyakap ko siya ng mahigpit "dadalaw ulit po ako sisiguraduhin kong magtatagal ako lola" sabay halik ko sa ulo niya. Pero may ibang kinang sa mga mata ng lola ko habang nakatitig sya sa akin. Nakasakay na kami ng van pauwi ng Manila at nagwa-wave na ako sa pamilya ko, umaandar na din ang van palayo sa kanila may lungkot ako sa puso sa tuwing papalayo ako sa kanila parang may kumukurot sa puso kapag iniiwan ko sila. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. "Are you alright? ...here" tanong nya sa akin habang inaabutan ako ng tissue. "thank you, hindi ko alam kung pano ako magta-thank you talaga sayo“ sabi ko sa kanya habang pinapahiran ko ang mga luha ko "malaki yung nagawa mong ito para sa akin, sobra ko na silang namiss." patuloy ko. Hindi siya nagsalita pero inilihig niya sa kanyang dibdib ang ulo ko, habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganung posisyon. Dahil ng mag angat ako ng ulo ko nakita kong tulog na si JM at nakatulog din pala ako. Nasa may bandang Pasay na kami, malapit na pala kami sa bahay. Pilit kong inabot nang kulbit sa Bianca na busy na naman sa phone nya. "o gising ka na pala" lingon nya sa gawi ko at nag aalis pa ng headset. "nakatulog ka ba?" tanong ko "sa bahay na ko para darecho na" sagot niya Binalingan ko naman si Mang Ambo. "ayos lang po ba kayo Mang Ambo?" tanong ko sa kanya "ayos lang ako Avy, basta makita ko nang masaya yang alaga ko" sagot niya sa akin. Napatingin ako kay JM na himbing na himbing sa pagkakatulog nya. Para akong nanonood ng isang higanteng natutulog. Malaking tao si JM may taas siyang 6'11 kaya para akong lumiit kapag siya ang kadikit ko kahit na 5'6 ang taas ko. Huminto na ang sasakyan namin at sinabi ko kay Mang Ambo na dahan dahan lang namin ibaba ang mga gamit at sa condo na niya gising si JM para makapag pahinga pa siya ng mahaba. Iniisip ko kasi ilang oras na lang at game na nila. -------------------------- JM's POV Ang sarap sa pakiramdam ko na napasaya ko siya. Alam ko na subsob siya sa trabaho at ilang araw na din siyang puyat at halos hindi kumpleto ang pahinga. Kaya gumawa ako ng paraan upang mapasaya ko siya. Tinawagan ko si Bianca umaga palang ng huling araw ng shoot nila sa Quezon. "hello Papa JM, hindi pa siya tapos eh maya kana tawag." "Bianca hindi, ikaw ang sadya ko talaga kaya nga ikaw tinawagan ko" "bakit Papa JM ano ba ang prob, meron ba?" "wala naman gusto ko lang alamin kung ano ang makakapag pasaya sa kanya after ng stress nya sa trabaho?" "yun lang pala eh, isa lang ang makita ang pamilya nya sa Laguna." "anong oras tapos nyo? nasa practise pa ako para sa game bukas." "madaling araw na panigurado dahil tinatapos na ngayon yung shoot." "ok sige saan ba yan at susunduin ko na kayo, para darecho tayo sa kanila sa Laguna." "talaga Papa JM, suuuurre wait lang i te-text ko sayo yung exact location namin." "ok thanks bye." binaba ko na agad ang phone ko dahil nabibingi ako sa kakatili ni Bianca. Kung gaano ka-excited si Bianca halos doble nun ang nararamdaman ko. Halos liparin namin ni Mang Ambo ang Quezon, nabaliwala ang lahat ng pagod ko mula sa practise nang makita ko siya, lalo na nung mahawakan kong muli ang kamay niya. Habang nasa biyahe kami ay tinititigan ko ang mukha nya na mala anghel habang natutulog siya. At halos maluha ako ng makita ko ang pagkikita nila ng lola niya. Sabik na sabik siya sa yakap nila. Saglit lang kami at hindi na nagtagal dahil may game pa ako mamaya at kailangan din niya magpahinga. Sa biyahe pabalik sa Manila ay inilagay ko ang ulo nya sa aking dibdib upang makapag pahinga ulit siya. Ngunit pati ako ay nakatulog rin kaya hindi ko namalayan na nasa parking na kami ng condo at ni hindi ko namalayan ang pagbaba nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD