Nandito ako ngayon sa office ni Olap may meeting kami kasama yung may ari ng clothing line na sinasabi nya nung huling rampa ko.
Hindi ko kasama si Bianca ngayon dahil aasikasuhin nya yung paupahan dahil may maglilipat ngayong araw.
Ilang araw na din ang nagdaan mula nung magpunta kami ng Pampangga, pero mula noon hanggang ngayon hindi ko pa din malimutan ang mga pangyayari. Ume-echo pa din sa pandinig ko ang mga katagang binitawan nya kay Sister Adette
"hindi naman sana" napapaisip ako sa mga katagang yun. Kahit nasa van kami wala naman silang ipinaliwanag sa akin ni Bianca kaya hindi na rin ako nagtanong pa sa buong biyahe hanggang sa kumain kami parang walang nangyari at iba ang topic.
"hey Avt ano ba lutang ka na naman dyan?" biglang putol sa aking pagmumuni muni ni Olap "may problema ba?" tanong nya at nakataas pa ang kilay.
"wala naman po mother medyo namiss ko lang po ang lola ko kaya natitigilan ako." palusot ko lang. Mahirap macorner ng baklitay na ito.
"so paano okey ka na ba sa contract na ito kay Mrs. Perez?" tanong nya sa akin.
"oo walang problema" nginitian ko pa sya at bumaling ako kay Mrs. Perez ang may ari ng imo-model kong clothing line "pipirmahan ko na po wala naman pong hindi sang ayon sa mga requirements ko po." dali dali kong sinabi kay Mrs. Perez nakakahiya kasi yung ginawa ko. Binasa ko na naman ng dalawang beses ahead of time yung contract kaya alam ko na ang nilalaman nun.
--------------------------
"ikaw talagang babae ka, buti na lang at bumawi ka sa huli naku nakakabaliw ka talaga!" bulyaw sa akin ni Olap pagkabalik nya sa office, hinatid kasi nya sa may elevator sina Mrs. Perez.
"sorry na nga mother hindi lang maiwasan eh" paghingi ko ng paumanhin
"magready ka na next week ok at full pack ang sched mo dahil ihahabol yung pictorial mo para sa susunod na issue ng magazine ng mga Perez." paalala nya sa akin.
"opo mother wala naman ako ibang event diba?"
"aba talagang wala na dahil nakapirma ka na sa kanila that only means exclusive ka lang para sa company nila!"
Saka ko lang naalala kasama nga pala sa contract ang exclusive na ako sa company nila.
Naisipan kong dumalaw sa Laguna sa mga lola ko at kapatid ko dahil busy ako next week wala akong time para dalawain sila. Kaya dumarecho na ako ng sakay ng bus pa-Laguna after ko magpaalam kay Olap.
Nasa bus na ako tinatahak na namin ang kahabaan ng SLEX ng magvibrate ang phone ko.
Bianca: what time uwi mo? watch tayo game ng SM may extra ticket ako.
Text galing kay Bianca, nalimutan ko nga pala magpaalam sa kanya.
Me: pauwi ako Laguna nasa bus na ako. Sorry hindi ko agad nasabi sayo, biglaan lang uwi ko.
Reply ko sa kanya.
Bianca: nakakainis ka hmf! ok fine!
Reply nya.
Hindi ko na sya nireplyan pa. Ipinilit ko na lang sa byahe ang mata ko pero hindi ako makatulog, hanggang sa makababa na ako ng bus.
Isang sakay pa ng jeep at tricycle ang papunta sa amin. Nakita ko ang kapatid kong nag sasamsam ng sinampay alas dos y media ng hapon.
"ate.. ate ikaw nga!" sigaw nya "la nandito ang ate" patakbo nya akong sinalubong.
"kung makasigaw ka wagas baka magulat ang lola" sabay akbay ko sa kapatid ko.
Nakita ko ng iika ika ang lola ko na pilit sumasalubong sa akin kaya napapunta ako agad sa kanya.
"la wag ka na lumabas eto na po ako." salubong ko sa kanya.
"bakit naman biglaan ang uwi mo hindi ka man lang nagpasabi"
"naku la magiging busy next week ang apo nyo kaya biglaan po talaga"
sagot ko sa kanya. At pinaupo ko na sya sa upuan nyang tumba tumba. Hawak ko ang kamay nya at nagkwentuhan kami.
Hindi ko namalayan ang oras at gabi na pala halos ala sais na ng gabi kaya naghahanda na ng hapunan si France. Nagpaalam muna ako sa lola ko at tinulungan ang kapatid ko magluto.
----------------------------
JM's POV
Nakasakay na kami ng van pabalik ng Manila may practise pa kasi ang team ng 5pm kaya saglit lang ako nakadalaw kina Sister Adette. Twice a year ko ginagawa ito kaya naman nakakatuwang kilala na ako ni Sister Adette. Nakakahiya lang talaga kay Avy na kaibigan ni Bianca na kaibigan ko mula sa fan club ng team.
At nabigla ako sa mga naging palitan ng usapan nila Sister at Bianca hiyang hiya ako kay Avy, kahapon lang kami nagkakilala pero iba tama sa akin ng babaeng ito. Parang may kung anong humahalukay sa katauhan ko kapag nahuhuli nya akong nakatitig sa kanya.
Lalo na nung hawakan nya ang tuhod ko at tapikin yun,
"JM, JM --" hindi ko na maalala ang ibang sinabi nya dahil halos malasing ako sa kakaibang sensasyon ng pagtapik nya. Sa totoo lang hindi naman ako tulog, mula Manila hanggang Pampangga ay pinapanood ko lang ang bawat kilos nya at yung time na tinitigan nya ako na halos hindi ko ma magawang huminga.
"JM dito na lang ba tayo magtatanghalian?" tanong ni Mang Ambo basag nya sa katahimikan sa van, driver ko siya high school palang ako siya na lagi ko kasama. Marunong naman ako magdrive pero kapag may laro o practise siya pinagda-drive ko.
"okey lang ba sa inyo kung dito na lang tayo maglunch medyo late na kasi at malayo layo pa byahe natin?" tanong ko sa kanila pero kay Bianca lang ako nakatingin, hindi ko talaga magawang tignan sya ngayon.
"cow boy kami okey lang kahit saan" sagot naman ni Bianca. "o tayo na baba na at baka hindi ka umabot sa practise nyo mamaya." habol pa ni Bianca.
Bumaba na kami at inalalayan ko siya sa pagbaba, pakiramdam ko ramdam nya ang panlalamig ng kamay ko sa sobrang kaba.
Nang makaupo kami ay agad na akong umorder na pagkain para sa aming apat. Nagpaalam si Avy na magwashroom lang daw siya kaya nakakuha ako ng pagkakataon na makausap si Bianca
"Hindi ba masyadong obvious yung kanina?" tanong ko agad ng makalayo si Avy.
"Paano naman ang torpe mo, ano kaba bago mo pa kasi aminin kagabi na gusto mo kaibigan ko alam na naming lahat sa fan club na may pagkakagusto ka sa kanya."
Takang taka ako paano nila yun nalaman "paano nyo naman nalaman?" tanong ko agad.
"Haist., ano ka ba nung unang beses na isinama ko siya sa meeting at unang beses mo siya makita, tinanong mo na agad sa akin pangalan nya." umismid pa sa akin si Bianca "tapos the whole time sa meeting tahimik ka lang paano yung mata mo busy kakatitig sa kaibigan ko." patuloy nya.
"tsk yun lang ano yun?" asar ko sa kanya.
"anong yun lang hoy alam kaya naming ikaw ang nagpabigay ng buko shake sa kanya, nakita ni Amy na may dalang buko shake si Mang Ambo."
"yun lang baka si Mang Ambo naman ang nagpabigay?"
"ahh sinusubukan mo ako Papa JM ha, alam ko yung patanong tanong ni Mang Ambo kung ano sched ko kapag walang practise or game. diba Mang Ambo?" sabay tapik sa kakamot kamot na si Mang Ambo.
"sus malay mo naman at ibang player nagpapatanong nun ikaw Bianca ha!"
"echos mo Papa JM, eh paano mo naman malulusutan yung ginawa mong pagtakbo nung makita mong may dalawang lalaking nakaupo na sa table nya kagabi ha. At pwede mo naman sabihing kaibigan, pinsan, o kapatid mo sya pero hello ang sabi mo ay GIRLFRIEND mo siya sa mga ugok na nambastos sa kanya?" sabay dila pa sa akin ni Bianca. Ramdam kong namumula na naman tenga ko patay.
Nakita kong pabalik na si Jave.
"Change topic na muna nandyan na siya nahihiya ako sa kanya. Wag ka muna magsasalita sa kanya ok." bulong ko.
"Aminin mo muna na gusto mo siya?" pahabol pa ni Bianca.
"tsk tama na muna yan." saway ko
"ano hindi mo aaminin o ibubulgar ko pagsunod mo sa amin kapag may fashion event sya at nakabantay ka ha?" pang aasar pa din nya sa akin. Pero s**t kasi bakit alam nya naku naman sukol na ata ako ahh..
"okey malapit na sya baha--"
"tsk hindi ko sya gusto Bianca..."
.
.
.
.
"gustong gusto ko siya at mahal ko na nga ata talaga siya." putol ko sa kanya bago pa makaupo si Avy.
Dumating na din yung order ko para sa amin just right in time para maiwasan yung topic namin ni Bianca. Tahimik lang kaming kumain at may time na may pinag uusapan kami ni Bianca about sa mga game.