KABANATA 6

1498 Words
"C'mon, bro! Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" natatawang nang-aasar na ani ni Calvin. Naramdaman ni Kenneth ang pagsunod nito patungo sa kuwarto, inililigpit niya ang dadalhin sa opisina. At dahil bukod ito nang kakulitan, tiyak na 'di siya makakalabas nang hindi nito nakukuha ang sagot mula sa kanya. "Sino nga siya? Babae mo, o kasintahan mo?" tanong nitong muli. Umupo pa sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. "What do you think?" balik-tanong ni Kenneth sa kaibigan. Umarko pa ang gilid ng labi niya nang taasan siya nito ng kilay. "Hindi ako manghuhula, bro. Pero kung pagmamasdan, ibang-iba siya sa mga babaeng ikinakama mo lang!" Tumaas ang sulok ng labi nito. Natahimik naman si Kenneth. "So, girlfriend mo siya?" Lalong hindi nakakibo si Kenneth. Nang bigla itong pumalatak, tumayo ito at biglang namaywang sa harapan niya. "Kung hindi mo siya girlfriend, bakit mo siya nagawang imbitahan dito sa penthouse mo? Kung hindi ako nagkakamali, walang sinomang ka-fling mo ang inimbitahan mo sa bahay na ito. Kaya nga, labas-masok kami rito, tapos magugulat na lang ako may magandang dilag --" "She's not my girlfriend." Na siyang ikinahinto nito. Napaawang pa ang bibig nito na ikinangisi ni Kenneth. Nang lagpasan niya ito upang lumabas ng kuwarto, nagmamadali itong humarang sa daraanan niya. Napakamot naman siya sa kilay. Hangga't hindi malinaw dito ang lahat, hindi siya nito tatantanan. Ganoon ang mga kaibigan niya. Laking pasalamat nga ni Kenneth at wala iyong dalawa na mas makulit pa dito. Siguradong matinding pang-aasar ang gagawin ng mga ito sa kanya. "Ka-fling mo siya?!" Hindi agad nakasagot si Kenneth. Tila may tumatanggi sa kaibuturan ng puso niya. Hindi ang tipo ni Hanna ang masabihang ka fling. Pero alam niyang iyon ang totoo. Pumayag itong maging isa sa mga babae niya. Ang totoo, nagulat siya nang pumayag ito dahil wala sa itsura nito na papatulan ang kagaya niyang babaero. Tahimik itong babae at mahinhin, hindi ito kagaya ng mga babaeng ikinakama niya lang. Makikita rin sa galawan at pananalita nito ang pagka-edukadang tao. Nagulat man siya dahil sa pagpayag nito, nasa puso pa rin niya ang kasiyahan dahil sa unang kita pa lang niya rito, alam niyang natipuhan niya agad ang dalaga. Kahit hindi talaga siya pumapatol sa mga empleyado niya, binali niya ang rules na iyon nang dahil dito. Hindi maintindihan ni Kenneth kung bakit nakuha nito ang interes niya. Tipong hindi ito nagpakita ng kalandian o pang-aakit sa kanya, pero nakuha pa rin talaga nito ang interes niya. Hindi nga maintindihan ni Kenneth kung na love at first sight ba siya sa dalaga, ngunit kaagad niya iyong iwinaksi dahil wala sa tipo niya ang magmahal. ISANG tango ang pinakawalan ni Kenneth. "What?" Marahan siyang natawa sa naging reaksyon nito. "Kailan ka pa nagdala ng ka-fling mo dito?" Nilagpasan niya ito ngunit agad itong sumunod. Gusto niyang matawa at seryoso ang gumuhit sa mukha nito. "Ngayon lang." Binalingan niya ito. Salubong na ang kilay nito. Ngunit nagulat siya dahil sa itinanong nito. "Gusto mo ba siya? I mean, inlove ka ba sa babaeng iyon?" Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan ni Kenneth. Binalewala niya ang kabog na dumaan sa dibdib niya, lihim nga rin siyang napalunok. Kung bakit bigla siyang kinabahan sa tanong nito. "Kilala mo 'ko." Nang magpakawala ito ng buntong-hininga. "Nakakapagtaka lang at nagdala ka ng ka-fling mo sa penthouse mong ito? Sabi mo sa amin --" "She's different." Dinampot niya ang attached case at tinungo na ang pinto. Agad itong sumunod. "Mukha nga! Hindi siya katulad ng mga babae mo, na ang harot-harot!" Na siyang ikinatawa ni Kenneth. Pagkarating sa elevator, muli siya nitong hinarap. "So, bakit ka-fling mo lang siya kung iba siya sa mga babaeng ikinakama mo?" wika nito. Tinaasan pa siya ng kilay. "Halata ring may tiwala ka sa kanya at nagawa mo pang dalhin sa penthouse mo!" sabay ngisi nito. Lihim na napalunok si Kenneth. Naitanong niya rin iyon sa sarili, kung bakit magaan ang loob niya sa dalaga at tiwala siya na 'di siya nito bibigyan ng sakit ng ulo. At aaminin ni Kenneth na naaakit siya sa kahinhinan nito. Kailanman hindi ito kusang nangalabit sa kanya kagaya ng mga naging babae niya, kaya lalo siyang nat'turn on dito. Para bagang siya ang laging may kailangan. Minsan naitanong niya, bakit kaya ito pumayag na maging isa sa mga babae niya? Mukha naman itong hindi kaladkaring babae! Natatandaan pa niya ang unang pagtatalik nila, masikip ito! Sobrang sikip! Kaya nga, lalo siyang nabaliw na angkinin ito nang angkinin! Gusto niyang magtanong sa personal na buhay nito, ngunit alam nyang wala siyang karapatan lalo na't hindi naman niya ito kasintahan. Iyon din kasi ang rules niya sa mga nagiging ka-fling niya. Walang pakialaman sa personal na buhay, ngunit hindi iyon nagagawang sundin ng mga babae niya kaya agad niya itong hinihiwalayan. Tanging si Hanna Rose lang ang totoong nakapasa sa kanya. At labis siyang naku-curious sa pagkatao nito. Para bagang wala itong pakialam kung anong gawin niya o kung marami man siyang ikinama, samantalang iyong mga naging ka-fling niya, mahilig magselos kahit wala naman silang karapatang magselos! Pero si Hanna, ibang-iba. At labis siyang naku-curious sa pagkatao nito. Masyadong tahimik na kahit dumaldal pa siya nang dumaldal, nananatili ang katahimikan nito. Samantalang kailanman hindi niya nagawang magdaldal o maglambing sa mga naging ka-fling niya. At kahit kailan, hindi siya pumupunta sa tinitirhan ng mga ito. Kay Hanna lang.. Gusto niyang isiping nagugustuhan na niya ang dalaga ngunit agad niya iyong iwinawaksi at itinatanggi sa sarili. Pilit niyang isinisiksik sa sariling isipan na baka humahanga lang siya sa ugaling mayroon ito. Subalit minsan, naitanong niya rin sa sarili, talaga bang gusto siya ng dalaga? Dahil kung hindi, hindi naman siguro ito papayag na maging ka-fling niya? Ngunit ipinagtataka ni Kenneth, hindi halata sa dalaga na patay na patay ito sa kanya, kagaya ng mga naging ka-fling niya na halos mga ahas na laging pumupulupot sa kanya. Si Hanna, hindi. Pakiramdam nga niya, siya pa itong habol nang habol sa dalaga! At iyon ang labis niyang ipinagtataka, hindi naman niya gustong isipin na dahil sa yaman niya kaya ito pumayag na maging babae niya. Lalo pa't hindi naman ito humihingi nang kahit ano sa kanya kagaya ng mga naging babae niya. "Itinatanong pa ba 'yan? Alam mong hindi ako ang tipo ng taong magseseryoso, at alam mo yan. Nagkataon lang na maganda ang ugali niya kaysa sa mga naging babae ko." At saka sila lumabas ng elevator. "Talaga lang ha? Bakit ibang-iba ang galawan mo, kanina? May pahapit-hapit ka pa sa baywang niya at talagang ipinahatid mo pa sa driver mo?" Ramdam ni Kenneth ang bahagyang pamumula ng magkabilaang-tainga niya. "Tulad nang sinabi ko, maganda ang ugali niya kaysa sa ibang ikinakama ko. Hindi naman tama na pagkamalan mo siyang katulong." Sabay iling. "At saka, kahit kailan hindi ako naging masama kahit pa, ka-fling ko lang sila." Ngumisi pa siya. Marahan naman itong tumawa. Umiling-iling pa na tila hindi ito makapaniwala sa pagkababaero niyang tao! "So, mukhang magtatagal ang laro niyong dalawa?" Tumaas ang sulok ng labi nito. At tumaas pa ang kanang kilay nito habang may kapilyuhan sa mga mata. Alam na alam nito ang laro niya pagdating sa mga babae. Ngunit natahimik si Kenneth sa tanong nito. Kay Hanna niya lang naranasan ang bagay na tila hindi siya nagsasawa kung anong mayroon silang dalawa? Ni hindi niya nga naisip na may hangganan din ang ugnayan nilang dalawa. Sa ngayon, masaya siya sa piling nito. "Maganda siya at halatang hindi maharot kagaya ng mga naging babae mo na pagkatapos mong pagsawaan, balak pa kaming gapangin!" bigla itong humalakhak. Napailing-iling naman si Kenneth. "Pero kung aayawan muna, pwede namang--" Napahinto ito nang biglang sumeryoso ang mukha niya. Tila may kung anong bigat sa dibdib ang naramdaman ni Kenneth! Binalingan niya ito. "Pakialaman niyo na ang ibang babaeng pinagsawaan ko, huwag na huwag niyo lang pakikialaman si Hanna." Gumalaw ang panga ni Kenneth. Hindi niya maintindihan kung bakit nanikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya, walang ibang magmamay-ari o gagalaw kay Hanna kun'di siya lang! "Woah, chill bro!" bigla itong tumawa. "Iba na 'yan ha?" makahulugang bigkas nito at nang-aasar itong tumawa. Pabiro pa nitong hinampas ang balikat niya. "Sa inaasal mo, mukhang tinatamaan ka na sa kanya!" Agad siyang umiling. "Hindi lang siya katulad ng ibang babae." Iyon lang at kaagad na siyang sumakay sa sariling sasakyan. Biniro pa siya nito ngunit binalewala na lang iyon ni Kenneth. Nagtataka siya sa sarili kung bakit ayaw niyang nababastos si Hanna, lalo na ang pag-usapan. Samantalang sa ibang babae, tuwang-tuwa pa siyang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. Natitikman pa nga ng mga ito! Ngunit pagdating kay Hanna, tila bumugso ang galit sa dibdib niya, na parang makakapatay siya oras na pakialaman ng mga ito. Ngunit alam naman ni Kenneth, na hindi pinapakialaman ng mga ito ang ka-fling niya kung walang permiso mula sa kanya. Kakaiba lang talaga si Hanna. At hindi niya alam kung bakit! Pakiramdam ni Kenneth, ang lapit-lapit nito sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD