May ilang araw na din simula nung huli ko siyang makita, sa kwento ni Bianca ang akala ni Avy ay sa kanya ako nanliligaw kaya medyo naguluhan ito sa sinabi ni Sister Adette, hindi daw niya ito pinansin at tinulugan na lang.
Nandito ako ngayon sa arena maaga kaming dumating ng team ngayon para paghandaan ang laban. Naalala ko itext si Bianca.
*Bianca may extra ticket ako para sa inyo ni Avy pakikuha kay Mang Ambo.
Sana pwede sya eto dasal ko para akong bata high school lang sa pakiramdam. Naramdaman ko nagvibrate ang phone ko.
Bianca SMFC:
*Papa JM wrong timing nagtext ako sa kanya pero nasa Laguna siya dumalaw sa family niya.
Para akong nanlumo sa binasa ko nireplyan ko na lang agad si Bianca.
*kita na lang tayo maya.
Nagvibrate ulit ang phone ko pero hindi ko na iyon pinansin nagfocus na lang ako sa sinasabi ng mga coach.
----------------------------
Natapos ang game at nanalo kami pero palpak ang laro ko.
"next time kasi agahan mo ang sabi hindi yung ora-mismo hmp!" si Bianca habang palapit sa akin sa parking area.
"sabay ka sa akin wala si Mang Ambo may sakit eh" yaya ko sa kanya.
"wrong timing ka talaga Papa JM, may dala akong kotse" sabay taas pa ng susi nya. "geh dumalaw ka bukas sa bahay ako bahala." pahabol pa nya habang naglalakad papuntang kotse nya.
Sumakay na ako sa dala kong sasakyan at nakita kong may five message ako sa phone ko, bago ko i-start ang makina tiningnan ko muna kung kaninong message. tatlong message mula kay Bianca, isa kay Mang Ambo, at isa number lang. Una kong binasa ang kay Mang Ambo.
*Congrats JM.
Bawi ako bukas maayos na ako.
Napangiti na lang ako at buti pa si Mang Ambo naaalala ako. At ayos din na maayos na siya. Sinunod kong basahin ang kay Bianca.
*good luck sa game later!
ok kita kits :*
*may nagtext na ba sayo?
*matuto ka naman mag thank you haist.
Ano bang sinasabi nito ni Bianca.
Ini-start ko na ang makina, paalis na sana ako ng makita kong tumatawag si Bianca.
"hayyy salamat sinagot mo din" sabi nya agad lumabas muna kasi ako ng parking bago ko sinagot ang tawag nya.
"sorry nagdrive na kasi ako, ano yung dapat ko i-thank you?" tanong ko sa kanya.
"alam mo Papa JM ang gwapo mo pa naman pero kung gaano ka kalaki eh ganyan din kalaki ang kahinaan mo sa babae!" sigaw pa niya sa kabilang linya. Napahinto ako kaya binusinahan ako ng nasa likod ko, kaya pinaandar ko agad.
"Bianca wait lang ha may babasahin lang ako tawagan kita." pinutol ko na agad ang tawag ni Bianca at binasa ko yung isang message na hindi ko pinansin.
Laking gulat ko ng mabasa ko yung text na nakapagpabago ng mood ko.
*Hi its me Avy, I've watch the game. Congrats for the win :)
by the way Bianca sends ur number idk why :)
Mayayakap kita Bianca sobra napapailing na lang ako habang nagda-drive.
Nasa condo ko na ako sa BGC after an hour of driving. Sobrang saya ko grabe kaya dali dali ko nireplyan si Avy
*hello sorry late reply. thank you nanood ka pala.
Hindi ko alam ang sasabihin ko yun lang sinend ko na agad. Para akong tanga teenager ang dating sa pakiramdam. Nagreply siya ang lakas ng t***k ng puso ko.
*ok lang alam ko namang pagod ka. hindi ko na din inexpect ang reply mo :)
Nalungkot ako bahagya pero baka namisinterpret ko lang kaya nagreply ako ulit.
*bakit naman?
Pero this time medyo matagal ata siya magreply, tiningnan ko ang orasan at 11:39pm na pala baka nagpapahinga na siya.
Nagmessage na lang ako kay Bianca imbis na tawagan siya at baka natutulog na din siya, nagpasalamat ako sa tulong niya.
Nagreply si Bianca gising pa pala.
*no prob tom uwi niya visit us hre nite! :*
Nakakatuwa talaga si Bianca kung hindi dahil sa kanya para akong tangang nagmumukmok dito sa condo.
---------------------
JAVE's POV
Nakabalik na ako ng Manila kailangan ko maghanda para next week. Iniwanan ko nang pang gastos sina Lola at France para sa loob ng dalawang linggo, sinobrahan ko talaga baka kasi may kailanganin sila.
Aba at mukhang hiyang ng bestfriend ko ang may manliligaw. Malinis ang bahay at mabango, iba na talaga kapag inlove.
"Bes nandito na ako" sigaw ko sa kanya habang papasok ako ng bahay.
Medyo napaatras pa ako kasi napahiya ako sa pagsigaw ko. May bisita pala si bes, kaya pala may blue ashton martin two door sa may harapan hindi ko naman napuna.
"hi Avy" bati ng bisita nya pero bakit parang iba yata tingin nito sa akin. Nakakakaba ang titig nya.
"bruha hi daw sabi ni Papa JM" singhal ni bes sa akin.
"hello sorry, sumisigaw ako papasok" napasandak ako sa pinto habang sinasabi ko yun.
"ok lang yun, kamusta sa Laguna pati ang Lola Rose mo?" tanong ni JM
Nagulat ako dahil kilala ba nya lola ko?! "ahh ok naman sa Laguna pati ang lola ko, paano mo nakilala pala ang lola ko? " napausal ko bigla
Pero imbis na sumagot siya tumingin siya kay bes at ang bes ko naman pumasok sa kitchen. Kaya napa nginti na lang ako, ang daldal mo talaga bes wala ba kayong ibang mapag usapan at pati ako tsinismis mo na yata.
Tumayo si JM at may kinuha sa kaliwa niya. "woahh peach tulips, fave flower ko" bulong ko sa sarili ko. Nakita kong nakangiti sya sa akin at para akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.
Kakaiba yung titig niya sa akin na para bang may mga paru paro sa tyan ko na nagmamarsta.
Hindi ko namalayang nakalapit na sa akin si JM.
"for you" naka ngiti siya habang inaabot sa akin ang isang bouquet na peach tulips. Hindi maalis sa mukha nya ang pagkakangiti nya lalo na nang inabot ko ang mga bulaklak.
"para sa akin" kunot noo ko at sabay turo ko pa sa sarili ko, tanong ko sa kanya at tumango tango pa siya.
Hindi ko alam kung paano konnasabi "t-thank you" nabubulol ako yun lang nasabi ko nabigla ako.
At sa totoo lang sasabog ata ang dibdib ko sa sobrang pagdagungdong nito.
Alam kong nagba-blush ako kaya hindi ako makatingin sa kanya ng darecho.
"yessss... 2 points from JM Fajardo!" sigaw ni bes na biglang sumulpot galing kusina. May dala dala siyang softdrinks at chips.
"Bes.. lower your voice." saway ko sa kanya.
"hmp! o ayan pinaghanda ko kayo ng makukukot." sabay lapag ng dala nya. "clear na syo yung tanong mo sa akin ha kung bakit ganun sinabi ni Sister." at pinandilatan pa nya ako ng mata bago pa nya kami iwan.
Ngumiti muna ako kay JM bago ko iminuwestra na maupo siya.
Medyo tahimik hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko. Pinagpapawisan ako na nilalamig ewan hindi ko maiexplain ang nararamdaman ko.
"Ahmm Avy, I know that it was too early but.." napapakagat siya sa ibabang labi nya and I find it sexy grabe. "p-pwede ba a-ako ma-manligaw sayo?" nauutal pa na putol ni JM sa katahimikan namin.