NATIGILAN si Hanna Rose ng bigla siyang harangan ng grupo ni Brando. Ang lalaking panay papansin sa kanya. Napalunok siya nang ngisihan siya nito. Hanggang sa dahan-dahang lumapit na tila may masamang binabalak! Akmang tatalikod siya nang makitang nasa likuran na niya ang dalawang kaibigan nito na kumaway pa sa kanya. "Hi, baby." Biglang napasinghap si Hanna ng hawakan nito ang braso niya. Pilit niya iyong hinihila ngunit masyado itong malakas. "A-ano bang kailangan mo, Brando? Kailangan ko nang umuwi, naghihintay na ang inay ko." Marahan itong umiling. "Kumain muna tayo, Hanna. Maaga pa naman, ihahatid na lang kita," wika nito na may ngisi sa labi. Bago pa makapagsalita si Hanna, kaagad nitong hinila ang braso niya na labis niyang ikinatakot! "Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Hindi

