Chapter 2

1212 Words
Nagising ako ng maaga, at sumagi sa isip ko kung ang mga nangyari kagabi. Alam kong may iba kagabi dahil hindi naman ganun kumilos si bes may extra ang pagka hyper nya. Inayos ko muna ang kwarto ko bago ako nagpasyang lumabas para magbreakfast, paglabas ko ay laking gulat ko dahil paglabas ko sa salas malinis ang buong bahay at mabango. Nakita kong bagong paligo na din si Bianca. Hindi niya ugali ang maligo ng maaga at ang maglinis ng bahay. Kaya nakakapanibago si bes talagang may dapat akong malaman yata. "Gising ka na pala, kumain kana at maligo ha" sabi pa niya "magbihis ka ha aalis tayo may susundo sa atin." pahabol pa nya sabay pasok ng kwarto nya. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil naisara na nya ang pintuan. "anong meron nadwende ba ang isang yun?" bulong ko sa sarili ko. Nagtungo na ako sa kitchen para magbreakfast. Beep beeeep... May bumusina sa labas agad kong sinilip yon mula sa bintana ng kwarto ko. Nakita ko pang lumabas ng gate si Bianca. All smile at wait lang iba ang awra ng bes ko, laking gulat ko ng bumaba si JM sa kulang puting toyota grandia. "siya siguro ang sundo namin" naibulong ko na lang muli sa sarili ko. Infairness ha naka kakhi pants siya at naka plain white V-neck tshirt lang sya at simpleng adidas mens half shoes. Aba may mode of fashion naman pala ang manliligaw ng bes ko. Oo tama manliligaw dahil yan ang pakiramdam ko kaya blooming si bes. Inayos ko muna ang sarili ko naka denim jeans, white top shirt, at roshan nike shoes ako. Hindi ko naman alam na magkakapareho kami. tok tok tok.. "bes ready kana ba, nandito na sila?!" si Bianca at kumatok pa ulit Binuksan ko ang pinto at sinalubong siya ng ngiti. "tapos na po, pwede bang paki bawasan ng kaunti ang ngiti mo at abot tainga mo na yan" banat ko sa kanya habang isinusukbit ang bagpack ko. "loka ka talaga bes" sagot ni bes sabay kurot sa tagiliran ko. "kung ako lang naku kulang pa toh noh hmf!" sabay hila sa akin. Nakita kong tumayo sa sofa si JM at tumingin siya sa amin ni Bianca. "Good morning, Avy." bati nito sabay ngiti. at yung titig nya kakaiba titig na titig sya. "Good morning din sir JM." bati ko din sa kanya. "ano ka ba bes JM na lang walang sir matanda ka pa nga ng 3years dyan kay papa JM eh" sabat ni Bianca. "hala, ganun ba ok sabi mo bes eh.." kaya nagkatawan na lang kaming tatlo. ---------------------------- Nasa biyahe na kami ngayon papuntang pampanga. May dadalawin pala siyang isang organisasyon ang St. Theresa bahay kalinga para sa matatanda foundation. Matagal na pala nyang sinusuportahan ang foundation na ito. Laki pala siya sa kanyang mga lolo at lola kaya ng mawala na ang mga ito natutong tumulong si JM sa mga matatandang kinukupkop ng foundation. Ibinababa ko muna ang librong binabasa ko kaya nahagip ng mata ko si JM na naupo sa harapan ko, nakasandal siya at may suot na shades kaya naman hindi ko malaman kung tulog ba siya o hindi. Ibinaling ko na lang mga mata ko sa mga nadadaanan namin. Tulog si bes tabi ko at mukhang napagod sa paglilinis ng bahay kanina. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa makarating kami sa isang lumang bahay na parang panahon pa ng mga kastila ang pagkakaayos nito. Tumigil na ang sasakyan at may isang madre ang lumabas mula sa bahay. "nandito na tayo JM" sabi ni Mang Ambo ang driver nya. Ngunit hindi kumilos si JM mukhang napasaraop ata ang tulog. "bes gising na nandito na tayo" gising ko kay Bianca. Tinititigan ko siya kung kikilos siya pero mukhang tulog pa din siya. "JM, JM" pabulong kong gising sa kanya, habang tinatapik ko ang tuhod nya ng mahina. Nag alis sya ng shades nya at dumungaw sa bintana. Nakababa na sina Manong at Bianca. Bumaba na din si JM at saka nya ako inalalayan bumaba. "thank you sa pag gising" bulong nya habang nakaalalay sa akin "ok lang, wala yun" sagot ko naman. Nilapitan nya ang madreng sumalubong sa amin. Ayon kay manong twice a year kung dumalaw sila dito para magbigay ng tulong sa mga matatandang kinukupkop ng foundation. At talagang hindi daw ito nalilimutan ni JM. "Tayo sa loob" sigaw nya sa amin. Kaya sumunod na din kami sa kanila. Napansin kong may inilalabas si manong at ilang kabataan mula sa likuran ng van na sinakyan namin. Mga naka kahon ito at ipinapasok sa isa pang silid. "Upo muna kayo tatawagin ko lang si Sister Adette." sabi ng madreng sumalubong sa amin. Tumango lang kaming lahat. At miya miya ay may pumasok na muli sa silid kung saan kami nandoon. "JM ihjo, salamat sa muling pagbista." maluha luhang yumakap ang matanda kay JM at ibinalik din naman ng huli ang yakap din para sa matanda. "Sister Adette magandang araw po." sabi ni JM habang yakap ang madre. Siguro mga nasa late 70's na ang madre ngunit malakas pa ito. Bumaling ang tingin nya sa amin ni Bianca. "aba ihjo, may magagandang dilag ka pa lang kasama." sabay ngiti sa amin ng madre. "opo Sister mga kaibigan ki. Sina Bianca at Avy po." pakilala sa amin ni JM "Magandang araw po Sister Adette" bati ni Bianca at ganun din ang bati ko sa kanya. "Naku ihjo sino ba sa kanila ang iyong napupusuan?" biglang tanong ng madre na siyang ikina pula ng tenga at mukha ni JM. "Naku sister mahina manok natin torpe po.!" biglang sambit ni Bianca. Napatingin ako kay JM at kitang kita ko sa mata nya ang kakaibang expresion. "tingnan nyo po sister nagkakasya yan sa pagtingin tingin lang." paghabol pa ni bes. Yan ang bestfriend ko di makapag hintay laging excited. "naku JM baka maunahan ka pa ng iba ha, bilisan mo." tukso pa ni sister. "hindi naman po sana sister." sagot ni JM na halos hindi na maiangat ang mukha. "Avy ihja, may iba pa bang nanliligaw sayo?" tanong ni sister sa akin na ikinagulat ko. "po? ahh wala naman po" pagtataka kong sagot. Nakita kong umiiling si JM at kinindatan pa siya ni Bianca. Buti na lang at dumating na Mang Ambo at naiayos na daw lahat ang mga dala nila para sa mga matatanda at para sa mga madre. Ilang sandali pang nagkwentuhan sina Sister Adette at si JM. Hanggang sa magpaalam na din si JM, dahil halos magtatanghalian na din. "sigurado ba kayong hindi na kayo dito kakain ng tanghalian?" tanong pa ng madre. "hindi na po sa expressway na po may hinahabol pa po kasi kami Sister Adette" malumanay na sagot ni JM. "o siya kung gayon mag iingat kayo sa byahe at pagpalain nawa kayo ng panginoon." paalala ni sister. "sana sa susunod na bisita nyo sa amin ay may maibabalita nyo na sa akin na kabiyak mo na itong si Avy ha JM?" pahabol pa ni sister. Napapakamot pa sa ulo nya si JM "opo sana sister." sagot nya ba ikinagulat ko at alam kong namumula ako ngayon. Panay naman ang kurot sa akin ng bes ko na ewan ko kung bakit nabaligtad ang akala ko ay siya ang nagugustuhan nitong si JM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD