HABANG nasa loob ng sasakyan, hindi na mawala-wala ang kasabikan ni Kenneth sa isiping makikita niyang muli si Hanna Rose. Ilang minuto lang ang lumipas, agad silang nakarating sa bahay ng mga ito. Simple lang iyon ngunit malinis ang buong paligid. Nakangiting sinalubong sila ni Mang Kanor. "Magandang umaga ho, Don Dante," at saka siya nito binalingan. At tulad ng dati, inabot niya ang kamay nito upang magmano. "Magandang umaga ho.." Lalong napangiti ang Lolo Dante niya. "Napakabait ng apo niyo, Don." Bahagya itong napakamot sa batok na tila nahihiya. Marahang natawa ang kanyang Lolo Dante. Hanggang sa yayain silang makapasok sa loob. Agad naglumikot ang mga mata ni Kenneth, ngunit isang ginang ang lumabas mula sa kuwarto. "Rosalinda!" "Magandang umaga ho, Don Dante." Kapan

